You are on page 1of 9

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 6

I. LAYUNIN
Sa araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:
1. Natutukoy ang pamumuhay sa panahon ng pamamahala ni Ferdinand Marcos
2. Napapahalagahan ang mga nagawa ng Administrasyong Marcos
3. Naipapakita ang malalim na pag-unawa sa aralin sa pamamagitan ng pagsusulit

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Mga Patakaran at Programa Bilang Pagtugon sa mga Hamon sa Kasarinlan (1946-
1972)
Sanggunian: Curriculum Guide Araling Panlipunan 6, p.136/ MELCS
Kagamitan: Larawan, PPT at Tarpapel
Aral: Magkakaroon ng ideya kung paano mamuno sa nasasakupan.

III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
1. Magandang umaga, Magandang Umaga
Grade 6! rin po!
.
2. Panalangin Lahat ay magdadasal

Maaari mo bang
pangunahan ang ating
A. Pamamahala sa silid-aralin panalangin ngayong araw?

Maraming salamat.
3. Pagtsek ng Liban at (Ang kalihim ng klase
Hindi Liban ay sisimulang
banggitin kung sino at
ilan ang mga liban sa
klase)
Balik Aral:

Sino ang huling pangulo na Carlos Garcia po


ating tinalakay? ma’am.

Ano ang mga natutunan Nalaman po naming


ninyo tungkol kay Diosdado ang kanyang buhay,
Macapagal? mga suliranin na
kanyang kinaharap at
ang mga program na
kanyang ginawa.

B. Pagganyak "LARAWAN MO, BUUIN


MO"

Panuto: Ang buong klase ay


hahatin sa tatlong pangkat.
Ang tatlong pangkat ay
magkakaroon ng envelope.
Sa loob nito ay may bawat
larawan na dapat nilang
buuin at sabihin kung sino
ang nasa larawan. Paalala
paunahan dapat makabuo at
makasagot.

C. Presentasyon 1. Sino ang nabuo ninyo sa Diosdado Macapagal


larawan? po ma’am.

2. May ideya ba kayo kung Wala po.


anong kaugnayan niya sa
ating aralin ngayon?
D. Panlinang na Gawain
a. Mga Gawain “”AYUSIN MO AKO”

Panuto: Kagaya ng grupo


kanina tayo ay magkakaron
ng aktibidad. May mga 1. SENADO
salitang ibibigay ang guro sa 2. MARCOS
bawat grupo, ngunit bawat 3.TERMINO
salita ay hindi naka ayos
kaya naman ito ay aayusin
ng bawat grupo hanggang
makuha nila ang tamang
salita na nabuo. Paalala ito
ay paunahan.

1. DSEAON
2. ARMSOC
3. NTEORMI
b. Pagsusuri Ano-ano ang mga nabuong Senado, Marcos at
salita? termino.

May kinalaman kaya ito sa


ating aralin ngayon? Opo ma’am
c. Paglalahad Ang pag aaralin natin
ngayon sa araw na to ay
patungkol sa Pamamahala
ng dating Pangulo na
Ferdinand Marcos sa
Pilipinas

Pagsilang: Sept. 11, 1911


sa Sarat, llocos Norte
Magulang: Mariano at
Josefa Edralin
• Edukason: University of
the Philippines (Law)
• Asawa: Imelda Romualdez
• Anak: Irene, Ferdinand Jr.
(Bong-Bong), Imee
• Kamatayan: Sept. 28, 1989
sa Honolulu, Hawaii

Panunungkulang
Pampubliko
• Kongresista ng llocos
Norte
• Senador
• Senate President

Alam nyo Ва?


• Si Ferdinand Marcos ang
tanging pangulo na muling
nahalal (1969). Siya rin ang
naging pangulo sa
pinakamahabang panahon
(1965-
1986). Nangyari ito dahil sa
pagpapaliban ng halalan at
ang pagpapalit ng saligang
batas.

Sa panahon ng kanyang
panunungkulan bilang
pangulo ng Pilipinas, si
Ferdinand Marcos ay
hinarap ang ilang mga
malalaking suliranin at
kontrobersya, kabilang ang
mga sumusunod:

Korapsyon at Nepotismo:
Isa sa pinakamalalang isyu
sa panahon ni Marcos ay
ang korapsyon at nepotismo
sa kanyang pamahalaan.
Maraming mga kaso ng
pandarambong at
pagmamalabis sa
kapangyarihan ang naitala
sa mga kaalyado at
miyembro ng kanyang
pamilya.

Paglabag sa Karapatang
Pantao: Noong ipinatupad ni
Marcos ang Batas Militar
noong 1972, maraming mga
paglabag sa karapatang
pantao ang naganap. Libu-
libong mga aktibista, kritiko,
at mga ordinaryong
mamamayan ang naaresto,
tinortyur, at marami pa nga'y
pinatay nang walang
karampatang paglilitis.

Krisis sa Ekonomiya:
Bagaman may mga
panahon ng pag-unlad
ekonomiko noong simula ng
kanyang panunungkulan,
ang ekonomiya ng Pilipinas
ay naharap sa mga
suliraning pang-ekonomiya
sa huli ng kanyang termino.
Ang korapsyon, kawalan ng
transparency, at
mismanagement sa
pamamahala ng ekonomiya
ay nagdulot ng kahirapan at
kawalan ng tiwala mula sa
mga dayuhang
mamumuhunan.

Pagbagsak ng Piso at
Pagtaas ng Pagkalubog ng
Utang: Sa panahon ni
Marcos, lumubog ang
halaga ng piso laban sa
dolyar, at ang utang ng
Pilipinas ay lumobo nang
malaki dahil sa hindi
maayos na pamamahala ng
ekonomiya at sa paglala ng
korapsyon.

Paghihimagsik at Pagnanais
sa Kapangyarihan:
Maraming grupo at
indibidwal ang nagprotesta
at bumabangga sa
pamahalaan ni Marcos,
partikular na nang
magpatupad siya ng Batas
Militar. Ang mga grupong ito
ay naglunsad ng kilusang
kontra-Marcos, na
nagpapalakas sa diwa ng
People Power Revolution
noong 1986.

Mga Programa ng
Administrasyong Marcos
• Programa sa Reporma sa
Lupa
• Proyektong
Imprastruktura
• Green Revolution
• Paglinang sa Kulturang
Pilipino

Programa sa Reporma sa
Lupa
• Lahat ng may-ari ng lupa
na natatamnan ng bigas at
mais ay inutusang hatiin ang
labis nilang lupain. Ito ay
ibibigay sa mga
magsasakang walang lupa
na kanilang babayaran sa
pamahalaan sa loob ng
labinlimang (15) taon.
• Itinatag din ang
Department of Agrarian
Reform (DAR) upang
mamahala sa pamamahagi
ng lupa.

Proyektong Imprastruktura
• Maraming mga patubig,
daan at tulay ang
naipatayo noong
administrasyong Marcos.
Kabilang dito ang
Maharlika Highway,
Marcos Highway at San
Juanico Bridge. Dahil dito,
WALK ON LEFT FACING
TRAFFIC tinawag siya
bilang "The Architect of the
New
Society"

Green Revolution
• Itinaguyod ni Pang. Marcos
ang pagsasaliksik sa mga
bagong paraan para sa
pagpaparami ng pagkain.
Ipinag-utos niya ang
paggamit ng miracle rice na
kayang magbunga ng
mahigit 100 kaban ng palay
sa bawat ektarya ng lupa.
•Hinikayat din ng
pamahalaan ang pagtatanim
ng gulay sa mga bakuran,
gusaling pampamahalaan at
mga bakanteng lote.
Paglinang sa Kulturang
Pilipino
• Sa pangunguna ni Gng.
Imelda Marcos, naitayo ang
Cultural Center of the
Philippines at Folk
Arts Theater. Layunin ng
mga proyektong ito na
makilala sa buong
mundo ang sining ng
mga Pilipino.

Konklusyon:
•Naging maayos ang
pamamahala ni Pang.
Marcos sa unang termino ng
kanyang panunungkulan
(1965-1969).
Ngunit sa pagtatapos ng
kanyang ikalawang termino,
dumanas ng matinding krisis
pampulitika at pang-
ekonomiya ang Pilipinas.
Dahil dito, ipinatupad ni
Pang. Marcos noong Sept.
21, 1972 ang Batas Militar.
Dito nagwakas ang
Ikatlong Republika ng
Pilipinas.

d. Paglalapat “MAY THE BEST


PERSONA WIN”
Panuto: Ang guro ay
magbibigay ng mga tanong
at bawat grupo ay
magkakaron ng
representanti ng kanilang
grupo sa bawat tanong.
Paunahan maka sabi ng
“AKIN NA TO” ang mauna
ay siyang sasagot ng
tanong, pag mali ang sagot
may karapatan na sumagot
ang dalwang grupo
paunahan ulit sa pagsabi ng
“AKIN NA TO”.

1. Kalian ipinanganak 1. Sept. 11, 1911


si Ferdinand
Marcos?
2. Sino ang kanyang 2. Mariano at Josefa
mga magulang? Edralin.
3. Isa ito sa kanyang 3. green revolution
kontribusyon noong
siya ay pangulo na
kung saan Ipinag-
utos niya ang
paggamit ng miracle
rice na kayang
magbunga ng
mahigit 100 kaban
ng palay sa bawat
ektarya ng lupa.
4. Ito ang programa na 4. proyektong
kung saan imprastruktura
maraming mga
patubig,daan at
tulay ang naipatayo
noong
administrasyong
Marcos.
5. Isa sa programa 5. programa sa
niya na kung saan reporma sa lupia
lahat ng may-ari ng
lupa na natatamnan
ng bigas at mais ay
inutusang hatiin ang
labis nilang lupain.
Ito ay ibibigay sa
mga magsasakang
walang lupa na
kanilang babayaran
sa pamahalaan sa
loob ng labinlimang
(15) taon.
IV. Ebalwasyon “PAGSUSULIT”
Panuto; sagutin ang mga
sumusunod na katanungan
base sa ating pinag-aralan.

1. Kailan naging pangulo si 1. 1965


Ferdinand Marcus?
2. Sino ang kanyang mga 2. Mariano at Josefa
magulang? Edralin
3. Saan ipinanganak si 3. Sarat, llocos Norte
Marcos?
4. Kailan natapos ang 4. 1986
kanyang termino?
5. Sino ang kanyang 5. Imelda Romualdez
asawa?
6-7. Magbigay ng dalawang
suliranin na kinaharap ni
Ferdinand Marcus Nagbigay ang mag-
8-10. Magbigay ng tatlong aaral.
Programa ni Ferdinand
Marcos.
V. Takdang Aralin Pag-aralan ang susunod na
aralin.

You might also like