You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region III – Central Luzon
Schools Division Office of Nueva Ecija
SDO - CARRANGLAN ANNEX
CARRANGLAN CENTRAL SCHOOL
Brgy. G.S. Rosario, Carranglan, Nueva Ecija

Name of Teacher MARIA BELEN J. MANOCDOC Section ROSE


Leaning Area ARALING PANLIPUNAN Time 9:30-10:20
Grade Level TWO Date APRIL 21, 2022

I. LAYUNIN Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. naibibigay ang kahulugan ng salitang “hanapbuhay”.
2. natutukoy ang mga hanapbuhay ng mga tao sa komunidad.
(AP2PSKllld-4.2)
3. naipakikita ang pagpapahalaga sa mga hanapbuhay ng mga
tao sa komunidad.
II. NILALAMAN MGA HANAPBUHAY SA KOMUNIDAD
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay sa Pagtuturo AP2PSKllld-4.2, T.G pahina 87-90
2. Mga Kagamitang Pang Mag-aaral Araling Panlipunan 2 pahina 186-188, modyul pahina 5-10
B. Iba Pang Kagamitang Panturo Mga larawan ng iba’t ibang hanapbuhay, papel,lapis,tarpapel,tsart
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa Nakaraang Aralin o Tukuyin ang bawat larawan kung anong uri ng likas na yaman ito
Panimula sa Bagong Aralin nabibilang. Idikit ang larawan sa angkop na hanay kung ito ba ay Yamang
Lupa o Yamang Tubig.

YAMANG LUPA YAMANG TUBIG

This P
B. Paghahabi sa layunin ng aralin hoto
Magpapakita ang guro ng isang kahon. Ang kahon ay naglalaman
by
Unkn
own
Autho
ng larawan ng bituin at puso. Tatawag ang guro ng ilang mag-aaral
upang bumunot sa kahon. Kapag nabunot ang bituin na larawan ibig
sabihin ibabahagi ng mag-aaral ang hanapbuhay ng kanyang
magulang sa klase. Kapag puso naman ang kanilang nabunot ibig
sabihin ibabahagi ng mag-aaral ang kanyang pangarap o gustong
maging paglaki.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa 1. Alam niyo ba kung ano ang ibig sabihin ng salitang hanapbuhay?
bagong aralin 2. Ano-ano ang mga hanapbuhay na nakikita natin sa ating
komunidad?
3. Kung ang komunidad ay malapit sa ilog o dagat ano kaya ang
maaaring maging hanapbuhay ng mga tao?
4. Paano naman kung ang komunidad ay may malawak na lupain
para taniman ano kaya ang maaaring maging hanapbuhay ng mga
tao?
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto May babasahing tula ang guro tungkol sa mga hanapbuhay sa
komunidad.

MGA HANAPBUHAY SA KOMUNIDAD


Ako’y isang guro, tungkulin ay magturo.
Sumasakit ba ang ngipin, dentista ay tawagin.
Masamang pakiramdam, doktor ang kailangan.
Na katulong ang mga nars na mahuhusay.
Ako’y isang bumbero,sunog ang kalaban.
Sirang gripo at tubo, tubero ang hanapin mo.
Nagpapanatili ng kaayusan, pulis ang pangalan.
Kasuotan kong maganda, mananahi ang may alam.
Masarap na mga ani,handog ng magsasaka.
Isda at hipon, huli ng mangingisda.
Mga bayaning manggagawa sa ating lipunan.
Ambag sa komunidad ay kaunlaran.

1. Ano- ano ang mga hanapbuhay ang nabanggit sa tula?


2. Ano ang ginagawa ng guro?pulis?doktor?
3. Nais mo din ba na maging katulad nila paglaki mo?

E.Pagtatalakay ng bagong konsepto at Ipapakita ng guro ang iba’t ibang larawan ng mga hanapbuhay sa
paglalahad ng bagong kasanayan komunidad. Mga bata isa-isahin natin ang mga hanapbuhay sa ating
komunidad.

1. 6.

2. 7.
3. 8.

F. Paglilinang sa Kabihasan (Tungo sa Tayo ngayon ay maglalaro. Ang tawag sa laro natin ay “Sino Siya?”
Formative Assessment)
May ilalarawan akong iba’t ibang uri ng hanapbuhay at sabihin
kung sino siya.
1. Siya ang palaging tinatawag kapag may sunog. Gumagamit
siya ng malaking hose upang masugpo/mamatay ang
malalaking apoy. Sino Siya?
2. Siya ang palagi nating pinupuntahan kapag tayo ay may
sakit. Siya din ang nagrereseta saatin ng gamot na dapat
natin inumin. Sino Siya?
3. Siya ang palaging katulong ng doktor. Siya ang nag-aalaga
ng pasyente sa loob ng ospital. Sino Siya?
4. Siya ang gumagawa ng iba’t iba nating kasuotan. Ang mga
gamit niya ay gunting, sinulid at karayom. Sino Siya?
5. Siya ang humuhuli sa mga taong lumalabag sa batas at
humuhuli sa mga taong masasama. Sino Siya?
6. Siya ang nagtatanim ng mga palay para tayo ay may makain
na bigas.
7. Siya ay gumagawa ng iba’t ibang uri ng tinapay. Sino Siya?
8. Siya ay nanghuhuli ng iba’t ibang uri ng isda. Sino Siya?
9. Siya ay nagtuturo sa mga bata kung paano bumasa at
sumulat. Sino Siya?
10. Siya ang gumagawa ng iba’t ibang klase ng
bahay/tirahan.Ang kanyang mga gamit ay lagare,martilyo at
pako. Sino Siya?
G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw 1. Mga bata sa inyong palagay mahalaga ba ang pagkakaroon ng
araw na buhay hanapbuhay?
2. Ano-ano ba ang maitutulong ng hanapbuhay sa ating pamilya at sa
komunidad?
3. Sa iyong palagay kapag walang hanapbuhay ang pamilya ano kaya ang
mangyayari?
H. Paglalahat ng Aralin TANDAAN:
Hanapbuhay- isang uri ng trabaho o pinagkukuhanan ng kinikita o salapi.
Ito din ang nagbibigay daan upang matustusan ang ating pangangailangan
sa pang araw-araw.
Mga Halimbawa ng Hanapbuhay: mangingisda,
magsasaka,guro,mananahi,panadero at iba pa…
I. Pagtataya ng Aralin Pag-ugnayin ang nasa larawan ng Hanay A ang tinutukoy na
hanapbuhay ng nasa Hanay B.

HANAY A HANAY B

1. A. Humuhuli ng mga masasamang tao.

2. B. Sumusugpo ng sunog sa komunidad.

3.

4.

5.

J. Karagdagang Gawain para sa Kopyahin sa kwaderno ang graphic organizer sa ibaba.Gumupit ng


takdang aralin (Assignment) larawan ng mga hanapbuhay na nakikita mo sa iyong komunidad.

MGA HANAPBUHAY
SA AKING
KOMUNIDAD

V. REMARKS

Prepared by: Checked and Observed by:

MARIA BELEN J. MANOCDOC DIWATA S. NIMES


Teacher I Master Teacher II

NOTED

ERWIN E. SELGA
School Principal II
ANO ANG PANGARAP ANO ANG PANGARAP
MO PAGLAKI MO? MO PAGLAKI MO?
ANO ANG PANGARAP
MO PAGLAKI MO?

ANO ANG
TRABAHO NG
ANO ANG IYONG
TRABAHO NG MAGULANG?
IYONG
MAGULANG?

You might also like