You are on page 1of 3

GAÑAC, MARY JANE G.

AC301
FLIN02G

Activity 2 (Midterm – Individual)


Sagutan ang sumusunod:

1. Magbigay ng 5 pang kahulugan ng pananaliksik.


 Ang pananaliksik ay isang makaagham na pagsisiyasat ng phenomena, ideya,
konsepto, isyu at mga bagay na kinakailangang bigyang linaw at patunay.
(Galang)
 Ang pananaliksik ay may detalyadong depinisyon at isang sistematikong
paghahanap ng mga mahahalagang impormasyon tunkol sa isang tiyak na
paksa o suliranin. (Aquino, 1974)
 Ang pananliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o
impormasyon upang malutas ang isang particular na suliranin sa pmamagitang
ng siyentipikong pamamaraan. (Manuel at Medel, 1976)
 Ang pananaliksik ay isang pandulabhasang sulatin na nangangailangan ng
sapat na panahong paghahanda, matiyaga at masisinang pag-aaral,ito ay
maingat, maayos at malayuning pagsulat para mayari ang magandaa, mabisa,
at kapakipakinabang na pananaliksik. (Arrogante,1992).
 Ang pananaliksik ay sistematikong pagtatala ng mga obserbasyon sa isang
pinatunayang teorya at layunin na masagot ang mga katanungan ng isang
mananaliksin. (Parel,1996)

2. Talakayin ang mga kahalagahan ng pananaliksik sa buhay ng tao.


 Ang pananaliksik ay mahalaga sa buhay ng isang tao sapagkat ito ay ang
siyang nagiging batayan at gabay ng mga tao sa kanilang pamumuhay. Kung
may hindi maintindihan at kaylangan ng solusyon, pananaliksik ay
isinasagawa. Halimbawa nalamang sa mga gamot, kung walang tao ang
nagsagawa ng pananaliksik patungkol sa mga gamot ay maaring hanggang
ngayon ay ang lahat ng may sakit ay hindi magamot. Nang dahil sa
pananaliksik, nabigyan ng solusyon ang mga problema sa pangkalusugan.
 Sa tulong ng pnanaliksik, maraming gawain ang mas napabilis na napadali.
Tulad na lamang ng mga teknolohiyang madalas nating ginagamit araw-araw;
selpon, telebisyon, rice cooker, bentilador, microwave, at iba pa, mas nagiging
maginhawa ang pagkilos ng isang tao kumpara sa dati na mano-mano ang lahat
ng bagay.
 Maraming buhay ang guminhawa dahil sa pagkadiskubre ng mga panghanap
buhay sa tulong ng pananaliksik. Dahil sa mga pag-aaral at pagdiskubre ng
mga bagay-bagay nabibigyang oportunidad na guminhawa ang buhay ng isang
tao tulad na lamang ng pagdiskubre ng internet, kung ang nakasanayan na ang
trabaho ay nasal abas ng iyong bahay lamang at kinakailangan na kumilos ang
buong katawa ngayon ay sa tulong ng pagdiskubre ng internet namamayani na
ang “work at home” na kung saan ay internet at gadgets lamang ang
kinakailangan.
 Mas naliliwanagan ang isip at lumawalak ang kaalaman ng maraming tao
tungkol sa mga bagay bagay nang dahil sa pananaliksik. Tulad ng pananaliksik
patungkol sa mga prutas. Kung tutuusin, ang prutas ay kinikilala lamang bilang
isang pagkain ngunit sa tulong ng pag-aaral dito ay napag-alaman na marami
pala itong dalang benepisyo gaya ng bitamina. Ito ay siyang pumapalit na rin
minsan sa mga gamot na gawa ng doktor.

3. Bakit mahalaga ang publikasyon at presentasyon ng pananaliksik? Ipaliwanag.


Mahalaga nag publikasyon at presentasyon ng pananaliksik upang maipamahagi
ito sa kung saan saang lugar sa mundo. Tulad ng libro at dyaryo, mas naihahatid ang
kontekso o nilalaman nito sa kung sino mang mga tao sa iba’t ibang lugar kung ito ay
naka ayos ang presntasyon at may publikasyon. Mapapakinabangan din ito ng mga tao
sa hinaharap dahil ito ay pisikal o nakatala sa isang libro, website o internet. Pupwede
nila itong maging batayan hindi lamang sa ngayong pag-aaral ngunit sa mga tao sa
hinaharap. Mahalaga din ang publikasyon ng isang pananaliksik upang mabigyan ng
pagkilala o apresasyon ang mga taong gumawa ng pananaliksik.
4. Magbuo ng isang paksa na posibleng maging paksa ng iyong pananaliksik sa
asignaturang ito. Ang paksa ay maaaring may kaugnayan sa kursong iyong
kinukuha.

Paksa: “Ang antas ng kaalaman sa pamamahala at pagdedesisyon sa pera ng mga


mag-aaral ng BS Accountancy sa Lyceum og the Philippines University- Cavite”

You might also like