You are on page 1of 13

a g-

aa
r
a
in
I
m
g

P
ah
P
a

IN
A
l

G
a
B
an
I BIL
I
4
P
D I
N
HI
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan-Modyul 7 Linggo 7:
Tungkulin ng Pamahalaan sa
Pagtataguyod ng Karapatan ng Bawat
Mamamayan

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


0
Araling Panlipunan – Grade 4
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 7 : Tungkulin ng Pamahalaan sa Pagtataguyod ng Karapatan ng
Bawat Mamamayan
Unang Limbag, 2020
Paunawa hinggil sa karapatang – sipi. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas ng
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-isip sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng
bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may
karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga
tagapaglathala (publishiers) at may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Division of Valencia City
Schools Division Superintendent: Rebonfamil R. Baguio

Development Team of the Module

Author: Liwayway M. Dawadias

Editor: Nicolasa R. Taronzon

Reviewers: Cecilia E. Ingotan, PSDS


Chona Dilangen
Susan Alavanza

Illustrator: Fernando A. Ombayan

Layout Artists: John Rimmon I. Taquiso

Management Team:
Chairperson: Rebonfamil R. Baguio
Schools Division Superintendent
Co-Chairperson: Eugene I. Macahis, Jr.
Asst. Schools Division Superintendent

Members: Jayvy C. Vegafria, CID Chief ES


Ruel C. Duran, EPS – Araling Panlipunan
Analisa C. Unabia, EPS – LRMS
Joan Sirica V. Camposo, Librarian II
Israel C. Adrigado, PDO II

FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER: This Self Learning Module (SLM) is for educational
purposes only. Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright holders. The
publisher and authors do not represent nor claim ownership over them. Sincerest appreciation to
those who have made significant contributions to this module.

1
4
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan-Modyul 7 Linggo 7:

Tungkulin ng Pamahalaan sa
Pagtataguyod ng Karapatan ng Bawat
Mamamayan

Ang kagamitan sa pagkatutong ito ay magkatuwang na


inihanda at sinuri ng mga guro mula sa mga pampublikong
paaralan. Hinihikayat naming ang mga guro at ibang nasa
larangan ng Edukasyon na mag-email ng kanilang puna,
komento at rekomendasyon sa Kagawaran ng Edukasyon sa
region10@deped.gov.ph.

Lubos naming pinapahalagahan ang inyong mag puna at


rekomendasyon.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


2
z

Aralin Tungkulin ng Pamahalaan

7 sa Pagtataguyod ng Karapatan
ng Bawat Mamamayan

Tuklasin

Kantahin ang awit sa tono ng “Leron-leron Sinta”

Karapatan
ni: Liwayway Maganding Dawadias

Ako’y Pilipino
may mga karapatan
na pinangangalagaan
ng pamahalaan.

Ito’y nasasaad
sa ikatlong artikulo
ng Saligang Batas
ng bansang Pilipinas.

Suriin

Makikita mo sa ibaba ang kahon na may mga titik sa loob. Hanapin mo


at bilugan ang salita na bubuo sa pangungusap. Pagkatapos, isulat sa
iyong activity notebook ang sagot.

A S D F G H J K L Q W E R
T Y U I O P Z X C V B N M
K A R A P A T A N M A T Y
L M N I T U Y O B U H A Y
P O Y T U N G K U L I N B
P U S O A T D A M D A M I

3
Nasasaad sa Artikulo III ng Saligang Batas ang _________________ ng
bawat mamamayang Pilipino na nakapaloob sa Katipunan ng mga
Karapatan.

Karapatan sa buhay, kalayaan at ari-arian


• Karapatang mabuhay
Lahat na bahagi ng ating katawan, maging ang pag-iisip ay dapat
nating pangalagaan. Kasama na rito ang pangangalaga sa mga
nasa sinapupunan pa lamang.
• Karapatang mamuhay nang malaya
Sa karapatang ito, nagagamit natin ang ating kaalaman at
kasanayan. Ngunit ang kalayaang ito ay may hangganan at hindi
tayo maaaring kumilos nang naaayon sa ating sariling
kagustuhan lamang. Dapat ding isaalang-alang natin ang
kagustuhan at kapakanan ng iba.
• Karapatang magmay-ari at gumamit ng mga ari-arian
Ang pagmamay-ari ng lupa, bahay, at iba pang ari-arian sa
bansa ay may hangganan. Ang mga may-ari ng bahay at lupa ay
dapat magbayad ng taunang buwis para sa ari-arian. Kung
kinakailangang gibain ang kanilang bahay at gamitin ang
kanilang lupa para sa bubuksang pampublikong daan, karapatan
nila ang tumanggap ng kabayaran para dito. Nangangahulugan
ito na nangingibabaw ang kagalingang panlahat.

Ang mga ahensiya ng pamahalaan na nangangalaga sa mga karapatan


natin at para matugunan ang mga programang pangkalusugan,
pangkaayusan at sa paghahanapbuhay ay ang sumusunod:
• Department of Health (DOH)
• Department of National Defense (DND)
• Department of Transportation and Communications (DOTC)
• Department of Interior and Local Government (DILG)

Ang pagsamsam ng mga ari-arian ng iba ay hindi pinahihintulutan ng


pamahalaan. May kaukulang parusa ang sinumang lumabag dito. Ang
DOTC at DILG ang nangangalaga sa karapatang ito.

Karapatan sa makatarungang pagpapairal ng batas

4
Hindi maaaring alisan ng buhay, kalayaan at ari-arian ang isang tao
maliban kung sa paraang pinahihintulutan ng batas. Itinatakda ng batas
na dapat muna siyang idemanda, dakpin, iharap sa hukuman, litisin at
saka parusahan kung napatunayang nagkasala. Ang Department of
Justice (DOJ) ang nangangalaga sa karapatang ito.

Karapatan sa pantay na proteksiyon sa batas


Lahat ay pantay-pantay sa proteksiyon ng batas. Mayaman man o
mahirap, kung nagkasala ay dapat maparusahan ng batas. Walang
itinatanging mamamayan ang pamahalaan.

Karapatan laban sa hindi makatarungang paghahalughog at


pagdakip
Ang paghalughog o pagsamsam ng mga kasulatan at iba pang
bagay sa tahanan ng isang tao ay dapat naaayon sa batas. Kailangan sa
paghahalughog ang search warrant at kailangan naman sa pagdakip ang
warrant of arrest na utos ng hukuman. Ang DOJ, National Bureau of
Investigation (NBI) at kapulisan ang nagpapatupad nito.

Karapatan sa pagiging lihim ng komunikasyon at korespondensiya


Ang liham na ipinadala o tinanggap ng isang tao na hindi niya
pagmamay-ari ay hindi niya dapat basahin o buksan kung walang
pahintulot ang may-ari. Magagawa lamang ito “kung may utos ang
hukuman o kung hinihingi ng kaligtasan ng publiko”, alinsunod sa
Saligang Batas.
Kung ikaw naman ay nakatanggap ng liham o paketeng bukas na, may
sira o kulang ang laman, maaari kang magreklamo sa kinauukulan.

Karapatan sa pagsasalita, pamamahayag at pagtitipon-tipon


• Karapatan sa pagsasalita
Bilang mamamayan ng bansang demokratiko, karapatan natin
ang makapagpahayag ng ating opinyon. Ang karapatang ito ay
hindi nagpapahintulot sa atin na pagsalitaan ang ating kapwa
nang labag sa kalooban. Lalong walang karapatan ang sinuman
na magkalat ng balitang walang katotohanan.
• Karapatan sa pamamahayag
Malaya ang mga pahayagan na maglathala ng mga balita ngunit
may hangganan ang karapatang ito. Sila ay pinagbabawalang
maglathala ng anumang hihikayat sa paglabag sa batas.
• Karapatan sa pagtitipon-tipon
Ang paglahok sa mga pulong upang maiparating sa
pamahalaan ang ating mga ninanais ay karapatan natin. Subalit

5
ang pagtitipon ay hindi dapat makasagabal sa karapatan ng
ibang tao na ibig ding magharap ng mga opinyon at kahilingan.

Ang sinumang magsahimpapawid o maglathala ng maling balita,


kuwento o komentaryo ay maaaring makasuhan ng libelo o
paninirang-puri.

Karapatan sa relihiyon
Tayong mga Pilipino ay may karapatang maniwala at maging kaanib
ng alinmang relihiyon. Karapatan din ng mga pangkat ng relihiyon na
magmay-ari ng mga lupa at gusali na nauukol lamang sa mga gawaing
panrelihiyon.
Ang pagtuturo ng relihiyon sa mga mag-aaral ng pampublikong
paaralan at ang pagtatalaga ng mga pari, ministro at iba pang relihiyon sa
sandatahang-lakas, bilangguan, bahay-ampunan at pamayanan ng mga
may sakit ay pinahihitulutan ng batas.

Kalayaan sa paninirahan at paglalakbay


• Kalayaan sa paninirahan
Karapatan ng bawat Pilipino na tumira sa lugar kung saan niya
gusto ngunit hindi pinahihintulutan ng batas ang pagtatayo ng
bahay sa mga lansangan, liwasan, lupang publiko at lupang
pribado nang walang pahintulot. Kung ikaw naman ay
nangungupahan, maaari kang paalisin ng may-ari kung hindi ka
nagbabayad ayon sa kontrata.

• Karapatan sa paglalakbay
Ang paglalakbay sa isang lugar na nais mong puntahan ay hindi
maaaring hadlangan ng pamahalaan maliban na lamang kung
ang lugar na ito ay hindi bukas sa publiko dahil sa kagalingang
pangkalusugan o pangkaligtasan. Kailangan ang mga legal na
dokumento para sa mga ito tulad ng karampatang permiso at
lisensya ayon sa itinakda ng batas.

Ang mga ahensiyang namamahala dito ay ang sumusunod:


• Department of Transportation and Communications (DOTC)
• Department of Tourism (DOT).

6
Pagyamanin

Panuto: Basahin ang mga pangungusap at isulat ang sagot sa guhit na


katabi ng numero. Isulat ang K kung ang pangungusap ay
tumutukoy sa karapatan ng mamamayan at isulat ang T kung ito
ay tumutukoy sa tungkulin ng pamahalaan.

_____1. Pagsunod sa batas.

_____2. Mamuhay ng mapayapa.

_____3. Paglahok sa mga pulong.

_____4. Pumili ng relihiyong kaaniban.

_____5. Pantay-pantay na proteksyon sa batas.

Isaisip

Panuto: Kumpletuhin ang mga pangungusap. Pillin ang tamang sagot


sa kahon at isulat ito sa patlang.

tungkulin
karapatan
search warrant
Department of Health
Department of Justice
Department of National Defense

1. Bawat mamamayang Pilipino ay may ________________ na dapat


igalang.

2. _______________ ng pamahalaan na itaguyod ang mga karapatan


ng mamamayan.
7
3. Kailangan ng ______________________ mula sa hukom bago
makahalughog o makasamsam ng mga kasulatan at iba pang
bagay sa isang tahanan.

4. Pinangangalagaan ng _________________________ ang


programang pangkalusugan ng pamahalaan upang matugunan ang
karapatan ng mga mamamayan.

5. Ang ___________________________ ay nangangalaga sa


karapatan sa makatarungang pagpapairal ng batas.

Isagawa

Panuto: Tukuyin ang karapatan ng mamamayang Pilipino na isinasaad


sa bawat bilang. Piliin ang tamang sagot sa kahon at isulat ang
letra ng sagot sa guhit katabi ng numero.

A. Karapatan sa relihiyon
B. Kalayaan sa paglalakbay
C. Karapatan sa pamamahayag
D. Karapatang mabuhay ng malaya
E. Karapatan sa makatarungang pagpapa-iral ng batas
F. Karapatan sa pagiging lihim ng komunikasyon at
korespondensiya

_____1. Malayang nakakapaglathala ng balita sa Anna.

_____2. Nakakapaglakbay kayo ng pamilya mo sa mga lugar na


nais ninyong puntahan.

_____3. Nagagamit mo ang iyong kaalaman at kasanayan.

_____4. Si Mang Pedro ay may kalayaan sa kanyang paniniwala


at relihiyon.
8
_____5. Hindi mo maaaring basahin ang liham na ipinadala ng
iyong kaibigan kung wala siyang pahintulot.

6-10. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong gagawin upang


mabigyan mo ng halaga ang tungkulin ng pamahalaan sa
pagtataguyod ng iyong mga karapatan?
________________________________________________
________________________________________________
__________________________________________

Tayahin

Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Anong ahensiya ng pamahalaan ang nangangalaga sa


pangkalusugan na karapatan ng mamamayan?
A. DOH B. DILG
C. DOJ D. DOTC

2. Tungkulin ng pamahalaan na mabigyan tayo ng makatarungang


pagpapatupad ng batas. Anong ahensiya ang nangangalaga dito?
A. DOJ B. DOT
C. DOH D. DOTC

3. Kabilang ang ahensiyang ito sa namamahala ng kalayaan sa


paninirahan at paglalakbay.
A. NBI B. DOT
C. DOH D. DILG

4. Ang karapatan na ito ay nangangalaga sa mga nasa sinapupunan


pa lamang.
A. Karapatang mabuhay
B. Karapatan sa kalayaan
C. Karapatan sa paninirahan
D. Karapatan sa pamamahayag

9
5. Anong arapatan ang nangangahulugan na may hangganan ang
pagmamay-ari ng lupa, bahay at iba pang ari-arian sa bansa?
A. Karapatan sa ari-arian
B. Karapatan sa kalayaan
C. Karapatan sa pagsasalita
D. Karapatan sa makatarungang pagpapairal sa batas.

6. Hindi mahahadlangan ng pamahalaan ang sinumang magnanais na


makapunta sa isang lugar maliban na lamang kung ito ay hindi
bukas sa publiko. Anong karapatan ito?
A. Karapatan sa paninirahan
B. Karapatan sa paglalakbay
C. Karapatan sa pagtitipon-tipon
D. Karapatan sa pantay na proteksiyon sa batas

7. Ang tao ay hindi maaaring alisan ng buhay, kalayaan at ari-arian


maliban kung pinahihintulutan ng batas. Anog karapatan ito?
A. Karapatan sa relihiyon
B. Karapatan sa pagtitipon-tipon
C. Karapatan sa pantay na proteksiyon ng batas
D. Karapatan sa makatarungang pagpapairal ng batas

8. Ang karapatang ito ay hindi nagpapahintulot sa isang tao na


pagsalitaan ang kaniyang kapuwa nang labag sa kalooban.
a. Karapatan sa buhay
b. Karapatan sa kalayaan
c. Karapatan sa pagsasalita
d. Karapatan sa pamamahayag

9. Ang search warrant ay kinakailangan sa pagsamsam ng mga


kasulatan at iba pang mga bagay sa tahanan ng isang tao. Anong
karapatan ang tinutukoy dito?
A. Karapatan sa pantay na proteksiyon ng batas
B. Karapatan sa makatarungang pagpapairal ng batas
C. Karapatan sa pagiging lihim ng komunikasyon at
korespondensiya.
D. Karapatan laban sa hindi makatarungang paghahalughog
at pagdakip

10.Anong artikulo ng Saligang Batas nasasaad ang mga karapatan


ng bawat mamamayan ng Pilipinas?
A. Artikulo I B. Artikulo III
C. Artikulo II D. Artikulo IV
10
11
Tayahin Isagawa
1.A 6.B 1.C
2.A 7.D 2.B
3.B 8.C 3.D
4.A 9.D 4.A
5.A 10.B 5.F
6-10 (iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral)
Isaisip
Pagyamanin
1.karapatan
1.T
2.tungkulin
2.K
3.search warrant
3.K
4.Dept. of Health
4.K
5.Dept. of Justice
5.T
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:

Adriano, M. G. V. Caampued, C A. Capunitan., W.F. Galarosa, N.P.


Miranda, & E.R. Quintos (2015). Araling Panlipunan- Ikaapat na Baitang.
VIBAL Group Publishing. Inc

For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Valencia City

Lapu - Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709

Telefax: (088) 828 - 4615

12

You might also like