You are on page 1of 14

Pagsulat ng

Dokumentasyon sa Paggawa ng Isang Bagay o Produkto at Naratibong Ulat


Aralin 7

 Nakasulat kana ba ng dyornal, talambuhay, o
talaarawan?
 Ano ang mga nilalaman ng mga ito?
 Paano ito nagkakatulad o nagkakaiba?
 Alin ang naibigan mo?Bakit?

 Ang dokumento ng produkto ay isinusulat ng
kompanya upang ilarawan ang produktong kanilang
ginagawa.
 Madalas ito ay isinulat para sa software na produkto
pero pwede rin namang sa iba pang mga produkto.
 Sinasabing ang dokumentasyon ay ang wika na
isinasama sa produkto. Madalas na inilalahad nito
ang pag-unlad, disenyo, wikang teknikal, at
estratehiyang pangmerkado sa malinaw at
makahulugang termino.
Bumubuo sa Dokumentasyon ng
Produkto

 impormasyon ukol sa pamagat at manunulat
 Lawak at layunin-perspektibong teknikal at kalakal
 Pagkilala sa mga stakeholder
 Pangkalahatang pananaw
 Palagay (assumption)
 Plano ng proyekto
 Plano sa ebalwasyon at panukat sa pagganap

- Ang layunin ng naratibong ulat ay magbigay ng
maikli ngunit malamang paglalarawan sa pangunahing
kontribusyon at mahahalagang nakamit sa labas ng
iyong kagyat na larangan.
Kayarian ng Naratibong Ulat

 Pambukas na talata na magbibigay ng lagom ng iyong
mga aktibida at mahalagang natamo.
 Paglalarawan ng mahahalagang natamo sa iyong area of
excellence (imbestigasyon, pagtuturo at pangungunang
edukasyonal, o kahusayanng klinikal at inobasyon)
 Ilarawan ang kontribusyon sa pagtuturo at eduksasyon.
 Deskripsyon sa kontribusyon sa mahahalagang
sinusuportahang gawain kung mayroon.
 Ang panghuling talata na naglalagom ng mga tinalakay
sa itaas.

Pagsulat ng Paunawa, Babala,
Anunsyo, at Menu sa Pagkain
Aralin 8
Paunawa

 Maaaring mangahulugan na: akto ng pagbibigay
pansin o pagmamasid; persepsyon; magalang na
atensyon o kosiderasyon; nasusulat o palimbag na
patalastas.
 Sa batas, ang paunawa ay pundamental na prinsipyo
sa serbisyo ng proses.
Babala

 Pagpapahiwatig, pananakot, at pananda ng
paparating na panganib.
Patalastas o Anunsyo

 Ay isinusulat ng mga tao dahil sa iba’t ibang dahilan.
Pagsulat ng Patalasta

 Maging tuwiran at maikli ngunit kumpleto sa
mahahalagang impormasyon.
 Sumulat nang maikli, mapagkaibigang patalastas na wari ba
ay nagbabahagi ka ng positibong balita.
 Kilalanin ang tagumpay ng iba sa iyong patalastas at
hikayatin ang mga mambabasa na marating din ito.
 Ilahad ang iyong impormasyon sa karaniwan at kumpletong
paraan para ang mga mambabasa ay hindi na kailangang
magtanong.
 Kung hindi maganda ang ipapahayag, sumulat sa tuwirang
paraan.
Menu

 Ang mahusay na recipe ay nakalilikha ng mga masasarap
na salitang naglalarawan sa iba’t ibang putahe ng pagkain.
 Ang natuklasan sa sikolohiya ng pagkain ay nagsasabi na
nasisisyahan ang mga diner sa mga pangalan ng mga
kamag-anak na inilalagay nito.
 Ang pananaliksik ng Brian Wansink ng Cornell University
ay nagsasabi na ang naglalarawang label ng mga pagkain
ay nagpapataas ng kita 30%.
 Sinabi din ni wansik na ang kahusayan sa paggamit ng
mga pang-uri ay nakatutulong sa diner.
Paglalarawan sa Pagkain na Nakatutulong sa
Lakas ng Pagbebenta

 Mga salitang ginagamitan ng pandama
 - Biswal
 -Gustatori
 Mga salitang pangkalusugan o pang-diet
 Ala-ala o Nostalgia
 Geographic
 Brand names

Iwasan ang paggamit ng mga gamit na nang salita sa
paglalarawan ng menu tulad ng: espesyal,
nakapaglalaway, ang sarap, world-famous, hearty,
flavorful, pan-fried, at iba pa.

Sa kasalukuyan gamitin ang mga salitang:


busog- busog-lusog, amoy pa lang ulam na, lasap-
sarap, nanunuot ang lasa, 3 in 1 sa sarap, tender juicy.

You might also like