You are on page 1of 28

PROSESO NG

PAGBABASA AT
PAGSUSURI NG
TEKSTO
Inilahad sa aklat na Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t
ibang Disiplina nina Austero et al.(2003) na ayon
kay Goodman, ang pagbasa ay saykolinggwistiks
na panghuhula ng kahulugan, mensahe o kaisipan
ng tekstong binasa.
Ayon naman kina Arrogante et al. (2007), ang
pagbasa ay hindi awtomatikong nagagawa ng tao
sapagkat kinakailangan ang mahusay na pagkilala,
pagkuha at pang-unawa sa mga ideya at
kaisipanmula sa mga simbolong nakalimbag, saka
ito bibigyan ng interpretasyon.
Inilahad din nina Alcaraz et. al. (2005) sa kanilang
aklat sa Filipino I-Komunikasyon sa Akademikong
Filipino na ang pagbasa ay pangunahing
kasangkapan sa pansariling lakbayin tungo sa
paghanap ng kaalaman at katotohanan.
Sa aklat na Teaching Reading (2004) ni Erlinda
G. Tejero, ang pagbasa ay pagbibigay ng
kahulugan sa halip na pagkuha ng kahulugan sa
nasusulat na teksto.
May iba’t ibang paniniwala o teorya sa proseso ng
pagbasa na inilahad sa aklat na Teaching Reading
(2004).
Sa teorya ni Gough na bottom-up, mahalagang
elemento ang tekstong binabasa. Binibigyang diin
sa prosesong ito ang yugto-yugtong pag-unawa sa
titik patungong salita, salita patungong
pangungusap at hanggang sa matunton ng
mambabasa ang ganap na pagunawa sa kahulugan
ng buong teksto.
Nagsisimula naman sa nauna/nakaimbak na
kaalaman ng mambabasa ang teoryang top-down
ni Goodman. Nangangahulugan ito na may dating
kabatiran na ang mambabasa bago pormal na
lumusong sa pagbasa ng hindi payugto-yugto
kundi sa kabuuan ng mga nasusulat na pahayag.
Ang teorya ni Rumelhart na
interactive/transactive ay kombinasyon ng
unang dalawang nabanggit na modelo.
YUGTO NG PAGBASA

Ang yugto ng kahandaan sa pagbasa ay


makikita sa isang batang nakatakdang ipasok sa
preschool.
Ang yugto ng panimulang pagbabasa
ay inaasahan sa mga mag-aaral na nasa
una at ikalawang baitang sa
elementarya.
Sa mga nasa ikatlo hanggang ikaanim na baitang
ay nakatakda naman ang yugto ng mabilis na
paglaki na ang pagbabasa ay sinasangkapan na
ng pinaunlad na talasalitaan at pagkilala sa
kontekstwal na kahulugan.
Ang yugto ng malawak na pagbasa ay sa
mga mag-aaral sa sekondarya at tersyarya.
Inaasahan na ang mga mag-aaral sa bahaging
ito ay bihasa na sa pagpapakahulugan at
kritikal na pagbasa.
Bago magbasa ay inihahanda muna ang
bawat mag-aaral sa pamamagitan ng mga
pangganyak na gawain at mga nakabiting
katanungan bilang gabay.
Habang bumabasa ay maaaring isagawa ang
pagtatala at pagsagot sa isip sa mga katanungang
ibinigay sa simula.
Pagkatapos bumasa ay handa ng ibahagi
ng mambabasa ang kanyang mga
nalalaman sa pamamagitan ng
pakikipagtalakayan o di kaya pagsusulat
ng kaugnay na teksto.
Uri ng Pagbasa ayon sa
Layunin
URI NG PAGBASA LAYUNIN
PAHAPYAW O PANGKALAHATANG
ISKIMING PANANAW
ISKANING ISPESIPIKONG
DETALYE
MALAKAS NA PAGBASA NANG MAY
PAGBASA TAGAPAKINIG
TAHIMIK NA PAGBASA PANSARILI
METACOGNITIVE AT
COGNITIVE NA
ESTRATEHIYA TUNGO SA
KRITIKAL NA PAGBASA
Ang pag-unawa sa binasa ay gawaing
pangkaisipan/cognitive.
Ayon kay Ehri sa akalat na Teaching
Reading, upang mabigyang kahulugan ang
nasusulat na teksto, ang mambabasa ay
kailangang magtaglay ng kaalamang
metacognitive.
Sa aklat na Principles of Teaching I nina
Corpuz at Salandanan (2007), binigyan
ng pagpapaliwanag ang metacognitive
bilang estratehiya sa pagtuturo at
pagkatuto.
Ang kritikal na pagbasa ay kinabibilangan ng
mas matataas na antas ng pag-iisip.
Pinagbababatayan dito ang binanggit ni
Anderson na mga antas sapangkaisipang
domeyn. Ayon sa pagkakasunod, ito ay
kinapapalooban ng pag-aalala, pag-unawa,
paglalapat, pagsusuri,
pagmamarka/pagbibigay –puna at pagbuo).
Antas-pagsusuri. Tinutukoy ng mambabasa
ang sanhi at bunga ng mga pangyayari, motibo
ng mga pagkilos, konklusyon at paglalahat at
mga patunay/ebidensya para pagtibayin ang
mga pangyayari o sitwasyon.
Antas-pagmamarka/pagbibigay-puna. Sa
antas na ito, hinihikayat ang mambabasa na
magbigay ng pangkalahatang puna at
reaksyon sa mga mahahalagang detalye sa
teksto
Antas-pagbuo. Isinasagawa ng mambabasa
ang pagbuo ng bagong sariling kaisipan o
ideya mula sa binasa. Dagdag pa, ang
paglikha ng awtentikong patunay ng
pagkaunawa sa teksto.
MARAMING
SALAMAT!

You might also like