You are on page 1of 16

Masusing Banghay - Aralin sa Grade 10 Araling Panlipunan

Ikatlong Markahan - Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan

I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman

Ang mag-aaral ay nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na nagsusulong ng

pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang pagkakapantay-

pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan.

B. Pamantayan sa Pagganap

Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga epekto ng mga isyu at hamon na may

kaugnayan sa kasarian at lipunan upang maging aktibong tagapagtaguyod ng

pagkakapantay-pantay at paggalang sa kapwa bilang kasapi ng pamayanan.

C. Pamantayan sa Pagkatuto

Napahahalagahan ang tugon ng pamahalaan at mamamayang Pilipinas sa mga

isyu ng karahasan at diskriminasyon.ukol sa karahasan at diskriminasyon.

Layunin:

1. Natatalakay ang mga karahasan sa mga lalaki, kababihan at LGBT.

2. Napapahalagan ang mga tugon at solusyon ukol sa isyu ng karahasan at

diskriminasyon sa ating Lipunan.

3. Naipapakita ang ibat ibang pananaw sa pamamagitan ng iba-ibang Gawain

II. Nilalaman

Paksa: Karahasan sa mga lalaki, kababaihan, at LGBT.

Sanggunian:

Araling panlipunan- Ikasampung Baitang, Ikatlong Markahan- Modyul 3: Mga

Isyu at Hamong pangkasarian, pahina 294-307


Kagamitan: Power Point Presentation, Chalk at Pisara, TV, Pantulong

Biswal, Laptop

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

I. Panimulang Gawain: (tatlong

minuto)

a) Panalangin

“Magsitayo ang lahat upang manalangin. “ Panginoon na aming Diyos,

Jessica, maaari mo bang pangunahan Maraming salamat po sa ibinibigay

ang panalangin?” Niyo pong lakas sa amin. Nawa po

sa amin pong mga pag-aaral

pakibigyan Mo po kami ng talinong

nanggagaling sa Iyo, maging

kaluguran po kami ng aming mga

guro at ng aming mga magulang,

lalo na po sa Iyong napakabanal na

Pangalan. Magpatawad Ka po nawa

sa aming mga pagkukulang at

pagkakasala

Lahat po ng ito ay amin na pong

hinihiling sa pangalan ni Jesus,

dakila po naming Tagapagligtas.

AMEN.”
b) Pagbati

“Magandang umaga sa inyong lahat!” “Magandang umaga rin po! Ma’am

Hanna!”

c) Pagsasaayos ng Silid Aralan

(Aayusin ng mga mag-aaral ang


“Bago kayo umupo ay pakiayos muna ng
kanilang mga upuan at pupulutin
linya ng inyong mga upuan at pakipulot
ang mga kalat na nasa sahig.)
ng mga kalat sa sahig.”

d) Pagtatala ng liban

“Ikinagagalak ko pong sabihin na


“Rhealyn, mayroon bang liban ngayon sa
wala pong liban ngayon sa ating
ating klase?”
klase.”

“Aba ay mahusay! Nakakatuwa naman

ang inyong seksyon dahil walang liban”

e) Balitaan

“Bago tayo magbalik-aral ay magkaroon

muna tayo ng ballitaan hinggil sa isyung (nagsitaasan ng kamay ang mga

kinakaharap natin ngayon sa Lipunan, bata)

sino ang maaaring magbahagi ng

balita?”

“Base po sa aking napanood,


“Sige Mel, ano ang iyong napanood o
mayroon daw pong isang babae ang
napakinggang balita?”
natagpuang patay sa isang
talahiban, patuloy pa rin po ang

pagiimbestiga ng mga pulis upang

malaman ang totoong pangyayari.”

“Mahusay! Maraming salamat Mel.”

f) Pagbabalik-Aral

“Bago tayo dumako sa ating panibagong


“Ma’am, ang atin pong natalakay
aralin, magkaaroon muna tayo ng balik-
noong nakaraan ay tunkgol sa mga
aral. Ano ba ang ating tinalakay noong
isyu sa kasarian at Lipunan.”
nakaraan?”

“Magaling! maraming salamat.”

“Ano-ano naman ang inyong natutunan

tungkol sa paksang tinalakay natin?” “Ang natutunan ko po ay kung

paano natin dapat pahalagahan ang

bawat kasarian ng mga tao,

gayundin ang importansya ng

paggalang sa bawat isa.

“Mahusay! Maraming salamat.”

A. Pagganyak (limang minuto)

PASS THE BALL!

“Bago tayo dumako sa panibagong aralin


ay magkakaroon muna tayo ng isang

aktibidad. Mayroon akong inihandang

tugtog at bola na kailangan ninyong

pagpasa-pasahin, kapag tumigil ang

tugtog at sa inyo napatapat ang bola ay

aalisin niyo ang unang nakabalot na

papel upang sagutin ang katanungan na


“Opo!”
nakapaloob dito. Nauunawaan niyo ba

ang inyong gagawin?”

(Pinatugtog ng guro ang kanta at

pagkatapos ng ilang Segundo ay inihinto

ito.)

“Ayan! Sa iyo napatapat ang bola,

maaari mo nang alisin ang unang balot

ng papel.”

(Binuksan ng bata ang nakabalot na

papel at sinagutan ang unang

katanungan.)

Unang Tanong: Sa tingin mo, bakit

nagkakaroon ng karahasan?
“Nagkakaroon po ng karahasan

dahil sa mga mapang abusong tao.”


“Mahusay! Tama.”

(Pinatugtog muli ng guro ang kanta at

pagkatapos ng ilang Segundo ay inihinto

ito.)

Pangalawang tanong: Kung ikaw ay may

kilalang nasa sitwasyon ng hinaharas,

ano ang iyong gagawin? “Kakausapin ko po ang taong iyon

upang tulungan siyang

magsumbong sa mga taong may

nalalaman kung ano ang dapat

“Magaling! Maraming salamat sa iyong gawin.”

kasagutan”

(Pinatugtog muli ng guro ang kanta at

pagkatapos ng ilang Segundo ay inihinto

ito.)

Ikatlong Tanong: Kung ikaw naman ay

nasa sitwasyon ng nahaharas at “Lalaksan ko pa rin po ang aking

tinatakot kang may gagawing masama loob upang magwakas na ang

sa iyo kapag ikaw ay nagsumbong, ano karahasang aking nararanasan.”

ang iyong gagawin?

“Mahusay! Maraming salamat sa inyong

lahat at sa mga sumagot, maaari bang


(ang mga bata ay pumapakpak ng
bigyan natin sila ng aling Dyonisa clap” aling Dyonisa clap)

A. Paglinang ng Gawain (sampung

minuto)

Komik-Suri!

“Ngayon ay magkakaroon tayo ng

pangkatang gawain, kayo ay hahatiin ko

sa tatlong grupo at bibigyan ko ng

komiks tungkol sa isyung may kinalaman

sa kasarian. Basahin at unawain ninyong

mabuti ang diyalogo. Pagkatapos ay

sagutin ang mga tanong sa gawain.

Nauunawan niyo ba?”


“Opo”

(Gagawin ng mga mag-aaral ang

gawain)

Pamprosesong Tanong:
1. Tungkol saan ang komiks? Posibleng Sagot:

2. Sa iyong palagay, anong isyu ang 1.“Tungkol po sa karahasang

ipinakikita rito? naganap sa pamilya ni Marco.”

3. Sa iyong palagay, bakit nangyayari 2. “Isyu sa kasarian at Lipunan”

ang ganitong sitwasyon? Bakit kaya


3. “Sa palagay ko po ay dahil
nagaganap ang ganitong isyu?
mayroong mga tao na nagkukulang

1. Pagsusuri (Analisis) (labing- sa tamang pag-iisip.”

lima minuto)

Video-Suri! I-tweet mo!

“At dahil nakita kong mayroon na kayong

ideya sa bagong paksa na ating

tatalakayin ay mayroon akong ipapanood

na video sa inyo tungkol sa

karahasan/diskriminasyon sa

kababaihan.(Foot Binding Video)

Pagkatapos mapanood ang video ay

bibigyan ko kayo ng limang minuto

upang sagutan ang ilang katanungan sa

papel na aking ibibigay sa inyo. Ilalagay

ninyo sa papel na magmimistulang

twitter, ang inyong pangalan at isang

kataga na nagpapakita ng

pagpapahalaga sa kababaihan o

anumang kasarian base sa sinuring

video. Pupunta ang isang representante

sa unahan upang magbabahagi sa klase

ng inyong nahinuha sa video.


Nauunawaan niyo ba?” “Opo”

(Gagawin ng mga mag-aaral ang

gawain)
2. Paghahalaw (Abstraksyon)

(labing-limang minuto)

Karahasan/Diskriminasyon sa

Kababaihan

Ang kababaihan, sa Pilipinas man o sa

ibang bansa, ay nakararanas ng pang-

aalipusta, hindi makatarungan at di

pantay na pakikitungo at karahasan. Ang

mababang pagtingin sa kababaihan ay

umiiral na noon pa sa iba't ibang kultura

at lipunan sa daigdig. Mababanggit ang

kaugaliang foot binding noon sa China

na naging dahilan ng pagkakaparalisa ng

ilang kababaihan.

Ang foot binding ay isinasagawa ng mga

sinaunang babae sa China. Ang mga

paa ng mga babaeng ito ay pinapaliit

hanggang sa tatlong pulgada gamit ang

pagbalot ng isang pirasong bakal o

bubog sa talampakan. Ang korte ng paa


ay pasusunurin sa bakal o bubog sa

pamamagitan ng pagbali sa mga buto ng

paa nang paunti-unti gamit ang telang

mahigpit na ibinalot sa buong paa.

“Ano kaya sa inyong palagay ang dahilan

kung bakit ginagawa ito sa kababaihan

sa China?

“Sa akin pong palagay, ginagawa po

ito dahil mababa ang tingin sa mga

babae noong unang panahon. Kung


“Mahusay, maraming salamat Alvin.”
kaya’t isa ito sa paraan upang hindi

lalo sila makalabas sa bahay.”

Ang tawag sa ganitong klase ng mga paa

ay lotus feet o lily feet. Halos isang

milenyong umiral ang tradisyong ito. Ang

pagkakaroon ng ganitong klase ng paa

sa simula ay kinikilala bilang simbolo ng

yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat

sa pagpapakasal. Subalit dahil sa ang

mga kababaihang ito ay may bound feet,

nalimitahan ang kanilang pagkilos,

pakikilahok sa politika, at ang kanilang

pakikisalamuha.

Tinanggal ang ganitong sistema sa

China noong 1911 sa panahon ng

panunungkulan ni Sun Yat Sen dahil sa


di-mabuting dulot ng tradisyong ito.

Ano ba ang karahasan sa kababaihan?

Ayon sa United Nations, ang karahasan

sa kababaihan (violence against women)

ay anumang karahasang nauugat sa

kasarian na humahantong sa pisikal,

seksuwal

o mental na pananakit o pagpapahirap

sa kababaihan, kasama na ang mga

pagbabanta at pagsikil sa kanilang

kalayaan.

“Maaari ba kayong magbigay ng

halimbawa ng karahasan o kaya naman

ay base sa inyong karanasan.”

“Isa pong halimbawa ng karahasan

“Magaling! Maraming salamat Claire.” ay ang pambubugbog sa asawang

babae.”

May ilang kaugalian din sa ibang lipunan

na nagpapakita ng paglabag sa

karapatan ng kababaihan. Subalit ang

nakakalungkot dito, ang pagsasagawa

nito ay nag-uugat sa maling paniniwala.

Mababanggit na halimbawa ang breast


ironing o breast flattening sa Africa.

Ang breast ironing o breast flattening ay

isang kaugalian sa bansang Cameroon

sa kontinente ng Africa. Ito ang

pagbabayo 0 pagmamasahe ng dibdib

ng batang nagdadalaga sa pamamagitan

ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa

apoy. May pananaliksik noong 2006 na

nagsasabing 24% ng mga batang

babaeng may edad siyam ay apektado

nito. Ipinapaliwanag ng ina sa anak na

ang pagsagsagawa nito ay normal

lamang at ang mga dahilan nito ay upang

maiwasan ang (1)19 maagang

pagbubuntis ng anak; (2) paghinto sa

pag-aaral; at (3)pagkagahasa.

Bukod sa sampung rehiyon ng

Cameroon, isinasagawa rin ang breast

ironing o breast flattening sa mga

bansang Benin, Chad, Ivory Coast,

Guinea-Bissau, Guinea-Conakry, Kenya,

Togo, at Zimbabwe. Bukod sa pagiging

mapanganib ng breast ironing, marami

ring kritisismo ang binabato sa

pagsasagawa nito. Ang GIZ (German

Development Agency) at RENATA

(Network of Aunties), ay ilan sa mga

organisasyong sumusuporta sa
kampanya ng mga batang ina na

labanan ang patuloy na pag-iral ng

gawaing ito. Ayon sa ulat ng GIZ, 39%

ng mga kababaihan sa Cameron ang di

panig sa pag-iral ng breast ironing, 41%

ang nagpapakita ng suporta at 26% ay

walang pakialam.

22222222222222222222222222222222

III. Paglalapat (Aplikasyon)

(Limang minuto)

“What’s on your Mind?”

“Nakikita kong naunawaan na ninyo

ang ating paksang tinatalakay. Ngayon,

kayo ay magbabahagi ng inyong

natutunan sa paksang ating tinalakay sa

likod ng papel na ibinigay ko sa inyo

kanina, isusulat ninyo ang inyong

natutunan gamit ang 140

characters/letters at ipapaskil niyo ito sa


twitter board na nasa pisara. Gamit ang

Facebook reactions ay ibibigay ninyo ang

inyong mga reaksyon ukol sa mga tweet

na inyong ipinaskil.”

IV. Pagtataya (dalawang

minuto)

Panuto: Basahin ang bawat pangyayari.

Isulat ang letrang K sa iyong sagutang

papel kung maituturing itong karahasan

at H kung hindi.

_____1. Pagkaroon ng pagpapahalaga

at batas para sa proteksyon ng lalaki,

kababaihan at LGBT.

_____2. Pananakit ng pisikal.

_____3.Pagpapakita ng kawalang

suporta sa pagkakaroon ng

pagpapahalaga sa bawat isa.

_____4.Hindi pagkapantay-pantay na

tingin sa Lipunan.

____ 5. Pag abuso sa mga taong

abusado.
Susi sa pagwawasto:

1. H

2. K

3. K

4. K

5. K

V. Takdang Aralin

Para sa susunod nating paksa/talakayin,

manaliksik tungkol sa tugon sa mga

kasarian at Lipunan.

“At dito na nagtatapos ang ating

talakayan mga bata, hanggang sa muli

natin pagkikita. Nawa ay may natutunan

kayo sa akin.Paalam!”

“Paalam din po, ma’am Hanna.”

Inihanda ni:

Hanna Joy P. Pitogo


Gurong Nagsasanaysay

Sinuri ni:

Ginang Kelsey L. Lumbres

Gurong Tagapayo

You might also like