You are on page 1of 11

Bangkang Papel

RAQUEL P. GIRAO

Pagkalipas ng isang oras bangkang papel nagawa din


Mas medaling kesa eroplanong papel mandin
Buti na lang batang munti’y di mainipin
Matiyaga siyang sa ginagawa’y patingin-tingin

Ng matapos bangkang papel prinsipe’y nagyaya mandin


Pumasyal sa Harborfront sasakay sa MonoRail Train
Walang magawa itong si Mamiquel kundi sundin
Kahilingan ng prinsipe kaligayahan kong tupdin

Sinubukang palutangin simpleng bangkang papel


Tuwang-tuwa naman si Conan nasa cloud nine ang feeling
Dulot na kaligayahan nitong bangkang papel
Di malilimutan tunay na feel na feel

Isa, dalawa, tatlo ilang beses sinubukan


Bangkang papel na magpalutang-lutang
Ngiti sa labi ni Conan di maitsurahan
Kagalakan sa puso di kayang pantayan

Masarap maging bata walang problema


Masarap maging bata laging masaya
Masarap maging bata maglalaro tuwi-twina
Masarap maging bata lalo’t arugang-aruga

Masarap maging lola dulot mo ay saya


Masarap maging lola nawawala problema
Masarap maging lola nabalik sa pagkabata
Masarap maging lola, apo’y mamahalin ka

Salamat bangkang papel kaming mag lola’y muling nagbonding


Salamat bangkang papel pagmamahalan muling umigting
Salamat bangkang papel pasensya ni Conan nasubukan muli mandin
Salamat bangkang papel duot mong aral aming babaunin

HAWAK KAMAY
RAQUEL P. GIRAO
Hawak kamay, pamagat ng isang awit
Yeng Constantino ang siyang umawit
Kay sarap pakinggan ika’y mapapakapit
Nanamnamin bawat katagang sinasambit

Akala ko sa awit ko lang maririnig


Ganda ng mensahe tayo ay kinikilig
Tuwing mapapakinggan balahibo ko’y tumitindig
Kay sarap pakinggan kay limig ng tinig

Sa pagkakataong ito ako ay nagulat


Sa sinasambit ni Conan ako’y napamulagat
“Nanay Nida, kamay nyo po’y aking hawak
Forever pong kamay nyo’y aking hawak”

Aking nawari sa edad ng batang munti


Tunay na nga bang alam nya wikang nasabi
O dahil narinig o napapanood sa TV
Ang mahalaga si Nanay Nida ang waging-wagi

Una’y umalakbay, sabay ngiti ng matamis


Mamiquel, Mamiquel, sa ami’y say cheese
Shoulders ni Nanay Nida akin pong namiss
Buti na lang my upuan sabay kaming nagcheers

Hawak kamay may magic kang taglay


Hawak kamay bawat isa’y sana ika’y maging gabay
Sa pagpapakita ng paggalang na siyang tunay
Idagdag pa ang pagmamahal, ito’y mahalagang bahay

Salamay sa iyo Conan, muli may natutunan


Pagmamahal sa magulang wag kalimutan
Hawak kamay magpakaylan man
Anak at magulang siyang dapat panghawakan

Salamat sa iyo Conan, muli mong ipinalaala


Paggalang at pagkalinga sa mga matatanda
Pakatatandaan sa tuwi-tuwina
Upang buhay nila ay maging masaya

U-

JACK EN POY
RAQUEL P. GIRAO

Eto si Dadisonny happy at enjoy Isa, dalawa, tatlo, bukas mga kamay
Kasi kasama na naman si Little boy Halakhakan nila’y walang humpay
Eto si Dadisonny alis ang kapoy Conan ay tuwang tuwa siya ang
Kasi kasama na naman si cute cute boy nagtagumpay
Sa unang laban siya’y kakaway-kaway
Kaligayahang di kayang gumuho
Isa, dalawa, tatlo, bukas mga kamay
Sa pagkakataong ito tabla yaring mga kamay JACK EN POY dapat kang laruin
Sa parehong tira walang nagtagumpay Bata man o matanda ika’y susubukin
Tanging nasambit, “ ang saya ng buhay.” Madaling laruin, kagandahin asal matutunan
mandin
Isa, dalawa, tatlo, bukas mga kamay Mag isip kang mabuti upang ika’y palarin
Dadisonny ang siyang nagtagumpay
Muka ni Conan may ngiting tagumpay Matutunan sa iyo pagiging matapat
Dadisonny daw naman para di malumbay Idagdag pa ang pag-unawang wagas
Na sa bawat laban may pagkatalong katapat
Isa, dalawa, tatlo, bukas mga kamay Di lalaging panalo yan ang isipin dapat
Pareho silang di naman sumablay
Kaya table sila uli at yan ang tunay Sa isip naglalaro ititira bago umalagpas
Wala ng mata sa pagtawang walang humpay Mga kamay na animo’y manibigat na armas
Upang siguraduhing Manalo sa wakas
Isa, dalawa, tatlo, bukas mga kamay Tunay na halakhak na wagas ay lalabas
Kita sa muka ni Conan sayang walang
kapantay Minsan mag iisip ka n asana mali itira ng
Bigla tayo at kamay iwinagayway kalaban
Pagkat sa labang ito siya naman ang Minsan mag iisip ka n ikaw sana ay
tagumpay pagbigyan
Minsan mag iisip ka negatibo sa kalaban
Simpleng laro, simpleng paraan Minsan mag iisip ka ng tama nga ba’tong
Ng pagpapakita ng pagmamahalan nasa iyong isipan
Lolo’t apo lubos ang kasiyahan JACK EN POY, JACK EN POY
Pagmamahal di kayang matumbasan Hale halehoy
Mga bata’y nag eenjoy
JACK EN POY salamat sa iyo Pag nilaro ka tiyak na walang kapoy
Muling nagbonding ang maglolo
Dahil sa iyo napaligaya na naman ang apo

ULAP

Mapuputing ulap kaygandang pagmasdan


Mga problema’y kaydaling kalimutan
Putting kulay, kahuluga’y kapayapaan
Idagdag pa itong salitang kalinisan

Subali’t sa patuloy na paglalakbay


Lubhang napalitan itong puting kulay
Unti unti paliramdam nami’y matamlay
Pagkat may kaba at takot na taglay

Bigla na lang bumulaga, kay bilis na nawala


Mga puting ulap tunay na sanlaksa
Wala ng makita, o wala na nga talaga
Kami pala ay napapalibutan, mga ulap na madilim na

Anumang kaba ang aking nadama


Wika ko na lang,”bahala ka na aking ama”
Sa pagganap ng tungkulin kasama ka Bathala
Kaya pakiramdam ko ako’y pinagpala

Sa pangyayaring ito aking napagtanto


Kahit saan, kahit kelan maging handa tayo
Ang mahalaga paglilingkod nati;y totoo
Damang dama ito ng kahit sino

Salamat po Panginoon ko
Sa tibay ng loob na kaloob mo
Ang paglilingkod ay bukas sa puso ko
Kaya ako’y mapalad na kawangis mo.

PAGLILINGKOD

Di na mabilang kabundukang nalampasan


Di rin matarok kalaliman nitong karagatan
Ang tanging alam ko pagsasanay ang pupunthan
Yan ang tumimo sa aking isipan

Mapaeroplano o barko man ang sasakyan


Ang mahalaga maipaabot itong karunungan
Wikang malimit marinig,”Pasa sa bata, Para sa bayan”
Tunay ngang masaya ang maglingkod para sa bayan

Itong pagbalik naming sa lalawigan ng Palawan


Lahat kami’y namangha sa makukulay na sasakyan
Nag-gagandahang kulay ng “Tricycle” kung turan
Bughaw na kulay kahulugan ay kapayapaan

Lahat kami’y nagmamadali sa pagbubukas ng palatuntunan


Masiglang programa pormal na sinimulan
Masaya, makisig at naggagandahan
Ang mga gurong hatid ay karunungan

MIMAROPA March ay sinimulang awitin


May pagkakataon na masiglang batiin
Bawat isa ay nagsaya ng sangay ay sambitin
Kanya kanyang kaway ng kamay sa hangin

Totoong ako’y tuwang-tuwa sa aking narinig


Sapagkat anim na mahuhusayng guro sa aking pandinig
Ay galing sa Occidental Mindoro tunay na makikisig
Mabuhay kayo sapagkat ang sabi’y kayo’y kaibig-ibig

Nadagdagan ang aking saya sa pagkalipas ng dalawang araw


Sa aking narinig kaligayan ay umaapaw
Hanggang sa ngayon sa aking tengang umaalingawngaw
Tunay na mahuhusay kayong anim ay nangingibabaw

Ipagpatuloy nyo magandang nasimulan nyo


Yan ang payo at hiling ko sa inyo
Walang makakapantay na anumang regalo
Sa pagkakaloob nyo ng mahusay nyong serbisyo

Nawa’y pagpalain kayo ng Poong Hesukristo


Tunay ngang kawangis Niya ng nilikha kayo
Walang hihigit pa sa inyung pagsasakripisyo
Alam naming lahat kabutihan ng loob nakaukit sa puso nyo

Mapugay na pagbati hatid ko sa inyo


Di nyo lang alam ang NARARAMDAMAN KO
Sobrang pagmamalaki at proud ako sa inyo
Kaya panalangin ko mahusay na pagtuturo ipagpatuloy nyo

MAYON VOLCANO

Magdamag ay aking hinintay


Nagbabakasakali sa iyong pagsilay
Upang makita ganda mong taglay
Dulot ay ligaya sa aming buhay

Ngayong umaga di man kita nasilayan


Nagdulot ka naman ng ibayong kaligayahan
Madilim man ang iyong kapaligiran
Litaw pa rin ang iyung kagandahan

Mayon Volcano, may hugis na perpekto


Dahil sa iyo ako ay natuto
Sa tuwing umaga aking napagtanto
Di laging ipagkakaloob iyong gusto

Sa tuwing gigising pagktapos manalangin


Ikaw ay pupuntahan at aking sisilipin
Minsa’y maulap, minsa’y madilim mandin
Para sa akin ay mahalaga ika’y muling nakapiling
FB… FRIEND OR BULLY

Social Media ..FB..yan ang trendy


Anu nga ba yan para sa nakararami
Friend ka nga ba o a real enemy
Ano ka man, para sa lahat ika’y may silbi

Sa paggamit sa iyo marami’y mapagkunwari


May nalungkot ngunit ito’y naikukubli
May masaya kasi puring-puri
May naiinis kasi siya’y huling-huli

Mapaglinlang, makatotohanan
Dalawang mukha ang pinagtatalunan
Friend ka nga ba o kaaway ng lipunan
Sa iyo nagmumula kasiyahan at kalungkutan

Kay daling mag unfriend o kaya’y add a friend


Lalong madaling maglike, magcomment yan ang trend
Idagdag pa ang magshare at maging magsend
Quotes, bible verse,greetings sayo’y nagtetrend

Ngunit sa kabila ng mga ito


May gumagawa ng kung anu ano
Pakikipag-away pagpaparinig di na bago
Sinamantala kahinaan ng tao
Ngunit sa kabila ng mga ito
May gumagawa para sa pagbabago
Ginagamit ka ng mga iniidolo
Upang ipabatid kung ano ang totoo

Sa mga taong basta na lang magkomento


Alamin muna ang pangyayari at buong kwento
Upang di makasakit damdamin ng kapwa tao
At upang makaiwas sa matinding gulo

Ang dating magkakaibigan ngayo’y nag-aaway


Ang dating magkaaway ngayo’y kumakaway
Anung nangyari tanung ng nalulumbay
Hay naku po bakit nagkaganito yaring buhay

FB…friend ka ba o bully
Dahil sa iyo lahat ay naisantabi
Nasaan na ang sinasabing happy family
Eto, ayun, doon lahat ay bising busy

Payo lang mga kaibigan


Gamitin FB sa kabutihan
Daming bata ang ito’y nasisilayan
Di na maitatago ang kung anu pa man

Iwasang pag galit post agad sa FB


Si Friend naman nagpapaalala lagi
Tamang gamit ng maging responsable
Ano mang ipost mo nagpapakita ito ng iyung sarili

FB… friend ka nga ba, o sana, sana nga


FB… bully ka nga ba, o wag naman sana
FB… higit sa lahat salamat dakilang ama
FB… tamang paggamit matutuwa siya

PAGHANGA? PAGMAMAHAL?

Mamiquel, Mamiquel what is love?


Anak..pagmamahal na my pusong bukas-palad
Mamiquel, Mamiquel what is bukas-palad?
Anak…pagmamahal na walang katulad

Munting bata, isip bata


Ngunit ako ay lubhang humahanga
Daming tanong na kamangha-mangha
Tunay na mag iisip ka sa sagot na iwiwika

Para pala sa kanya


Ang love ay may crush na
Tanungin mo sino ang crush nya
Si Dindi at Anya, dalawa pala sila

Para pala sa kanya


Pareho silang maganda
Mabait at matalino pa
Kaya naman hangang-hanga siya

Aba ang apo ko at humahanga na


Marunong ng pumili kung sino ang maganda
Sisimangot naman siya
Pag sinabi mong siya’y bata pa

Conan, Conan iyong pakinggan


Pangaral ng matanda na tinuran
Crush, love alin nga ba bata ka
Pwede bang mag–aral ka muna

Cona, Conan ang tunay na pagmamahal


Ay yaong galling sa inang puso ay dalisay
Idagdag pa ang lolo’t lolang sa pagmamahal ay tunay
Mga tito ninong na sobrang mapagbigay

Conan, Conan punung-puno ka ng pag-ibig


Ng mga taong sa iyo ay nakapaligid
Kaya wag ka mag alala, iyan ay ipababatid
Upang wag ka malihis sa landas na tuwid

Conan, Conan puso mo’y busilak


Paghangang iyung tinuran, iwaglit sa utak
Pagmamahal na kinagisnan, sa puso’y nakatarak
Maipagmamalaking tunay, sa mundo’y isiwalat.

You might also like