Liwanag na taglay, kabutihan ang bigay Ang iyong ebanghelyo ay ulang pumupuno Nang kagalakan ko at pag-asa ng puso. Kinakausap mo ako sa Iyong banal na salita Kalakasan para sa akin ang bawat katuwirang nauunawaan Ama salamat sa pag-ibig Mo na tunay at wagas Ramdam ko ito sa Iyong araw at ulan Ama laging nariyan ang pagpapala Mo na hindi magwawakas Ito ay inihahatid ng Iyong araw at ulan. Sinisikatan ako ng araw Mo't nawawasto Itunutuwid Mong hakbang kong lumiliko Ama, binubuhusan Mo ako ng Iyong ulan Kaya't lungkot at luha ng puso ko'y naiibsan Kinakausap mo ako sa Iyong banal na salita Kalakasan para sa akin ang bawat katuwirang nauunawaan Ama salamat sa pag-ibig Mo na tunay at wagas Ramdam ko ito sa Iyong araw at ulan Ama laging nariyan ang pagpapala Mo na hindi magwawakas Ito ay inihahatid ng Iyong araw at ulan. Nahanap ang mabuting landas Mo Pagkat ako'y timawag Mo Ito ang dakilang paraan Mo Upang mailigtas ang katulad ko. Ama salamat sa pag-ibig Mo na tunay at wagas Ramdam ko ito sa Iyong araw at ulan Ama laging nariyan ang pagpapala Mo na hindi magwawakas Ito ay inihahatid ng Iyong araw at ulan.