You are on page 1of 1

“AKING INA AT AMA”

Pagmamahal samin ay lampas pa sa langit


Harangan mang sibat pursigidong makamit
Kahit pa na suntok sa buwan ay gagawin
Masilayan lamang nila ang ngiti namin

Isang paa sa hukay ng iluluwal na


Unang mulat ng mata ay yakap mo ina
Aming Ina ilaw ng tahanan salamat
Sa pagmamahal ay walang makakatapat

Ikaw ay sinasandalan naming mga anak


Kahit lawit ang dila mabuhay Lang anak
Nandiyan ka kahit mataas na ang buwan
Salamat sa aming haligi ng tahanan.

Kahit isang kahid at isang tuka paman


Kahit pa napagsakluban Ng langit minsan
Kayo ay nag sisikap para maagapan
Ang mga pagkukulang at pangangailangan

Sa mga sandaling kayo ay aking kasama


Para bang nakasakay sa ulap ang dama
Buong may kapal sana'y habaan ang buhay
Magulang ko ay makapiling habang buhay

Nagpapasalamat sa pang-araw-araw
Dahil kami ay buhay at nakakagalaw
Naging masalimuot man ang mga kahapon
Sahaya naman ang bubungad sa ngayon.

You might also like