KOMUNIKASYON Ang mga sumusunod na salik ay nakahadlang sa pagtatamo ng epektibong komunikasyon.
1. Hindi nauunawaan ang wikang ginamit.
Sa unang bahagi ng pagtalakay sa komunikasyon, binigyang pagkakaiba na ang komunikasyong berbal at komunikasyong di-berbal ay sinasabing magkaiba ang wikang ginamit dito. Maaaring ang isang panig ay hindi alam ang wikang ginagamit ng kanyang kausap. 2. Hindi nauunawaan ang nilalaman o kahulugan. May mga pagkakataon na binibigyan kaagad ng negatibong pagtingin ang isang mensaheng ipinarating sa atin nang hindi man lamang inaalam ang pinagmulan nito o ang detalye ng pangyayari. Ang ganitong sitwasyon ay magiging malaking sagabal.
Sa magkakaibigan, ang isang kwentong inihahatid sa
bawat isa na kung hindi siya kasama nang maganap ang pangyayaring inilalahad ay malalagyan ng kulay, hindi kasi batid ng pinagkwentuhan ang puno’t dulo ng mga pangyayari. 3. Obfuscation/Di-malinaw na diwa Naipahahayag ang isang magulo at nakalilitong mensahe nang intensyunal. Dito intension ng tagapagpahayag nag awing magulo at hindi kongkreto ang kanyang sasabihin. 4. Distraksyon/Abala Kapag ang isang tagatanggap ay hindi nagbibigay ng kaukulang atensyon sa kanyang pakikinig, hindi niya mahusay na makukuha ang mensahe. Ang isang taong may kahinaan sa pagbibigay-pokus sa bawat bagay ay hindi mabisang makapagpoproseso ng mensahe. 5. Hindi wastong pagpapaliwanag at pagtugon Maghahatid sa hindi pagkakaunawaan ang hindi wastong pagpapaliwanag at pagtugon. Ang kakulangan ng tagatanggap sa maagap na pagbibigay-tugon ay maaaring magkaroon ng kulay o ibang pagpapakahulugan. 6. Kawalan/Kakulangan ng oras/Labis na oras Ang kawalan ng sapat na oras na makipagtalastasan sa lahat, gayundin ang sobrang pagpapaliwanag sa isang paksa ay nagiging sagabal sa epektibong komunikasyon. Tulad na lamang ng isang gurong kung magpaliwanag ng aralin ay napakahaba nagdudulot ito ng pagkabagot sa mga mag-aaral. 7.Pisikal na hadlang Tumutukoy ang pisikal na hadlang sa mga ingay sa kapaligiran, distansya sa kausap, mabagal na pagsasalita at hindi wastong paraan ng pakikipag-usap. 8. Kalusugan Ang kalagayan o kondisyon ng pandinig at pag-iisip ay mabigat na sagabal sa komunikasyon. 9. Paniniwala Ang pagtataglay ng matatag na paniniwala sa isang prinsipyo, tradisyon at nalalaman ay maaaring makapigil sa isang tao sa pagtanggap at pag-unawa. 10. Damdamin Anumang takot at pag-aalala ay makasasagabal sa isang tao. Ito ang tinatawag ng ilang sikologo na Communication Apprehension. Ito ang tawag sa komunikasyon na may kasamang pagkabalisa. Maaaring impluwensiyahan ng sariling pagkakakilala ang pagkabalisang iyon.