You are on page 1of 5

PORMAT SA ISANG PAGSUSURING PAMPELIKULA

I. Pamagat ng Pelikula: The Healing

II. Direktor ng Pelikula: Chito S. Roño

III. Podyuser: Star Cinema

IV. Mga Tauhan:


1. Vilma Santos – bilang si  Seth, ang pangunahing tauhan sa pelikula
2. Kim Chiu – bilang si Cookie, kapatid ni Jed sa parehong tatay
3. Martin del Rosario – bilang si Jed, anak ni Seth at kapatid ni Cookie
4. JhongHilario – bilang si Dario, ang binuhay at ginamot ni Manang Elsa,  siya rin ang
dahilan ng kamatayan ng mga tao sa pelikula, dahil kinukuha niya ang mga kaluluwa para
ganap siyang mabuhay muli.
5. Daria Ramirez – bilang si Manang Elsa, ang tagagamot o “faith healer”
6. Pokwang – bilang Alma, isang med tech na nagtatrabaho sa Dubai na nag pa  faith healing
din.
7. Janice de Belen – bilang si Cita, ina ng batang nagpa faith healing
8. Joel Torre– bilang si Melchor, ang kapatid ni Manang Elsa,  ang siyang bumaril kay Dario
para ito’y  mamatay.

V. Tema ng Pelikula:

Ang pinahihiwatig ng temang ito ay masakit man sigurong isipin pero dapat ay hindi na
dapat pang mabuhay ang patay.

Sa pelikulang ito, pinalabas na ang nagiging kabayaran ng isang taong muling nabuhay
ay pag-aalay ng ibang kaluluwa upang manatiling mabuhay kung saan ay isang kamalian.
Ang buhay ng tao ay mahalaga. Ang buhay ay buhay nanararapat pang mabuhay. Ang
namatay ay dapat napatay.

VI. Buod ng Pelikula:

Nag simula ang kwento sa bahay ni Manang Elsa. Marami ang dumarayo sa bahay niya
para magpagamot o magpa “faith-healing”. Dahil sa marami nang tao ang nagamot ni
Manang Elsa, nagbaka sakali si Seth na mapapagaling nito ang kanyang tatay na may
karamdaman. Gumaling naman ito at bumuti rin ang pakiramdam. Nang makita ni Seth
gumaling ang tatay niya’y dinala din niya ang ibang kasamahan at kaibigan para
malunasan ang kanilang karamdaman.
Sa kabila ng mabubuting dulot ng pagpapa “faith-healing” ay kasawian at kamatayan ang
naging kapalit nito. Ito’y dahil kay Dario, ang binuhay ni Manang Elsa mula sa
kamatayan. Siya ang sanhi ng lahat-lahat ng mga problema sa kadahilanang nais niyang
ganap na mabuhay at magagawa lamang niya ito kung makakauha siya ng mga kaluluwa
ng napa “faith-healing”. Kinakailangang putulin ang sumpa para wala ng buhay pa ang
masawi. Tanging kamatayan lamang ni Dario ang magiging lunas sa lahat-lahat ng mga
pangyayari.

Ang katapusan ng kwento ay ang pagbaril ni Melchor kay Dario habang ito’y nasa
kulungan para matigil na ang sumpa. Tanging si Cookie lamang ang natira sa lahat ng
nag pa “faith-healing” kay Manang Elsa.

VII. Banghay ng mga Pangyayari:


a. Panimula:
Dinala ni Seth ang kanyang tatay kay Manang Elsa para mag pa “healing” dahil sa
malubha nitong karamdaman. Nang gumaling ang kanyang tatay kay Manang Elsa,
dinala niya ang kanyang mga kasamahan kay Manang Elsa para magpa-healing o
magpagamot.

b. Saglit na kasiglahan:

Lahat ng mga kasamahan niya’y bumuti ang kalagayan. Sa kabila ng pagaling ng


kaniyang mga kasamahan ay may kapalit pala itong sumpa. Isa-isa silang namatay tuwing
nakikita nila ang kanilang “doppleganger”, simula sa unang nagpahealing at sunod-sunod
na.

c. Tunggalian:

Ang tanging paraan lamang para matigil ang sumpa ay ang kamatayan ni Dario na
binuhay ni Manang Elsa. Si Dario ang dahilan kung bakit sunod-sunod na namamatay
ang mga taong nag pa healing kay Manang Elsa. Nais niyang ganap na mabuhay, at
magagawa lamang niya ito kung makukuha niya ang mga kaluluwa ng mga nag pa
“healing” kay Manang Elsa.

d. Kasukdulan:

Nang si Cookie na ang susunod na mamatay, nilabanan nila ang “doppleganger” ni


Cookie para hindi matuloy ang kamatayan nito. Sa kabilang banda, sa kulungan kung
saan nandoon si Dario, ay binaril siya ni Melchor at ito’y namatay. Sa pamamagitan nito
natigil na ang sumpa dahil sa kamatayan ni Dario.
e. Kakalasan:
Natigil lamang ang sumpa ng si Cookie, ay binantayan nina Jed at Seth ng magdamagan
upang hindi siya malapitan ng kanyang Dople Ganger. Hanggang sa sumapit ang
kaarawan ni Seth, doon na sila nagharap ng Dople Ganger ni Cookie, ngunit naman
pigilan naman kaagad dahil pinatay ni Melchor si Dario sa loob ng piitan niya. Doon
lamang natigil ang sumpa at doon nagtapos ang kuwento.

f.  Katapusan:

Ang wakas ng kwento ay natigil ang sumpa dahil sa pagpatay ni Melchor (kapatid ni
Manang Elsa)kay Dario sakulungan. Tanging si Cookie lamang ang nabuhay at
nakaligtas sa kamatayan sa lahat ng nagpa healing kay Manang Elsa matapos buhayin o
nabuhay si Dario.

VIII. Mga Aspektong Teknikal


a. Sinematograpiya
Ang uri ng pelikula na aming napanood ay suspense na may horror.Ang pagkagawa ng
pelikula ay sinadya para takutin o gulatin ang mga manonood ngunit meron talagang
ibang parte na hindi masyadong kumbinsing at hindi makatotohanan. Sa kabila nito ay
mabisa pa rin ang pelikula dahil madaling maiintindihan  ang bawat pangyayari at ang
pokus sa bawat tauhan ay pantay at nababagay sa nangyayaring eksena.
b. Musika
Ang mga kuha at angulo ng mga “clips” ay mabisa at angkop sa uri ng pelikula. Ang
ginamit din na mga tunog o “sound effects” ay talagang epektibo dahil tugma sa dapat
mangyari o nangyayari na.  Totoong hindi hinabi ang pelikula para lamang manggulat at
manakot sa mga manonood, pagkat maliwanag na may kuwento itong isinasalaysay. Sa
kabuuan, naging mabisa ang ang cinematograpiya ng pelikulang “The Healing.
c. Visual effects
Kung pag-uusapan ang aspektong teknikal, maraming ginamit na mga heavy-special-
effects sa pelikula. Halimbawa, ang paghaba ng ulo ng isang “doppleganger” ng babae
bago ito mamatay. Ito ay isa lamang halimbawa ng mga special-effects na ginamit sa
pelikula. Masasabing angkop at mabisa ang pagamit ng special-effects sa ganitong uri ng
genre sa pelikula upang maging kapanapanabik at kamanghamangha ang isang pelikula
sa mga manonood.

d. Set design
Maihahambing na rin sa mga pelikulang imported at nakahihigit ang kalidad ang
pagkakagamit ng CGI (computer generated images) sa The Healing, bagama’t wala itong
bagong naidagdag sa genre.

IX. Panlipunang Nilalaman o Social Content ng Pelikula

Layunin ng palabas na magbigay-aliw sa nakakatakot na paraan at maghatid ng


impormasyon sa mga manonood.

X. Kabuuang Mensahe/ Aral ng Pelikula

“Isipin muna ng maraming beses ang gagawing desisyon sa buhay, huwag basta padalos-
dalos. Ang isang maling desisyon ay maaring magdulot ng masama sa iyong pagkatao.”
“ Huwag magpadalos-dalos sa anumang gagawing desisyon. Alamin muna ang  sanhi at
magiging bunga nito hindi lamang sa ikabubuti ng iyong sarili kung hindi pati na rin sa
kabutihan ng ibang tao. ”    
Ang buhay ng tao ay hindi hawak ng sinuman kundi ng Diyos lamang. Ang buhay ay
mahalaga kung kaya't alagaan ito at tanggapin ang bunga ng mga pagdedesisyong
ginawa. Mas manalig din sa Diyos imbes na tangkilikin ang mga masasamang
salamangkang nagaganap sa mundong ito.

XI. Koklusyon at Recomendasyon

Sa kabuuan, ang pelikula ay naghatid ng iba’t ibang mensahe na mahalaga at


mga impormasyon kailangang malaman. Kung kaya’y maiirekomenda ko ito
sa iba na hindi pa nakapanood lalo na sa mga estudyante para alam din nila
ang mga nangyayari sa kanilang paligid at para na rin sa kanilang pag-aaral
na hindi lamang dapat hanggang sa apat na sulok ng silid-aralan.
Makakatulong din ang pelikulang ito sa pagsagot sa mga hinuha o kaisipan ng
ibang tao katulad sa tamang paraan ng pagpapagamot.

You might also like