You are on page 1of 1

“BUHAY PAG-IBIG”

Ace Cruz

Marami nang araw ang nagdaan


Lubos na kaligayaha'y walang katapusan
Pagkat kasiyaha'y walang hangganan
Dahil sa puso't isipa'y ikaw ang laging laman.

Bawat araw at oras na ika'y aking kasama


Kasiyahan sa puso'y aking nadarama
At habang gabi sa langit ay nakatingala
Sa kagandahan ng mga bituin ika'y aking naaalala.

Gayon pa ma'y ako'y takot na iyong lisanin


Dahil kalungkutan sa dibdib ay di kakayanin
Isang patak ng luha'y d kayang timbangin
Pawang kalungkutan sa damdamin ay di kayang tiisin.

Wala ng tibok, tila'y durog na ang puso


Dahil kasiyahan sa puso'y saglit lang at nagbago
Iisiping wala nang pag-asa at ako'y susuko
Tila mundo'y huminto kasabay ng puso kong bigo.

You might also like