Professional Documents
Culture Documents
Medy Gucaban
July 18,2016
Epiko
Nagalit si Indarapatra sa narinig. "Sino ang mga halimaw na iyon? Sino ang mga valang-awang
pumapatay sa walang kalaban-labang mga taga-Maguindanao?" galit w tanong ni Indarapatra.
"Una'y si Kuritang maraming paa at ganid na hayop sapagkat ang pagkaing laan sa limang tao'y
kanyang nauubos," sagot ni Hinagud. "Ikalawa'y si Tarabusao. Isa siyang halimaw na mukhang taong
nakatatakot pagmasdan. Ang sinumang taong kanyang mahuli'y agad niyang kinakain. Ikatlo'y si
Pah, isang ibong malaki. Ang bundok ng Bita ay napadidilim niya sa laki ng kanyang mga pakpak.
Ang lahat ng tao'y sa kweba na nananahan upang makaligtas sa salot na itong may matang malinaw
at kukor matalas. Ikaapat ay isa pang ibong may pitong ulo, si Balbal. Walang makaligtas sa bagsik
ng kanyang matalas na mata pagkat maaari niyang matanaw ang lahat ng too sunud-sunod na
paliwanag ng sibat.
Nang marinig ito ni Indarapatra, nagdasal siya at inutusan ang kapatid na Sulayman, ang
pinakadakilang mandirigma ng kaharian, "Mahal kong kapatid, huma> ka at tulungan ang mga tagaMaguindanao. Ito ang aking mahiwagang singsing at Juru Pakal, ang aking mahiwagang kris.
Makatutulong ang mga ito sa iyong pakikidigmc Kumuha si Indarapatra ng isang batang halaman at
ipinakiskis niya ang singsing r ibinigay kay Sulayman sa halaman at kanyang sinabi, "Ang halamang
ito ay mananatilir buhay habang ika'y buhay at mamamatay kung ika'y mamatay."
At umalis si Sulayman sakay ng kanyang vinta. Lumipad ang vinta pasilangan c lumapag sa ka-
Maguindanaoan. Biglang dumating si Kurita. Biglang tumalon si Jur Pakal, ang mahiwagang kris, at
kusang sinaksak si Kurita. Taas-baba. Taas-baba Juru Pakal hanggang namatay si Kurita. Sa
pakikidigma ni Sulayman, nawala niya ar kanyang singsing.
Pagkatapos ay kinalaban ni Sulayman si Tarabusao. "Lisanin mo ang lugar r ito... kung hindi,
Pagkatapos ng labanan, naglakad si Indarapatra at tinawag ang mga taong nagtago sa kuweba
ngunit walang sumagot. Naglakad siya nang naglakad hanggang siya'y nagutom at napagod. Gusto
na niyang kumain kaya pumulot siya ng isda sa ilog at nagsaing. Kakaiba ang pagsaing ni
Indarapatra. Inipit niya ang palayok sa kanyang mga hita at umupo siya sa apoy upang mainitan ang
palayok. Nakita ito ng isang matandang babae. Namangha ang matandang babae sa taglay na
kagalingan ni Indarapatra. Sinabihan ng matanda na maghintay si Indarapatra sa kinalalagyan
sapagkat dumaraan doon ang prinsesa, ang anak ng raha. Umalis ang matandang babae dala ang
sinaing ni Indarapatra.
Pagkalipas ng ilang sandali ay dumaan nga ang prinsesa at nakuha ni Indarapatra mga tiwala nito.
Itinuro ng prinsesa kung saan nakatago ang ama niya at ang nalalabi sc kaharian nifa. Nang magkita
si Indarapatra at ang raha, inialay ng raha ang innyang pag-aari kay Indarapatra. Ngunit tinanggihan
ito ni Indarapatra bagkus knyang hiniling ang kamay ng prinsesa.
Nanatili si Indarapatra nang maikfing panahon sa Maguindanao. Tinuruan niya kg mga too kung
paano gumawa ng sandata. Tinuruan niya rin sila kung paano maghabi, magsaka, at mangisda.
Pagkalipas ng ilang panahon pa, nagpaalam na si Indarapatra. tapos na ang aking pakay rito sa
Maguindanao. Ako ay lilisan na. Aking asawa, manganak ka ng dalawa, isang babae at isang lalaki.
Sila ang mamumuno rito sa inyong kaharian pagdating ng araw. At kayong mga taga-Maguindanao,
sundin ninyo ang aking mga kodigo, batas, at kapangyarihan. Gawin ang aking mga utos hanggang
may isang mas dakilang haring dumating at mamuno sa inyo," paalam ni Indarapatra.
Habang kumakain, nakita ni Indarapatra ang kanyang mahiwagang singsing na naiwala ni Sulayman
sa isdang ulam. Pagkatapos nito ay bumalik na siya sa kanyang kaharian sa Mantapuli.