You are on page 1of 3

Nais ko sanang inyong pakinggan at dinggin

Nilalaman ng aking puso at damdamin

Ako’y humihiling, sa langit sana’y dalhin

Aking samo’t dalangin

Birheng Maria aming ina

Hindi ka man nakikita at nadarama

Lubos ang aming pagsamo at pagsinta

Sapagkat ikaw ang tagapamagitan ng lahat ng biyaya

Ina isang magandang araw nga pala

Nais sana kitang ipakilala

Sa buong madla

Kung gaano ka kaganda at kahalaga

Hayaan ninyong sambitin ko ito sa mga sumusunod sa talata

Maraming tao ang hindi ka lubos na nakikilala

Maaring sa imahe lamang sa loob ng simbahan ka nakikita,

Maaari din naman sa mga dasal ka lang nila napapakinggan

Ngunit marami padin di alam ang iyong pagkakakilanlan

paulit ulit din naman nilang binabaggit ang iyong matamis na pangalan
Ikaw ay isang birhen na maihahalintulad sa isang Lilia na bulaklak

Dahil sa iyong kalinisan at pusong busilak

Na sa maraming tao ay tumatak

At natutunang ikaw ang lapitan sa tuwing luha sa mata’y papatak

Ikaw ay parang mga bituin sa kalawakan

Na sa gabi palagi naming nasisilayan

Sa dami ng iyong titulo at pangalan

Ikaw ang pagasa sa dasal na inaasam sa kinabukasan

Ang iyong korona na sumisimbolo sa iyong pagiging reyna

Reyna ng simbahan maging ng langit at lupa

Makikilala sa isang kataga

Ipanalangin mo kami Birheng Maria aming ina

Tawag sa ami’y katoliko

Simpleng mamamayan at nabubuhay bilang tao

Paikot ikot na nahihirahan sa mundo

Tila isang rosaryo na umiikot at dumadalangin sayo

Asul ang kulay ng iyong kasuotan

Katulad ng malawak na karagatan

Pag asa patungo sa kapayapaan ng damdamin ng sangkatauhan

Minimithing dalangin nawa’y dinggin at pagbigyan


Lingid sa kaalaman ng iba

Di ka lamang isang santang aba

Ikaw ay isang huwarang ina

Na kahit kanino’y maaring makita at madama

Tulad ni Hesus na iyong anak na misan ding naging bata

Sang dako man maparoon ikaw ay laging kasama

Hindi mo pinabayaan at di hayayang mawala

Sa puso’t isipan mo’y alam naming kami’y mahalaga

Siyam na buwan ika’y nahirapan

Dinadalang sanggol na dakila sa iyong sinapupunan

Kalakip nito’y kasihayan sa mata mo’y masisilayan

Kaligtasan na pangako para sa sandaigdigan

Hindi lamang dito natatapos ang aking pagpapakilala sayo aking ina

Maaring isa lamang itong mahabang talata

At maaring isipin na ito ay gawa gawa

Hiling ko sa inyo aking mga kaibigan buksan ang inyong mga mata

Minimithi nami’y wag ipagkait

Pag asang dasal na laging bitbit

Sayo kami umaaasa na ito’y aming makakamit

Birheng Maria aming ina, dinggin moa ng aming panalangin

Buksan ang pinto ng langit.

AMEN

You might also like