You are on page 1of 15

Mapanuring

Pagbabasa:
Mga Estratihiya
Maingat
–Usisain, busisiin ang mga ebidensiya,
at suriin kung gaano kalohikal ang teksto
at hindi batay sa haka-haka lamang.
khl
–Tiyakin kung malaki ang maitutulong
nito upang magabayan ang pagbasa sa
teksto (Dapat ko ba itong paniwalaan?
Maingat ba ang may-akda sa paggamit
ng ebidensiya at katuwiran?)
Aktibo
–habang nagbabasa ay may
pagtatala at anotasyong ginagawa
ang mambabasa upang maging
malinaw ang ipinahahayag ng teksto.
–Nagtatanong din siya sa sarili
kaugnay ng teksto o mga
ipinahahayag nito.
Replektibo
–Pagbibigay katibayan o patunay ang
nabasa kaugnay ng mga kaalaman at
sariling karanasan ng mambabasa.
Maparaan
–Paggamit ng ilang estratehiya
upang maunawaang mabuti ang
teksto.
–Ilan sa mga ito ang pre-viewing o
pre-reading, skimming, at
brainstorming.
Previewing/Pre-reading (Bago Bumasa)
–Bubusisiin muna ang sinulat at huling
bahagi ng artikulo.
–Kung libro, puwedeng tingnan ang
pabalat, ang likod ng pabalat na kung
minsa’y may paliwanag ang may-akda
tungkol sa libro o kaya’y mga pahayag ng
ilang personalidad tungkol dito.
–Maaaring magtala ng ilang
impormasyon.
Skimming
–Hindi babasahin ang kabuuan ng teksto
sa prosesong ito ngunit titingnan ang mga
pangunahing bahagi upang magkaroon
ng pangkalahatang kaalaman sa tekstong
binabasa.
Brainstorming
–Ito ang talakayan ng grupo upang
makapagbigay ng input ang bawat
miyembro at magkaroon ng
pangkalahatang ideya kaugnay ng teksto.

You might also like