You are on page 1of 1

Ang Bahay ng Aking Ina

ni Huu Thinh (Vietnam)


Salin sa Filipino ni Mykel Andrada
Uuwi na ako sa iyo, ‘Nay
Tumitibok ang tiket ko sa tren tulad ng aking puso.Muling nakasalo ang puwet
ko sa kawayang upuan Kung saan ka nananahi habang kinakalas ni Tatay angkaniyang
sandalyas Sa isang iglap, nalalabusaw ang layo at distansiya Nagkakapakpak ang
saya at nagbibigay ng bagong buhay sa katre Hayaan mong ako ang sumalok ng
tubig Magiging sisidlan mo ito ng panighaw sa uhaw Hayaan mo akong magsaing

nang hindi ikinukubliang usok *Hayaan mo akong pasalamatan ang apoy sa
sigaan
Na nagpakalma sa ‘yo nung ako’y malayo sa tahanan
Narito, tulad ng dati, ang sampayang nakatali sa poste Araw-araw, tumataas ito
para sa iyo Isinampay ko ang aking damit, ipinaalala nito ang nagdaang mga araw
Tumatangis ang sampayan noong wala ang anak ngIna Malalim ang ukit ng gera sa
buhay naming Puno ng tubig ang isang butas sa aming delantera Humapon na
akong muli sa aming tahananFraternal na pagbati ang isinalubong sa akin ng sapotsa
dingdingUpang malabusaw ang distansiya, ang isang payak namanlalakbayAy
kailangan lamang magbalik sa kaniyang pinagbuhatanAt yumungyong muli sa mga bisig
ng Ina Ngunit para sa aktibong kawal tulad ko,Ang muling-paghahanap ng sarili ay
nangangahuluganng pagsulongPagpunyagi sa mga balakid at panganibUpang makita ka
roon sa daang pataas
Tulad ng pagkamasid ko sa ‘yo, ‘Nay.
Di pa man ako nakatutungtong sa delantera ng ating bahay Nang sunud-sunod na agad
ang putukan sa mayharapan
‘Nay, maliit na istas
yon ng tren ang ating bahay, angating mga buhayKami, na iyong mga anak, ay
lumalagos roon, paulit-ulit, paulit-ulit.

You might also like