You are on page 1of 1

ANG AKING MAMA

Ang mama ko ay nagbigay ng kulay sa buhay ko. Bumibigay siya ng walang pagsubali na
pagmamahal sa aming lahat. Ang pagmamahal ni mama ay parang tubig sa karagatan na malinaw at hindi
nauubos. Siya ay mabait at matiyaga noong bata pa ako hanggang ngayon. Ang swerte ni papa dahil pinili
niya ang isang napakaganda at independyente na babae. Ang kagandahan ng aking mama ay parang rosas
sa gitna ng disyerto. Nahihirapan si mama mag-alaga sa amin, dahil lima kaming magkapatid. Ang mama
ko ay nasa bahay lamang dahil hindi siya nagtapos sa kaniyang pag-aaral. Natuwa at naramdaman ko ang
pagmamahal niya, dahil tumigil siya sa pag-eskwela dahil inaalagaan niya ang kaniyang ina noong High
School pa siya. Mahal na mahal naming si mama kahit naiinggit siya sa aming kakulitan.

Habang ako'y lumalaki na, ang ugali ko ay parang tigre na mabilis mainis at magalit. Pero
nandoon si mama, naintindihan niya ako at tinuturo niya ako paano maging mabuting tao. Napakalaking
utang ko sa kaniya dahil nandito siya sa tabi ko palagi. Hindi niya ako iniwan lalong lalo na sa mga araw
ko na parang impyerno. Dahil sa kaniya, marami akong natutunan na mga mabuting pag-uugali at natuto
akong magrespeto. Si mama ay hulog ng langit at isa siyang mapagkakatiwalaan na mama at kaibigan.

Malaki ang pasasalamat ko sa aking mama, dahil nagbigay-pawis siya para lang magbigay ng
magandang buhay sa aming pamilya at kinabukasan. Sobrang mahal ko si mama at palagi akong
nagdadasal na sana di siya mawala sa akin. Kahit na pasaway o maldito akong anak gusto ko pa rin
niyang malaman na ang pagmamahal ko ay parang oras na walang hangga’t pagtatapos. Ang hiling ko
lang ay gusto kong makita na ngumiti at sumaya si mama araw-araw. Kung mababasa niya ito,
siguradong-sigurado akong iiyak siya na may luhang lumabas dahil mahal na mahal siya ng kaniyang
pasaway na anak.

You might also like