You are on page 1of 15

Sangay ng Paaaralang Lungsod

Dibisyon ng Maynila
Timoteo Paez Senior High School
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t- ibang
Teksto tungo sa Pananalisik

Kahalagahan ng Pagbabasa ng Komiks sa mga Kabataan ng Makabagong Henerasyon:

Isang Pagsusuri

Bilang bahagi ng pagtupad sa mga panganagilangan ng asignaturang Pagbasa at


Pagsusuri ng Ibat- ibang tekstong tungo sa pananaliksik.

Ipinasa nina:

Ramos, Mark Kenneth S.


Rayco, John Troy
Bojocan, Cristy Lin G.
Deuda, Nicole
Jasareno, Justin Mae
Turla, Nicole
Simagala, Joyce Ellaine A.
Vallejo, Maria Ericka

Ipanasa kay:
Gng. Mary Ann R.Catabay

Marso 2018

0
TALAAN NG NILALAMAN

Kabanata 1: Ang Suliranin at Kaligiran Nito

1.1. Panimula………………………………………………………………… 2-7

1.2. Konseptwal na Batayan ng Pag-aaral…………………………………… 7-9

1.3. Paglalahad ng Layunin………………………………………………….. 10

1.4. Kahalagahan ng Pag-aaral………………………………………………. 10-11

1.5. Saklaw at Delimitasyon………………………………………………….. 11

1.6. Katuturan ng mga Talakay………………………………………………. 11-13

1
Kabanata 1

Ang Suliranin at Kaligiran Nito

1.1. Panimula

Sa kasalukuyan, karamihan sa ating mga Pilipino, lalong-lalo na ang mga

kabatan o ang mga tinaguriang “Millennials" na kung hindi alam, ay hindi “updated" o

nakalimutan na kung ano ang isang Komiks at kung ano nga ba ang kahalagan at

benepisyong dulot ng pagbabasa nito. Marahil ang mga kabataan ngayon ay ika nga

“kinain na ng sistema" ng teknolohiya lalong-lalo na ang pag-gamit ng mga “gadgets".

Ayon sa libro ni Grainger (2004) na “Art, Narrative and Childhood", ang komiks

ay isang grapikong midyum na kung saan ang mga salita at larawan ay ginagamit

upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaaring maglaman ang komiks ng kaunti o

walang salita at binubuo ng isa o higit pang larawan, na maaaring maglarawan o

maghambing ng pagkakaiba ng teksto upang makaapekto nang higit sa lalim. Kapag

naglalaman ng mga imahe at larawan ang babasahin, ito ay nagiging isang pangunahing

midyum sa pagtuturo. Ang mga imahe ay siya mismo ang nangungusap na may mensahe

na itong ipinaaabot kahit wala pa ang teks nito. Ang mga imahe rin ang nagbibigay-

buhay sa paksa.

Ayon naman sa akdang “The Role of Narrative in Communicating Scince" nina

Avraamidou, L. at Osborne, J. (2009), sa paggamit ng komiks, posibleng masmabilis na

mauunawaan ang kahulugan ng mga mensahe sa pamamagitan lamang ng pagtingin at

pagpapakahulugan sa mga imahe at ito ay may malaking maitutulong sa pag-unawa ng

istorya. At ang mga istoryang ito ay maiuugnay nila sa pang-araw-araw nakaganapan sa

daigdig.

Noong 1950's hanggang 1980's ang taon ng pamumukadkad ng industriya ng

Komiks at pamamagaypag nito sa Pilipinas. Biglang usbong ang industriya ng Komiks,

2
sunod-sunod ang mga pagpapalathala ng mga ito sa mga magasin, pahayagan at iba pang

bababasahin. Maraming paksa ang tinatalakay sa mga Komiks noon, mula sa politikal na

aspeto hanggang sa mga mitlohiya, alamat, maging tungkol sa mga aswang, tyanak, at

kapre. “Hit na hit”, gaya nga ng tawag ng mga tao sa kinauusuhang bagay, ang mga

ilustrasyon sa nakakarami – libangan, laman ng usapan, pampalipas oras, kasiyahan.

Hindi maaatim ng bawat Pilipino na hindi makabasa ng kahit iisang pahina man lang ng

paboritong storya upang ganahan at mabuo ang kanilang araw – para na tuloy isang

mahalagang bahagi ng buhay ng isang tao ang komiks. Noon, maliban sa mga larong

Pinoy tulad ng tumbang preso at piko na unti-unti na ring nababaon sa limot, isa rin ang

Komiks sa mga nagsilbing pampalipas oras at libangan hindi lamang ng mga bata, kung

hindi pati na rin ng mga pusong bata.

Noon, talagang patok na patok ang Komiks lalo na sa mga bata na tila ba ay

naging katuwang na nila ito sa kanilang pangaraw-araw ng pamumuhay. Bitbit nila ito

mula sa kanilang mga tahanan, eskwelahan, at maging sa kalye ay may makikita kang

batang paslit na may binabasang Komiks. Ayon sa akdang "Komiks Pa Rin Ako!!" ni

Abella, P.I.C. (Marso 2014). Nang magdaan ang Martial Law, dumilim ang langit para sa

mga ilustrador. Dagdag ni Matienzo (1980), Ipinautos ng diktador na tanggalin ang ibang

konteksto ng mga komiks na tumatanggalisa sa administrasyong Marcos; dahilan para

magsi-alsa-balutan ang mga ibang ilustrador tulad nina Nerissa Cabral at Pablo Gomez sa

bansang Amerika upang matuto at gumawa ng mas modernisado at makabagong paraan

ng pagkokomiks. Sa pagbalik ng demokrasya sa bansa, tila ba’y sa kalugmukan ang

paparoonan ng ihip ng hangin para sa mga komiks. Sa isang pagsusuri ni Villegas (2009)

na binigyan importansya ang industriya ng komiks: “Bukod dito, ang nakaaaliw na mga

laro sa computer at paglabas ng maraming uri ng cellphone ay nakaapekto rin sa pagbaba

ng bilang ng mga nagbabasa ng komiks. Sa bandang huli, ang komiks ay hindi na halos

3
pinapansin ng tao.” Isa sa mga ideyang laganap sa panahon ng teknolohiya. At nagsimula

na ngang tumamlay ang industriya ng Komiks sa bansa. Kung dati ay mayroon kang

makikita na nagtitinda ng mga Komiks sa mga "waiting shed", sa tapat ng simbahan,

malapit sa paaralan na ani mo'y may artistang nagdaan kung dumugin ng mga bata na

ilang araw na tinipid ang kanilang mga baon upang maka-ipon lamang ng pambili ng

susunod na kabanata ng paborito at sinusubaybayan nilang Komiks.

Ngayon ay halos iilan na lamang ang may interes sa pagbabasa ng Komiks at

karamihan pa sa mga makikitang Komiks ngayon ay puro banyaga na at hindi na

kahalintulad ng dati. Nakakalungkot isipin na ang mga Klasikong Komiks ng ating

nakaraan ay unti-unti nang nababaon sa limot ng kahapon. Kakaunti na lamang ang mga

ilustrador na patuloy na binubuhay ang industiya ng Komiks sa ating bayan.

Malaki ang naitutulong ng pagbabasa hindi lamang ng Komiks, bagkus na rin ang

mga iba pang babasahin gaya ng mga pahayagan, aklat, at iba sa mabilis na pagyabong

ng kaisipan ng isanf indibidwal. Sa kasalukuyan marami nang pag-aaral at pananaliksik

ang tumatalakay sa mga epekto ng pagbabasa sa pag-iisip ng isang tao partikular na sa

mga bata dahil mas bukas ang kanilang mga isipan para sa mga bagong kaalaman na

maari nilang makuha sa pagbabasa. Ang isang estudyanteng palabasa ay mas may

malaking posibilidad na maipasa niya ang mga pagsusulit na ibibigay ng guro kumpara sa

isang hindi palabasa sapagkat sa kanyang pagbabasa mas nadaragdagan ang kanyang

kaalaman, lumalawak ang talasalitaan at mga karanasan. Mas nahahasa ang kaisipan ng

estudyanteng palabasa na umunawa nang mas malalalim na ideya, mga argumentong

pangangatwiran at nababatid ang implikasyon ng kanyang binabasa. Sa ganitong paraan,

masasabing ang pagbasa ay isang masalimuot na proseso sapagkat nasasangkot dito ang

maraming kasanayan.

Ang pagbabasa ay ang proseso ng pagkuha at pag-unawa sa ilang anyo ng

4
inimbak o nakasulat na impormasyon o ideya. Kadalasang kinakatawan ng ilang uri
ng wika ang mga ideya na ito, bilang mga simbolo na sinisuri ng paningin,
o hipo (halimbawa Braille). Maaari na di nakasalig sa wika ang ibang uri ng pababasa,
katulad ng notasyon sa musika o piktogram. Sa paghahambing, sa pangkompyuter,
tinatawag na pagbabasa ang pagkuha ng datos mula sa ilang uri ng imbakan ng
kompyuter.
Kahit na ang pagbabasa ngayon ay isang pangunahing dahilan sa karamihan
nga mga tao upang makakuha ng impormasyon, naging ganito lamang ito noong
nakalipas na 150 na taon o mahigit pa, na may unting eksepsiyon, tulad ng mga kolonya
ng Amerika, na may maliit na bilang ng populasyon sa ibang bansa na muwang na bago
pa ang rebolusyong industriyal. (The Christophers (2004). "Self Improvement Through
Reading")
Sa makatuwid, ang pagbaba ay isang proseso ng pagkuha, pagkilala, at pag-
unawa ng mga nakaimbak na o nakasulat na impormasyon o datos. Ayon naman kay
Gray, W.S. (1950), ang kinilalang “Ama ng Pagbasa”, ang pagbabasa ang may apat na
proseso o hakbang; (1)persepsyon, (2)komprehensyon, (3)reaksyon, at (4)integrasyon.

(1) Persepsyon - Ito ay pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag na simbolo at

kakayahan sa pagbigkas ng mga tunog. (2) Komprehensyon - Ito ay pag-unawa sa mga

nakalimbag na simbolo o salita. (3) Reaksyon - Ito ay kaalaman sa pagpasiya o paghatol

ng kawastuhan, kahusayan, pagpapahalaga at pagdama sa teksto. (4) Integrasyon - Ito ay

kaalaman sa pagsasanib o pag-uugnay at paggamit ng mambabasa sa kanyang dati at mga

bagong karanasan sa tunay na buhay.

May apat na teorya rin ukol sa pagbabasa. Ang teorya sa pagbasa ay pananaw

ukol sa pagbasa. Ito ay nagtatangkang ipaliwanag sa mga proseso at salik na kasangkot at

may kaugnayan sa mga gawaing nararanasan sa akto ng pagbasa at ang pag-unawa sa

mga ito (Singer at Ruddell, (1985) ”Theoretical Model and Process of Reading”).

(1). Teoryang Itaas – Pababa (Top-Down). Ang teoryang ito ay naniniwalang

ang pag-unawa ay nagmumula sa isipan ng mambabasa mayroon nang dating kaalaman at

5
karanasan. Ang daloy ng impormasyon sa teoryang ito ay nagsisimula sa itaas (top)

patungo sa ibaba (down) na ang ibig sabihin, ang pag-unawa ay batay sa kabuuang

kahulugan ng teksto. (2). Teoryang Ibaba – Pataas (Bottom – Up).Ito ay salungat sa

teoryang top-down. Ito ay pananaw sa pagbasa na naniniwalang ang pag-unawa sa teksto

ay batay sa mga nakikita rito tulad ng salita, pangungusap, larawan, diyagram o iba pang

simbolo. Tinatawag itong teoryang ibaba-pataas o bottom-up na nangangahulugang ang

pag-unawa ng isang bagay ay nag-uumpisa sa ibaba (bottom), ito ang teksto (reading

text) at napupunta sa itaas (up), sa utak ng mambabasa matapos maproseso sa tulong ng

mata at utak o isipan. Ang kaisipang ito ay batay sa teoryang behaviorist at sa

paniniwalang ang utak ay isang blangkong papel o tabula raza. (3). Teoryang Interaktibo.

Ito ang kombinasyon ng teoryang bottom-up at top-down sapagkat ang proseso ng

komprehensyon ay may dalawang direksyon (McCormick, 1998). Sa paggamit ng

dalawang paraan (bottom-up at top-down), nagaganap ang interaksyon sa pagitan ng

teksto at ng mambabasa. Ito’y nabubuo mula sa kaalaman at ideya na dala ng mambabasa

sa pag-unawa sa teksto. Samakatuwid, nagkakaroon ng epektibong pag-unawa sa teksto

kapag ginagamit ng isang mambabasa ang kaalaman niya sa estruktura ng wika at sa

bokabularyo kasabay ang paggamit ng dating kaalaman (schema) at mga pananaw. (4).

Teoryang Iskema (Schema). Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa

ating isipan o memorya. Ito ay nagiging dating kaalaman (prior knowledge). Ito’y

nakakaimpluwensya nang malaki sa pag-unawa kung ano ang alam na o hindi alam ng

mambabasa.

Ngunit kung ito’y pagtutuunan pansin, hindi parin naman talaga nawawala sa

atin ang konsepto ng mga ilustrasyong ito at kahit ni teknolohiya ay nakakatulong pa para

mabasa at masaksihan ang mga minsang kinahiligan ng samabayanang Pilipino. Sa

pamamagitan ng Internet, makakahanap ng mga artikulong nagpopokus sa mga istoryang

6
halaw sa mga komiks. Sa katunayan nga’y milyon milyong ilustrador na inililimbag

ang mga obra maestra sa net ay nagkakaroon pa ng mga tipon tipon upang pag usapan

ang industriya ng mga ilustrasyon at paano nila papalawakin at pagbunyahin ang sining

na ito. Hindi ba’t napapanood din sa mga telebisyon ang iba’t ibang storya halaw sa

mga sikat na komiks? Andyan sina Darna, Pedro Penduko, Dyesebel, at marami pa na

nagbibigay kaalaman sa mga bagong henerasyon kung saan nanggaling ang mga idol

nilang “superheroes” sa mga ilustrasyong hilig basahin ng mga magulang, at lolo’t lola

nila sa kanilang kapanahonan. Marahil ay nagbago na ang komiks na nagisnan ng

karamihang Pilipino – kalat kalat na tindero sa may waiting shed, simbahan, paaralan na

nagbebenta ng mga libro na wari mo’y parang mga “brochure” na kung maubos ay saglit

saglit lang at sa bawat basa mo sa mga pahina ng mga ito’y may kakaibang ligaya at

kasaganahan kang nararamdaman sa tuwing napapasubo ka sa storya na nirerepresenta ng

mga larawan. At kahit nagsidatingan narin ang mga “manga” at mga “cartoons” ng ibang

bansa kung saan pinipilit bulagin ang kultura at tradisyon ng bawat sambayanang Pilipino

gamit ang kanilang banyagang ideya ng pantasya, Hindi parin ma-ikukubli na nasa

bocabularyo pa ng Pilipinas ang salitang KOMIKS. (https://siningatlipunan.wordpress.)

1.2. Konseptwal na Batayan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay tutugon sa kahalagahan ng ng pagbabasa ng Komiks

sa mga Kabataan ng Makabagong Henerasyon at makatutulong ito na mahikayat ang mga

kabataan na muling tangkilikin ang industriya ng Komiks. Bibigayang diin ng pag-aaral

na ito ang mga kabuhtihang dulot na pagbabasa ng Komiks at kung paano nmapapalawak

ang kaisipan ng mga mamababasa ng Komiks lalo na ang mga kabataan. Ang batayang

konseptwal ang magpapakita ng pamamaraan. Gagawing batayan mga ibinigay na

kahulugan ni Grainger (2004) mula sa aklat na “Art, Narrative and Childhood" sa

7
Komiks at Teorya ng Pagbaba nina Singer at Ruddell, (1985) mula sa akdang

”Theoretical Model and Process of Reading”.

Ang mga mananaliksik ay nagsimulang mangalap ng mga konsepto at datos

ukol sa Komiks at ang kahalagahan ng pagbabasa nito at kung paano ito makakatutulong

sa pag-unlad ng kaisipan ng mga mambabasa nito.

Binigyang kahulugan ang Komiks sa pamamagitan ng pagtutulad at simulain ni

Grainger (2004). Ayon kay Grainger, ang Komiks ay isang grapikong midyum na kung

saan ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento.

Maaaring maglaman ang komiks ng kaunti o walang salita at binubuo ng isa o higit pang

larawan, na maaaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng teksto upang

makaapekto nang higit sa lalim. Kapag naglalaman ng mga imahe at larawan ang

babasahin, ito ay nagiging isang pangunahing midyum sa pagtuturo. Ang mga imahe ay

siya mismo ang nangungusap na may mensahe na itong ipinaaabot kahit wala pa ang teks

nito. Ang mga imahe rin ang nagbibigay-buhay sa paksa.

8
Nakasaad na Dayagram ng Balangkas

Pagsusuri mula sa mga


Datos na Inihanda

- Talatanungan

Pangangalap ng mga Pagtataya at


Datos Validasyon
- Kahagahan ng - Mula sa mga
Pagbabasa ng Komiks Kalahok

Awtput
Pinagbatayang mga
Pagsusuri sa Kalahagan ng
Simulain
Pagbabasa ng Komiks sa mga
- Grainger (2004) Kabataan ng Makabagong
Henerasyon
- Singer at Ruddell,
(1985)

-Avraamidou, L. at
Osborne, J. (2009)

9
1.3. Paglalahad ng Layunin

Pangunahing Layunin:

Layunin na mailahad ng pag-aaral na ito ang kahalagahan ng pagbabasa ng Komiks

sa mga kabataan ng makabagong henerasyon.

Tiyak na Layunin :

1).Maipakita sa mga kabataan ng makabagong henerasyon ang maitutulong o

benepisyong dulot ng pagbabasa ng Komiks .

2).Maipakilala sa mga kabataan sa kasulukuyang panahon ang Komiks bilang

isang panitikan .

3).Makapagsagawa ng isang analisasyon kaugnay sa pinagsama-samang

pananaw ng mga kabataan tungkol sa kahalagahan ng pagbabasa ng Komiks .

Inaasahan na maisakatuparan ang lahat ng naturang layunin sa pagtatapos ng pag-aaral.

1.4. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay inihanda upang mailahad ang kahalagahan ng pagbabasa

ng Komiks. Itinuring na malaking kontribusyon sa mga sumusunod ang inihaing pag-

aaral:

Una, para sa mga kabataan upang mailahad sa kanila ang benepisyong makukuha
mula sa

pagbabasa ng Komiks at nang maibalik ang industriya ng Komiks sa ating bansa.

Ikalawa, sa mga mag-aaral, upang mapalawig ang kaalaman at maging bukas ang

kanilang kaisipan at interest sa pagbabasa ng Komiks at upang maipakilala na rin at lubos

maunawaan ang kahalagahan ng pagbabasa ng Komiks hindi lamang bilang libangan

bagkus bilang isang akdang pampanitikan.

At sa huli, sa mga mananaliksik, dahil magsisilbi ito bilang tulong at maaring

10
maging batayan ng kanilang pag-aaral upang mas mapalawig ang kanilang kaalaman at

pagpapahalaga na ipagpatuloy ang pananaliksik na may kaugnayan sa naturang paksa.

1.5. Saklaw at Delimitasyon

Saklaw ng pag-aaral na ito ang ilang babasahing Komiks mula sa mga aklat

pampanitikan, pahayagan, at sa internet na nananatili pa rin hanggang sa kasalukuyang

panahon.

Ang pagtatayang isinagawa ay ibinigay sa mga mag-aaral sa Senior High

School, Baitang 11, Taong Panuruan 2017-2018 Ikalawang Semestre na nagmula sa

Timoteo Paez Integrated School. Ngunit kinuha lamang namin ang 40 mag-aaral gamit

ang random sampling para sa validasyon. Inaasahan na ang pananaliksik na ito ay

matatapos ngayong Ikalawang Semestre taong 2018.

1.6. Katuturan ng mga Talakay

 Komiks- isang grapikong midyum na kung saan ang mga salita at larawan ay

ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaaring maglaman ang

komiks ng kaunti o walang salita at binubuo ng isa o higit pang larawan, na

maaaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng teksto upang

makaapekto nang higit sa lalim. (Grainger (2004)“Art, Narrative and

Childhood")

 Grapikong Midyum- pangunahing katangian ng Komiks, pag-gamit ng mga

salita at larawan upang ihatid ang isang salaysay o kuwento.

 Ilustrador- tumutukoy sa tao o grupo ng tao na gumuguhit at gumagawa ng

Komiks.

11
 Modernisado Pagkokomiks- makabagong pamamaraan ng pag-gawa at

paglilimbag ng mga Komiks.

 Teknolohiya- pagsusulong at paglalapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan

at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang

gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa (https://tl.wikipedia.org/wiki/)

 Pagbabasa- Sa makatuwid, ang pagbaba ay isang proseso ng pagkuha, pagkilala,

at pag-unawa ng mga nakaimbak na o nakasulat na impormasyon o datos.


 Teorya sa Pagbasa- ay pananaw ukol sa pagbasa. Ito ay nagtatangkang

ipaliwanag sa mga proseso at salik na kasangkot at may kaugnayan sa mga

gawaing nararanasan sa akto ng pagbasa at ang pag-unawa sa mga ito (Singer at

Ruddell, (1985) ”Theoretical Model and Process of Reading”).

 Persepsyon- Ito ay pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag na simbolo at

kakayahan sa pagbigkas ng mga tunog. (Gray, W.S. (1950))

 Komprehensyon- Ito ay pag-unawa sa mga nakalimbag na simbolo o salita.

(Gray, W.S. (1950))

 Reaksyon- Ito ay kaalaman sa pagpasiya o paghatol ng kawastuhan, kahusayan,

pagpapahalaga at pagdama sa teksto. Gray, W.S. (1950)

 Integrasyon - Ito ay kaalaman sa pagsasanib o pag-uugnay at paggamit ng

mambabasa sa kanyang dati at mga bagong karanasan sa tunay na buhay.

(Gray, W.S. (1950))

 Teoryang Bottom-Up- Ito ay bunga ng teoryang behaviorist na higit na

nagbibigay pokus sa kapaligiran sa paglinang ng komprehension sa pagbasa.

 Teoryang Top-Down- Nabuo ito bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay

dahil napatunayan ng maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay

hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa tungo sa teksto.


12
 Teoryang Interaktib- ito ang kombinasyon ng teoryang bottom-up at top-down
sapagkat ang proseso ng pag-unawa ay may dalawang direksyon.

 Teoryang Iskema- Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa

ating isipan o memorya. Ito ay nagiging dating kaalaman (prior knowledge).

BIBLIOGRAPI

Grainger, T. (2004), Art, Narrative and Childhood, Blackwell Publishing, New Jersey,
United Stares.
Avraamidou, L. at Osborne, John.(2009),The Role of Narrative in Communicating
Scince, International Journal of Scince Education, 31(12):1683-1707.
https://siningatlipunan.wordpress.
Abella, P.I.C. (Marso 2014). Komiks Pa Rin Ako!!, https://siningatlipunan.wordpress.
William Scott Gray (1885–1960): Mr. Reading. In Susan E. Israel and E. Jennifer

Monaghan (Eds.), Shaping the reading field: The impact of early reading pioneers,

scientific research, and progressive ideas. Newark, DE: International Reading

Association. pp. 307–326.

Goodman, K. (1967). Reading: A psycholinguistic guess game. Journal of the Reading

Specialist, May, 126-135.

https://books.google.com.ph/books?id=N3onmKCfYjkC&pg=PA129&lpg=PA129&dq=s
inger+at+ruddell&source=bl&ots=_74EYe2LCW&sig=9CQlo_SMLd7stlxT8IhRdj1Njx
w&hl=en&sa=X&ved=0ahUKEwjYjYS51cDZAhVLhbwKHQLHB0AQ6AEILTAC#v=
onepage&q=singer%20at%20ruddell&f=false

https://tl.wikipedia.org/wiki/

http://study-everything.blogspot.com/2014/06/ang-proseso-mga-teorya-at-kasanayan-
sa.html

Singer at Ruddell, (1985), Theoretical Model and Process of Reading, (4th edn.),

Newark, DE: International Reading Association. pp. 1131- 1161.

13
14

You might also like