You are on page 1of 6

DAR, Ma. Mercedes T.

Mapanuring Pagsulat (AFL501M)


MAAFL Agosto 11, 2018

Isang Pagbubuod, Pagsusuri at Pag-aaral sa


Komunista at Sosialistang Inang Bayan

mula sa “Mga Tinig Mula sa Ibaba”


ni Teresita Gimenez Maceda
(Propesor sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman,
nagtuturo ng Philippine Literature & Philippine Studies at
College of Arts & Letters)

“Sabihin ninyo sa akin, dahil hindi ko pa nakikita ito: sa anong yugto ng ating kasaysayan tumigil ang sambyanan
sa paglaban sa pang-aalipin?...”
-Jose W. Diokno

Pagbubuod:

Ang aklat na ito ay naglayon upang maiparinig sa mga bingi ang mga tinig na nagmumula sa

ibaba, ipakita sa mga bulag ang bagay na matagal na nilang nakita sa kadiliman ngunit walang malinaw

na kailawan, at pagsalitain ang mga pipi sa mga salitang matagal na nilang nais ibulalas. Isang malaking

bagay na mayroong isang aklat at manunulat ang naglakas loob na gawin ang lahat ng ito upang

magising sa mahimbing na pagkakatulog ang mga Pilipinong matagal ng nasadlak sa putik ng

pagkakaalipin.

Sasalungguhitan ko ang pagiging likas na talentado ng mga Pilipino sa pag-awit na naging

malaking bagay sa aklat na ito, sapagkat ginamit na instrumento ang awitin at pag-awit upang ilahad

ang kanilang damdamin, at magkamit ng matagal ng ninanais na kalayaan ng Inang Bayan. Malinaw na

ipinadarama ni Macedsa sa sensibilidad ng kanyang mga mambabasa ang mensahe ng kanyang aklat

na tila ikaw ay babalik sa nakaraan, habang binabasa ang aklat, madarama mo ang kanilang paghihirap

maririnig mo ang kanilang paghikbi, sila ang mga Pilipinong matagal ng nais kumawala sa rehas ng

pananakop.

1
DAR, Ma. Mercedes T. Mapanuring Pagsulat (AFL501M)
MAAFL Agosto 11, 2018

Nagpakilala ang Pilipinas bilang katolikong bansa dahil sa malaking impluwensya ng mga

Kastila, at ito ngayon at nagtulay upang maglabasan ang maraming pag-aaral na nagpapatunay na ang

mga Pilipino ay may sarili ng kalinangan bago pa man dumating ang mga mananakop, mayroon na

tayong kabatiran bago pa ito ipakilala sa atin, dinamitan lamang tayo at binigyang pangalan upang

masabi na ang ating likas na kalinangan ay kanilang kalinangan, ginamit ang sinasabing “panitikang

bayan” upang palaganapin ang kristiyanismo, ngunit tila ito ay isang ironiya sapagkat gimamit ng mga

Pilipino ang Kristiyanismo upang magkaroon ng rebolusyon, nangangahulugan na mas tinuruan

lamang nila na ang mga Pilipino na lumaban sa pamamagitan ng kanilang itinuro sa atin.

Napagod na marahil ang Pilipino sa mahabang pagkakasadlak, panahon na upang tumayo sa

sariling paa, narindi na marahil sa mga bansag na “timawa”, “alipin” at mga “indiyo”.

Natuto ng makibaka at magparinig ng tinig mula sa ibaba, nabuo ang pakikibaka ng samahan

ng manggagawa at magsasaka sa mga kilusang Sosialista at Komunista mula 1930-1955. Ginamit ng

mga ito ang pag-awit bilang mga tekstong historikal na magsasabi ng kanilang mga hinaing. Kung si

Jose Rizal ay ginamit ang pluma para ipabatid ang nais na kalayaan at pagmumulat ang mga ito naman

ay sa pamamagitan ng pag-aawit, nagbubunsod ito na likas sa mga Pilipino ang hilig sa pag-awit na

nagamit pang instrumento para sa pag-aaklas.

Mabilis ang pagsasalin ng awitin, nagagawan agad ng panibagong bersyon, nagagaya ang tono

at napapalitan ng mga panibagong liriko kaya’t hindi nababatid ang orihinal na may katha, sino ang

kompositor at mang-aawit, ngunit isa lang ang sigurado ito ay nagsisilbing historikal na batis upang

mabatid ang nais nap ag-aaklas. Sa makatuwid naging sentro ng aklat na ito ang “tinig mula sa ibaba”

na nangangahuluhang ang pag-awit para sa inang bayan. Ipinakita ang kapangyarihan ng awitin sa

emansipasyon ng mga “mula sa ibaba” kaya naman habang may umaawit hanggat kayang umawit hindi

matatapos na ipagtanggol natin ang Inang Bayan.

2
DAR, Ma. Mercedes T. Mapanuring Pagsulat (AFL501M)
MAAFL Agosto 11, 2018

Pangunahing Ideya:

Tinunton ni Maceda, kung kaninong tinig nga ba ang kanyang naririnig mula sa ibaba at

lumalabas na ito ay nasa apat na anyo at porma:

1. Mga Awit Pakikibaka

2. Mga Awit ng Partido Komunista ng Pilipinas

3. Mga Awit ng Partido Sosialista ng Pilipinas

4. Mga Awit ng HUKBALAHAP

Ang mga ito ang mga matatapang na umawit para sa kanilang Inang Bayan.

Mga Awit Pakikibaka: Pinag-isang Buhay at Likhang-Sining

Malinaw na binabanggit ni Maceda sa kanyang aklat na prinsipyo ang nasa likod ng bawat

pagkilos ng mga kasapi, maliwanag na ipinapahayag sa pamamagitan ng awit ang paghihimok sa

taumbayan na sa kanila ay sumapi. Sila ay mga manggagawa at magsasakang nakibaka at patuloy na

nakikibaka para sa isang makatwiran at pantay-pantay na lipunan.

Narito ang isang halimbawa ng liriko ng awitin laban sa Hapon:

O kay hirap ng buhay naming gerilyo


Lumalaban kahit na wala pang suweldo
Ang nag-utos ang malinis na prinsipyo
Upang durugin ang pasismo.

Ito ay usapin na ng buhay at kamatayan, patunay na marami ang handang magbuwis ng

kanilang buhay para sa inaasam na pagkakapantay-pantay.

Mga Awit ng Partido Komunista ng Pilipinas

Ipinakita rito ang mga ibinunga ng pagdalaw ng mga dayuhang komunista. Naglayon ng isang

programa sa pagsasaayos ng kaisahan ng manggagawa nang alinsunod sa industriya ang hindi sa

3
DAR, Ma. Mercedes T. Mapanuring Pagsulat (AFL501M)
MAAFL Agosto 11, 2018

gawain, at ang pagtatatag ng mga lupong pampabrika sa iba’t ibang industriya na maghatid sa

pakikinabang higit at lampas sa makitid na kapakanan ng unyonismo, alalaong-baga’y magbubukas ng

landas tungo sa isang kilusang Komunista sa Pilipinas (tala sa blng 43, Ibid.,30)

Ang pagkatatag ng Kalipunan ng mga Anakpawis sa Pilipinas ang isa ring nagpapatunay batay sa

kanilang layunin na pakikibaka para sa ikabubuti ng pamumuhay at mga kondisyon sa pagtrabaho ng

mga manggagawa at magsasaka.

Isa pa sa patunay ng pagpapalaya sa inang bayan ay ang sinabi ni Maceda sa kanyang aklat sa

ph. 35 “Bagamat namamayani pa rin sa awit ang diwa ng Katipunan---ang himagsikan bilang pagsikap

ng mga anak upang mapalaya ang Inang Bayang lumuluha---may bagong kamalayan nang sumilang.

Bukod sa kalayaang pinaglaban ay ang konsepto ng kasarinlan na di matupad hanggat mahigpit ang

hawak ng dayuhan sa bayan:

Tumatawag ngayon sa ating lahat


Itong Inang Pilipinas
‘Yon ay dapat malaman nating sangkapilipinuhan
Nang ating makamtam
Ang pinakamimithi nating kasarinlan.

Mga Awit ng Partido Sosialista ng Pilipinas

Matatawag ang panahon na ito bilang “Ang Daigdig ng mga Magsasaka sa Panahon ng

Amerikano” Layunin sa panahong ito na gisingin ang puso at kalooban sa ngalan ng pagtutulungan at

pagdadamayan ang bawat isa.

Umusbong sa panahong ito ang sinulat ni Aurelio Tolentiono noong 1907 ang “Bagong

Kristo” (tinuturing na Pasyon ng Manggagawa ) ito ay isang dulang “drama socialista” na naglalarawan

ng mayayaman, gobyerno at simbahan. Ito ay tumitingin sa kalagayan ng di pagkakapantay-pantay sa

lipunan bilang pagsuway sa Diyos.

4
DAR, Ma. Mercedes T. Mapanuring Pagsulat (AFL501M)
MAAFL Agosto 11, 2018

Ito ang isang patunay mula sa Jesus Gatbiaya:

Ang lahat ng tao sa sanglibutan ay nanggagaling sa isang ama, sa makatuwid ay magkakapatid ang lahat.
Sa makatuwid ay dapat sanang tayong lahat ay magmahalang parang tunay na magkapatid, at magdamayan sa
lahat ng hirap at kaginhawaan.

Mga Awit ng HUKBALAHAP

Ang pangunahing layunin ng Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon ang pagpapalaganap ng

patakaran ng pagkakaisa sa pamamagitan ng awit, sinikap ng kilusan na mapabilis at mapadali ang

kilusang gerilya. Ipinakita ang pagkakaisang ipinakita sa panahong ito dahil lahat ng mamamayan at

lahat ng lebel ng populasyon ay dapat mag-organisa, palihim kung kailangan, upang tumulong sa

gobyernong Pilipino at Amerikano sa pakipaglaban sa Hapon.

Pilipinas gumising ka
Mga anak mong nagtiis iyong sulyapan
Tinatag nila ang gerilya
Nang makunasan ang lungkot mo’t dusa

Tunay lamang na napakaraming Pilipinong pangkat ang umawit upang marinig ang tunay na

mensahe at damdamin ng bawat liriko na umaarok sa puso ng mga tagapakinig. Ngunit ang tanong

napakinggan ba? kung napakinggan nagkaroon ba ng tugon o solusyon ang mga pag-awit na ito?

Repleksyon sa Akda:

Matapos mabasa ay napagtanto ng tagapagsuri ang dalawang bagay sa ating mga Pilipino,

mapagmahal sa inang bayan, at matapang na umawit para sa inang bayan. Ngunit sa kabila ng

maraming matapang na Pilipino marami rin sa atin ang matiisin at martir na nagtulay upang sa

mahabang panahon tayo ay naging sunud-sunuran at matawag na mga Indiyo bago pa tayo nagising,

hinayaan muna natin na sakupin muna tayo bago natin maisip na hindi dapat natin naranasan ang

gapos-tanikala sa mahabang panahon.

5
DAR, Ma. Mercedes T. Mapanuring Pagsulat (AFL501M)
MAAFL Agosto 11, 2018

Batay nga sa inawit ng mga Huk na popular noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig,

Kahirapan tinitiis
Buhay inihain
Pamilya’y tinalikuran
Nang lumigaya ka, Bayan.

Tulad rin ng sinabi sa aklat na “Mga Tulong sa Pag-aaral ng Noli Me Tangere” ni Tomas

Ongonco, kung nakakapagsalita lamang ang Inang bayan marahil ang sasabihin nito ay “Huwag mo

akong hawakan, masakit”

Pinalitaw rin ang kababaang-loob ng mga Pilipino dahil tulad ni Rizal na pluma ang ginamit,

dito ay lumilitaw na hindi dapat gumagamit ng dahas o anumang kasangkapan na magbubunsod ng

pagdanak ng dugo sa halip ginamit na instrumento ang pag-awit.

Tanging sandata ay mapagtiis na puso, pandinig sa musika at paningin sa kagandahan na


naglalantad ng pagkamangha sa armonya…
-Jose W. Diokno

You might also like