You are on page 1of 2

AKO MAHAL KITA

By: Michael C. Opena

Tatlong taon, tatlong salita, ikaw at ako ay pinagtagpo

Minahal, pinagsama at patuloy na nagsusumamo

Na sa aking mga panalangin ikaw ay laging kasama

Sapagkat ang tanging hiling ikaw at ako ay magkasamang tumanda

Hayaan mong simulat ko ang aking tula sa mga katagang I, LOVE at YOU

I na nangangahulugang ako, ako na itinadhana sa iyo

Sasamahan ka sa lahat ng trip mo

Mamahalin ka sa bawat segundo, minute, oras, araw, buwan,taon o kahit baligtarin ang mundo

I na nangangahulugang ako, na nandito lang sa bawat oras na kailangan mo

Hindi ko man maibigay sayo ang lahat

Pangako ko sa’yo ay iibigin kang tapat

Ilang taon man ang lumipas tandaan mong ito ay hindi magbabago

I na nangangahulugang ako, na nagpapasalamat sa iyo

Dahil pinatuloy mo ako sa puso mo

Ni hindi akalain na ako ng mamahalin

Ng isang tulad mong aking ipinapanalangin

Love hindi man yan ang tawag ko sayo, at alam mong ikaw lang ang tinutukoy sa salitang ito

Sabi nga nila, hindi ko man maibigay ang langit sayo

Kaya ko naming ibigay ang pagmamahal na iniaalay mo

Sapagkat sa mundo ko na mapait, binigyang kulay ang noo’y parang anino

Love, na ang ibig ay mahal, salamat at ako ay hindi mo iniwan

Sa kabila ng aking kakulitan at kapilyuhan

Pangakong puso mo ay aking iingatan at hinding hindi sasaktan

You might also like