You are on page 1of 2

ARELLANO UNIVERSITY

ELEMENTARY DEPARTMENT

MODYUL 1 - Aralin Blg 1.1: Sa Aking Komunidad


PANGALAN: PETSA :
BAITANG AT PANGKAT: GURO:
ASIGNATURA: Araling Panlipunan PANURUANG TAON: 2022 – UNANG KAPAT
2 2023

I. Paksang Aralin: Sa Aking Komunidad


II. Mga Layunin: Sa katapusan ng araling ito, ang mga mag – aaral ay inaasahan na:
1. Natutukoy ang mga iba’t – ibang institusyon na kabahagi ng isang komunidad
2. Nakapagpapaliwanag ng mga tungkulin at gawain ng mga
institusyong bumubuo sa komunidad

===============================================================
Konsepto Blg. 1.1

Tandaan:

 Komunidad – ay binubuo ng mga pamilyang pinagsama – sama sa isang lugar.


- ay isang pangkat ng mga tao na namumuhay at naninirahan
nang magkakalapit sa iisang pook.
- sila ay kadalasang may magkakatulad na hangarin, paniniwala,
at pangangailangan.

 Mga Iba’t – ibang Institusyon na Kabahagi ng isang Komunidad

a. Paaralan – ang pook kung saan natututo ang mga mag – aaral.
- dito nahuhubog ang kakayahan at pag – uugali ng mga bata.
b. Pook – Dalanginan – dito pumupunta ang mga tao upang magdasal
sa Panginoon na kanilang pinaniniwalaan.
- Dito nananalangin ang mga kasapi ng komunidad
upang magbigay papuri at magpasalamat sa Diyos sa
mga biyayang ipanagkaloob Niya.
c. Ospital at Health Center - dito dinadala ang mga may sakit.
Dito nagtatrabaho ang mga doctor at nars. Ginagamot nila
ang mga karamdaman ng mga tao.
d. Munisipyo at Barangay Hall – dito makikita ang mga tanggapan ng
mga pinuno ng isang komunidad.
- Sa munisipyo matatagpuan ang tanggapan ng mga namumuno
sa isang bayan o lungsod. Sila ang gumagawa ng mga desisyon
na makabubuti sa isang bayan o lungsod.
- Sa barangay hall naman ang tanggapan ng kapitan kasama
ang mga kagawad. Sila ang mga pinuno na nagpapanatili
ng kaayusan ng isang barangay.
e. Palengke – dito nakabibili ang mga tao ng kanilang mga
pangangailangan sa araw – araw.
- Pumupunta ang mga tao rito upang bumili ng pagkain, damit,
mga gamit sa opisina at paaralan, mga laruan para sa mga
bata, at iba pa.
f. Pook – libangan – dito pumupunta ang mga tao kung nais nilang
mamasyal o maglibang.
g. Himpilan ng Pulisya at Estasyon ng Bombero - mahalaga sa
isang komunidad ang kaligtasan at katahimikan ng
mamamayan nito. Layunin ng mga pulis na panatilihing
mapayapa ang isang komunidad. Sila ang tumutugon sa
mga hinaing ng taong – bayan na may kinalaman sa kaligtasan
at kaayusan.
- ang mga bombero naman ang tumutugon kapag may sunog
sa ating lugar. Tungkulin nilang apulahin ang isang sunog. Ito
ay upang maiwasan ang labis na pinsalang maaaring idulot nito
sa mga kabahayan ng mamamayan sa komunidad.
h. Pook – pagawaan - ang lugar kung saan naghahanapbuhay ang mga tao.

 Bawat kasapi ay may mga gawain at tungkuling ginagampanan sa komunidad.

 Ang pagtupad sa mga tungkuling ito ay nakatutulong sa pagpapanatili


ng kaayusan ng pamumuhay ng mga taong naninirahan sa isang komunidad.

 Kahalagahan ng mga Kasapi ng Komunidad


Ang isang komunidad ay hindi magiging maayos kung hindi magkakaisa at
magtutulungan ang mga taong nakatira rito. Bawat isa ay may gawain at tungkuling
ginagampanan. Para ito maging maayos ang kanilang pamumuhay. Kaya dapat na
pahalagahan at igalang ang bawat kasapi. Kabahagi sila sa pagbuo ng isang maayos na
komunidad.

You might also like