You are on page 1of 1

Lea B.

De Galicia BSED 1-2 Readings in Philippine History

Tahol, Goyo, Tahol!


( Idolo o Prinsipyo?)

Hindi maitatanggi na kabilang sa isa sa mga namayagpag at gumawa ng ingay ngayong


taon ang pelikulang Goyo: Ang Batang Heneral. Ito ay sa direksyon ni Jerold Tarog na siya ring
gumawa ng Heneral Luna. Bagama’t ang pelikulang ito ay pagpapatuloy lamang ng Heneral
Luna, binigyan naman tayo nito ng kakaibang emosyon na hindi natin nadama sa naunang
pelikula.
Pinausbong ng pelikulang Heneral Luna ang ating damdaming makabayan at ang
masidhing pagkapoot sa mga nanakop sa ating bayan ngunit iba ang naging dating ng pelikulang
Goyo, naghatid sa atin ito ng isang tanong na bayani nga bang maituturing ito? Pinag dudahan
natin at binigyang pansin ang mga pangyayaring magpapatunay na bayani nga bang talaga si
Goyo.
Halo-halong emosyon ang madarama sa panood ng pelikula. Una ay ang pagkapoot sa
mga naging desisyon ni Aguinaldo, kung sana’y pinakinggan niya si Luna ay hindi mangyayari
ang lahat ng iyon. Pangalawa, pagka awa sa mga taong namatay dahil sila ay tapat sa prinsipyo
at tumataliwas sa utos ng idolo. Pangatlo, masidhing pagkamuhi sa mga Pilipino na tinraydor ang
mga kapwa Pilipino. Panghuli, kilig at panghihinayang sa hindi natuloy na pagmamahalan ni
Goyo at Remedios.
Ang pelikulang Goyo ay may malaking ambag sa kasaysayan natin ngayon. Makikita
natin na hindi lahat ng ating bayani ay perpektong maituturing na tila’y walang nagawang
kamalian. Taliwas sa inaasahan, binigyang diin sa pelikula kung paanong ang isang batang
heneral ay tila isang asong masunurin sa pinag uutos ng kaniyang amo na si Aguinaldo. “Tahol,
Goyo, Tahol” ang isa sa mga linyang tumatak sa puso ng mga manonood. Umusbong ang ilang
mga katanungang ano nga bang talaga ang pinaglalaban natin? Para kanino ba tayo
nakikipaglaban? Para nga ba sa bayan o para sa isang taong iniidolo natin? Tapat nga ba si Goyo
sa bayan o tapat siya kay Aguinaldo? Kung susuriin natin, si Goyo ay tapat sa idolo na kaniyang
ikipinahamak at si Luna naman ay tapat sa prinsipyo. Prinsipyo na ipaglaban at bigyang
kasarinlan ang ating bansa ngunit sa huli ay nabigo rin siya. Minsan ay mapapaisip na lamang
tayo na saan nga ba tayo lulugar dahil kung susumahin ay pareho lamang ang kinahinatnatan ng
ating mga bidang bayani. Patuloy ba tayong makikibaka at sasaliwa sa alam nating mali o
susundin na lamang ang utos ng mga naghahari?
Sinasabing kaya mahalaga ang kasaysayan upang hindi na maulit pang muli ang mga
kamalian sa kinabukasan. Subalit meron talagang mga pangyayari na kahit anong pilit mong
ipaglaban o iwasan na hindi mangyari ay mangyayari pa rin. Isa ang pelikulang ito na nagbigay
inspirasyon upang hanapin natin ang kasagutan sa ating mga tanong. Tanong kung paano tayo
napunta sa hawlang kinsasadlakan natin ngayon at kung papaanong ang nakaraan ay umuulit na
sa ngayon. Napakahalaga ng papel na ginampanan ng mga bayaning ito sa ating kasaysayan. Isa
sa mga aral na mapupulot natin dito ay “tandaan mo kung sino ka”. Alalahanin mo ang mga
nagawa mo dahil ang iyong sarili ang sariling sandata laban sa mga gumagapi sa sarili mong
espada.

You might also like