You are on page 1of 6

Sangay

Paaralan Baitang 7
Guro Jamaica P. Remocaldo Asignatura ESP
Oras at Petsa Enero 24, 2022 Markahan Ikalawa
.
I. LAYUNIN
A. Pamantayang
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kalayaan.
Pangnilalaman
B. Pamantayan sa Naisasagawa ng mag-aaral ang pagbuo ng mga hakbang upang
Pagganap baguhin o paunlarin ang kaniyang paggamit ng kalayaan.
C. Mga Kasanayan sa EsP7PT-IIf-7.3 Nahihinuha na likas sa tao ang malayang pagpili sa
Pagkatuto (Isulat mabuti o masama; ngunit ang kalayaan ay may kakambal na
ang code ng bawat pananagutan para sa kabutihan.
kasanayan)
II. NILALAMAN
D. Paksang Aralin Modyul 7: KALAYAAN
III. KAGAMITANG
PANTURO
E. Sanggunian
1. Mga Pahina sa
Pahina 148-163
Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pahina 148-163
Pangmag-aaral
3. Mga Pahina ng
Edukasyon sa Pagpapakatao 7: Pahina 148-163
Teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan mula sa
Portal ng LR

E. Iba pang Kagamitang Laptop, Projector, TV, Cellphone


Panturo

Mga Gawain ng
IV. PAMAMARAAN Mga Gawain ng Guro
Mag-aaral
A. Balik-aral sa
Preliminaries:
nakaraang aralin
1. Greetings
at/o pagsisimula ng
2. Prayer
bagong aralin
3. Bago mag-umpisa, magbigay muna ng mga
paalala sa mga mag-aaral para maging handa
sa panibagong aralin.

Mga Paalala:
1.Bago tayo magsimula, siguraduhing ikaw ay
nasa tahimik at komportableng lugar.
2. Siguraduhing hawak mo ang iyong modyul,
bolpen at papel.
3. Makinig at ibigay ang iyong buong atensyon.
4. At ang panghuli, maging mapanuri, makinig at
mag enjoy.
Pagbabalik aral:

Batay sa ating nakaraang talakayan, ano ang


konsensiya?

Ano ang kaugnayan nito sa isip ng tao?

Saan ibinabatay ng konsensiya ang pagsukat o


paghusga sa isang pasya o kilos?

Paano nauugnay ang Likas na Batas Moral sa


konsensiya ng tao?

Bakit natatangi sa tao ang Likas na Batas


Moral?

Nawa’y, naging malinaw sa inyo ang mga


konseptong tinalakay natin tungkol sa
konsensiya ng tao, ang tamang paraan ng
paggamit nito nang matamasa ninyo ang
kapayapaan, kaayusan at kaligayahan.

B. Paghahabi sa
Ngayon sa araw na ito ay sabay –sabay nating
layunin ng aralin
tuklasin ang ating bagong aralin at unawain na
likas sa tao ang malayang pagpili sa mabuti o
masama; ngunit ang kalayaang ito ay may
kakambal na pananagutan para sa kabutihan ng
lahat.

Sa puntong ito, nais kung kunin ninyo ang


inyong mga modyul at sabay nating tuklasin at
pag-aralan ang ating bagong aralin.

Ngayon, kumuha muna ng bolpen at papel at


sagutan ang Paunang Pagtataya/Subukin sa
pahina 1-2.

(Makalipas ang 5 minuto)

Tapos na ba kayo? Ngayon, itabi muna ang


inyong mga papel at bolpen at tatalakayin natin
ang ating aralin.

Handa na ba kayo?

Gawain 1: Ang Aking Superhero

Pagpapakita ng isang video tungkol sa mga


superhero sa panahon ngayon.

Ngayon, pumili ng superhero na gusto mo.


Gumupit ng larawan nito at idikit sa isa isang
buong papel.
Lagyan ng deskripsiyon ang larawan na ito.
Bibigyan ko kayo ng labin-limang minuto upang
gawin ang gawain na ito.
Pagkatapos, sagutin ang mga tanong na ito.

1. Anong pambihirang kapangyarihan ang


taglay ng superhero na napili mo?
2. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na
magkaroon ng katulad na kapangyarihan, paano
mo ito gagamitin?
3. Sa iyong palagay, makabubuti ba o
makasasama ang gagawin mong kilos gamit
ang iyong pambihirang kapangyarihan?
Ipaliwanag.

Pagkatapos ng Gawain, sagutin ang mga


tanong na ito.

1. Anong pambihirang kapangyarihan ang


taglay ng superhero na napili mo?
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong 2. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na
aralin magkaroon ng katulad na kapangyarihan, paano
mo ito gagamitin?

3. Sa iyong palagay, makabubuti ba o


makasasama ang gagawin mong kilos gamit
ang iyong pambihirang kapangyarihan?
Ipaliwanag.

Magaling!

Tunay na Malaya ang tao, pero ang kalayaang


ating taglay ay may kaakibat na pananagutan
para sa kabutihan ng lahat ng tao.
D. Pagtalakay ng
Pagtatalakay sa unang konsepto.
bagong konsepto at
paglalahad ng bagong
Bago tayo magsimula, may ilan lamang
kasanayan #1
akong katanungan para sa inyo.

1. Sino ang unang mga


taong sumakop sa
Pilipinas?
2. Bakit nila ninais na
sakupin ang ating
bansa?
3. Kailan naging
malaya ang Pilipinas
mula sa pananakop
ng mga Espanyol?
4. Ano ang
pakiramdam na tayo
ay Malaya na mula
sa pananakop ng
ibang bansa?

Sa panahon ngayon, marami sa atin ang


nakakaramdam na tayo ay hindi malaya. Ang
pakiramdam na dapat ay sumunod tayo sa
iniuutos ng nakatataas kahit na labag ito sa
ating kalooban tulad halimbawa ng pagbabawal
na lumabas ng ating bahay, ang palagiang
pagsosout ng facemasks at ang pagbabakuna
kontra Covid-19. Pero, para saan nga ba ang
lahat ng ito? Hindi ka nga ba talaga Malaya?

Ano ba ng tunay na kahulugan ng kalayaan?

“Ang kalayaan ay katangian ng kilos-loob na


itakda ng tao ang kaniyang kilos tungo sa
kaniyang maaring hantungan at ang paraan
upang makamit ito.” – Sto. Thomas de Aquino

“Ang tao ay walang kakayahang gawin palagi


ang anumang kanyang naisin.” – Fr. Joseph M.
de Torre

May kalayaan ang tao na pumili ng mabuti at


masama ngunit ang dapat piliin ay ang mabuti
at hindi ang masama.

Ano ang batayaan ng kabutihan?

Ang batayan ng ating konsensiya sa


paghuhusga ng kabutihan o kasamaan ng ating
kilos ay ang Likas na Batas Moral.

E. Pagtalakay ng Mga Palatandaan ng taong mapanagutan:


bagong konsepto
at paglalahad ng 1.Kung naisaalang-alang moa ng kabutihang .
bagong kasanayan pansarili (personal good) at ang kabutihang
#2 panlahat (common good).

2. Kung handa kang harapin ang anumang


kahihinatnan ng iyong pagpapasiya.

3. Kung ang iyong pagkilos ay hindi


sumasalungat sa Likas na Batas-Moral.

Ngayon, upang lubos na maunawaan ang


F. Paglinang sa aralin, gawin ang Gawain sa pahina 160
kabihasaan Panghinuha ng Batayang Konsepto.
Gawin ito sa Microsoft Word. Humingi ng tulong
sa nakatatandang kapatid kung kinakailangan.

G. Paglalapat ng
aralin sa
pangaraw-araw na Ngayon, babalikan natin ang tanong ko sa iyo
buhay kanina. Hindi nga ba tayo malaya sa panahon
ngayon? Wala na ba tayong karapatan na gawin
ang mga bagay na gusto natin? Wala ba tayong
karapatan na hindi sundin ang ipipagawa sa atin
ng gobyerno?
Ang sagot ay, tayo ay malaya. Malaya tayong
piliin ang tama para sa ikabubuti hindi lamang
ng ating sarili kung hindi higit sa lahat para sa
ating kapwa. Ang simpleng pagsunod sa utos
ng nakataas o ng gobyerno ay pagpapakita ng
malasakit at pagmamahal sa ating bayan.

Gumawa ng isang linggong journal kung saan


kayo ay nagpapakita ng malayang pagsunod sa
kapwa para sa ikabubuti ng lahat. Maari itong
gawin sa pamamagitan ng sumusunod:

1. Pagguhit
2. Sanaysay
3. Maikling Kwento
4. Tula

H. Paglalahat ng Ang tunay na kalayaan ay may tungkuling


Aralin mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay
gagamitin sa paggawa nang naayon sa
kabutihan.

Ang tunay na kalayaan ay ang tungkuling


gumawa ng mabuti at iwasan ang masama.

Ang tunay na kalayaan ay kabutihan.


I. Pagtataya ng
Sa isang buong papel, sagutin ang Summative
Aralin
Test 1. Basahing mabuti ang tanong upang
makasagot.

J. Karagdagang
gawain para sa
takdang-aralin at
remediation

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral
na nakakuha ng 80%
sa pagtataya

B. Bilang ng mga mag-


aral nanangangailan
ng iba pang gawain
para sa remedial.

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mag-aaral na
nakaunawa sa
aralin.
D. Bilang ng mga mag-
aaral na
magpapatuloy sa
remedial.
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang


aking naranasan na
solusyunan
satulong ang aking
punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuhon na nais
kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Prepared by:

JAMAICA P. REMOCALDO
T-I

You might also like