You are on page 1of 1

BULAKLAK

Simula’t sapol ika’y nagpakita ng kagandahan,


Kagandahang bumago sa aking matigas na kalooban,
Bumukadkad at lumago ang katawan nang dahan-dahan,
Bulaklak na nagbibigay kagalakan sa kalungkutan.

Kay galing ng Panginoon pagkat ikay ginawa,


Kabigha bighaning dalisay, kulay moy nagpapaginhawa.
Berdeng dahon, taluto’t kaytamis nang ngiting may tawa,
Mga bubuyog at paro parong nagagalak sa at nagmamakaawa.

Ikay kakaiba, pagkat alindog moy tanda ng pagmamahalan,


Kahit anong tampo o away, iabot ka lang tiyak may kasunduan.
Dakila ka pagkat ika’y isang tunay na makapangyarihan,
Biruin mong nakakapagbati ka ng mga taong lugmok sa kalungkutan.

Araw man ay lumipas, ikay di makakalimutan.


Pagtuyo ng iyong mga tangkay at dahon, kailanman di alintanan.
Pagkat bukas tutubo ka’t lalago ng may tunay na ngiti at kabusilakan,
Kabusilakan ng iyong itsura kailanman di paghihinayangan.

Kasabay ng pagagos nang aking buhay ika’y aking dala-dala.


Pagkat ikaw Bulaklak ang tunay na ala-ala na kailanman di mawawala.
Dahil ikaw lamang ang nilalang na siyang nagpapaala.
Nagpapaala sa mga sakit na aming natamasa.

You might also like