You are on page 1of 16

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10

I. Layunin
Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. mailalahad ang pagkakaiba ng sex at gender,
b. nakapagbibigay halaga sa gender roles sa iba’t ibang panig ng
daigdig; at
c. makagawa ng hakbang na nagsusulong ng pagtanggap sa iba’t
ibang kasarian sa lipunan.

Paksang Aralin
Paksa: Mga Uri ng Kasarian (Gender), Sex at Gender Roles sa iba’t
ibang Bahagi ng Daigdig
Sanggunian: Jens Micah de Guzman
Kagamitan: ppt

II. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Pagbati
Magandang umaga sa inyong
lahat. Magandang umaga rin po,
Ma’am.

Panalangin
Tumayo ang lahat para sa isang
panalangin. Ipikit ang mga mata
at yumuko ang lahat para sa
isang dasal. Manalangin tayong lahat.
Panginoon, maraming salamat
po sa panibagong araw na
ipinagkaloob Mo sa amin.
Humihingi po kami ng
kapatawaran sa aming mga
pagkukulang at mga
nagawang kasalanan. Ito
lamang po ang aming
panalangin sa pangalan ni
Amen. Hesus. Amen.

Pag-aayos ng Silid-Aralan
Maaaring bago umupo ay ilinya
nang maayos ang mga upuan at
pakipulot ang mga nakikikitang
kalat sa paligid. Ilagay ito sa
mga hinanda niyong plastic bag
at mamaya ay may mag-iikot
para kolektahin ang mga ito. (Inayos ang mga upuan at
pinulot ang mga kalat.)

Pagtatala ng Lumiban sa Klase


May lumiban ba sa klase natin
ngayong araw na ito? Wala po, Ma’am.

Mahusay! Bigyan ng isang


bagsak na palakpak ang mga
sarili. (Susundin ng mga mag-aaral
ang guro.)

Pagbanggit sa mga Patakaran


Natatandaan pa ba ang mga
ginawang rules ni Ma’am? Opo, Ma’am.

Ano na nga ang 4B’s? Bawal ang maingay.


Bawal ang bully.
Bawal ang magtapon ng
basura sa kung saan-saan.
Bawal ang devices na hindi
kailangan sa pag-aaral.
At pinaalala ko na magtaas ng
kamay kung may gustong
sabihin o itanong. Maliwanag
ba? Opo, Ma'am.
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Bago tayo lumipat sa bagong


aralin, alamin muna natin
kung may natutunan ba sa
nakaraang paksa, ano ang
natutunan niyo sa
Globalisasyon? Ma'am, ang globalisasyon po
ay ang pagkokonekta ng mga
bansa sa isa’t isa.
Tama, may iba pa ba kayong
ideya? (Magbabahagi rin ng
iba't-ibang kasagutan ang mga
mag-aaral)
Tama mga anak mahusay ang
inyong mga sagot. Salamat.
Dumako naman tayo sa ibang
paksa na nakapaloob pa rin sa
usaping globalisasyon.

B. Balik Aral
C. Pagganyak
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Bilang panimula sa ating


paksa ngayon ay mayroon
akong ipapakitang larawan at
sabihin kung anong ang
tinutukoy sa larawan. Ang
tawag sa larong ito ay “Litrato,
tukuyin mo.” Opo, Ma’am.

Ano ang pinapakita sa


larawan? Rainbow flag po, Ma’am.
(Ipapaliwanag ng mag-aaral
ang larawan.)

Tama! Susunod na larawan.


Sino ang pinapakita sa
larawan at anong kasarian
niya?

Ma’am, si Vice Ganda po. Siya


po ay bakla.
Mahusay! Huling larawan.

Si Aiza Seguerra po, Ma’am.


Siya po ay Lesbian.
Magaling, class.

D. Panlinang na Gawain
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Paglalahad
Base sa mga sagot sa ating
palaro, ano kaya sa tingin niyo
ang ating tatalakayin sa araw
na ito? Ma'am ang tatalakayin po ay
tungkol po sa Sekswalidad.
Magbigay nga kayo ng ibang
ideya. Ma'am tungkol po sa Gender.

Mayroon pa bang idadagdag? (May iba’t-ibang kasagutan ang


mga mag-aaral.)
Mahusay na sagot, class.

Pagtalakay sa Aralin
Ang ating aralin ngayon ay may
kinalaman sa uri ng kasarian.
Alam niyo ba ang ibig sabihin
ng Gender? Ma’am, Ang Gender po
ay tumutukoy sa pisikal na
pagkakaiba sa pagitan ng tao.
Ang kasarian po ay tumutukoy
sa panlipunang gampanin,
kilos, at gawain na itinatakda
ng lipunan para sa mga babae
at lalaki.
Tama. Ang tagalog ng Gender
ay Kasarian. Hindi rin ito
nakabatay sa reproductive
organs ng isang tao. Maaari
bang palawakin ang huling
pangungusap na sinabi ko? Sa akin pong pagkakaintindi,
hindi magiging sukatan ang
kanilang ari sa pagpili nila ng
Gender, Ma’am.
Mahusay. May nakakaalam ba
ng ibig sabihin ng Gender
roles? Ma’am, ipinapaliwanag lang po
sa Gender roles ang dapat
iakto ng bawat isa sa lipunan.
Ito ay dapat maging katanggap-
tanggap base sa iyong
kasarian.
Tama. Ang Gender roles ay ang
pag-uugali na dapat ipakita ng
bawat isa sa lipunan. Maaaring
masculine o feminine depende
sa kasariang napili ng tao.

Ano ang pagkakapareho ng Sex


at Gender? Ang Sex at Gender ay parehong
Kasarian sa Filipino. Ngunit
ang dalawa ay magkaiba ng
kahulugan. Ang Sex ay
tumutukoy sa biyolohikal na
kaibahan ng lalaki at babae.
Ano nga ba ang kahulugan ng
biyolohikal? Pinaliliwanag po sa biyolohikal
na magkaiba ang katangiang
pisikal ng babae at lalaki,
Ma’am. Kung ano po ang Sex
nung isilang po siya, iyon ang
kaniyang tunay na kasarian.
Tama, pinaliliwanag sa
siyensya ang anatomya ng
natural na babae at lalaki.

Dumako tayo sa sekswalidad.


May nakakaalam ba ng
sekswalidad? Ang sekswalidad po o sexual
orientation naman po ay
tumutukoy sa oryentasyon ng
isang tao sa kaniyang sekswal
na atraksyon sa iba.
Tama. Ito yung nararamdaman
o atraksyon sa isang tao na
gusto mo. Ano naman ang
pagkakaintindi sa Gender
Identity? Ito po ay kasarian ng isang tao,
Ma’am ayon sa kaniyang
sariling emosyon. Ito ay ang
pagkakakila ng isang tao sa
kaniyang kasarian kahit hindi
ito tugma sa kaniyang Sex.
Tama. Ito ay kasarian ng isang
tao, ayon sa kaniyang sariling
emosyon.

Ang ating susunod na usapin


ay tungkol sa sekswalidad o
Sexual Orientation. Ang mga
sumusunod ay kategorya ng
sekswalidad.

Ang una ay ang atraksyon sa


isang uri ng kasarian. Una ay
Heterosexuality, may
nakakaalam ba nito? Opo, Ma’am. Ito po yung mga
babae na nagkakaroon ng
atraksyon sa lalaki at mga
lalaki na nagkakaroon ng
atraksyon sa babae.
Tama. Ito ay ang pagkakaroon
ng atraksyon sa kabilang
kasarian.

Pangalawa ay ang
homosexuality. Ano naman ang
Homosexuality? Ito po ay ang mga taong
nagkakaroon ng atraksyon at
seksuwal na pagnanasa sa
mga taong nabibilang sa
katulad na kasarian.
Tama. Ito ay ang pagkakaroon
ng gusto sa kapwa niyang
kasarian.

Ang pangalawa sa kategorya ng


sekswalidad ay ang atraksyon
sa iba’t ibang uri ng kasarian.
Sa unang bilang ay ang
Bisexuality. Maaari bang
ipaliwanag ito. Ito po, Ma’am ay ang atraksyon
sa dalawang uri ng kasarian,
babae man po o lalaki.

Tama. Ano naman ang


pansexuality o omnisexuality? Ito po ay ang atraksyon sa
kahit anong kasarian. Babae,
lalaki at iba pa pong kasarian.
Tama. Ipaliwanag naman ang
asexuality. Ito po ay ang pangatlo sa
kategorya at dinedepina na
walang sekswal na atraksyon
sa kaninuman.
Mahusay! Atin ring pag-aralan
ang iba pang oryentasyon. Ano
nga ba ang ibig sabihin ng gay
o bakla? Ito po yung mga lalaking
nakararamdam ng atraksyon
sa kapwa lalaki.
Tama. Ano naman ang tomboy
o lesbian? Ito naman po yung mga
babaeng nakararamdam ng
atraksyon sa kanilang kapwa
babae.
Mahusay. Ano naman ang
kasariang transgender? Sila po yung mga taong na
alam nila sa sarili nilang nasa
mali silang katawan.
Magaling. Ano naman ang
pagkakaintindi sa kasariang
queer? Ang queer po Ma’am, ay ang
mga kasarian na hindi
nakapailalim sa ibang
sekswalidad.
Tama. Ipaliwanag naman ang
ibig sabihin ng intersex. Ang intersex po ay ang taong
may dalawang uri ng ari.
Kalimitan kailangan nilang
kumonsulta sa doktor upang
malaman ang kanilang tunay
na sex.
Dumako naman tayo sa Pag-
aaral Sa Kasarian sa Iba’t
Ibang Lipunan.

Sa Pilipinas nung panahong


Pre-kolonyal. Maaari kayong
magbigay ng sa tingin niyong
Gender roles noong Pre-
kolonyal. Ma’am, ang mga babae po
noon ay pagmamay-ari ng mga
lalaki kahit ang babae ay may
mataas na uring timawa.
Tama. May iba pa bang ideya
sa panahong Pre-Kolonyal? Mayroon din po noong binukot
o prinsesa ang isang
katutubong pangkat sa isla ng
Panay at pagbibigay ng
tinatawag na bigay-kaya. Ang
binukot ay itinuturing na
itinagong paborito at
pinakamagandang anak ng
datu. Hindi siya maaaring
tumapak sa lupa at masilayan
ng mga kalalakihan hanggang
sa magdalaga.
Mahusay. Ano naman kaya ang
maaaring nangyayari noong
panahon ng Espanyol? Noong panahon po ng
Espanyol ay tungkuling ng mga
kalalakihang ibigay sa kanilang
asawa ang kinikita sa
paghahanapbuhay.
Tama. Mayroon pa bang
maaaring idagdag? Ma’am, sa panahon pong iyon
ay ang mga kababaihan ay
nananatili sa kanilang tahanan
at inaasikaso ang bawat
pangangailangan ng kanilang
asawa at mga anak.
Magaling. Tumuloy tayo sa
panahon ng Amerikano. Ano
kaya ang gender roles noon? Sa panahon po ng Amerikano
nasimulan ang pampublikong
paaralan na bukas para sa
kababaihan at kalalakihan,
mahirap o mayaman,
maraming kababaihan ang
nakapag-aral.
Iyan ang pinakamahalagang
nangyari sa panahong iyan.
Ano pa? Naging mas malaya po ang
mga kakababaihan at
mahihirap ng panahong ito.
Nabuksan po ang isipan ng
mga kababaihan na hindi
lamang po dapat bahay at
simbahan ang mundong
kanilang ginagalawan.
Tama. Lumipat tayo sa
panahon ng Hapones. May mga
ideya ba kayo? Parehas po na lumaban ang
mga kalalakihan at
kababaihan noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
Ipinakita ng mga Pilipino ang
kanilang kagitingan sa
pagtatanggol sa bansa sa abot
ng kanilang kakayahan at
maging hanggang kamatayan.
Tama. Dumako naman tayo sa
kasalukuyan. Anong masasabi
niyo sa panahong ito. Ma'am, nagkaroon din po ng
puwang ang mga kababaihan
at naging lider ng bansa gaya
nina dating Pangulong Corazon
C. Aquino at Gloria M. Arroyo.
Tama. Ano pang mahalagang
kaganapan ang nangyayari
ngayon? Ang 21st century na
kakababaihan po ay may laya
nang nakakamtan katulad ng
sa lalaki.
Mahusay! Sumaglit tayo sa
Gender roles sa iba’t bang
lipunan sa mundo. May
maiibibigay bang halimbawa sa
ibang panig ng mundo? Opo, Ma’am. Noong taong 1931
po nang ang antropologong si
Margaret Mead at ang
kaniyang asawa na si Reo
Fortune ay nagtungo sa
rehiyon ng Sepik sa Papua New
Guinea upang pag-aralan ang
mga pangkulturang pangkat sa
lugar na ito. Sa kanilang
pananatili roon ay nakatagpo
nila ang tatlong pangkulturang
pangkat; Arapesh,
Mundugumor at Tchambuli. Sa
pag-aaral sa gampanin ng mga
babae at lalaki sa pangkat na
ito, natuklasan nila ang
pagkakatulad at pagkakaiba
nito sa bawat isa.
Mahusay, Ano ang pagkakaiba
ng Arapesh, Mundugumor at
Tchambuli? Sa Arapesh po ay walang
pangalan ang mga tao na
naninirahan dito. Ang mga
babae at lalaki ay kapwa
maalaga at mapag-aruga sa
pamilya at pangkat.
Samantala, sa pangkat ng
Mundugumor, ang mga babae
po at lalaki ay kapwa bayolente
at naghahangad ng
kapangyarihan sa kanilang
pangkat. Sa Tchambuli naman
po ay ang mga babae at lalaki
ay may magkaibang gampanin
sa kanilang lipunan. Ang mga
babae ay inilalarawan na
nakahihigit ang gampaning
pangkabuhayan kaysa sa mga
lalaki. Sila ang naghahanap ng
makakain ng kanilang
pamilya. Ang mga lalaki naman
po ay abala sa pag-aayos sa
kanilang sarili at mahilig sa
mga kuwento.
May maidadagdag pa ba sa
ibang panig ng mundo? Mayroon po, Ma’am. Mahigpit
po ang lipunan para sa mga
kababaihan lalo na sa mga
miyembro ng komunidad ng
LGBTQIA+ sa mga rehiyon ng
Africa at Kanlurang Asya.
Mahabang panahon ang
hinintay ng mga kababaihan sa
rehiyong ito upang sila ay
makalahok sa proseso ng
pagboto.
Iba pang ideya bago natin isara
ang aralin na ito ngayong araw.
Ako po, Ma’am. Sa bahagi
naman po ng South Africa,
may mga kaso ng gang-rape sa
mga lesbian (tomboy) sa
paniniwalang magbabago ang
oryentasyon nila matapos
silang gahasain.
Tama. Iba-iba ang ang
nagyayari sa bawat parte ng
mundo. At ito ang dahilan ng
aralin na ito. Nang maunawaan
natin ang pagkakaiba-iba ng
lahat at umasa na balang-araw
lahat tayo maranasan ang
respeto kahit lahat tayo ay may
pagkakaiba-iba.

E. Paglalapat
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Gamit ang mga kaalaman na
iyong natutuhan mula sa
aralin, suriin ang larawan sa
loob ng kahon. Ipaliwanag ang
mga pagkakaiba ng gender role
ng mga kalalakihan at
kababaihan noon at ngayon.
Isulat sa isang buong papel.
Naunawaan ba? Opo, Ma’am.

Mahusay! Bibigyan ko kayo ng


tatlumpong minuto para
sagutan ang datos. Maaari ng (Sinimulan na ang gawain.
magsimula. Makalipas ang tatlumpong
minuto at naipasa ng lahat ang
kanilang mga papel.)

Tapos na po, Ma’am.


Maraming salamat sa Maraming salamat din po.
partisipasyon.

F. Paglalahat
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Naintindihan ba ang ating


pinag-aralan? Opo, Ma’am.

Mahusay! Ipaliwanag ang


pagkakaiba ng Gender at Sex. Ang Sex po ay tumutukoy sa
pisikal na anyo ng isang tao at
hindi pwedeng mapalitan,
samantalang ang Gender po ay
magiging depende sa kung
anong kasarian ang gusto ng
tao.
Mahusay! Bakit naman sa
tingin niyo kailangang
maintindihan ang pagkakaiba
ng mga sekswalidad. Dahil sa tingin ko po Ma’am,
na roon po nagsisimula ang
pagtanggap sa kanila, sa pag-
intindi na may iba’t-ibang
sekswalidad at ito ay normal
lamang sa panahong ito. Ang
pag-aaral nito ay magsisilbing
pagbukas ng aming mga mata
sa isyung ito.
Mahusay! Bakit naman
mahalagang malaman ang
gender roles? Dahil po sa pagkakaiba-iba ng
kasarian, ang gender roles po
ay hindi na lang nakabase sa
genetika. Sa panahon po
ngayon kung gugustuhin ng
taong piliing maging feminine o
masculine, may karapatan po
sila.
Mahusay! Anong maaari
niyong magawa para sa
komunidad na LGBTQ+? Pwede po namin silang
suportahan sa kanilang
pinaglalaban. Para naman po
sa mga ‘di pa po tanggap sila,
maaari na lang pong irespeto
sila bilang tao.
Mahusay, class.

G. Pagtataya
Panuto: Suriin ang larawan sa loob ng kahon. Ipaliwanag ang mga
pagkakaiba ng gender role ng mga kalalakihan at kababaihan sa
paglipas ng panahon. Sagutansa isang buong papel sa loob ng
tatlumpong minuto.

H. Takdang-Aralin
Panuto: Magsaliksik tungkol sa Diskriminasyon. Isulat ito sa
kwadernong nakalaan para sa naturang asignatura. Ipapasa ito
bukas sa oras ng ating klase.
1. Magbigay ng tig-isang halimbawa ng diskriminasyon sa
kababaihan at LGBT
2. Magbigay ng isang halimbawa ng diskriminasyon sa
kalalakihan.
3. Magbigay ng isang halimbawa ng diskriminasyon sa kasarian
sa lugar ng trabaho.

Inihanda ni: JESSICA G. BACANI


Teacher Intern
Ipanasa kay: VENIFER F. GOSE
Critic Teacher

You might also like