You are on page 1of 2

Sa pagsikat ng araw

Hanap ng puso ko’y ikaw


Bawat araw na lumilipas
Sa piling mo ang tanging ninanais

Tanging sa’yo natutunan


Pag-ibig na tunay at walang hanggan
Pag-ibig na matyaga at mabait
Gaya ng sinabi sa Banal na kasulatan na sinasambit

Mga pagsubok na ating dinaanan


Diyos ang siyang naging gabay
Hindi tayo sumuko at ating pinanghawakan
Ang pangako sa isa’t isa na habang buhay

Sa harap ng dambana
Ako sa’yo ay nanunumpa
Sa harap ng Diyos at ng mga tao
Ikaw na siyang bumuo ng buhay ko

Mamahalin at aalagaan
Sa bawat oras at panahon
Sa bawat pagkakataon
Kahit pa buong maghapon

Ipapadama sa’yo
Pagmamahal na totoo
Pangakong magiging tapat
At sa’yo lamang dapat

Ang aking atensyon at panahon


Pati ang aking baon
Mula ngayon at magpakailanman
Hanggang ulo’y mapuno ng uban

Sa ating pagtanda ay tayo parin


Magmamahalan kahit wala ng ngipin
Ikaw ang musika na bumuo sa aking mundo
Ang nagiisang nota para ang himig ng buhay ay mabuo

Iaalay ko sayo, buong buhay ko at pagkatao


Pati ang laman ng bulsa ko
Mula ngayon at magpakailanman
Ako’y sa’yo lamang

You might also like