You are on page 1of 1

2 AP2 - Q3 - M6 Tungkulin

NG Pamahalaan Sa
Komunidad FINAL COPY …
Wo Sign
Show full title

Uploaded by Erica Egida on Mar 21, 2021

 100% (1) · 5K views · 20 pages


AI-enhanced title

Document Information 
DepEd Grade 2 Araling Panlipunan Quarter 3 Module …

Download
Date uploaded 
Mar 21, 2021

Original Title
2 AP2_Q3_M6 Tungkulin Ng Pamahalaan Sa Komunidad FINAL COPY 1 Wo
Sign
2
Copyright
© © All Rights Reserved

Available Formats
Araling Panlipunan
PDF, TXT or read online from Scribd

Ikatlong Markahan – Modyul 6:


Share this document
Tungkulin ng Pamahalaan sa Komunidad

Facebook

Twitter


Email

Did you find this document useful?

Is this content inappropriate? Report this Document

AD Download to read ad-free.

Ar ali ng Panl ipun an – Ikalawang Baitang


Al ter nat iv e Deliver y Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Tungk ulin n g Pamahalaan sa Kom unidad

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat : Faye L. Flores


Patnugot : Ramil D. Dacanay
: Rochella C. David
: Janet P. Lingat

Tagasuri : Emily F. Sarmiento PhD


: Angelica M. Burayag PhD

Tagaguhit : Faye L. Flores


: Lady Diane M. Bonifacio

Tagalapat : Noel S. Reganit


Tagapamahala:
Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Lourdes G. Dela Cruz PhD
Emily F. Sarmiento PhD
Ramil D. Dacanay

Inilimbag sa Republik a ng Pilipinas ng K agawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph

AD Download to read ad-free.

2
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 6: Tungkulin
ng Pamahalaan sa Komunidad

AD Download to read ad-free.

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda


para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito
ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang
bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy


na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit
ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng
mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy
o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin
upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang
makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit.
Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na


ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa


kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa
mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala
sila sa paaralan.

ii

AD Download to read ad-free.

Alamin

Ang modyul na ito ay naglalayong maunawaan mo ang mga


paraan kung paano mapapalakas ang tama, maayos at makatwirang
pamumuno sa isang komunidad. Inaasahan na pagkatapos mong
maisagawa ang mga gawain ay maisasakatuparan mo ang sumusunod
na kabuuang kasanayan:
*naipaliliwanag ang mga tungkulin ng pamahalaan sa
komunidad.

Subukin

Basahin ang mga pahayag. Isulat ang Tama kung wasto ang
isinasaad ng pangungusap at Mali kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

__________ 1. Ang kapitan ang namumuno sa isang barangay.


__________ 2. Ang maunlad na komunidad ay hindi
nangangailangan ng mga serbisyo galing sa
pamahalaan.
__________ 3. Isang tungkulin ng pamahalaan ang magbigay ng
serbisyong pangkaligtasan.
__________ 4. Ang mga serbisyo tulad ng pagpapagawa ng mga
daan at tulay ay programa din ng pamahalaang
nasyonal o pambansa.
__________ 5. Ang pag-unlad ng isang lugar ay nasa kamay ng mga
mabubuting lider.

AD Download to read ad-free.

Aralin
Tungkulin ng Pamahalaan sa

1 Komunidad

Balikan

Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot sa


iyong sagutang papel.
____1. Ang pamamaraan ng isang pinuno na manguna sa isang
organisasyon ay tinatawag na:

a. paglilingkod c. pamamahala
b. pamahalaan d. posisyon
____2. Ang pinakamataas na pinuno ng bansa ay ang:
a. congressman c. presidente
b. mayor d. senador
____3. Ang namumuno sa ating mga bayan at lungsod ay tinatawag
na:
a. gobernador c. kapitan
b. kagawad d. mayor o alkalde
____4. Alin sa mga sumusunod ang serbisyong ibinibigay ng
pamahalaang pambansa sa komunidad.

a. pagroronda ng mga tanod sa barangay


b. mga daan, tulay at iba pang imprastraktura
c. pagbibigay ng mga kapitan ng mga relief goods
d. pagkakaroon ng mga medical mission sa komunidad

Trusted by over 1 million members

Try Scribd FREE for 30 days to access over 125 million


titles without ads or interruptions!

Start Free Trial

Cancel Anytime.

____5. Siya ang pinakamataas na pinuno sa isang barangay.


a. gobernador c. kapitan
b. kagawad d. sanggunian

Tuklasin

Gawain: Apat na Larawan, Isang Salita


Suriin ang apat na larawan upang mabuo ang hinahanap na salita.
Isulat ito sa sagutang papel.

P M H L N

AD Download to read ad-free.

Suriin

Ang pamahalaan ay isang organisasyon kung saan may


kakayahang magpatupad ng mga batas sa pamamagitan ng kanyang
mga halal na mga pinuno tulad ng presidente, gobernador, alkalde o
mayor at mga kapitan ng barangay. Ito rin ay tumutugon sa mga
pangangailangan ng kanyang mga nasasakupan. Mula sa mga
kabuhayan ng mga tao, imprastraktura tulad ng mga daan at tulay,
kaligtasan ng mga mamamayan, kalusugan, kalakalan at iba pa,
nangunguna ang pamahalaan sa pagbibigay ng serbisyo.
Mahalaga ang pamahalaan sapagkat pinagsasama o
pinagkakaisa ang lahat ng tao sa isang bansa, lalawigan, bayan o
lungsod at sa mga komunidad. Kung walang pamahalaan,
magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mga tao. Sinisiguro ng
pamahalaan na lahat ng tao sa kanyang nasasakupan ay malayang
nakagagalaw at napoproteksyunan ang kanilang buhay at ari-arian.
Tungkulin din ng pamahalaan ang magbigay ng serbisyong
panlipunan tulad ng edukasyon, kalusugan, imprastraktura at iba pa.

AD Download to read ad-free.

Sa ating mga sariling komunidad, makikita natin ang tulong ng


pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga serbisyo tulad ng
edukasyon, kalusugan, seguridad at imprastraktura.
Mahalaga ang pamahalaan dahil kung wala ito,
hindi natin makakamit o makukuha ang mga serbisyo publiko na
nabanggit sa itaas. Ating igalang, sundin at mahalin ang ating
pamahalaan at mga namumuno rito.

AD Download to read ad-free.

Pagyamanin

Gawain 1:
Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang gawain sa ibaba.
Tapat na Serbisyo
ni: Faye L. Flores
Ang Barangay Lourdes Sur ay isang
maunlad at mapayapang komunidad na
pinamumunuan ni Kapitan Kaloy.
Nagkakaroon sila ng mga pagpupulong
kung saan tinatalakay at binibigyan ng
pangunahing pansin ang mga
pangangailangan sa kanilang
nasasakupan.
Ipinatutupad ng kapitan ang mga programa ng pamahalaan tulad
ng pagbibigay ng mga ayuda at sa mga nangangailangang pamilyang
naapektuhan ng lockdown dahil sa pandemya dulot ng COVID- 19.
Hinigpitan din niya ang pagpapatrolya ng mga barangay tanod
para sa kaligtasan ng kaniyang nasasakupan. Nagsasagawa din siya ng
mga programang pangkabuhayan para sa mga mahihirap na
pamilya.
Ang pondo ng barangay ay inilalaan sa wastong programa para sa
kaayusan at kaunlaran ng kanilang komunidad.

AD Download to read ad-free.

Ang Barangay Sto. Cristo

Ito naman ang Barangay Sto.


Cristo na pinamumunuan ni
Kapitan Berto. Madalas na
napapasukan ng mga magnanakaw
ang ilang mga bahay dito dahil
hindi nagpapatrolya ang mga
barangay tanod.
Walang naghahakot ng
basura at naglilinis sa kanilang komunidad kaya madumi at maraming
nagkakasakit dito. Ang mga barangay health center ay kulang sa mga
gamot at serbisyong pangkalusugan.
Makikita rin dito na ang mga kalsada ay hindi rin maayos. May
mga kanal na umaapaw ang tubig at mga basura. Maraming tao ang
walang trabaho kaya maraming mahirap sa komunidad.
Sa paglaganap ng sakit na Covid 19, isa ang Barangay Sto. Cristo
sa may pinakamaraming tinamaan ng sakit.
Masasabing hindi maunlad ang barangay na pinamumunuan ni
Kapitan Berto.

AD Download to read ad-free.

Download

You might also like