You are on page 1of 1

MGA MIDYANG PANG-EDUKASYON

4. Ang Prodyektor

Kasangkapang ginagamit upang magmukhang malaki ang isang maliit na


larawan, guhit o bagay na ipinapakita sa telon. Ang mga detalyeng hindi malinaw sa
orihinal na larawan , guhit o bagay ay nagiging malinaw kapag isinubo sa
prodyektor.

Maraming uri ng prodyektor gaya ng opaque projector, overhead projector, slide


projector, motion picture projectorat tachitoscope projector.

5. Mga Larawang di-Gumagalaw (Still Pictures)

Maaaring litratong kuha ng kamera, maaaring iginuhit lamang o ginupit sa


mga magasin, pahayagan at iba pang babasahin. Ito ay nagsisilbing panghalili sa
mga tunay na bagay, tao, pook o pangyayari.

Sa pagtuturo, maaaring sabayan ng pagkukwento ang anumang larawang


ipinapakita. Kinakailangang makatawag pansin ang larawan upang mapukaw ang
interes ng mga mag-aaral. Upang lalong sumigla ang klase, hayaang magsalita ang
mga mag-aaral tungkol sa larawang ipinakikita. Sa ganitong paraan, nahahasa ang
talasalitaan at kasanayang pasalita ng mga mag-aaral.

Ang mga larawang ginagamit sa pagtuturo ay maaaring isabit sa timeline,


ipaskil sa bulitin bord o ilagay sa picture stand. Iwasang hawak hawak ito sa kamay
at inililibot sa klase. Iangkop ang sukat sa dami ng mag-aaral. Mas lalong mabuti
kung may kapsyon ang larawan.

6. Ang Teyp Rekorder

Isang mahalagang kagamitan sa pagtuturo at pag-aaral ang teyp rekorder.


Nagbibigay ito ng iba’t ibang kaalaman at kasanayan sa pamamagitan ng pakikinig.
Nagiging masigla at kawili-wili ang pag-aaral dahil sa pakikinig sa mga ideya,
panayam, tula, awit, sabayang, pagbigkas, interbyu at pakikinig sa sariling boses na
inirekord. Ang teyp rekorder ang nagsisilbing tagatsek ng maling bigkas at maling
intonasyon.

You might also like