You are on page 1of 1

PAG-ISIPAN MO

Lilybeth R. Mallapre – Cararayan NHS, Naga City

Pag-isipan mo...
Dapit hapon araw ay unti-unting kumakanlong
Liwanag na nilamon ng kadiliman
Pinasigla nang sinikatan ng buwan
Pag-asa’y ngumiti sa kinabukasan.

Sa mundong ginagalawan maraming kaguluhan


May dumarating at merong nawawalan
Sa magsisimula saan ang patutunguhan?
Sa mga nauna may tiyak bang kinabukasan?
PAG-ISIPAN MO.

Na ang buhay natin ay hiram lamang


Na ang lupa’y pansamantalang tahanan
Sa dako pa roon ay may paroroonan
Daan ay bagtasin nang may katalinuhan

Hindi lang sundalo ang nakikidigma


Ngunit bawat mamamayang nagmamahal sa bansa
Araw-araw ay may pakikibaka
Hindi lang sa pisikal pati na rin ng kaluluwa.

Samantalahin ang panahong ikaw ay nariyan


Mamuhay para sa kinabukasan at hindi sa nakaraan
Alamin ang tama at ito’y pag-isipan
Huwag kang katiwala sa’yong kalagayan
Pag-isipan mo ito’y may hangganan!

You might also like