You are on page 1of 1

AUTOBIOGRAPHY

Ang Aking Talambuhay

Ako po si Adian C.Dayon,labing pitong taong gulang na ako


nakatira naman ako sa Magdum Tagum City. Ako po ay pangatlo sa among
magkakapatid, pito kami lahat, dalawang babae limang lalaki. Ang aking ina
ay nagtratrabaho bilang isang tags luto at ang tatay ko naman ay
nagtratrabaho bilang isang laborer. Napaka bait ng tatay at nanay ko, kahit
na pasaway kami at marami pa kami ginagawa nila ang lahat para mabuhay
at makakain kami sa araw-araw. Mahal ko ang aking mga magulang sila
ang pinaka importanteng tao sa buhay ko,kahit na minsan at pasaway ako
sa kanila mahal na mahal ko pa din sila kahit na palagi nila akong
napapagalitan sila ang inspirasyon ko sa aking pagsisikap sa pag-aaral,
para makapagtapos ng pag-aaral at para makatulong sa kanila. Sila ang
mga taong nagbibigay lamas sa akin tuwing nawawalan ng pag-asa. Pag-
aaral naman ako sa Tagum City National Trade School.Simula pa lang ng
klase ay may nakilala agad akong mga kaibigan sa paaralang iyon. Napaka
swerte ko sa naging mga guro ko ngayong taon dahil silang lahat ay napaka
bait lalong lalo na ang advisor naming na si ma'am Joana.
Noong grado nuebe ako, naging pabaya ako sa aking pag-aaral naging
pasaway ako dahil sa impluwensya ng barkada. Lagi akong uma absent
tuwing hapon para lang mag-gala sa mga mall at mga park,pero nung
umabot ako ng grado sampo naging paminsan-minsan nalang ang aking
absent at noong nag recollection kami, doon ko napagtanto na
napakahalaga pala ng aking mga magulang,dapat palang di ko sayangin
ang oras na nandyan sila dahil iisa lang ang kanilang buhay mula noon
naging mabuting bata na ako, minamahal ko na ang aking magulang, at
minsan nalang ako pumunta ng computer shop at di na ako lumiliban sa
klase.Binubuti ko na ang aking pag-aaral at bubutihin ko pa, sisiguraduhin
kong makakapag tapos ako kahit na di ako matalino.

You might also like