You are on page 1of 4

ARELLANO UNIVERSITY

“For God and Country” K-2


Aralin 12
MGA NAMUMUNO SA AKING KOMUNIDAD

MAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO


Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na ang mga mag-aaral ay maipapaliwanag ang tungkulin at
responsibilidad ng mga namumuno sa sariling komunidd.

ARALIN
Ayusin ang mga letra upang mabuo ang salitang hinahanap.

1. r d l i e __________________________
2. o n u n p i __________________________
3. n k a i p t a __________________________
4. a l k d a l e __________________________

Ang mga nabuong salita ay may kaugnayan sa atin bagong aralin. Bilang pagbalik tanaw, noong Mayo
9,2022, nagkaroon ng halalan o eleksiyon sa ating bansa. At ang ating magulang at mga rehistradong botante ay
pumili ng magiging bagong lider ng ating bansa at ng ating komunidad na kinabibilangan.
Ang pagiging pinuno ng isang bayan o komunidad ay may mahalagang ginagampanang tungkulin. Isa na
dito ay ang paglingkuran ang kaniyang nasasakupan upang magkaroon ng isang mapayapa at maunlad na
komunidad. Bilang isang mamamayan, kailangan natin na magkaroon ng isang mabuti at mahusay na lider na
magsisilbing tagapagtupad ng mithiin ng bawat nasasakupan nito. Ang lider ng siyang nangunguna at
namamahala sa kanyang nasasakupan kahit ito ay maliit o malaking grupo. Sa araling ito, ating kilalanin ang mga
pinuno sa komunidadad at ang kanilang tungkulin.
Ang Pilipinas ay binubuo ng mga barangay. Ang barangay ang pinakamaliit na yunit ng pamahalaang
lokal at ang pinakapundasyon ng ating bansa. Dito ginagawa ang mga plano, programa at proyektong pang
komunidad. Pinamumunuan ito ng isang kapitan o barangay chairman at ng mga kagawad. Nangunguna at at
namamahala sa lahat ang mga pinuno ng barangay. Sila ay inihahalal ng mga nanininirahan dito.

Barangay hall ang tawag sa tanggapan ng kapitan at ng mga


kagawad.

Halimbawa ng oraganizational chart ng Barangay Tabobo-an


Odiongan, Romblon

https://www.facebook.com/2232618800288771/photos/
a.2235088990041752/2704799959737317/?type=3

Ang isang bayan o lungsod ay binubuo ng mga barangay. Pinamumunuan ito ng alkade o mayor, bise-
alkalde at mga konsehal. Katulad din ng mga pinuno ng barangay, sila rin ay inihalal ng taongbayan at
maninilbihan sa loob ng tatlong taon at mayroon silang tatlong termino.

Munisipyo ang tawag sa kanilang tanggapan sa mga bayan


City hall ang tawag sa kanilang tanggapan sa mga lungsod.

K-2 ARALIN PANLIPUNAN 2 1


ARELLANO UNIVERSITY
“For God and Country” K-2

https://twitter.com/franciszamora30/status/1510283763590533121
Mga nahalal na pinuno sa Lungsod ng San Juan noong Mayo 9, 2022.

Ngayon naman ating alamin ang mga tungkulin na ginagampanan ng mga pinuno sa ating
komunidad. Ang mga pinuno ay binigyan ng kapangyarihang magpalakad ng mga gawain at magpatupad ng mga
batas sa nasasakupang komunidad nito. Isa-isahin natin ang tungkulin ng mga pinuno sa barangay at ng isang
bayan o lungsod.

Kapitan at mga Kagawad


Ang pangunahing tungkulin ng kapitan at mga kagawad ay ang panatilihin ang kaayusan ng kanilang
nasasakupan. Sila ang nangunguna sa paglunsad ng mga programa sa barangay tulad ng pagpapanatili ng
kalinisan. Isa rin sa kanilang tungkulin ang pagpapanatili ng kapayapaan kung kaya inatasan nila ang mga
barangay tanod para magronda o umikot sa barangay na nasasakupan. Inaasahan din sila na tumugon sa oras ng
pangangailangan at sa panahon ng sakuna. Sila rin ang nagsisibing tagpamagitan sa dalawang nag-aalitang tao.

Alkalde, Bise-alkalde at mga Konsehal


Bilang pinuno ng isang bayan o lungsod, tungkulin nila na bumuo ng mga programang para sa kanilang
nasasakupan. Ilan sa mga programa ay ang pagtataguyod ng edukasyon, pagpapatayo ng mga gusali at ospital,
pagbibigay ng libreng gamot sa mga health center. Nakikipag-ugnayan din sila sa mga pulis upang mapanatili
ang kaayusan sa buong bayan o lungsod. Ang alkalde ay may kapangyarihang pumili ng Kalihim, Ingat - yaman,
Tagapamayapa, at Hepe o Pinuno ng Pulisya para sa munisipalidad.

Bilang isang pinuno ng bayan o lungsod, ang alkalde ang siyang pangunahing tagabuo at tagapagpatupad
ng mga programa para sa kanyang nasasakupan. Ang bise-alkalde at mga konsehal ang bumubuo ng ordinansa o
kautusan na ipatutupad sa buong bayan o lungsod.

Paano naihahalal ang isang pinuno ng barangay at ng lungsod o bayan?


Sa pamamagitan ng halalan o eleksiyon, pinipili ng mga
rehistradong botante ang mga pinuno ng barangay at ng mga bayan at
lungsod. Nagaganap tuwing buwan ng Mayo ang eleksyon sa lokal na
pamahalaan kada tatlong taon. At tuwing buwan ng Oktubre, nagaganap
ang halalan para sa mga pinuno ng barangay tuwing ikatlong taon din.

Ang COMELEC (Commission on Election) ang ahensiya na nangangasiwa ng


halalan sa ating bansa.

Palaging tandaan na hndi lahat ay maaaring mahalal na lider ng isang komunidad dahil may katangian
dapat taglayin ang mga ito bago pumayag ang COMELEC na maging kandidato at mangampanya. At bilang
mamamayan, karapatan natin na pumili ang magiging pinuno ng komunidad na ating kinabibilangan.

K-2 ARALIN PANLIPUNAN 2 2


ARELLANO UNIVERSITY
“For God and Country” K-2
MGA PINAKAMAHALAGANG TANONG
Sa pagtatapos ng pagbabasa sa aralin, sagutin ang mga pamprosesong katanungan.

1. Sino-sino ang mga pinuno ng isang bayan o lungsod at barangay?

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

2. Paano pinipili ang isang pinuno?

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

3. Bakit mahalaga ang magkaroon ng mga pinuno sa isang barangay at lungsod o bayan?

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

PORMATIBONG PAGSUBOK
A. Panuto: Isulat sa patlang kung Tama o Mali ang isinasaad ng bawat pahayag.

__________1. Ang kapitan ng barangay ay namununo sa isang lungsod o bayan.


__________2. Ang mga rehistradong botante ay may pagkakataong pumili ng mga lider sa lokal na
pamahalaan.

__________ 3. Ang eleksyon sa lokal na pamahalaan ay ginaganap tuwing buwan ng Agosto.

__________4. Ang bayan o lungsod ang pinakamaliit na yunit ng lokal na pamahalaan sa bansa.

__________5. Walang kapangyarihang pumili ang alkalde ng kalihim, ingat-yaman, at hepe o pinuno ng pulisya.

__________6. Tungkulin ng alkalde na ipatupad ang mga batas at ordinansa sa kanyang nasasakupan.

__________7. Ang COMELEC, ang ahensiyang nangangasiwa sa halalan sa ating bansa.

__________8. Ang alkalde at maaaring mahalal sa posisyon ng apat na beses.

__________9. Sa barangay hall ang tanggapan ng alkalde, bise-alkalde at mga konsehal.

__________10. Ang mga pinuno ng barangay at ng mga bayan at lungsod ay pinipili sa pamamagitan ng halalan
o eleksiyon.

KONTEKSWALUSADONG GAWAIN
A. Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na namumuno sa pamahalaang lokal o sa barangay

Alkalde Kapitan Kagawad Bise – Alkalde Konsehal

Pamahalaang Lokal o Lungsod Barangay

K-2 ARALIN PANLIPUNAN 2 3


ARELLANO UNIVERSITY
“For God and Country” K-2
B. Panuto: Gumawa ng isang organizational chart ng mga opisyal ng inyong bayan/lungsod at barangay.
Ang organizational chart ay nagpapakita ng mga pangalan at posisyon ng mga pinuno ng isang
samahan. Tiyaking wasto ang nilalaman ng organizational chart. Ilagay sa isang long bond paper.
(Maaaring magpatulong sa iyong magulang)

Halimbawa ng organizational chart

MGA KAUGNAY NA BABASAHIN

 Kapehan sa Barangay Kasali ka na, Kasalo ka pa!


https://www.dilg.gov.ph/PDF_File/reports_resources/DILG-Resources-2013109-ee373cca91.pdf
 Cruz, Mark Alvin M., M.A., (2018), Bayanihan 2: Komunidad. Makati City, Ph. DIWA Learning System Inc.
 Agno, Lydia N. Ed. D, Tadena, Rosita D. Ph. D, Balonso, Celinia E., Ph. D, Dela Cruz, Marvie M., 2016),
Kultura, Kasaysayan at Kabuhayan 2 Edisyon 2, Quezon City, Ph. VIBAL Group, Inc.
 Borbon, Amado E., M.A. (2018), Sinag 2: Serye ng Araling Panlipunan. Quezon City, Ph. SUNSHINE
INTERLINKS Publishing House Inc.

K-2 ARALIN PANLIPUNAN 2 4

You might also like