You are on page 1of 1

LLOVIT ARIANE CALLOS

BPA-2B
SINESOS
2/15/24

Ang Teoryang Realismo ang madalas kong makita sa mga pelikulang Pilipino.
Marahil mas naipapakita sa mga manonood at naipapahayag ang totoong kahulugan
ng buhay. Madaling makuha nito ang atensyon ng mga tao at maraming reyalisasyon
ang matututunan sa mga ito. Sa henerasyon natin ngayon, na maraming aspeto ang
maaring kuhanan ng inspirasyon ng mga direktor sa pag likha ng pelikula na tatatak
sa masa. Andyan ang sa politika, sa pamilya, sa trabaho, legal o ilegal na mga
kaganapan mapa kumunidad o sa bansa.
Ang pelikula bilang boses na kaagapay ng masa. Magmula sa karakter at mga tao sa
likod ng kamera. Nagbibigay ng iba't ibang bersyon ng buhay, at may kakayanang
magbahagi ng mensahe at aral sa bawat isa. Halimbawa ang pinaka may mataas na
"rate" sa kasalukuyan ang pelikulang "Rewind" na pinagbibidahan ni Dingdong
Dantes at Marian Rivera na tumalakay sa kung gaano kaikli ang buhay, kwento ng
pagsasamahan ng mag-asawa. Sinubok ng panahon, pinatatag ng mga problema at
itinama ang mga kamalian. Ipinakita kung gaano kahalaga ang presensya ng
magulang at kada indibidwal sa paghubog sa pagkatao ng kaninalang anak.

Nariyan din ang GOMBURZA ang tatlong paring martyr. Na pinagbibidahan ni


Enchong Dee, Cedric Juan at Dante Rivero. Na hango rin sa totoong pangyayari.
Isinabuhay at muling binalikan ang mga kaganapan noong panahong naghahari ang
mga spanyol. Pampublikong binitay sa pamamagitan ng isang garrote noong Pebrero
17, 1872, sa Bagumbayan. Sinasabi na sila'y napatunayang nagkasala at kinasuhan
ng pagtataksil at sedisyon. Muling nagpamalas ng katapangan at kagitingan ang mga
pilipino noon kahit tayo ay nasa kamay ng mga espanyol humantong man ito sa
kalungkot lungkot na pangyayare masasabi natin na sila'y naging parte o isa sa mga
rason kung bakit tayo malaya ngayon.
Ang teoryang Realismo bilang isa sa mga mahirap na maaaring maging sentro
ng isang pelikula sa kadahilanang kinakailangan nito ng matinding pagsusuri at
pagsasaliksik upang makapag latag ng tama, angkop at nararapat na impormasyon
para sa mga manonood. Hindi maari na ito'y teoryang reyalismo at may nga eksena o
pangyayare sa pelikula na hindi naman kapani-paniwala dahil ito'y lamang
magdudulot ng kalituhan at lalabas na panlilinlang lalo na kung ang mga pelikulang
ito ay patungkol sa ating kasaysayan at sa politka, mayroon itong malaking epekto at
maaaring maging inpluwensya sa kung paano natin tingnan, intindihin at magbigay
ng opinyon sa isang bagay, o isyu at tayo, bilang isang indibidwal.

You might also like