You are on page 1of 17

ETIMOLOHIYA NG TATAK-IDENTIDAD NG 15 BARANGAY SA

MAGARAO, CAMARINES SUR

JHOHAIMA G. BONETE

ROCEL PATARICIA J. RAÑA

Isang Pananaliksik na Iniharap sa Kaguruan ng Kolehiyo ng

Edukasyon ng Edukasyon ng Central Bicol State University of

Agriculture, Camarines Sur

Bilang bahagi sa pagtamo ng Batsilyer ng Pansekundaryang

Edukasyon sa Filipino.

2023
KABANATA I

PANIMULA

Ang bawat yunit ng ating pamahalaan ay may tatak-

identidad. Ito ay sumisimbolo sa mga mahahalagang aspeto na may

kaugnayan sa kasaysayan at patuloy na pagsulong ng isang

komunidad katulad ng Barangay, makikita sa sagisag nito ang mga

likas na katangian ng pamayanan, mga istraktura, uri ng hanapbuhay

at mga produktong matatagpuan at pinagkakakitaan ng mamamayan.

Ang lahat ng imaheng ito na makikita sa sagisag ng Barangay ay may

kahulugan at kaugnayan sa pagkakakilanlan ng isang Barangay.

Ang bawat lungsod ay mayroong tatak-identidad na

sumisimbolo sa kanilang pagkakakilanlan na hindi nababasa ng ating

hubad na mga mata. Ito ay kanilang isinasabuhay na may samu't

saring prinsipyo na bahagi na ng kanilang tradisyon at kultura makikita

rin dito ang tatak, logo grap at tanda.

Ang tatak-identidad ay isang palatandaan na karaniwang

ginagamit upang kumatawan sa iba't ibang mga entidad tulad ng mga

organisasyon, mga kumpanya, mga tatak, mga bansa, mga lugar atbp.

Ito ay naglalarawan ng mahalagang pangangailangan para sa mga

organisasyon upang magtatag ng mga palatandaan na kapansin-

pansin, simple, at na tumutukoy sa terminolohiya sa pagmemerkado,

mga palatandaan na kakaiba, madaling makilala, malilimot at

nauugnay sa mga tamang uri ng mga imahe.

Bilang Pagtalima sa Sustainable Development Goals

bilang apat (4) o Quality Education o Kalidad na Edukasyon.


Naglalayong itong palakasin ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa.

Edukasyon particular sa pagbahagi ng kaalaman na may kinalaman sa

kultura at paniniwala. Binibigyang diin ng SDG bilang apat (4) na

alagaan at pahalagahan ang ating kultura at pinagmulan.

Ang logo ay ang pinakapangunahing bahagi ng VI (Keller,

2003), na siyang simbolo ng isang imahe ng korporasyon. Ang papel

na ginagampanan ng simbolismo ay itinalaga na ngayon ng isang mas

malaking papel at lumago mula sa orihinal nitong layunin.

Ayon sa teorya ni Madiyeva G. B. (2006), Proper name

and identity. Language and identity (pp. 51-58). Almaty: Kazakh

University. Ang wastong pangalan ay napakahalaga para sa

pagkakakilanlan ng isang bagay o tao. Kung ang isang pangalan ay

nabigkas o mali ang pagkakasulat, maaari itong ituring na pagbaluktot

ng isang pagkakakilanlan sa kahulugan ng personalidad. Ang layunin

ng artikulong ito ay ibunyag ang mga dahilan ng mga pagbaluktot ng

pangalan (kapabayaan, kakulangan ng wika, bilingualism,

komunikasyon sa pagitan ng kultura, impluwensya ng isa't isa ng mga

nasyonalidad) na humahantong sa iba't ibang uri ng malubhang

kahihinatnan tulad ng komplikasyon ng pagkakakilanlan ng isang

maydala ng pangalan.

Lutz at Lutz (1977), at Park et al. (2013), ipinakita ang mga

logo bilang mga trigger ng affective reactions bago ang proseso ng

kognitibo. Napansin nila na "ang mga logo ay maaaring higit pa sa mga

simpleng tool para sa pagkilala at pagkita ng kaibhan".


Ang pangunahing halaga na nakalakip sa mga logo ay

tradisyonal na nakatuon sa pagkakakilanlan at pagkakaiba ng tatak

mula sa mga katunggali nito (Macinnis et al., 1999; Machado et al.,

2015). Gayunpaman, sa mga nakalipas na taon.

Sa ekonomiya, sina Ramello at Silva (2006) ay

nagpapahiwatig ng kaugnayan ng pag-aaral ng ebolusyon ng mga

trademark bilang isang simbolo na may emosyonal na kahulugan.

Sinabi ni Balmer (2017), na ang pagkakakilanlan ng

korporasyon ay hindi lamang kinasasangkutan ng mga nakikitang

panlabas na representasyon.

Ang mga Calabangueño, Bomboneño, Magaraoeño ay

nakipaglaban para sa kalayaan noong 1897 hanggang 1899 nang

sakupin ng Estados Unidos ang Pilipinas. Ang Magarao ay pinagsama

sa Barangay Bombon sa Calabanga at naging isang lungsod noong

1901 at nakilala bilang Magarao-Bombon di-nagtagal hanggang 1903

nang ibinaba ito sa isang munisipalidad. Noong 1949 ang Magarao

Bombon ay tumigil sa pag-iral nang magkahiwalay ang dalawang

munisipalidad.

Napagpasyahan ng mananaliksik na maging sentro ang

mga Etimolohiya ng tatak-identidad ng 15 barangay sa munisipilidad

ng Magarao upang matukoy ang papel na ginagampanan nito sa

buhay ng Magaraoeños.

Ang pag-aaral na ito ay kabilang sa Research Agenda ng

Central Bicol State University of Agriculture- Calabanga Campus na

nakapaloob sa Cultural Studies na kung saan isang pag-aaral


patungkol sa mga simbolong ginamit sa 15 logo ng bawat Barangay ng

Magarao, Camarines Sur.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong mabatid ang

Etimolohiya ng tatak-identidad ng 15 barangay sa Magarao Camarines

Sur.

Nilalayon ding masagot ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano-ano ang pagpapakahulugan ng Magaraoenos sa tatak-

identidad sa bawat simbolismong ginamit batay sa:

a. Hugis

b. Kulay

c. Elemento

2. Ano-ano ang mga etimolohikal na pagpapakahuluan ng bawat

simbolismong ginamit sa mga espisipikong barangay?

3. Ano ang makabuluhang kagamitang digital ang mabubuo batay

sa mga simbolikong natagpuan sa mga tatak identidad?

LAYUNIN SA PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong mabatid ang

Etimolohiya ng tatak-identidad ng 15 barangay sa Magarao Camarines

Sur.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong:


1. Matukoy ang pagpapakahulugan ng Magaraoenos sa tatak-

identidad sa bawat simbolismong ginamit.

2. Maisa-isa ang mga etimolohikal na pagpapakahuluan ng bawat

simbolismong ginamit sa mga espisipikong barangay.

3. Mailahad ang makabuluhang kagamitang digital na mabubuo

batay sa mga simbolikong natagpuan sa mga tatak identidad.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay may kahalagang maidudulot sa

mga sumusunod:

Magaraoenos. Mapapalalim ang pag-unawa sa logo sa logo o simbolo

na mayroon ang isang barangay. Madedebelop ng higit na mataas na

pagkilala sa sariling kinagisnang barangay. Magpapatatag ng

pagmamahal sa pangunahing produkto ng barangay.

Pamahalaang local ng Magarao. Magkakaroon ng ulat naratibo

ngkahalagahan ng mga logo na ginagamit ng bawat barangay.

Makabubuo ng mga proyekto at programa na higit na magpapakilala

ng mga tanging trabaho at kultura na mayroon ang bawat barangay.

Opisyales ng Barangay. Makatutulong ang pag-aaral na ito sa mga

opisyales ng barangay sa pagbuo ng mga gawain o aktibidad na lalong


didiin sa pagpapahalaga sa trabaho at kultura ng barangay.

Mapadadali ang paghuhugis ng identidad ng bawat isa lalo na sa

disposisyon ng paggawa.

Mga Paaralan ng Magarao. Makapagdedesinyo ng mga aktibidad na

lalong magpapa lakas ng bawat trabaho, produkto at pagunawa sa

anyo ng barangay ng buong munisipalidad. Magtatampok ng

kontekstwalisadong pagtuturo batay sa oryentasyon ng isang

barangay.

Lipunan. Ito ay magiging solusyon sa katanungan o suliranin at

magiging gabay sa pagkakaroon ng bagong kaalaman at konsepto.

Kabataan. Magkakaroon ng oragnisadong impormasyon at datos at

mapapayaman ang kaisipan sa pagkakaroon ng bagong ideya at

interpretasyon sa kanilang kaisipan.

Iba pang Mananaliksik. Magsisilbing gabay sa mga pananaliksik na

may kaugnay sa politikal na aspekto ng Magarao kasama na ang pag-

aaral sa pamayanan, mamamayan, politika at trabaho.


SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay pag-aaral ng Etimolohiya ng

tatak-identidad ng 15 barangay sa Magarao Camarines Sur na kung

saan pag-aaral ng mga logo, kulay, hugis at elemento ng bawat logo

ng mga barangay ang magiging saklaw ng pag-aaral na ito.

Hindi saklaw sa pag-aaral na ito ang mga karatig na

munisipalidad pati ang kasaysayan ng mga ito, at iba pang logo na

ginagamit nang Magarao partikular ang mga barangay nito.


BATAYANG TEORITIKAL

Tatlong teorya ang pinagbatayan upang higit na bigyang

diin ang pag-aaral na ito.

Una, ang teoryang Symbolic Interactionist Theory ni

Blumer (1969) na nakatuon sa mga kahulugang kalakip ng interaksyon

ng tao, parehong berbal at di-berbal, at sa mga simbolo. Ang

komunikasyon ang pagpapalitan ng kahulugan sa pamamagitan ng

wika at mga simbolo ay pinaniniwalaang ang paraan kung saan

naiintindihan ng mga tao ang kanilang mga panlipunang mundo.

Kinikilala ng simbolikong interaksyon mo ang kapwa impluwensya ng

pisikal na kapaligiran at ang pag-unlad ng sarili na ayon naman kay

Smith at Bugni (2006). Sa teoryang ito ang panlipunang konstruksyon

batay sa mga pakikipag-ugnayan sa iba, at tumatagal sa paglipas ng

panahon ay ang mga may kahulugan na malawak na sinang-ayunan o

karaniwang tinatanggap ng karamihan sa loob ng lipunan.

Ang pangalawa ay ang konsepto na nag-aaral ng mga

senyales, simbolo, at mga proseso ng pagkuha ng kahulugan. Ang

semiotics ay isang mapanuring pagsusuri sa kung paano ang mga

senyales ay ginagamit upang magbigay-kahulugan sa mundo ang

isinusulong din ng Teoryang Semiotic ni Charles Sanders Peirce (1914)

na pinabulaanan ni Skowronski (2012) na ito ay isang pormal at

normatibong agham na kasangkot sa paghahanap ng katotohanang

maisisiwalat sa pamamagitan ng senyas/tanda/lagda/hudyat.

Hinahanap nitoang mga esensiyal na kondisyon sa paggamit ng

senyas
Ang teoryang Teoryang Sosyal na Identidad ni Tajfel &

Turner (1979) ay nagpapakita ng kung paano ang identidad ng isang

tao ay hindi lamang bunga ng kanyang indibidwal na katangian kundi

maging ng kanyang pakikibahagi sa iba't ibang mga grupo sa lipunan.

Ito ay may malalim na implikasyon sa pag-unawa ng diskriminasyon,

stereotyping, at intergroup conflict.


Teoryang Semiotic ni
Charles Sanders Peirce
(1914) na inilatag sa pag-
Symbolic Interactionist aaral ni Skowronski
Teoryang Sosyal na
Theory ni Herbert (2012)
Identidad ni Tajfel &
Blumer (1969) na Turner (1979)
 Konsepto na nag-
ginamit sa pag-aaral
aaral ng mga
nina , Smith at Bugni  Nagpapakita ng
(2006) senyales, simbolo,
kung paano ang
 Simbolo ang at mga proseso ng
identidad ng isang
pinaniniwalaang pagkuha ng
tao ay hindi lamang
paraan kung saan kahulugan
bunga ng kanyang
naiintindihan ng
indibidwal na
mga tao ang
kanilang mga katangian.
panlipunang mundo

ETIMOLOHIYA NG TATAK-
IDENTIDAD NG 15
BARANGAY SA MAGARAO,
CAMARINES SUR

Pigura 1. Batayang Teoritikal


BALANGKAS KONSEPTWAL

Sa pamamagitan ng balangkas konseptwal mas

mauunawaan ang pag-aaral ng pananaliksik na ito. Ang pag-aaral ang

magsisilbing input na mananaliksik. Dito magsimula ang pagsasaliksik

sa paghahanda ng mga gabay na tanong, interbyu, transkripsyon,

pagkokoda, malalim na pag-aanalisa at pagbibigay rekomendasyon

para mas maging makatotohanan ang pag-aaral at sandigan ng mga

katanungan at impormasyon ng mga mananaliksik.

Ang mga impormasyong makakalap pagkatapos ng pag-

aaral na ito ay magsisilbing instrumento ng mga magaraoenos para sa

mas malalim na impormasyon tungkol sa karagdagang kaalaman

tungkol Etimolohiya ng tatak-identidad ng 15 barangay sa Magarao

Camarines Sur.

Ang inaasahang awtput ng pag-aaral na ito ay isang

promotional video na naglalaman ng ng tatak-identidad ng 15 barangay

sa Magarao Camarines Sur.


Mga etimolohikal na

Pagpapakahulugan ng pagpapakahuluan ng
Makabuluhang
Magaraoenos sa tatak- bawat simbolismong
kagamitang digital ang
identidad sa bawat ginamit sa mga
mabubuo batay sa mga
simbolismong ginamit espisipikong barangay ng
simbolikong natagpuan
batay sa hugis, kulay at Magarao Camarines Sur
sa mga tatak identidad
elemento. sa pamamagitang ng

pakikipanayam.

Pigura 2. Balangkas Konseptwal


KATUTURAN NG PAG-AARAL

Binigyan ng pagpapakahulugang operasyunal ang mga

terminolohiya o salitang ginamit sa pag-aaral para sa lubos na

pagkaunawa.

Identidad. Tumutukoy sa mga katangian ng pagkakatulad kaugnay sa

koneksyon ng isang tao sa iba pang partikular na na pangkat ng tao at

pagkakakilanlan ng mamamayan, trabaho ng bawat barangay

alinsunod sa laman ng logo ng barangay.

Magaraoenos. Tumutukoy sa mga taong lehitimong naninirahan sa

alinmang 15 barangay ng Magarao, Camarines Sur.

Simbolo. Tumutukoy sa pagpresenta, pagtatayo, pagpapahiwatig ng

isang ideya paniniwala, aksyon, hanapbuhay at representasyon ng

isang larawan na may nakatalang guhit sa logo ng bawat barangay ng

Magarao, Camarines Sur.

Tatak Identidad. Tumutukoy sa mga simbolo, porma, o elemento ng

isang grupo o organisasyon na nagpapakita ng kanilang

pagkakakilanlan. Matatagpuan ito sa logo at anumang elemento na

nagpapahayag ng kanilang pagkakakilanlan.


KABANATA II

METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN

Tinalakay sa bahaging ito ang mga pamamaraang ginamit

ng mananaliksik sa paglikom ng mga kailangang impormasyon at

datos sa pag-aaral. Nakaangkla rin sa kabanatang ito ang instrumento

ng pananaliksik na ginamit pati narin ang paglalarawan ng target na

respondedyenteng pinagkunan ng mga datos. Ang mga mananaliksik

ay naghanda ng mga gabay na katanungan at naglaan ng oras upang

kapanayamin ang mga respondyente bilang bahagi ng pag-aaral na ito

upang makalap ang iba’t ibang datos na kailangan sa pananaliksik.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Upang higit na malinaw ang pag-aaral na ito, ginamit ng

mga mananaliksik ang qualitative-descriptive-developmental na

disenyo. Ito ay ang paglalarawan at pagtatala ng pagpapakahulugan

ng mga respondyente sa tatak-identidad ng kanilang Barangay at

kanilang gawi, pangunahing hanapbuhay, at paniniwala. Ito ay

isinagawa sa pamamagitan ng pakikipanayam at sa aktwal.

RESPONDYENTE
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa piling personalidad sa

loob ng Magarao, Camarines Sur tulad ng Koordinador ng kultura

(Cultural coordinator), Tourism officer, Municipal Kagawad- komite ng


edukasyon, Isang piling Opisyal ng Barangay, Isang nakatatanda sa

bawat barangay.

Upang makakuha ng mga kasagutan sa mga

respondyente,

pakikipanayam at interbyu ang ginamit sa pagsasagawa ng pag-aaral.

Ang kabuuang bilang ng mga respondente ay 19.

PARAAN SA PAG-KALAP NG DATOS

Ang mananaliksik ay kakalap ng mga impormasyon upang

lubos na maunawaan ang saklaw ng pag-aaral upang matiyak ang

kalidad ng ipepresentang datos.

Ang mga mananaliksik ay maghahanda ng mga gabay na

tanong na gagamitin sa pakikipanayam.

Magsasagawa ang mga mananaliksik na isang interbyu sa

napiling respondyente upang matugunan ang mga katanungang

inihanda ng mga mananaliksik.

Magkakaroon din ng transkripsyon na kung saan ay bawat

sinasalita ng respondyente ay pakikinggan sa pamamagitan ng audio

recorder at isusulat.

Sa pagkokoda naman ay bibigyang interpretasyon ng mga

mananaliksik ang bawat tugon at salitang namumutawi sa bibig ng

respondyente at bibigyan kahulugan ang bawat pangungusap.

Mayroon ding malalimang pag-aanalisa tugkol sa mga

nakalap na impormasyon mula sa mga gabay na tanong tungkol sa


Etimolohiya ng tatak-identidad ng 15 barangay sa Magarao Camarines

Sur.

Ang mga mananaliksik ay magkakaroon ng

rekomendasyon ukol sa magiging resulta ng kanilang mananaliksik.

INSTRUMENTO SA PAGLIKOM NG DATOS

Ang gagamiting instrumento ng mga mananaliksik sa pag-

aaral ay ang mga gabay na tanong na gagamitin sa pakikipanayam,

interbyu, transkripsyon, pagkokoda, malalim na pag-aanalisa sa

napiling respondyente sa naturang pag-aaral.

KAGAMITANG ISTATISTIKA

Ang pananaliksik na ito ay hindi na kinakailangan gumamit

ng kagamitang istatistika sa kadahilanang tanging gagamitin ng mga

mananaliksik ay ang naratibong pag-uulat galing sa isinagawang

interbyu o pakikipanayam gamit ang mga gabay na mga tanong.

You might also like