akdang sumusuri o pumupuna sa isang likhang-sining. Maingat ditong binibigyang-pansin ang mga sangkap o elemento ng genre na nirerebyu upang ang isang kritiko ay makapaglahad ng obhetibo at matalinong MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG ISANG KRITIKO Hindi isang pangkaraniwang gawain ang magsusuri ng isang likhang- sining. May ilang mga katangiang dapat taglayin ang isang kritiko upang maging ganap na kapanipaniwala ang kanyang rebyu. Ang mga katangiang ito ay ang sumusunod: 1. Sapat na kaalaman sa genre na kanyang sinusuri at sa paksa iyon, 2. Sapat na kakayahang magsuri o kakayahang kumilala ng mga kahinaan at kalakasan ng genre na sinusuri. 3. Pagiging tapat, obhetibo at kawalan ng bahid impluho ng damdaming pansarili, at 4. Pagkakaroon ng likas na kuro-kuro o hindi pagpapadala sa iba’t ibang impluwensyang may kiling. MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA REBYU Sinusuri ng isang mahusay na rebyu ang lahat ng sangkap o elemento ng genre na kinabibilangan ng akdang sinusuri. Halimbawa: kung maikling kwento ang sinusuri, kailangan mapagtuunan ng pansin ang tauhan, tagpuan, banghay, kasukdulan, wakas at kakintalan, maging ang pamagat at simula ng akda. MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA REBYU Ang rebyu ay isang mapanuring akda kung kaya kailangan ang malalimang pagsusuri ng mga sangkap.
Halimbawa: ang mga simbolismo at pahiwatig ay
karaniwang hindi napapansin ng mga karaniwang mambabasa o tagapanood, ngunit hindi iyon dapat makatakas sa mga mapanuring mata ng isang kritiko. MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA REBYU Liban sa mga akdang klasiko, ang isang mahusay na rebyu ay pumapaksa sa isang akdang napapanahon. Halimbawa: sino pa ba ang magkakainteres na basahin ang rebyu ng pelikulang Gone with the Wind na ipinalabas noong 1939? Maaring wala na, o mangilan-ngilan na lamang! MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA REBYU Obhetibo ang isang mahusay na kritiko. Hindi siya nagpapaimpluwensiya sa kanyang mga pansariling pagkiling. Halimbawa: maaring Noranian ang kritiko, ngunit tinutukoy pa rin niya ang mga kahinaan ng pelikulang pinagbibidahan ni Nora Aunor na kanyang sinusuri. Kung puro papuri kasi ang mababasa, nagiging kwestyonable ang objectivity ng nasabing kritiko. MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA REBYU Kapani-paniwala ang isang mahusay na rebyu. Ang mga pamantayang ginamit ay katanggap-tanggap sa lahat o kung hindi man ay nakararami. Halimbawa: sa pagsusuri ng mga tula ni Marjorie Evasco, maaaring gamitin ang teoryang feminism. Nagbabanggit din siya ng mga awtoridad at iba pang hanguan upang ang pagsusuri ay magkaroon ng higit na kredebilidad. MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA REBYU
Ang isang mahusay na
rebyu ay hindi pagsama- sama lamang ng kritiko. MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA REBYU Ang isang mahusay na kritiko ay makatwiran sa may-akda ng akdang sinusuri.
Halimbawa: hindi makatwiran ang paghahambing
ng isang pelikulang Pilipinong science fiction sa mga pelikula ni Steven Spielberg. Natural, ang una ay inferior sa huli, bunga nga ng mga limitasyon sa pananalapi at teknolohiya. MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA REBYU Ang isang mahusay na rebyu ay nagtatangi ng mabuti sa hindi mabuti, ng mahusay sa hindi mahusay, ng mataas na kalidad sa Nagagabayanmababang ng isangkalidad. mahusay na rebyu ang ibang mga mambabasa o tagapanood, kung kailangan pa nilang paglaanan na salapi at panahon ang akdang sinusuri, o kung magiging pag-aaksaya lamang ng salapi at panahon ang akdang iyon.