You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Filipino I

I. Layunin : Pagkatapos ng 30 minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. malaman ang iba’t ibang trabaho o kabuhayang pampamayanan/trabaho;


b. mapahalagahan ang iba’t ibang trabaho o kabuhayang pampamayanan;
c. nailalarawan ang mga trabaho/hanapbuhay, negosyo sa pamayanan;

II. Paksang Aralin:

a. Paksa: Kabuhayang pampamayanan/trabaho, Industriya ng


pakikipagkalakalan
b. Sanggunian:Filipino 1, Rosa Almario, pahina 80-90;
c. Kagamitan: Larawan ng iba’t ibang hanapbuhay, cartolina, projector
d. Stratehiya: Isa-isahin;

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Estudyante

A. Panimulang Gawain:

 Panalangin
 Pagtsetsek ng mga liban at
hindi liban.
 Pagbati

B. Balik Aral

Ano ang tinalakay natin


kahapon?
Tungkol po sa pamilya ni Angie

Ano ang trabaho ni Angie?


Nars.

Ano ang trabaho ng kanyang


ina?
Guro.

C. Pagganyak

Mga bata ano ang nalalaman


n’yong mga hanapbuhay o
trabaho?
Pulis!
Guro!
Nars!
Magsasaka!

Tama! Ang mga batang


makakasagot sa aking tanong ay
bibigyan ko ng mga bituin. Gusto
niyo ba iyon mga bata?
Opo Ma’am.
At ngayon bumuo kayo ng apat
na pangkat.
Ang bawat pangkat ay
magsasadula ng mga scenario ng
mga trabaho tulad ng:
Nasa isang hospital
Nasa isang eroplano
Nasa isang paaralan
Nasa isang sunog
(NAGSASADULA)
Nasa isang hospital
 May doktor
 Nars
 Mga pasyente
Nasa isang eroplano
 May piloto
 Stewardess
 Pasahero
Nasa isang paaralan
 May guro
 Mga estudyante
Nasa isang sunog
 Mga bumbero
 At mga nasunugan

D. Paglalahad ng paksa

Ididikit ko ang mga larawan sa


pisara para sa presentasyon ng
aralin sa araw na ito.
E. Pagtatalakay ng paksa

Mga bata ano ang hanapbuhay


ng tatay, nanay, ate at kuya
n’yo?
Mag-aaral 1: ang hanapbuhay
ng tatay ko ay pulis.

Mag-aaral 2: ang hanapbuhay


naman ng nanay ko ay tindera
ng isda.

Mag-aaral 3: ang ate ko naman


ay isang guro.
Ano ang nais ninyong maging
hanapbuhay pagdating ng
panahon? At ipaliwanag kung
bakit.
Mag-aaral 4: gusto kong
maging isang pulis para
makatulong sa mga naaapi.

Mag-aaral 5: ang gusto ko


naman paglaki ko ay maging
isang guro katulad ng tita ko,
dahil nakikita ko po na Masaya
siya sa trabaho niya.

F. Paglalapat

Ipapakita ko ang larawan tungkol


sa iba’t ibang hanapbuhay at
sabihin ang sariling hinuha
tungkol dito. Opo Ma’am!
G. Paglalahat
Ano ang natutunan mo sa aralin?
Mga hanapbuhay po sa
pamayanan.
Tama, limang bagsak para sa
kanya.

Ngayon, bibigyan ko kayo ng


maikling pagsusulit.

Panuto: Alamin kung sino ang


nailalarawan sa pangungusap.

1. Sino ang dumadakip sa mga


magnanakaw?
Pulis po.
2. Sila ang gumagawa ng mga
tinapay.
Panadero po.
3. Sila ang gumagamot sa mga
may sakit.
Ang mga doktor po.
4. Sila ang nagtuturo sa
paaralan.
Ang guro po.
5. Sila ang nag-aapula ng apoy
kung may sunog.
Mga bumbero po.

Magaling mga bata ! (Bibigyan


ng mga bituin ang mga
nakasagot)
IV. Ebalwasyon:
Bumuo ng limang pangkat at
bibigyan ko kayo ng larawan
tungkol sa hanapbuhay ng
pamayanan. Magbigay ng mga
pangungusap na naglalarawan sa
hanapbuhay na nakita sa loob ng 10
minuto.

Rubriks sa pangkatang Gawain

Nakasulat ng lima o Puntos


higit pang pangungusap 20

Nakasulat ng apat na
pangungusap 15

Nakasulat ng tatlong
pangungusap lamang 10

Nakasulat ng dalawang
pangungusap lamang 5
(Ang mga bata ay
nagpartipasyon. Binigyan ng
mas malalaking bituin
nanalong grupo.)

V. Takdang Aralin
Gumupit ng mga larawan ng
iba’t ibang hanapbuhay ng mga tao
sa sariling pamayanan.

Inihanda ni:
JULIE ROSE O. BUGNOS

You might also like