You are on page 1of 3

PROPAYL NG EPEKTIBONG ISPIKER

1. RESPONSABLE- ibig sabihin ay dapat isaalang alang ng isang ispiker ang kanyang
responsibilidad sa kanyang tagapakinig, sa kanyang paksa at maging sa kapwa nya tagapagsalita.
2.MAGILIW AT KAWILI WILI- upang maging isang epektibong ispiker, dapat bilang
tagapagsalita ay hindi tayo boring upang hindi mawalan ng ganang makinig ang ating audience
kung hindi ay mawawalan ng saysay ang ating sinasabi kasi nga wala na rin namang nakikinig.
3. MALAWAK ANG KAALAMAN HINGGIL SA PAKSANG TINATALAKAY- kapag tayo
ay isang ispiker, dapat siguraduhin natin na malawak ang ating kaalaman sa ating paksang
tatalakayin. Hindi sapat ang may alam lang, dapat ay kabisado talaga natin ang ating paksa. Ika
nga, 'you cannot give what you do not have'. Kaya kung ano man ang bagay na alam mo yun
lamang ang makakaya mong ibahagi sa iyong mga tagapakinig. Kung malawak ang kaalaman mo,
syempre marami ka ding maibabahagi sa kanila.
4.PALABASA- napakaimportante sa isang ispiker na sya ay madalas magbasa dahil alam naman
natin na ito ay isang paraan para magkaroon ng kaalaman.
5. PALAISIP- sa aking palagay, kapag sinabing palaisip, kasama na dito ang pagiging curious,
imaginative at critical thinker. Ito ay kailangan dahil ito ay susi sa pagkakaroon ng angkop at
resonableng kongklusyon at opinyon.
6. MAYROONG KOLEKSYON NG IDEYA AT BABASAHIN sa aking pagkakaintindi ang
ibig sabihin nito ay dapat sagana tayo sa ideya. Kasama na siguro dito ang pagiging malikhain ng
ating isipan upang magkaroon ng variety of ideas.
7. INTERESADO SA TINATALAKAY- kapag tayo ay ispiker, syempre dapat makita ng mga
audience na gusto natin ang ating paksang tinatalakay lasi kung tayo mismo ay hindi magpapakita
ng interes sa ating mga sinasabi, paano naman natin makukumbising makinig sa atin ang mga tao?
8. OBHETIBO- dapat ay bukas tayong tumanggap ng ideya ng iba kahit ito man ay taliwas sa
ating pinaniniwalaan. Dapat ay marunong din tayong makinig sa iminumungkahi ng iba hindi
yung kung ano yung pinaniniwalaan nating tama, yun na ang tama.
9. MAYROONG SENSE OF HUMOR- sa isang talumpati, hindi maiiwasang ma-divert ang
atensyon ng mga tagapakinig dulot ng ibat ibang kadahilana. kaya importanteng mayroong sense
of humor ang isang ispiker sapagkat ito ay isang paraan upang maibalik o makuha ang atensyon
ng mga tagapakinig.
10. GUMAMIT NG ANGKOP NA SALITA- dapat ang mga salitang ginagamit ng isang ispiker
ay naaayon sa tagapakinig at sa event o sitwasyon. Kailangan talagang isaalang alang sa mga
katangian ng tagapakinig at sitwasyon ang pagpili ng mga salitang gagamitin dahil hindi naman
pwedeng mga bata ang kausap natin pero ang mga salitang ginagamit natin ay mga kumplikado o

kaya naman tayo ay nasa isang business meeting o kung ano mang pormal na pagtitipon pero ang
mga salitang ginagamit natin ay pang-kalye.
11. MAYROONG RESPETO SA PAGKAKAIBA IBA NG KANYANG TAGAPAKINIGDapat ay malinaw sa atin na ang ating mga tagapakinig ay iba iba o diverse kaya hindi maaaring
tayo ay magpahayag ng isang speech na makakapag discriminate sa isang tao o grupo ng tao ng
dahil lamang sa pinapaboran natin ang isa pang tao o grupo ng tao.
12. SAPAT AT ANGKOP ANG LAKAS NG TINIG- bilang isang ispiker ang ating layunin ay
makarating sa mga tagapakinig ang ating mensahe.kaya naman dapat siguraduhin natin na
maririnig ng lahat ng ating tagapakinig ang ating sinasabi. Kung alam natin na hindi sapat ang
lakas ng ating boses upang marinig ng lahat, mainam siguro na tayo ay gumamit ng devices tulad
ng lapel o microphone. Pero syempre dapat ay naaangkop rin ang lakas ng ating boses sa
sitwasyon dahil may mga pagkakataon rin na hindi naman kinakailangan ang malakas na boses.
Kailangang matuto tayong ng ating boses depende sa sitwasyon.
13. MALINAW AT WASTO ANG PAGBIGKAS- importante rin na nabibigkas ng maayos ang
mga salita at hindi nauutal utal upang maintindihan ng mabuti ang mensahe.
14. GUMAGAMIT NG ANGKOP NA KUMPAS AT KILOS o gestures- o tinatawag rin na di
berbal na komunikasyon. Ito ay nakakatulong upang mas madali at mas mailanaw na maipahatid
ang ating mga mensahe.
15. MAINGAT SA PAGSASALITA - dapat ay pipiliin ng isang ispiker ang mga bagay na
kanyang sasabihin, dapat ito ay hindi makakainsulto o makakasakit sa damdamin ng mga
tagapakinig.
16. MAINGAT SA PAGGAWA O PAGSABI NG OPINYON- dapat ang mga kongklusyon,
paratang at batikos na ating ipinapahayag ay may basehan hindi yung basta basta ka lang
magsasabi ng opinyon mo kahit wala ka naman talagang sapat na kaalaman sa sitwasyon. Dapat
ding sinisiguradong hindi ito ikakasira ng isang tao.
17. NAKATUON ANG PANINGIN SA MGA TAGAPAKINIG- mahalaga bilang isang ispiker
na nag eestablish tayo ng eye contact sa ating mga tagapakinig upang magkaroon ng koneksyon at
mas mahikayat din silang makinig. Hindi yung habang nagsasalita ay kung saan saan nakatingin
halimbawa sa labas o kaya sa kisame kasi parang ipinapahiwatig nito na hindi natin gusto na
makipag usap.
18. ANGKOP MANAMIT- hindi sapat sa isang ispiker na magaling lang magsalita kailangang
kaaya aya rin tayong tingnan. Dapat angkop ang ating kasuotan sa okasyong dinadaluhan.
19. PINANINIWALAAN AT ISINASABUHAY ANG SINASABI- ibig sabihin lang nito ay
dapat hindi tayo hipokrito. Dapat ay hindi taliwas ang ating mga ginagawa sa ating mga sinasabi.
Halimbawa kapag sinabi nating dapat ang isang tao ay mapagpakumbaba, dapat tayo mismo ay

hindi mahambog.
20. WALANG MANNERISMS NA NAKAKADISTRAK- importanteng iwasan natin ang mga
nakakadistrak mannerisms dahil ito ay nakakaagaw ng atensyon ng ating tagapakinig. Sa halip na
sila makinig sa ating mga sinasabi, maaaring ang ating mannerisms na lamang nakatuon ang ating
atensyon.
21.MAY MAINAM NA TINDIG AT POSTYUR- importante rin ito dahil in a way nakikita rin
dito kung gaano tayo ka-confident sa ating sinasabi.
22. MAAYOS AT LOHIKAL ANG KANYANG PRESENTASYON- ibig sabihin nito na kapag
tayo ay naglalahad ng mga ideya, dapat ang mga ito ay organisado mula sa simula, gitna hanggang
wakas. Ito ay upang hindi magdulot ng kalituhan sa tagapakinig at maintindihan nila ng mabuti
ang mensahe. Minsan kasi sa sobrang pagka disorganisado ng presentasyon, nag iiba na ang
interpretasyon ng mga nakikinig.
23.INIIWASAN ANG MAPALABOK NA SALITA- as much as possible iwasan natin ang mga
flowery words lalo na kung hindi naman talaga ito kinakailangan. Dahil mas maganda pa rin na
maging direct to the point tayo upang mas madaling maintindihan ng ating mga tagapakinig.
24. BINIBIGYANG DIIN ANG MAHAHALAGANG KONSEPTO- kailangan din ito para
malaman ng mga tagapakinig kung alin talaga ang pinaka kailangan nilang tandaan at bigyang
pansin sa mga sinabi ng ispiker.
25. ALAM KUNG KAILAN TATAPUSIN ANG PAGSASALITA- dapat marunong tayo mag
identify kung kailan pinaka naaangkop na tapusin ang ating pagsasalita. Dapat hindi natin
pahabain pa ang ating sinasabi kung nasabi naman na natin ang ating gusong iparating, lalo na
kung ito ay makakadulot lang naman ng kalituhan sa mga tagapakinig.
26. INIIWASANG MAGYABANG O HIMIG-PAGYAYABANG- sino ba naman ang gusto
makinig sa taong puro pagyayabang ang sinasabi? Kaya naman dapat nating iwasan na masyadong
magyabang o kaya naman ingatan natin na hindi mag himig-pagyayabang. kasi minsan kahit hindi
naman natin intensyon na magmayabang ay para sa ibang tao iba pa rin ang dating dahil sa tono at
paraan ng ating pagsasalita. kaya dapat mas maging maingat at mapanuri pa rin tayo sa ating mga
sasabihin.
27. MAYROONG MALAWAK NA BUKABUARYO- nararapat lamang na ang isang ispiker ay
malawak ang bukabularyo sapagkat ito ay susi o instrumento upang mas malinaw na maipahayag
ang ideya at mas maipaliwanag ng mabuti ang mga ideya.
28. NAGTATAGLAY NG INAASAHANG GAWI, PERSONALIDAD AT KARAKTER- ibig
sabihin lang nito ay dapat mayroon tayo ng mga katangian ng isang ispiker.

You might also like