You are on page 1of 8

YUNIT II: KASANAYAN SA PAGBASA

Isinumite ni: Sean Neil A. Paringit


Isinumite kay: Ms. Elvira Salomon
ARALIN I: KAHULUGAN NG PAGBASA
Ang pagbabasa ay ang proseso ng pagkuha at pag-unawa sa ilang anyo ng
inimbak o nakasulat na impormasyon o ideya. Kadalasang kinakatawan ng ilang uri ng
wika ang mga ideya na ito, bilang mga simbolo na sinisuri ng paningin, o hipo
(halimbawa Braille). Maaari na di nakasalig sa wika ang ibang uri ng pababasa, katulad
ng notasyon sa musika o piktogram. Sa paghahambing, sa pangkompyuter, tinatawag
na pagbabasa ang pagkuha ng datos mula sa ilang uri ng imbakan ng kompyuter.
Sanggunian: The Christophers (2004). "Self Improvement Through Reading". Three
Minutes a Day, Tomo 39. The Christophers, Lungsod ng Bagong York, ISBN
0939055384., pahina para sa "Pebrero 6".

ARALIN II: KATANGIAN NG PAGBASA


Katangian ng Pagbasa
1. Malakas na Pagbasa
2. Tahimik na Pagbasa
Mga dapat isaalang alang sa malakas pagbabasa
1. Tindig
2. Lakas ng tinig
3. Paraan ng pag bigkas
4. Paghawak sa aklat o anumang babasahin
Mga dapat isaalang alang sa tahimik pagbabasa
1. Pook
2. Tamang posisyon
3. Igalawa ang mga mata at di ang bibig sa pagbabasa nang tahimik
4. Huwag ituturo o susundan ng daliri ang linyang binabasa.
5. Bumasa nang mabilis at may ganap na pag-unawa sa binabasa.
Sanggunian: Block at Pressley (2001), Harvey at Goudvis (2000)
ARALIN III: MGA TEORYA SA PAGBASA
Ang mga teoryang inilalahad sa bahaging ito ay mula sa mga pag-aaral na
dayuhan at halaw sa mga panulat nina Badayos,(199), ( Arrogante et al (2007:11-17) at
Buendicho, 2007:64-68) matutunghayan ang mga mahalagang impormasyon hinggil sa
mga teorya ng pagbasa:
1. TEORYANG ISKEMA
Ipinapalagay na sa pagsilang, ang isipan ng tao ay tabula raza o blank states.
Nangangahulugang blanko ang isipan, at ang blankong isipan ay unti-unting
mapupunan ng mga impormasyon dahil sa mga karanasan ng tao. Ang bawat
natutunan ng tao ay maging iskema sa isipan. Sa teoryang ito, bawat bagong
impormasyong makukuha sa pagbasa ay naidagdag sa dati nang iskema. Ang iskema
na ito ay ang mga nakaimbak na kaalaman. Maaring makapanghuhula ang mambabasa
sa tulong ng kanyang taglay na dating kaalaman. Magawang basahin ang teksto upang
mapatunayan ng mambabasa ang kanyang mga hinuha at hula. Nagsisilbing “inputs”
ang teksto. Hindi ang teksto ang iniikutan ng proseso ng pagbasa kundi ang konsepto o
kaisipang nabubuo sa isipan ng mambabasa. Inilalarawan ang prosesong ito bilang
teoryang sikolohikal sapagkat ang teksto ay nagbibigay lamang ng direksyon sa
mambabasa kung paano mabuo ang pagpapakahulugan.
Sanggunian: John Locke(1690) na An Essay Concerning Human Understanding
(Incarta Premium 2009)
2. TEORYANG BOTTOM-UP
Ang teoryang ito ay bunga sa tradisyonal na pananaw ng mga Behaviorist na
nakapokus sa paglinang ng komprehensyon ng pagbasa. Ang “bottom” ay
nangangahulugang ang mismong teksto o materyal, at ang “up” naman ay
nangangahulugang mambabasa. Pinaghawakan sa teoryang ito na ang pag-unawa sa
binasa ay nag-umpisa sa pagkilala sa mga serye ng mga simbolong nakalimbag. Mula
sa mga letra na nabubuo ang mga salita, sa mga pinagsama-samang mga salita ay
nabubuo ang mga parirala, at mula sa mga pinagdugtong-dugtong na mga parirala ay
nabubuo ang mga pahayag sa pagitan ng mga pangungusap. Sa kalagayang iyon, ang
pag-unawa sa mensahe ay mahalagang pangyayari, at ito’y matatawag na tugon o
response mula sa mga serye ng mga simbolo (graphical inputs) na siyang nagsisilbing
panawag-pansin o stimulus .
Sanggunian: Leonard Bloomfield (1961) Language and Linguistics
3. TEORYANG TOP-DOWN
Sa impluwensiya ng Gestalt Psychology na naniniwala na ang pagbasa ay isang
holistic na proseso, ang teoryang ito ay nananalig na ang pagbasa ay nakasalalay sa
kakayahan ng mambabasa. Ang mambabasa ay may dating kaalaman at kakayahang
pangwika. Aktibong kalahok ang mambabasa dahil siya ay may dating kaalaman na
magagamit upang iugnay sa mga bagong impormasyon upang atamo ang pag-unawa
sa binasa. Samantala, sa kakayahang pangwika na sumasaklaw sa iba’t ibang antas
gaya ng sa graphical symbols, phonemic, alphabetic and sound-spelling principle at sa
mismong bokabularyo, sintaktik, semanteka, at sa kabuuang diskurso ay siyang
makatulong upang matitiyak ang pagpapakahulugan ng teksto ayon sa ibig ipahiwatig
ng awtor.
Ang Teoryang Top-Down matatawag ring Teoryang Kognitibo na naniniwalang
ang pagbasa ay nagmula sa isip ng mambabasa (up) patungo sa teksto. Sa mga
pinanghawakang kaisipan, ang teorya na ito ay tinatawag ding Inside-Out o
Conceptuality Driven. Bilang proseso, ito ay sang-ayon sa pananaw ni Coady (1979) sa
pagpaplawak niya sa kahulugan ng pagbasa mula kay Goodman (1976) na ang sa
pagbasa ay kailangan ang kakayahang pangkaisipan. Sa pangkalahatan, bilang
aktibong kalahok/ partisipant, ang mambabasa, siya ay may maituturing nag-angkin ng
kakayahang pangkaisipan, dating kaalaman, at kakayahang pangwika na naging
kasangkapan upang matamo ang pag-unawa sa binasa.
Sanggunian:
4. TEORYANG INTERAKTIBO
Ito ay proseso na nagagamit ang lahat na dating kaalaman dahil sa pagbasa ng
teksto. Sa mga hiwa-hiwalay na pananaliksik ang kalagayang ito ay naipapaliwanag na
ang mambabasa ay makabuo ng kaisipan mula sa mga piling impormasyon buhat sa
kabuuang kahulugan,kaya ang teksto ay nagsisilbing input. Ganundin ang pagbabasa
ay nagsisilbing input sa pagkakataon nakipag-interaksyon sa teksto. Sa madaling salita
dalawa ang maaring daanan ng input—ang mga impormasyon mula sa teksto at ang
pangalawa ay ang pag-unawa sa binasa. Ito ay prosesong kung saan pinagsama-sama
ang mga tekstwal na impormasyon na maibibigay ng mga mababasa sa teksto. Ang
mga tekstwal na impormasyon ay nagsisilbing ekstensyon patungo sa utak ng
mambabasa, at dahil dito nagkaroon ng aktibasyon ang utak ng mambabasa o parang
diyalogo sa pagitan ng teksto at mambabasa sa direksyong pabalik-balik.
Sanggunian: Rumelhart, D (1985), Barr, Sadow and Blachiwicz(1990) at Ruddell and
Speaker (1985)
5. TEORYANG METAKOGNISYON
Sa teoryang ito, pinaghahawakan na ang mga katawagang pagkatuto at
kognitibo ay may iisang kahulugan. Itinuturing na isang kognitibo ang pagkakatuto dahil
ang pagkakatuto ay may kinalaman sa paggamit ng pag-iisip. Ang kognisyon naman ay
ang kapasidad ng tao na matuto. Sa ganitong punto, ang kamalayan sa sariling
kapasidad sa pag-iisip upang matuto ay mahalaga rin upang magabayan at
mapamahalaan ang sarili tungo sa mga gawaing pagkatuto gaya na lamang sa gawaing
pagbasa.
Sanggunian:
ARALIN IV: TRADISYONAL NA PAMAMARAAN SA PAGBASA

ARALIN V: MAKABAGONG PAMAMARAAN SA PAGBASA


ISKIMING - Isang mabilis na proseso ng pagbasa na naghahanap ng mga klu para
mabigyang- kahulugan ang binabasa. Isang mabilis na pagbasang kumukuha ng higit
pa sa 700wpm kaysa sa 200- 230wpm. Mas mababa ng 50% ang komprehensiyon.
ISKAING - Kinukuha nito ang detalye sa binabasang material. Upang madaling
magawa ang iskaning, kailanagng naiskim na ang teksto para makuha ang overbuy
nito, Makita kung paano inorganisa, particular ang talaan, mga katulong na heading o
sabtaytel at ilang mahahalagang informasyon sa teksto.
INTERPRETING - Nakakatulong ito upang unawain ang mga detalye, masabi ang
kaibhan ng pangunahain at sekundaryang ideya, malaman ang lahat tungkol sa teksto-
ang rason ng pagkakasulat nito, ang mga functional na salitang ginamit at iba pang
bokubularyo. Mapaghusayang interpretasyong gagawin sapagkat mapagkukumpara
ang kasalukuyang binabasa sa dati nang nabasa.
PREDIKTING - Nakatulong ito upang magamit ng mambasa ang mga klu. Nagprepredik
siya ng maaaring kalalabasan ng binabasa.
ARALIN VI: ESTRATEHIYA AT APLIKASYON SA PAGBASA
1. PAGTATANONG
Pinakikitid nito ang paksa. Dinedevelop ang focus. Nagbubukas ng daan para sa mga
karagdagang detalye.
2. PAKIKIPAGPULONG o CONFERENCING
Aplikasyon: Nakikipagkita sa mga miyembro upang pag- usapan ang balangkas bago
ito isulat. Ginagabayan ng kwestiyoner ang kumperensiya o pulong.
3. EVALWEYTING
Inaases ang kabagayan at akyurasi ng format, pagpili ng mga salita at mga ideya.
4. FREEWRITING O MALAYANG PAGSULAT
Nagbibigay ng ideya para sa pagsulat. Nagpapahintulot sa manunulat na magpatuloy
sa paggawa.
5. PAGIINTERBYU
Nangangalap ng impormasyon mula sa mga konsern o may kinalaman sa paksang
susulatin.
6. PAGMAMASID O OBSERVATION
Nangunguha ng mga impormasyon sa pamamagitan ng obserbasyon.
7. PANIMULANG PAGSULAT O BRAINSTORMING
Nagpapahintulot sa manunulat ng magplano, mag- organisa ng mga ideya bago
magdevelop ng draft.
8. PROOF READING
Nagpapahintulot sa manunulat upang basahin muli ang isinulat para sa akyurasi ng
nilalaman at istruktura.
ARALIN VII: APLIKASYON SA PAGBASA
1. PAGTATANONG
Aplikasyon: Nagtatanong kung ano, sino, kalian, saan, bakit at paano?
2. PAKIKIPAGPULONG o CONFERENCING
Aplikasyon: Nakikipagkita sa mga miyembro upang pag- usapan ang balangkas bago
ito isulat. Ginagabayan ng kwestiyoner ang kumperensiya o pulong.
3. EVALWEYTING
Aplikasyon: Pagbabasang muli at pagrerebisa. Pagkuha ng mga puna, suhestiyon at
komentaryo.
4. FREEWRITING O MALAYANG PAGSULAT
Aplikasyon: Nagsusulat ng sapat na bilang ng aytem upang matalakay o magawa ang
paksa.
5. PAGIINTERBYU
Aplikasyon: Gamitin ang mga kuwestiyon bilang gabay sa gagawing interbyu. Maaring
gumamit ng teleconferencing at mga interner websites.
6. PAGMAMASID O OBSERVATION
Aplikasyon: Nag- eeksamin ng mga bagay, sitwasyon maging tao.
7. PANIMULANG PAGSULAT O BRAINSTORMING
Aplikasyon: Gumamit ng free- writing, grapiks, interbyu, obserbasyon at pananaliksik
upang makabuo ng sapat na impromasyon.
8. PROOF READING
Aplikasyon: Basahing muli ang isinulat. Salungguhitan, bilugan at lagyan ng marginal
note ang content. Basahing muli para sa iba’t- ibang layunin.
ARALIN: VIII: KASANAYAN SA AKADEMIKONG PAGBASA

1. PAG- UURI NG MGA IDEYA/ DETALYE


Pangunahing Ideya - Ito ang pinakacore na ideya. Kadalasan ay siyangpunong
kaisipan na magdedevelop sa paksa. Sa dinami- rami ng ideyang najejenereyt, ito yong
pinakamahalaga na siyang magtatakda ng perimeter ng sulatin. Ano ang tatalakasyin?
Isinasagot iyan ng pangunahing ideya.
Sumusuportang Ideya - Hindi mabubuo ang sulatin kung walang sumusuportang ideya
o pantulong na ideya. Ang mga pantulong na ideya ay ang mga ispesipiks na may
kaugnayan sa paksang tinatalakay. Magiging vague o Malabo ang teksto kung wala
nito. Ito ang bumubuhay sa esensiya ng pangunahing ideya.

2. PAGTUKOY SA LAYUNING TEKSTO


Bawat manunulat ay may layunin sa pagsulat. Isang tasa/pagtaya sa kakayahan ng
mag- aaral na magbasa tungkol sa leksiyon.

3. PAGTIYAK SA DAMDAMIN, TONO AT PANANAW NG TEKSTO


Nagpapakita ito ng tayo ng awtor. Ang nilalaman ng kanyang damdamin at atityud sa
mambabasa.

You might also like