You are on page 1of 1

BALIK DATI

Ingay ng eroplano ito’y kay sarap damhin,

sapagkat ikaw na nama’y aming makita’t makapiling.

Pintig ng puso’y di mapakali

dahil mahal koy makita ng muli.

Walang araw at buwan na di tayo magkasama,

sa hirap at ginhawa tayo’y magkasangga

Ni isang araw walang sinayang

pagkat ito lamang ay panandaliang kasiyahan.

Sa bawat tunog ng telepono

puso koy litong-lito,

Ikay tinawagan at babalik na sa barko

Ako’y ng hina at gumuho ang mundo.

Ilang araw nalang at tayo’y babalik na ng dati

Ang akala ko’y tanggap ko na ang sakit at pighati

Buwan na naman ang bibilangin

Upang ika’y muling makapiling.

Sana sa iyong pag alis

Makamit mo ang tagumpay na iyong ninanais,

Nawa’y pagpalain ka ng Maykapal

Upang buhay moy kailan man di sa kanya mawawalay.

You might also like