You are on page 1of 1

Pag-ibig: Nag-aalab na Damdamin

Akda ni Jerome Pamintuan

Noong bata pa ako, itinuro sa akin ng aking mga magulang kung ano ang pag-ibig. Sabi
nila, ito raw ang damdamin na nananalaytay sa pagitan ng bawat isa, sa pagitan ng ating mga
magulang, mga kapatid at sa Diyos. Basta raw may pag-ibig laging magiging masaya at
matiwasay ang pagsasama ng aming pamilya. Siguro nga, ito kasi ang pangunahing dahilan
kung bakit simula noong tayo ay isinilang sa mundong ito, pag-ibig na ang naghahari sa ating
mga puso.
Ngunit, habang humahaba ang paglalakbay natin sa buhay na itinakda para sa atin, aking
napagtanto na ang lahat ng paninindigan natin tungkol sa pag-ibig ay nababago. Bunga na rin
siguro ito ng mga karanasang nagpasaya, nagpalungkot o hindi kaya nakasakit sa ating mga
damdamin. Sabi nga nila, karanasan daw ang nakapagpapabago sa pagtingin natin sa mga
bagay-bagay. Oo, totoo iyon, dahil sa aking paglaki at pagtahak sa bawat karanasan, ang pag-
ibig ay hindi na lamang basta sa pagitan ng isang pamilya kundi isa rin itong biyahe ng buhay
na lahat tayo ay kinakailangang pagdaanan.
Isang bagay nga ang makapagbubuod kung ano ang pag-ibig para sa akin, at ito ay ang
depinisyon ni Zoe Johnson sa pag-ibig. Ayon sa kanya, sa lahat ng damdamin tanging pag-ibig
lamang ang nangingibabaw sa pamamagitan ng oras. Kaya nitong hamakin ang lahat ng bagay.
Ito ang pinaka-makapangyarihang elemento ng buhay na nagbibigay ng sigla at kagalakan sa
atin. Walang saysay ang buhay kung walang pag-ibig. Hindi sa lahat ng oras ay tao ang
kinakailangang paglaanan nating nga ating pag-ibig, maari rin naman itong ilaan sa mga bagay
na tunay na nakapagpapasaya sa atin. Sinabi rin ni Johnson na kahit na lahat ng kayamanan ay
nasa iyo na, kung wala ka namang mahal sa buhay na makakasama upang matamasa ang
sarap ng buhay na mayroon ka, ang lahat ng ito ay walang saysay. Ang pag-ibig ay isa raw
paglalakbay sa buhay na isang masayang karanasan.
Sa kabilang dako, hindi lamang ang aking mga karanasan ang nagturo sa akin ng tunay
na depinisyon ng pag-ibig. Nariyan rin ang institusyong aking pinanggalingan kung saan
pinalawak at pinalinaw kung ano ang pag-ibig. Ayon sa aming pag-aaral sa wika noong ako ay
nasa mataas na paaralan pa lamang, may iba’t ibang uri daw ng pag ibig:

Eros – pagmamahalan sa pagitan ng dalawang tao


Storge – pagmamahal sa pamilya
Philia – pagmamahal sa pagitan ng magkakaibigan
Agape – pagmamahal sa kapwa
Filia – nagmamahal sapagkat siya rin ay minamahal bilang kapalit.

Dahil sa mga kaalaman na ito na natutunan ko sa aking pamamalagi sa mundong


kumanlong sa akin sa iilang taon kong pamumuhay, natutunan ko na ang pag-ibig ay isang
daan upang tayo ay lumago bilang isang indibidwal, ito rin ang makapagpapatibay kung ano
tayo, sino tayo at ano ang ating kahihinatnatnan sa mundong ito dahil mayroong PAG-IBIG na
naghahari sa ating mga puso.

You might also like