You are on page 1of 10

1

PAGBASA NG MGA TEKSTONG PROFESYUNAL

Ano ba ang tektong profesyunal?

Masasabi na ang mga tekstong profesyunal ay isinulat ng mga taong profesyunal na


mahusay sa kani-kanilang larangan. Isinulat upang mabasa at mapag-aralan ang mga impormasyong
nakalahad dito.
Layunin ng tekstong profesyunal na maglahad ng mga karagdagang impormasyon, mga
makabagong impormasyon na bunga ng mga napapanahong pag-aaral batay sa mga pananaliksik na
isinasagawa upang makatuklas pa ng mga kaalamang magiging kapaki-pakinabang sa mga
mambabasa.

Hindi lamang mga kasamahan sa propesyon ang target ng mga tekstong ito, higit ang
publikong mambabasa upang magkaroon ng ganap at wastong impormasyon sa mahahalagang
bagay na may kinalaman sa pang-araw –araw na buhay ng isang indibidwal. Nakapag-aambag din
ito ng pag-unlad ng mga kaalaman sa mga taong profesyunal na o di kaya naman ay bahagi ito ng
professional growth nila.
Maituturing na profesyunal ang mga doctor, abogado, guro, inhinyero, arkitekto, dentist, nars,
at marami pang iba. Karaniwang nagtataglay ang tekstong profesyunal ng mga sumusunod:
1. hindi maligoy ang pagkakalahad
2. komprehensibo ang pagkakalahad
3. maayos at organisado ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya
4. mayaman sa mga impormasyon
5. bunga ng masusing pananaliksik
6. iniuugnay sa mga nagging karanasan ng isang tao o bumabasa o kaya naman ay isang tiyak
na sitwasyon
2

Halimbawa ng Tekstong Profesyunal

Medisina
Isang Heart-Healthy Diet
Mula sa Medisine & Health (2001)
Sa nakalipas na mga taon, patuloy na tumataas ang bilang ng mga namamatay dahil
sa sakit sa puso. Kung nagkaroon ka na ng heart-to-heart talk sa iyong doctor, marahil ay
sinabihan ka na niya na bawasan ang iyong cholesterol level bago pa lumala ang sitwasyon.
Paano nga ba mapapababa nag cholesterol level? Sa pamamagitan ng heart-healthy
diet, ay mangyayari ito.
Para umabot sa ideyal na anta sang iyong blood cholesterol (mababa sa 20%),
kailangan ang malaking pagbabago sa iyong diet. Ito ay nangangahulugan ng pag-iwas o pag-alis
ng matatabang pagkain sa iyong diet. Nangangahulugan din ito ng pagdaragdag ng ilang uri ng
pagkain na nakakatulong para mapababa ang iyong kabuuang cholesterol count, mabawasan ang
masamang LDLC low density lipoprotein) ccholesterol.
Narito ang ilang natural na cholesterol-busters:
 Oat bran – Simulan ang iyong araw ng isang puswelong oatmeal o oat-bran cereal.
Lumabas sa mga pag-aaral na ang mga taong may cholesterol level na mahigit sa 229 ay
maaaring maibaba sa 8-23 porsyento kapag idinagdag ang pagkaing ito sa kanilang diet.
 Bean S – Kumain ng isang tasa ng nilutong beans sa isang araw. Hindi lamang
nakakapagpababa ng LDL cholesterol ang beans kundi nakakapagpataas pa ito ng HDL
(high density lipoprotein o good cholesterol) kapag kinain nang regular sa loob ng mahigit
isang taon.
 Sibuyas – Sa mga taong may problema sa cholesterol, kumain ng kalahating piraso ng
hilaw na sibuyas sa isang araw para mapataas ang kanilang HDL (high density lipoprotein
o good cholesterol).
 Bawang – Kung mataas ang presyon ng dugo, kumain ng hilaw o nilutong bawang.
Lumalabas sa mga pag-aaral na ang pagkain ng isang ulo ng bawang sa isang araw ay
epektibong nakakapagpababa sa kabuuang cholesterol level.
 Soy - Sa pag-aaral na nalathala sa New England Journal of Medisine, lumalabas na ang
dietna mayaman sa soy protein na matatagpuan sa tofu, tempeh at soy milk ay
nakakapagpababa sa cholesterol.
 Prutas at Gulay – Ang pagkain ng isang pirasong mansanas sa isang araw ay
nakakapagpababa ng cholesterol. Kumain ng mansanas, carrots at iba pang mga
pagkainna mataas ang taglay na soluble fiber na tinatawag na pectin. Sa pangkalahatan,
ang mga gulay at prutas ay mainam na mapagkukunan ng anti-oxidants na maaaring
maging anti-cholesterol agents.
 Wine – Uminom ng isa o dalawang baso ng red o white wine sa isang araw para mapataas
ang good cholesterol. Ang red wine ay sinsabing mainam sa puso. Ang balat ng ubas na
ginagamit sa paggawa ng red wine ay nakakapigil sa blood-clot formation o pamumuo ng
dugo.
 Grape seed oil – Kung ayaw nang magdagdag ng alcohol sa iyong diet, maaaring gumamit
ng isa pang HDL –booting product na mula sa ubas. Ito ang grape sed oil, isang mild salad
oil na nabibili sa ilang naturang food stores. Ang oil na mataas sa monouensaturated fats,
tulad ng olive at canola ay nakatutulong para mapababa ang bad cholesterol.
 Isda – Ang salmon, mackerel, herring, sardines at tuna ay pawing matataas sa Omega-3
fatty acids na nakatutulong para madagdagn ang good cholesterol.
 Supplements – Maaaring mainam din sa mga ugat ang anti-oxidant supplements. Uminom
ng 10,000 hanggang 20,000 International Unit (IU) ng beta-carotene, 100-400 IU ng
vitamin E at 1-2 gramo ng vitamin C araw-araw.
3

Pagsusuri sa Teksto:
A. Ihanay ang mga hiram at bagong salita sa iyong paningin/pandinig.
Mga Hiram na Salita Mga Bagong Salita sa Paningin/Pandinig

B. Nilalaman ng Teksto
Suriin ang nilalaman ng teksto sa pamamagitan ng teknik na KWL (Know-What-Learned)
(K-Know) Alam Na (W-What) Aalamin Pa (L-Learned) Nalaman Na

C. Reaksyon sa Nilalaman ng Teksto


Ibigay ang sariling reaksyon sa nilalaman ng teksto sa pamamagitan ng pagkuha
ng mga ideya na sa iyong palagay ay may iba’t ibang kategorya. Gawin ito sa pamamagitan ng
teknik na PIN (Positive Interesting-Negative)
Mga Ideyang Positib Mga Ideyang Kawili-Wili Mga Ideyang Negatibo
(P-Positive) (I-Interesting) (N - Negatibo)

PAGDULOG SA PAG-UNAWA NG MGA TEKSTO SA IBA’T IBANG DISIPLINA

PROSESONG SIKOLOHIKAL NG PAGBASA


Ito ay ang kakayahan ng tao na mag-imbak ng impormasyon, kaisipan at pati na rin ang
kanyang nabasa, nakita, nasulat at naramdaman ang mga bagay na ito ay nakatatak na sa kanyang
isipan. Hindi ito basta –basta nawawala, habang tumatagal ang mga bagay na alam na ng tao ay
tinatawag na iskema. Ang mga iskemang ito ay malaki ang maitutulong sa mag-aaral sa pagbasa ng
mga aralin kung lalo niya itong pauunlarin at dadagdagan pa. Makatutulong din ang mga iskemanag
ito sa pag-uugnay ng mga nakaraang pionag-aralan at ng kasalukuyang pinag-aralan.
Ang pagkilala sa materyales o teksto, pag-unawa ng materyales at ang layunin sa pagbasa
ng teksto.

INTERAKTIBONG PROSESO NG PAGBASA


Sa pagbasa, kailangan ang interaksyon ng mag-aaral o mambabasa at ng teksto sa
pamamagitan ng interpretasyon, pagpapalawak, pagatalakay sa mga alternatibong posibilidad at iba
pang konklusyon. Kadalasan, natatapos ang pagbasa sa malikhaing produksyon sa pagsasalita o
pagsulat. Sa pamamagitan din nito, maaaring pagkatapos na magbasa ang isang bata o mag-aaral,
maganyak siyang magsulat ng kwento, dula, tula, programa sa radyo o ang sarili niyang pagwawakas
para sa mga kwento at mga dula na malimit niyang basahin.
Kailangan sa interaktibong pagbasa, hindi lamang ang pagpapahayag ng sariling ideya, kundi
pag-unawa rin sa ideya ng iba.

Sa paggamit ng interaktibong pagdulog sa pagbasa, dapat isaalang-alang ang


komprehensyon. Upang matamo ito, kailangan ng guro at mga mag-aaral na may pagkakaugnayan.

Konsepto ng interaktibong pagbasa ang ugnayan ng awtor at ng mambabasa. Anong


kaisipan, kaalaman o impormasyon ang ibig niyang tukuyin o ilahad sa teksto at paano naman ito
inuunawa, tinatanggap o maaaring inilapat niya sa aktwal na naranasan niya.

Tandaan na ang pag-unawa ang pinakapuso ng interaktibong pagdulog sa pagbasa na may


mga prosesong pinagdadaanan at hindi kung ano kaagad ang kinalabasan.

METAKOGNITIBONG PAGBASA
Ang peosesong ito ay makakatulong upang maitaas ang lebel ng pagkatuto ng isang mag-
aaral sa pamamagitan ng pagpagpatnubay sa pag-iisip nito gaya ng paano ang mag-isip ng tamang
solusyon sa isang suliranin.
4

Mga Elemento ng Metakognitiv na Pagbasa


Kaalaman at pagkabatid kung papaano makokontrol ang proseso ng pag-iisip. Bahagi ng
metakomprehensyon na binubuo ng dalawang aspeto, ang pagkakaroon ng kamalayan kung kailan
hindi mauunawaan ang isang bagay at ang pagkaalam sa istratehiyang dapat gamitin upang
malunasan ang kakulangan sa pag-unawa.

Ang metakognisyon ay ang proseso ng pagkakakilalan kung ano ang ating alam at kung
paano natin nalalaman ito.
Ang metakognisyon ay may dalawang dimension:
1. Ang kaalaman ukol sa sariling kaugnayan sa mga kailangan sa pagsasagawa ng gawaing
pagbasa
2. Pagmomonitor sa sarili.

Antas ng Metakognitiv na Pagbasa


1. Paglinang ng plano

1.1 Ano ang aking dating kaalaman na nakatutulong sa akin sa gawaing ito?

1.2 Sa anong direksyon ko nais dalhin ako ng aking pag-iisip?

1.3 Ano ang una kong dapat gawin?

1.4 Bakit ko ito binabasa?

1.5 Gaano karaming oras ang mayroon ako upang kumpletuhin ang gawaing ito?

2. Paggamit at Pagmomonitor sa Plano

2.1 kumusta ang aking pagsasagawa nito?

2.2 Ako ba ay nasa tamang landas?

2.3 Paano ako dapat magpatuloy?

2.4 Anong impormasyon ang mahalaga kong natandaan?

2.5 Dapat ba akong bumaling sa ibang direksyon?

2.6 Dapat ko bang isaayos ang aking bilis sa paggawa ayon sa kahirapan ng Gawain?

2.7 Ano ang kailangan kong gawin kung di maunawaan ang aking binanabasa?

3. Pag-ebalweyt sa plano

3.1 Kumusta ang aking pagsasagawa ng aking Gawain?

3.2 Ang akin bang paraan ng pag-iisip ay naisasagawa ng mas marami o mas kaunti kaysa
sa aking inaasahan?

3.3 Ano kaya ang dapat ay nagawa ko sa iba pang paraan?

Sa “Bagong Pananaw sa Pagbasa” ni Lalunio, 1996, ang metakognitiv na pagbasa ay isang


istratehiya sa pagkatuto kasama ng kognitiv at sosyo-apektibo.

Pagdating sa istratehiyang metakognitiv, mas magiging malalim na ang pag-unawa ng


mambabasa. Marunong na siya ng pagbabalak, pagsubaybay, at pagpapahalaga na maaaring
lapatan ng mga malikhaing gawain.

Sa metakognitiv na pagbasa, nagiging mapamaraan ang mambabasa tulad ng:

1. Nakapag-uugnay ng dating kaalaman sa bagong impormasyong nabasa.


5

2. Nakasubaybay sa pag-unawa habang nagbabasa.

3. Gumagawa ng kaukulang aksyong panlunas sa mga bahaging hindi mauunawaan.

4. Nakapipili ng mahalagang ideya sa tekstong binabasa ng babasa.

5. Nakapagbubuod ng mga impormasyong binasa.

6. Patuloy na nakapagbibigay-hinuha bago bumasa, habang bumabasa at pagkatapos


bumasa.

7. Nakabubuo ng tanong tungkol sa paksang binabasa.

URI AT KATANGIAN NG MGA HULWARAN O ISTILO NG ORGANISASYON NG TEKSTO


Uri Katangian

Depinisyon Pagbibigay sa kahulugan ng salita sa


pamamagitan ng iba’t ibang pananaw o
maaaring sa pagbibigay ng mga
kasingkahulugan

Pagsusunu-sunod Pagtatala ng mga bagay o pangyayari sa


pamamagitan ng numerical o kronolohikal n
apagkasunud-sunod

Paghahambing at Pakokontrast Pagpapaliwanag sa kung papaano nagkatulad


at/o nagkaiba ang dalawa o higit pang bagay.

Sanhi at Bunga Pagtatala sa mga dahilan ng/ ng mga naging


resulta

Problema at Solusyon Paglalahad ng problema at talaan ng mga


solusyon para sa problema. Ito ay maaari rin sa
pamamagitan ng tanong at sagot.

Narito ang mga graphic organizer na makatutulong upang maging epektibo ang pagbabasa
ng mga tekstong ekspositori.

Pagtatala ng Depinisyon

Word Association
Synetics
Depinisyon
siyensa
kasingkahulugan Kasalungat

Pagsusunud-sunod
Ranking Continuum

1. ___________________
2. ___________________
3. ___________________
4. ___________________
6

low high

Cycle Series of Events

Initiating Event
4
Event 1

Event 2

1 3
Final Event

2 Event 3

Paghahambing at pagkokontrast

Venn Diagram T-chart

---------- ---------- Pagkakahawig Pagkakasintunog


---------- ----------
----------------------------- ------------------------------
---------- ----------
----------------------------- ------------------------------
----------------------------- ------------------------------
----------------------------- ------------------------------
----------------------------- ------------------------------
----------------------------- ------------------------------
----------------------------- ------------------------------
----------------------------- ------------------------------
----------------------------- ------------------------------
----------------------------- ------------------------------
----------------------------- ------------------------------
------------

Compare/Compare Matrix

Pangalan 1 Pangalan 2

Katangian 1

Katangian 2

Katangian 3
7

Sanhi at Bunga
Minodifay na Human Interaction

Bunga 1
sanhi sanhi

Sanhi Bunga 2

Aksyon Reaksyon Bunga 3

Bunga Bunga

Problema at Solusyon
Problema/Solution Outline

Sino?
Ano?
Saan?
Kailan?
Bakit?
Problema Paano

Tinangkang Solusyon Resulta


1.
2.
Solusyon

Resulta

Basahin at suriin ang mga halimbawang hulwaran o istilo ng orgnisasyon ng teksto:


Depinisyon
8

Ano ang Tagumpay

TAGUMPAY. Kayraming kahulugan. Ano nga ba ang tagumpay? Ano nga ba ang sukatan upang
masabi na ang isang to ay nagtagumpy sa buhay? Nangangahulugan ba ito ng katuparan. Ang malaking
negosyo, ng pagkakaroon ng mapagmahal na kabiyak, pagkakaroon ng isa o dalawang diploma? O ang
pagkakaroon ng maraming-maraming salapi.

Ayon sa aking kaalaman maaari lamang masabi na tagumpay ang isang nilalang kung ang
kanyang ginagawa o nagawa ay tugma sa pagkakaroon niya ng peace of mind.

Pansinin natin si Mr. Dy, isang mataas na pinuno ng gobyerno at si Rod, isang karaniwang
empleyado. Nag-retire si Mr. Dy dahil sa taglay na karamdaman. Lagi siyang nakatanaw sa malayo,
walang katahimikan ang isipan gayong nasa kanya na ang lahat ng bagay na mabibili ng salapi. Lagi
niyang naisip ang mga bagay na kanyang ginawa nang siya ay nasa tungkulin, kung paano siya
tumatanggap ng suhol o lagay. Tunay na walang kapayapaan ang kanyang isipan. Samantalang si Rod,
nang mag-retire, ay masayang masaya sa maliit niyang benefits na natanggap. Na ang hangad niya
ngayon ay ang magkaroon ng munting negosyo na alam niya na maging maunlad pagkat kailanman ay
hindi nakapinsala sa kanyang kapwa.

Tagumpay. Ang lagi mo palang kasama’t katiwasayan ng kalooban. At ang salapi, kapangyarihan
at karangyaan ay mga sangkap lamang. Ang mahalaga ang kabuuan nito pagkatapos na makamit mo ang
lahat ng ito.

Ni Melll/gustin sa kolumn na Kutob

Mula sa binasang teksto, anu-ano ang mga salitang mailalapat mo sa salitang TAGUMPAY?
Kumpletuhn ang word association tsart.

Katiwasayan ng kalooban TAGUMPAY kapangyarihan

PAGHAHAMBING AT PAGKOKONTRAST
Leoncio Santos! Yaon nga-ang pangalang yaon ang naging palatandan ko sa kanya
upang tumayo, upang magsalita, upang sumunod sa bawat iutos. Isa lamang siya sa
animnapung bata sa loob ng limang araw sa sanlinggo ay nakakaharap ko sa silid-aralan. Isa
lamang sa pulutong na yaon na kung bagama’t nagkakaiba ay ipinalalagay kong
magkakawangki sa maraming bagay. Gaya halimbawa, sa karaniwang ugali ng mga batang
makipagtuksuhan, makipagbabag upang pagkatapos ay makipagsundo.

Ang malaking ikinaiiba ni Leoncio sa mga kasamahan niya ay kanyang pagkamaibigin


sa pag-iisa. Ito’y aking napansin nang lumalakad na ang ikatlong linggo ng pasukan, kasabay
ang pagkakatanda ko na ang maitim na mukhang iyon, na may sarat na ilong at may bibig na
makipot at makapal na labi, ngunit may maamong mata ay tumutugon sa pangalang Leoncio
Santos. Sipi sa maikling kwentong “Walong Taong Gulang”

Ni Genoveva Edroza- Matute

Gumawa ng paghahambing sa binasang teksto gamit ng graphic organizer na Venn Diagram


a. Isulat ang mga katangian ni Leoncio Santos
b. Isulat ang pagkakatulad niya sa ibang bata ayon sa teksto
9

c. Isulat ang mga katangian ng ibang bata


A B C

Bukod sa tekstong nabasa, marami pang teksto ang maaaring mapagkunan ng paghahambing at
pagkokontrast. Magsaliksik ng isang tekstong ekspositori na nagtataglay ng paghahmbing at
pagkokontrast gamitan ng graphic organizer maliban sa Venn Diagram

Sanhi at Bunga ng Pangyayari

Pananalig sa Diyos: Pag-asa sa Panahon ng Krisis

Marami na tayong naririnig at nababalitaan tungkol sa mga di-magandang nangyayari sa


Pilipinas sa kasalukuyan gaya ng banta ng terorismo, pagdukot sa mga Pilipinong manggagawa sa
Gitnang Silangan, katiwalian sa gobyerno, pagbulusok ng halaga ng piso laban sa dolyar, at
kakulangan sa hanapbuhay ng mga mamamayan. Patuloy na bumabagsak ang ekonomiya ng
Pilipinas na nagdudulot ng krisis sa bansa. Ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis ay
nagiging dahilan kung bakit lumilipad ang presyo ng mga bilihin na halos di na kayang abutin ng mga
ordinaryong mamamayan. Marami sa kanila ang nawawalan na ng pag-asang umangat sa buhay
dahil sa matinding kahirapang nararanasan sa kasalukuyan. Titirik na lamang daw ang kanilang mata
ay hindi pa sila makatitikim ng ginhawa sa buhay. Para sa karamihan, madilim na ang buhay na
kanilang hinaharap. Wala na ring tiwala ang mga mamamayan sa ilan sa mga pinuno ng bayan dahil
sa pagiging tiwali at korap ng mga ito. Ang nakalulungkot, hindi lamang ang mga nakaupo sa
pamahalaan ang nagsasamantala sa kaban ng bayan, kundi pati na rin ang matataas na opisyal ng
pulisya at militar. Hindi na tuloy alam ng mga mamamayan kung kanino sila lalapit at hihingi ng tulong
sa sandali ng kagipitan at pangangailangan. Ang tingin kasi nila sa mga pinunong ito ay lintang
sumisipsip sa dugo ng mga Pilipino. Hindi naman natin masisisi ang mga mamamayan kung maging
ganito man ang kanilang damdamin sapagkat lantaran na rin ang paggawa ng masasamang bagay
ng mga politito at mga opisyal ng pulisya at militar gaya ng pakikisangkot nila sa kidnaping, pagtulak
ng droga, karnaping, ekstorsyon, at iba pang imoralidad. Ang iba naman ay nasasangkot sa
protistusyon kundi man mga batang ibinabahay o sinusustentuhann. Kung iisipin, tila wala na nga
yatang pag-asang makabangon pa ang Pilipinas mula sa krisis na kinalalagyan natin ngayon. Pero
ang totoo, malaki pa ang pag-asa natin kung magtutulung-tulong lamang ang lahat at magsisikap na
paunlarin ang sarili nang hindi na palaging umaasa sa gobyerno. Ang paglipad ng mga Pilipino
patungo sa ibang bansa ay isang alternatibong solusyon sa kasalukuyang problemang
pangekonomiya ng Pilipinas. Ang dolyar na kanilang kikitain at ipadadala sa Pilipinas ay
makatutulong sa paglago ng reserbang dolyar ng bansa na makatutulong sa pagpapaunlad ng
ekonomiya. Ang pagsusunog ng kilay ng mga kabataan habang may pagkakataon pa silang mag-aral
ay makatutulong din para hindi na sila maging pasanin pa ng gobyerno pagdating ng araw. Ang
paghihigpit ng sinturon habang may pambansang krisis tayong dinaranas ay makatutulong din. Tipirin
din natin ang paggamit sa kuryente, tubig, gasolina, at langis. Huwag tayong mawalan ng pag-asa. Ito
na lamang ang mahalagang bagay na natitira sa atin kaya’t huwag nating hayaang pati ito ay mawala
pa sa atin. Higit at lalo sa lahat, huwag din tayong bibitiw sa Diyos. Sa panahon ng mga problema at
dimagagandang pangyayaring nagaganap sa ating paligid, tanging ang Diyos lamang ang maaari
nating sandalan at mahingan ng tulong. Habang patuloy tayong nagsisikap at nagpapakasipag ay
patuloy din tayong manalangin dahil nariyan lamang Siya at patuloy na nakasubaybay at nakaalalay
sa atin. Ibibigay Niya ang ating mga kahilingan sa Kanyang panahon at sa Kanyang sariling
kaparaanan. Sa pagpupunyagi at pananalangin, laging may pag-asa tayong kakamtin.
10

Sagutin ang mga sumusunod:


1. Anu-anong patunay ang ibinigay ng sumulat para palitawing may krisis nga o problemang
dinaranas ang Pilipinas?
2. Bakit daw hindi naniniwala ang iba na naghihirap ang bansa?
3. Bakit nawawalan ng tiwala sa ilang politiko ang mga mamamayan?
4. Sa palagay ng awtor, may pag-asa pa bang makaahon sa krisis ang bansa?
5. Anu-anong patunay ang kanyang ibinigay para masabi ito?
6. Para sa awtor, anong bagay ang di natin dapat kalimutan sapagkat ito ang magbibigay sa
atin ng pag-asa?

Pagtukoy sa Sanhi at Bunga


Balikan mo ang mga pahayag na ito mula sa teksto:

Patuloy na bumabagsak ang ekonomiya ng Pilipinas na nagdudulot ng krisis sa


bansa.
Ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis ay nagiging dahilan kung bakit
lumilipad ang presyo ng mga bilihin.
Marami sa kanila ang nawawalan na ng pag-asang umangat sa buhay dahil sa
matinding kahirapang nararanasan sa kasalukuyan.

Ano ang bunga ng patuloy na pagbagsak ng ekonomiya ng Pilipinas? Tama. Nagdudulot ito
ng krisis sa bansa. Ano ang sanhi ng paglipad ng presyo ng mga bilihin? Magaling. Dulot ito ng
sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis. Samantala, ano naman ang sanhi kung bakit
nawawalan ng pag-asang umangat sa buhay ang mga Pilipino? Mahusay. Dahil nga ito sa matinding
kahirapang nararanasan nila sa kasalukuyan. Kapansin-pansin na ang mga pangungusap na ito ay
nagsasabi ng sanhi at bunga, hindi ba?

Ang pagtukoy sa sanhi at bunga ay pagkilala sa relasyong namamagitan sa mga


sitwasyong a at b, na ang ibig sabihin, ang sitwasyong a ang siyang sanhi ng pagkakaroon ng
sitwasyong b. O maaari namang, ang sitwasyong b ang bunga o epekto ng sitwasyon a.

Gawin ang mga sumusunod


Sitwasyon Sanhi Bunga

1. Magulong pamilya

2. Pakikipagbarkada

3. Pagputol ng mga puno

4. Maruming paligid

5. Mababang marka

You might also like