You are on page 1of 7

Westmead Internatinal School

Alangilan Batangas City


Year 2021-2022

Learning Area Araling Panlipunan


School Westmead International School Grade Two
LESSON Teacher Cristine Joyce I. Talabis Learning Area AP
PLAN Date 02/ 25,2022 Quarter First
Time No. of Days 1

I. OBJECTIVES
A. Content Standard Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pagpapahalaga sa kagalingang pansibiko bilang
pakikibahagi sa mga layunin ng sariling komunidad
B. Performance Ang mag-aaral ay nakapahahalagahan ang mga paglilingkod ng komunidad sa sariling
Standard pagunlad at nakakagawa ng makakayanang hakbangin bilang pakikibahagi sa mga
layunin ng sariling komunidad
C. Most Essential Natutukoy ang iba pang tao na naglilingkod at ang kanilang kahalagahan sa komunidad
Learning (e.g. guro, pulis, brgy. tanod, bumbero, nars, duktor, tagakolekta ng basura, kartero,
Competencies karpintero, tubero, atbp.)
AP2PKK-IVa-2
D. Learning
Competencies or
Objectives
E. Enabling
Competencies
II. Content Pagtukoy sa iba pang tao na naglilingkod at ang kanilang kahalagahan sa komunidad
(e.g. guro, pulis, brgy. tanod, bumbero, nars, duktor, tagakolekta ng basura, kartero,
karpintero, tubero, atbp.)
III. Learning
Resources
A. References
a. Teacher’s Guide

b. Learners’ Material 7-16


pages
c. Textbook Pages Self-Learning Module

d. Additional Material Charts, pictures,television, powerpoint


from learning
Resource
B. List of Learning
Resource for
Development and
Engagement
Activities
IV. Procedures
Balik-aral:
Pag-aralan at suriin ang mga larawan. Tukuyin kung sino ang taong tumutulong o
A. Introduction namamahala dito.
Westmead Internatinal School
Alangilan Batangas City
Year 2021-2022

Pagganyak
Picture Analysis

*Ano ang nakikita mo sa larawan? Isa- isahin ang mga


ito.
*Nakikita mo ba sila sa iyong komunidad?
*Sa iyong palagay, mahalaga ba sila? Bakit?

Paglalahad
B. Discussion May mga taong nagbibigay ng paglilingkod sa ating
komunidad na nakatutugon sa pangunahing pangangailangan ng
mga kasapi ng komunidad. Kilalanin natin sila.
Westmead Internatinal School
Alangilan Batangas City
Year 2021-2022

Magsasaka. Nagtatanim ng halaman


upang pagkunan ng pagkain.

Karpintero. Gumagawa at
nagkukumpuni ng mga
bahay, gusali at iba pang tirahan
ng mga tao.

Guro. Nagtuturo sa mga mag-


aaral upang matuto
sa iba’t ibang asignatura at
kagandahang asal.
Tubero. Nag-aayos at
nagkukumpuni ng linya ng tubo
ng tubig patungo sa mga tahanan
at iba pang mga gusali.

Narito naman ang mga nagbibigay ng paglilingkod para sa kalusugan ng


komunidad.

Doktor. Nagbibigay ng serbisyo


ng panggagamot sa mga taong
maysakit.

Nars. Tumutulong sa doktor sa


pangangalaga ng mga maysakit.
Westmead Internatinal School
Alangilan Batangas City
Year 2021-2022

Barangay Health Worker (BHW)


Umiikot sa komunidad upang ipaalam
ang mga impormasyong pangkalusugan.
Kaminero. Naglilinis ng kalsada at
daan upang mapanatili ang kalinisan
ng kapaligiran ng komunidad.

Basurero. Namamahala sa pagkuha


at pagtatapon ng basura.

May mga tao ring naglilingkod para sa


kaligtasan at kaayusan
ng komunidad. Kilalanin sila.

Bumbero. Tumutulong sa pagsugpo


ng apoy sa mga nasusunog na
bahayan, gusali at iba pa.

Pulis. Nagpapanatili ng kaayusan at


kapayapaan ng komunidad. Sila rin
ang
humuhuli sa mga nagkakasala sa
batas.

Kapitan ng Barangay. Namumuno


sa kapakanan, kaayusan, kaunlaran at
kayapaan ng nasasakupang
komunidad.

Barangay Tanod. Tumutulong sa


Kapitan ng Barangay sa pagpapanatili
ng kaligtasan ng mga tao sa
komunidad.
Westmead Internatinal School
Alangilan Batangas City
Year 2021-2022

C. Activities Pangkat 1
Tukuyin at pag-ugnayin ang tagapaglingkod na nasa Hanay A at paglilingkod na nasa
Hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

Hanay A Hanay B

____1. Bumbero A. Gumagawa at nagkukumpuni ng mga bahay,


gusali at iba pang tirahan ng mga tao.
____2. Doktor
B. Nagpapanatili ng kaayusan at
____3. Kaminero kapayapaan ng komunidad. Sila rin ang
humuhuli sa mga nagkakasala sa batas.
____4. Karpintero
C. Nagbibigay ng serbisyo ng panggagamot sa
____5. Pulis mga taong maysakit.

D. Naglilinis ng kalsada at daan upang


mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran
ng komunidad.

E. Tumutulong sa pagsugpo ng apoy sa


mga nasusunog na bahayan, gusali at
iba pa.

Pangkat 2

Tukuyin kung sino ang nagbibigay ng paglilingkod sa bawat larawan. Bilugan ang letra
ng tamang sagot.

A. kaminero B. doctor C. pulis


1.
Westmead Internatinal School
Alangilan Batangas City
Year 2021-2022

Pangkat 3

Suriing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad ng
pangungusap. Kung Mali, palitan ang salitang may salungguhit.

____________1. Hinuhuli ng bumbero ang lumalabag sa batas.


____________2. Mabilis ang pulis sa pagpatay ng sunog.
____________3. Sinisiguro ng kaminero na malinis ang kapaligiran ng komunidad.
____________4. Tinutulungan ng nars ang doktor sa pangangalaga sa mga maysakit.
____________5. Tumutulong ang tubero sa kapitan ng barangay sa pagpapanatili ng
kaayusan ng kapayapaan sa komunidad.
Westmead Internatinal School
Alangilan Batangas City
Year 2021-2022

What I have learned?

Natutuhan mo sa aralin na ito ang tungkol sa mga taong nagbibigay ng paglilingkod


sa ating komunidad para sa:
pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng tao, para sa kalusugan ng
komunidad, para sa kaligtasan at kaayusan ng komunidad.

Takdang Aralin:
Sa isang papel, iguhit mo ang mga taong naglilingkod para sa iyong komunidad
ngayong panahon ng pandemya. Sumulat ng dalawang pangungusap na nagbibigay
halaga sa kanilang paglilingkod.

You might also like