You are on page 1of 2

Layunin, Teorya at Hakbang ng Pagbasa

MGA TEORYA SA PAGBASA


1. Paraang bottom-up o pag-unawa sa teksto batay sa mga nakikita rito tulad ng mga:
 salita pangungusap
 larawan dayagram
 iba pang simbolo
Tinawag ito ni Smith (1983) na text-based, outside-in o data-driven sa dahilang ang
impormasyon ay hindi nagmula sa mambabasa kung hindi sa teksto.

2. Paraang top-down o pag-unawa batay sa kabuoang kahulugan ng teksto


Tinatawag din itong reader-based, inside-out o conceptually-driven sa dahilang ang
kahulugan o impormasyon ay nagmula sa mambabasa patungo sa teksto.

3. Interaktibong Teorya sa Pagbasa


Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa
pag-unawa nito, ang isang mambabasa ay gumagamit ng kanyang kaalaman sa wika
at mga sariling konsepto o kaisipan.
Dito nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor. Ang
interaksyon, kung gayon, ay may dalawang direksyon o bi-directional.

4. Teoryang Iskema
Ang komprehensyon o pang-unawa ay proseso ng pag-uugnay ng mga kaalaman sa
paksa at kaalaman sa pagkakabuo ng mahahalagang salik sa pag-unawa. (Pearson,
1978)

Hakbang sa Pagbasa ayon kay Gray


Unang Hakbang
Pagkilala sa salita
Ikalawang Hakbang
Pag-unawa
(pagbuo ng konsepto ng isang salita)
Ikatlong Hakbang
Realisasyon
(paghuhusga at emosyonal na pagtugon)
Ikaapat na Hakbang
Integrasyon
(pagsasama ng bagong ideya Sa personal na karanasan)
Proseso at Katangian ng Pagbasa
Ayon kay William Gray (sa Bernales, et al.,2001), may APAT NA HAKBANG SA PAGBASA:

1. Persepsyon
Ito ang hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo at maging sa
pagbigkas nang wasto sa mga simbolong nababasa.
2. Komprehensyon
Pagpoproseso ito ng mga impormasyon o kaisipang ipinahahayag ng simbolong
nakalimbag na binasa. Ang pagpoprosesong ito ay nagaganap sa isipan. Ang pag-
unawa sa tekstong binabasa ay nagaganap sa hakbang na ito.
3. Reaksyon
Sa hakbang na ito , hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan, kahusayan at
pagpapahalaga ng isang tekstong binasa.
4. Asimilasyon
sa hakbang na ito, isinasama at iniuugnay ang kaalamang nabasa sa mga dati nang
kaalaman at/ o karanasan.

 Sinasabing kung walang pag-unawa ay walang pagbasang nagaganap. Ayon kay


Goodman (1969) ang pagbasa ay nagiging makahulugan kung may interaksyon ang
mambabasa at ang teksto.
 Nagagamit ng bumabasa ang mga dati na niyang kaalaman at karanasan upang iugnay
sa binabasa at sa ganitong paraan nauunawaan niya at nasusuri ang binabasa.

You might also like