You are on page 1of 15

Gabay ng Pagkatuto sa: PAN 2.

Sinesosyedad/ Pelikulang
Panlipunan Modyul 4:

The Great Plebeian College


Alaminos City, Pangasinan
A.Y. 2021-2022

Modyul 4
Sa

Pan. 2
Sinesosyedad/
Pelikulang Panlipunan
1:00 – 2:00 (SET A)
4:00 – 5:00 (SET B)
MWF
(BSBA / BSA )

Associate College Instructor:


JOSEPH R. RAFANAN, LPT
FB Account: https://www.facebook.com/joseph.rafanan.2
Email: josephrrafanangpc@gmail.com

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 1
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: PAN 2. Sinesosyedad/ Pelikulang
Panlipunan Modyul 4:

LAGOM PANANAW

Sa talakayan na ito, mapag-aaralan ang iba’t ibang mga pelikula tungkol sa Pelikula
hinggil sa teknolohiya, modernisasyon at iba pa, ganoon din na tatalakayin ang Pelikula
hinggil sa ekonomiya, politika at kasaysayan. Palalawakin ng mga Pelikulang ito ang mga
kaalaman patungkol sa mga nabanggit na tema ng panood.
Ano nga ba ang magiging kinalaman nito sa kinukuhang kurso at paano ito
makatutulong sa mga gawain o napag-aaralan. Sisikapin ng modyul na ito na maihayag ang
kakayahan at kaalaman ng mga mag-aaral upang makamit ang mga inaasahang kalinangan
na matamo sa pagtatapos ng modyul na ito. Inaasahan ang pagiging produktibo at
partisipasyon ng mga mag-aaral upang mas mapalawak ang kanilang kamalayan at
kaalaman.

MGA LAYUNIN

 Naipaliliwanag ang piling teorya sa pagsusuri ng pelikulang panlipunan.


 Nagagamit ang wikang Filipino sa pagsulat ng komparatibong pagsusuri
ng pelikulang panlipunan.
 Makapagpapahayag ng mga makabukuhang kaisipan hinggil sa kabuluhan sa
lipunan ng mga paksang pelikula.
 Mapanuring maisasakatuparan ang makrong kasanayang panonood
 Napalalim ang pagpapahalaga sa mga positibong aspekto ng kultura ng
mga mamamayan sa iba’t ibang panig ng mundo
 Malilinang ang adhikaing makapag-ambag sa pagbabagong panlipunan
 Makapag-aambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng
makabuluhan at mataas na antas ng diskursong pangkultura, pampanitikan at
pampelikula.

MGA NILALAMAN

Kabanata 8:
Pelikula hinggil sa teknolohiya, modernisasyon at iba pa

Kabanata 9:
Pelikula hinggil sa ekonomiya, politika at kasaysayan

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 2
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: PAN 2. Sinesosyedad/ Pelikulang
Panlipunan Modyul 4:

TALAKAYAN/ DELIBERASYON

Kabanata VIII
PELIKULA HINGGIL SA TEKNOLOHIYA. MODERNISASYON AT
IBA PA
A. INTRODUKSYON
Layunin ng ano mang lipunan ang mapaunlad ang kalagayan nito. Ibig sabihin ng
kaunlarang ito ang pagkakamit ng kakayahang isuplay ang pangangailangan ng mga
mamamayan at makapagprodyus din ito ng mga kalakal, produkto at serbisyo hindi lamang sa
panloob na pangangailangan kundi para rin sa pangangailangan ng ibang mga bansang may
kakulangan sa naturang produkto o serbisyo. Karaniwang maiuugnay ang pag-unlad na ito sa
konsepto ng modernisasyon.

Sa konteksto ng aralin, titingnan ang konsepto ng modernisasyon sa tanaw ng


Sosyolohiya. Ang modernisasyon ay tumutukoy sa transpormasyon ng lipunan mula sa estadong
tradisyonal, rural o agrayian tungo sa isang lipunang sekular, urban at industriyal (Kumar, 2009).
Higit namang holistiko ang pagtanaw ni Martinelli (2005) sa modernisasyon. Ayon sa kanya, by
modernization we mean the sum of the processes of large scale change through which a certain
society tends to acquire the economic, political, social and cultural characteristics considered
typical of modernity. Ibig sabihin, dapat inklusibo at pangkabuuan ang mga modernisadong
pagbabago sa isang lipunan.

Sa iba't ibang lugar sa mundo, ang modernisasyon sa iba't ibang larangan ng lipunan ay
pangunahing dulot ng pag-unlad sa syensya at teknolohiya. Ito marahil ang dahilan kung bakit
pinagtutuunan ng pansin ng mga pinakamauunlad (developed) na bansa sa daigdig ang mga
larangang ito. Sa pag-unlad ng syensya at teknolohiya, umuunlad din ang edukasyon,
agrikultura, kapaligiran, komunikasyon, kalusugan at sanitasyon, imprastraktura at maging ang
pamahalaan (Naikoo, 2018). Kung gayon, mahalagang mapagtuunan din ng pansin ng mga
mahihirap (underdeveloped) o umuunlad (developing) na bansa tulad ng Pilipinas ang
pagpapaunlad sa mga larangang ito para sa higit na paglago ng iba pang aspektong panlipunan.

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 3
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: PAN 2. Sinesosyedad/ Pelikulang
Panlipunan Modyul 4:
Sa kaso ng Pilipinas, tinatanaw nito ang isang mas maunlad na lipunan ayon sa
Development Plan 20172022 ng National Economic and Development Authority. Sa planong ito,
may tatlong muhong uunan:
1) pagpapaunlad sa panlipunang malasakit (malasakit),
2) pagpapababa sa 'di pakapantay pantay sa lipunan (pagbabago), at
3) pagpapataas ng akses sa patuloy na pag-unlad (patuloy na pag-unlad).

Sa mga tuong ito, nais ng pamahalaan na magkaroon ng transpormasyon sa kalagayan ng


bansa. Partikular na nais bigyang pansin ang sumusunod sa ilalim bg bawat tuon:

1. Malasakit
a. Pagtiyak ng isang makatao, malinis at episyenteng pamamahala;
b. Pagpapatuloy ng isang maayos at walang pagkiling na implementasyon ng katarungan;
at
C. Pagsusulong sa kultura at pagpapahalagang Pilipino.

2 Malasakit
a. Pagpapalawak ng mga ekonomikong oportunidad sa pagsasaka at pangingisda;
b. Pagpapalawakng mga ekonomikong oportunidad sa industriya at serbisyo sa tulong ng
trabaho at negosyo;
C. Pagpapabilis sa paglinang sa kakayahan ng mga tao
d. Pagpapababa sa mga panganib kaugnay ng tao at pamilya; at e. Pagtiyak ng isang
tahimik na komunidad.

3. Patuloy na Pag-unlad.
Pagpapaunlad sa syensya, teknolohiya at inobasyon. Sa mga nabanggit na tuong ito, may
mga hakbang ang pamahalaan upang abutin ang mga plano para pangkalahatang pag-unlad ng
Pilipinas. Isa na rito ang CARS o Comprehensive www.ww Automotive Resurgence Strategy.
Ang programang ito ay naglalayong isulong ang pagmamanupaktura ng mga bahagi ng mga
sasakyan (Santos, 2017).

Ayon sa inilabas na EO. 182, s. 2012, ang CARS ay naglalayong palakasin ang industriya
sa paggawa ng mga sasakyan at itampok ang Pilipinas bilang sentro ng pagawaan ng sasakyan sa
rehiyon. Sa layuning ito, mabibigyan ng higit na maraming oportunidad ang mga Pilipinong
propesyonal at mga skilled worker sa trabaho. Noong 2014, sa buong Southeast Asia,

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 4
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: PAN 2. Sinesosyedad/ Pelikulang
Panlipunan Modyul 4:
pumangatlo ang Pilipinas,sa produksyon ng mga sasakyan dahil nakagawa ito ng 27,070
pampasaherong sasakyan at 61,750 komersyal na sasakyan. Nanguna naman ang Indonesia at
Malaysia bilang mga prodyuser ng sasakyan (Asean Automotive Federation; sa Santos, 2017).
Dito nagmumula ang pagnanais na lalo pang mapaunlad ang kakayahan ng bansa sa larangang
ito at makapag ambag ng higit na debelopment para sa mga Pilipino at bansa sa kabuuan.

Kaugnay pa rin ng industriyalisasyon, matunog ang iskemang Build, Build, Build ng


administrasyong Duterte. Sa Metro Manila pa lamang, may 293 proyektongg nakaplano na
nagkakahalaga ng PhP1804 bilyon. Sinundan naman ito ng ARMM na may 955 proyektong may
halagang PhP 50.7 bilyon. Marami ring natukoy na proyekto saiba pang rehiyon tulad ng
Northern Mindano (U7, PhP50.3 bilyon), Eastern Visayas (147; PhP19.8 bilyon), Caraga (66;
PhP28.8 bilyon), at iba pang mga rehiyon (2,892; PhP598 bilyon). Sa kabuuan, aabot ng PhP 3.6
trilyong piso ang halaga ng grandiosong proyekto (Padilla, 2017). (Ang pondo sa mga
proyektong ito ay inutang/uutangin sa Tsina nang may napakalaking interes)) Ngunit, ang
kalakhang bahagi ng mga proyekto ay hindi pa naisasagawa at ito ay isang malaking kabiguan
dahil sa mabagal na pagkakatupad ng mga proyckto.

Malaki sana ang naiaambag ng mga ito sa paglikha ng mga trabaho, kahit pansamantala
ng lamang. Inaasahang mas magdudulot din naman ang mga proyekto ng higit na maayos na
serbisyong panlipunan lalo na sa mga mahihirap na Pilipino, kunh hindi sana inepisyente ang
mga tagapagpatupad nito at ayon sa nmarami, kung hindi kinukurakot ang mga pondo para sa
mga proyektong ito. Halimbawa, ang proyektong MRT7 at iba pang proyekto ng MRT LRT na
puno ng maraming kontrobersya, ay inaasahang makagiginhawa sa daan libong pasahero sa
Maynila at mga karatig na probinsya tulad ng Bulacan at Rizal.

Kung mas mapapadali ang byahe at galaw ng mga tao, mas makalilikha rin ito sana ng
mas malalaking oportunidad para sa marami, kung ang pangako ng pag unlad ay hindi napapako.
Samantala, sa isang ulat sa Inquirer.net, sinasabing bumilis ang Internet bandwith sa bansa mula
7.9 mbps noong 2016 sa 19.28 mbps noong 2019. Nagtala ito ng 143.74% na pagbilis ng internet
speed (Mercado, 2019). Dahil sa pagbuting ito, mas mabilis na ang Internet sa Pilipinas kumpara
sa ibang kapitbahay na bansa sa ASEAN tulad ng Brunei, Myanmar, Indonesia at Cambodia.
Inaasahan ding bababa ang presyo nito dahil inendorso ng pamahalaan ang pagpasok ng ikatlong
Telco para manyutralisa ang paghahari at monopolyo ng mga kompanya ng komunikasyon.
(Ngunit, saan manggagaling ang ikatlong Telco?

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 5
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: PAN 2. Sinesosyedad/ Pelikulang
Panlipunan Modyul 4:
Naaayon ba sa batas at tamang proseso ang pagpasok nito sa bansa?) Magandang balita
raw ito lalo na't ang Pilipinas ay pangunahing Internet user sa buong mundo. Mas mabibigyan
daw ng akses ng ganitong pag-unlad ang mga mas mahihirap para sa mga impormasyong
mahalaga sa edukasyon, mga propesyon at iba pa. Maliban dito, ang mas malawak na akses at
mas mabilis na speed ng Internet ay magpapabuti rin daw sa lagay ng elektronikong
komunikasyon ng mga Pilipino. Karaníwang anyo ng komunikasyon na ang e-mail at ang mga
messaging system ng mga social media na may v01Ce at text messaging pa. Paraan din daw ito
ng mas malawak na ugnayan ng mga Pilipino sa iba't ibang bansa at ng pagpapalaganap sa
kultura at promosyon ng turismo ng Pilipinas. Ngunit ang ng tanong, sino nga ba ang mas
nakikinabang sa pagbabagong ito?

Sa kaso ng agrikultura, huling huli na ang Pilipinas kumpara sa mga karatig- bansa sa
ASEAN. May mga pagsususmikap pa rin namang ginagawa raw ang pamahalaan sa
pagpapaunlad nito. Ilan diumano sa tuon ng pamahalaan kaugnay sa pagpapaunlad sa agrikultura
ang Jarmer empowerment at agricultural modernization. Kaugnay ito ng Agriculture and
Fisheries Modernization Act noon pang 1997 na naglalayong imodernisa ang produksyon,
pagbebenta at mga pantulong na serbisyo. Kasama rin dito ang patuloy na ekstensyon para sa
research and development, enterprise development, value addition, pagproseso sa mga procukto,
pakikipagpalitan at eksport (Dar, 2019).

May mga inisyatiba rin diumano sa pananaliksik para sa pagpapaunlad sa mga


pangunahing produkto ng Pilipinas gaya ng kape, niyog, saging at iba pa. Patuloy rin ang mga
pananaliksik sa pagpapabuti ng ani ng palay at mais. Halimbawa, nagpanukalang magtayo ng
isang coffee rcsearch, development, and cxtension center sa Cavite State University ang Senado
ng Pilipinas. (Ngunit, sa isang Senate hearing, binatikos ng isang senadora ang isang kagawaran
ng pamahalaan dahil diumano sa pagkahumaling sa research!) Ilang mekanismo rin daw sa
pagpapaunlad ng kagamitang pangpagsasaka ang isinusulong gaya ng paggamit ng modernong
kagamitan sa pagbubungkal ng lupa, pagtatanim at paggapas.

Ang tanong: Sapat na ba ang mga pagbabagong ito upang makaagapay sa mga
kapitbahay nating bansang nag-aral sa Pilipinas ng agrikultura ngunit milya-milya na ang layo sa
ating bansa sa larangang ito? Patuloy rin daw ang modernisasyon ng sangay ng hukbong militar
ng bansa. Kaugnay ito ng AFP Modernization Act. Ilan diumano sa mga naitalang pagbabago sa
sangay na ito ang pagkakaraoon ng kauna-unahang amphibious assault vehicle, pagbili ng mga
submarine, pagbili ng mga helicopter at maging mga bagong armas. (Saan at kanino kaya

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 6
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: PAN 2. Sinesosyedad/ Pelikulang
Panlipunan Modyul 4:
gagamitin ang mga ito? Saan galing ang pondo? Sino ang nakinabang?) Sa anibersaryo ng AFP
noong 2019, ipinagkaloob ng administrasyon ang Air Defense Radar System at ang FA-50 Flight
Simulator na sinamahan pa ng anim na A-29B Super Tucano Aircraft.

llan pa lamang ang mga nabiling ito para sa inilaang budget na PhP 139 bilyon para sa
ikalawang yugto ng Revised Armed Forces of the Philippines Modernization Program (The
Manila Times). Sa kabila ng samut saring ispekulasyon at kritisismo, inaasahang makapag-
aambag daw ito para sa depensang militar at mas makabuluhang intelligence information para sa
seguridad ng bansa. Sa pangkalahatan, patuloy na umuunlad ang mundo. Patuloy na
nakakatuklas ng mga gamot at prebensyon ng mga sakit.

Sa transportasyon, naipapakilala ang mga fast speed train at nakaimbento na ng mga


sasakyang elektroniko o hydro powered na napakalaking tulong sa kalikasan. Ang edukasyon
ngayon ay maaari nang makuha sa virtual na mundo o onlinc. Patuloy naman ang inobasyon sa
mga kagamitang pangkomunikasyon tulad ng mobile phone at kompyuter at nagkakaroon ng
mas mabilis na Internet at kapabilidad nito na lubos na pínakikinabangan ng mundo.

Gumaganda rin daw ang lagay ng produksyon ng pagkain at marami pang iba. Ang
tanong, gaano kadama sa Pilipinas ang mga nabanggit na pagunlad? Sa mga hakbang na pag-
unlad na ito ay marami ring mga puna at kahinaan. Madalas, superpisyal ang mga ito at
nagbububsod ng personal na interes ng mga namumuno o kaya ay nagiging sanhi ng lalong
marhinalisasyon ng mga mahihirap. Sa madaling salita, hindi tunay na inklusibo ang mga
pagbabagong nagaganap.

Dahil dito, dapat maging mapanuri pa rin ang taong bayan sa mga pagbabagong
isinusulong ng pamahalaan. Dapat tiyakin pa ring ito ay pinakamabuti para sa lahat o sa mas
nakakararami lalo na sa masang naghihirap at api. Ano mang haing transpormasyon sa isang
larang sa lipunang hindi paborable sa nakararaming tao ay dapat na irekonsidera sapagkat dapat
na nagsisilbi nang totoo sa bayan ang ano mang pag-unlad. Kung kaya, malaki rin ang
ginagampanang tungkulin ng mga literatura at pelikula sa pagmumulat sa mata ng bayan at
paghuhulma ng kritikal na isipan nito sa kalagayan ng lipunan. Ang mga pelikula hinggil sa pag-
unlad at modernisasyon ay dapat tingnan hindi bilang pang-aliw lamang o superpisyal na
nagbibigay-impormasyon. Manapa, dapat ituring ang pelikula bilang behikulo din upang magsuri
nang kritikal sa tunguhin ng mga pag-unlad na inihahain sa at tinatamasa ng bayan.

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 7
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: PAN 2. Sinesosyedad/ Pelikulang
Panlipunan Modyul 4:

B. IBA PANG BABASAHIN


Iminumungkahing sipatin ang sumusunod na babasahin: .
1. Pana-panahon ang Pagkakataon ni V. Valentin
2. Imagining Anti/Altercapitalism A Marxist Reading of Selected Contemporary Dystopian
Films ni D.M. San Juan
3 Iba pang suring pelikula sa Pinoy Weekly at Plaridel Journal

C. MGA PeLIKULA HINGGIL SA KALIKASAN


Ilan sa mga pelikula hinggil sa teknolohiya, modernisasyon at iba pa ay ang sumusunod:
1 April and the Extraordinary 6. Cloud Atlas (2012) World (2015)
2 Ethel and Ernest (2016) 7. Snowpiercer (2013)
3 RPGMetanoia (2010) 8. Elysium (2013)
4 The Future of Work and Death (2016) 9. In Timc (2011)
5. Ex Machina (2015) 10. Matrix (1999)

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 8
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: PAN 2. Sinesosyedad/ Pelikulang
Panlipunan Modyul 4:

Kabanata X
PELIKULA HINGGIL SA EKONOMIYA, POLITIKA AT
KASAYSAYAN

A. INTRODUKSYON

Mabibigo ang ano mang pagtatangkang suriin ang ekonomiya, politika at kasaysayan ng
isang lipunan kung hindi ito magkakasabay at isahang uunawain. Halimbawa, kailangang
taluntunin ang kasaysayan upang lubusang maunawaan ang kalagayang pampolitika at pang
ekonomiya ng Pilipinas. Gayon din mabibigong maunawaarn ang mga aral ng kasaysayan kung
hindi matalas na susuriin ang mga kahinaan ng kasalukuyang sistema ng pamamahala at
ekonomiya ng bansa. Mahalaga ang komprehensibong pagsipat sa tatlong ito upang magkaroon
ng buong pagsusuri sa kalagayan.

Mauugat sa mahabang kasaysayan ng pang aalipin at pananakop ang magpananggang sa


ngayon ay atrasadong kalagayang agrikultural at tila kolonyal na pagpapatakbo sa politika at
ekonomiya sa Pilipinas. Mahalagang maunawaan ang neoliberalismo bilang kasalukuyang
balangkas ng ekonomiya. Ang liberalismo ay lipon ng mga pang ekonomiyang polisiya na
umusbong noong ika-18 siglo sa pagkalimbag ng The Wealth of Nation ni Adam Smith (1776).
Ayon kay Smith, ang pag unlad ng ekonomiya ay makakamit lamang sa pag alis ng interbensyon
ng gobyerno sa ekonomiya. Ngunit, ang Great Depression noong 1930s ang nagtulak sa
ekonomistang si John Maynard Keynes na isulong ang pakikibahagi ng gobyerno mga bangko sa
pang ekonomiyang kontrol.

Muling binuhay ang liberalismo sa bagong porma nito, neoliberalismo. Naglalaman ito
ng mga polisiyang pang ekonomiya sa pagtatanggal o pagbabawas ng mga limitasyon sa mga
malalaking negosyo gaya ng kontrol sa paglabas at pagpasok ng kapital/puhunan, buwis sa
imported na produkto, mataas na corporate tax, mga batas na nagpoprotekta sa mga manggagawa
at iba pa. Ang mga tampok na katangian ng neoliberalismo ay liberalisasyon ng kalakalan sa
pamamagitan ng pagpapaunlad ng komunikasyon at transportasyon at pagtatanggal ng ano mang
porma ng hadlang sa kalakalan at komersyo tulad ng taripa at buwis.

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 9
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: PAN 2. Sinesosyedad/ Pelikulang
Panlipunan Modyul 4:
Kakikitaan din ito ng deregulasyon o malaking pagbawas kung hindi man tuluyang
pagtanggal ng kontrol ng gobyerno sa lahat ng makapipigil sa kita ng mga kapitalista at
pribatisasyon ng mga batayang panlipunang serbisyo tulad ng edukasyon, serbisyong
pangkalusugan at iba pa. Kung susuriin ang kalagayan ng ekonomiya at politika sa Pilipinas,
isang bansang hindi industriyalisado, litaw na litaw ang ganitong mga katangian ng
neoliberalismo. Hanggang sa kasalukuyan ay nakaasa sa pag aangkat ng yaring produkto at pag-
eeksport ng hilaw na materyales (xport-oriented, import dependent) ang Pilipinas.

Walang kakayahan ang sariling industriya upang magmanupaktura ng mahahalagang


produktong kakailanganin upang patakbuhin ang sariling ng ekonomiya. Mas mura naman ang
kayang eksport na mga hilaw na materyales kung kaya't palagian na ang deficit sa kita ng bansa.
Ang ganitong kawalan ng mga sariling industriya ay nagbubunsod din ng kakulangan sa trabaho
para sa mga mamamayan kung kaya't lahat ng administrasyon ng bawat pangulo ng Pilipinas ay
umaasa sa dayuhang pamumuhunan upang lumikha ng trabaho at makasapat sa pangangailangan
ng mga mamamayan.

Ibinabandera ang labor export policy ng pamahalaan sapagkat hindi sapat ang lokal na
trabaho at nakaasa sa remittance ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) ang bansa. Atrasado
at hindi mekanisado ang agrikulturang pangunahing layunin ang mag-eksport ng hilaw na
materyales. Saganitong kalagayan, hindi rin maiwasan ang pagkalugi ng mga lokal na magsasaka
dahil sa daluyong ng mga imported na produktong walang habas na nakakapasok sa bansa. Sa
kabuuan, laganap ang kahirapan, walang akses sa panlipunang seguridad, maayos na edukasyon
at disenteng kabuhayan ang mayorya ng mamamayan.

Sa pagpasok ng Pilipinas sa integrasyong ASEAN, naging mas matingkad ang pagiging


bangkarote ng ekonomiya ng bansa. Isa ang Pilipinas sa may pinakamataas na uncmployment
rate sa rehiyon.

Isa rin ang Pilipinas sa mga bansa sa ASEAN na may pinakamababang badyet para sa
panlipunang seguridad ng mga mamamayan nito. Sa kabila nito, talamak ang korupsyon sa bansa
at nagpapasasa sa kapangyarihan ang mga politiko ng bansa. Isa ang Pilipinas sa mga bansang
may malalang suliranin sa korupsyon. Ayon sa pag aaral ng World Bank noong 2008, sa
Silangang Asya, pinakamalala ang korupsyon sa Pilipinas at siyang kinakikitaan din ng
pinakamabagal na implementasyon ng mga reporma sa pamahalaan. Ayon sa 2009 Corruption
Perception Index, ikatlo ang Pilipinas sa 180 bansang kalahok sa may pinakamalalang korupsyon

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 10
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: PAN 2. Sinesosyedad/ Pelikulang
Panlipunan Modyul 4:
sa buong mundo. Halos kahanay natin ang mga bansang Pakistan, Bangladesh at Baltic State of
Belarus.

May korupsyon sa halos lahat ng antas ng gobyerno ng Pilipinas lalong lalo na sa mga
opisyal na mataas ang posisyon, ayon sa US Department of State Investment Climate Statement
(2013). Sa kalakhan ay nawawalan ng tiwala ang mga kompanya sa sistema ng pagsasabatas sa
Pilipinas dahil sa napakabagal na pagproseso s kaso sa hukuman.

Maging ang ilang nasa pinakamataas na posisyón ng golbyerno ay naparatangan at


napatunayan na sa salang korupsyon. Noong 2004, nasaksikhan natin ang kauna unahang
Pangulo ng Pilipinas na humarap sa pampublikong paglilitis sa kasong impeachment, si Joseph
Ejercito Estrada. Maraming ebidensya ang nagdawit sa kanya sa ilegal na jueteng at
pagkakaroon ng sekretong bank accounts na ginagamit niya sa pagtanggap ng mga suhol. Sa
2004 Global Iransþarency Report, naging pansampu si Estrada sa World's All-Time Most
Corrupt Leaders in the World. Sinasabing nagkaroon siya ng humigit-kumulang 80 milyong
dolyares mula sa panmunungkulan bilang Pangulo ng Pilipinas.

Inaresto naman si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong Nobyembre 18,


2011 pagkatapos maglabas ang Pasay RIC ng warrant of arrest laban sa kanya sa kasong
clectoral sabotage ng COMELEC. Kasama rin dito ang paratang na ginamit niya para sa sariling
eleksyon ang 8.8 milyong dolyar na pondo ng pamahalaan. Sa kasalukuyan, batbat pa rin ng iba't
ibang isyu ng korupsyorn ang pamahalaan sa kabila ng pangako ng kasalukuyang administrasyon
ng pagbabago. Bukod dito, nagpapatuloy pa rin ang malawakang kahirapan at kasaganaan para
sa iilan. Ang malulungkot na realidad na ito ang pangunahing tema ng mga pelikulang susuriin
sa kabanatang ito.

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 11
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: PAN 2. Sinesosyedad/ Pelikulang
Panlipunan Modyul 4:
B. BA PANG BABASAHIN
Iminumungkahing sipatin ang sumusunod na babasahin:
1 Sa Mata ng Sigwa ni D. Magtigilca
2. Patikul Depicts the Struggle for Education Amidst Armed Conflict in Mindanao ni W. Reyes
3. Fallout from a Ruinous Civil War Seen Through a Child's Eyes ni S. Holden
4. A Dangerous Life (Film Review) ni R.J.B. Camarse
5. Ibong Walang Laya ni S. Natividad

C. MGA PELKULA HINGGIL SA EKONOMIYA, POLITIKA AT KASAYSAYAN


Mahaba ang listahan ng mga pelikula hinggil sa ekonomiya, politika at/o kasaysayan. llan sa
mga ito ay ang sumusunod:
1: Patikul (2011) 16. Millions (2004)
2. Mctro Manila (2013) 17. Voces Inocentes (2004)
3. Sigwa (2010) 18. Chakravyuh (2012)
4. Sister Stella L (1984) 19 The Liberator (2013)
5 Amigo (2010) 20. Selma (2014)
6. Los Ultimos de Filipinas (2016) 21 Mandela (2013)
7. History of the Underground (2017) 22 Orapronobis (1989)
8. Where to Invade Next (2015) 23. The Big Short (2015)
9 Our Brand is Crisis (2015) 24. A Royal Affair (2012)
10 The Good Lie (2014) 25. Capitalism: A Love Story (2009)
11. The Guerilla is a Poet (2013) 26 The Last Emperor (1987)
12. Tibak (2016) 27. The Founding of the Republic (2013)
13. Birdshot (2017) 28 The Young Karl Marx (2017)
14. Eye in the Sky (2015) 29 IDaniel Blake (2016)
15. Goodbyc Lenin (2003) 30 Fire at Sea (2016)

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 12
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: PAN 2. Sinesosyedad/ Pelikulang
Panlipunan Modyul 4:
MGA GAWAIN:

Maaaring gamitin ang mga Pelikulang nasa itaas na bahagi ng modyul o kaya ay maaari rin na
pumili ayon sa iyong napanood na at ito ang gamitin:

PANUTO: Sa bawat kabanata na nandito sa modyul 4, ikaw ay naatasang pumili ng tig-

dalawang pelikula bawat kabanata


[1]Pelikula hinggil sa teknolohiya, modernisasyon
[2]Pelikula hinggil sa ekonomiya, politika at kasaysayan
at mataman itong suriin sa pamamagitan ng mga sumusunod na pormat:

 SHORT COUPON (8.5X11)


 FONT (ARIAL)
 MARGIN (NORMAL)
 NO BOARDER
 WITH PAGE NUMBER(BOTTOM,CENTER)
 HARD COPY/PRINTED (SOFBOUND)

PAUNANG PAHINA:
PANGALAN NG PAARALAN (header)
TAONG PANURUAN (School Year)
ASIGNATURA (dapat kompleto pati oras)
IPINASA NI: (pangalan mo)
IPINASA KAY: (pangalan ko)

IKALAWANG PAHINA:
PAGBATI / PASASALAMAT

IKATLONG PAHINA:
TALAAN NG MGA NILALAMAN

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 13
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: PAN 2. Sinesosyedad/ Pelikulang
Panlipunan Modyul 4:
IKAAPAT NA PAHINA:
PAGSUSURI SA PELIKULANG ________(pamagat ng pelikula)___________

I. TUNGKOL SA PELIKULA
A. PAMAGAT NG PELIKULA
B. DIREKTOR
C. PRODYUSER
D. TAON KAILAN ITO GINAWA/NAIPALABAS
E. MGA PANGUNAHING TAUHAN (gampanin o role sa pelikula)
F. IBA PANG MGA TAUHAN (supporting actors)
G. TEMA NG PELIKULA
H. BUOD NG PELIKULA

II. MGA ASPEKTONG TEKNIKAL


A. MUSIKA
B. SINEMATOGRAPIYA
C. PAGKAKASUNOD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI
D. PAGGANAP NG MGA ARTISTA/TAUHAN
E. TAGPUAN

III. KAHALAGAHANG PANTAO


A. PAGLALAPAT NG DULOT
(mga dulog sa pagsusuri ng pelikula---makikita sa module 1: REALISMO, MARXISMO,
PORMALISMO, FEMINISMO)
B. MGA ARAL
C. KABUUANG PANANAW

SANGGUNIAN

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 14
Associate College Instructor
Gabay ng Pagkatuto sa: PAN 2. Sinesosyedad/ Pelikulang
Panlipunan Modyul 4:
 SINE at SOSyedad (o Pelikulang Panlipunan) Karampatang-ari 2020 at Inilathala ng Mutya
Publishing House, Inc. at nina Rolando A. Bernales, Reynele Bren G. Zafra, Crizel Sicat-De
Laza, Elimar A. Ravina

Inihanda ni: JOSEPH R. RAFANAN


THE GREAT PLEBEIAN COLLEGE 15
Associate College Instructor

You might also like