You are on page 1of 1

ELEHIYA TUNGKOL SA AKING LOLONG PUMANAW

Napakapait ng balitang dumating


Tungkol sa pagpanaw ng mahal kong lolo
Bumigay ang kanyang katawan
At sumilip na sa kabilang buhay

Saludo ako sa inyong kabaitan


Sa inyong katapangan
Mga ala-ala mo'y hindi malilimutan

Aming Panginoong Diyos


Nawa'y alalayan Mo si Lolo
Sa kanyang paglalakbay
Puso namin ay sawi at malungkot
Sa naging kalagayan ng aming minamahal

Mga kwento at mga aral mo


Ay nag iwan ng magandang ala-ala

Lolo, salamat sa mga oras ng tawanan


Mga aral at payo sa amin ng may kahulugan
Salamat sa mga gabing tayo ay masaya pa
Sa kanyang piling laging masaya't maiinam

Hanggang sa muli nating pagkikita


Sa kabilang buhay, wala na ang kalungkutan
Lolo'y nasa kapayapaan at walang ibang hinahangad
Kundi ang masiglang habambuhay na biyaya ng kaluwalhatian.

Xyruz Carrabbacan

You might also like