You are on page 1of 1

Saint Francis College

Pascual B. Gutay St., Sabang II


Allen, Northern Samar

Joanna Isabel A. Marasigan


Grade 12 – STEM B – St. Felix of Cantalice
FILIPINO

Buod ng epikong Indarapatra at Sulayman

Noong unang panahon, may isang matalino, magiting, at mabuting emperador ng kahariang
Mantapuli, siya ay si Indarapatra. Meron siyang kakaiba at makapangyarihang singsing—isang
mahiwagang kris at sibat na kapag inihagis sa kaniyang mga kaaway ay babalik sa kaniya. Isang
araw, nabalitaan ng hari ang kaguluhan na nangyayari sa labas ng kaniyang kaharian. Mayroong
apat na salot na nanggugulo sa Mantapuli na kinabibilangan nina Kurita, na may maraming paa
at kayang kumain ng limang tao sa isang buka ng bibig; Pah, isang ibong may malaking pakpak
na kayang padilimin ang isang lugar; Tarabusao, isang anyong tao na kayang kumain din ng tao;
at si Balbal na isang ibong mayroong pitong ulo. Hindi ito kakayanin ni Indarapatra kaya naman
ay humingi siya ng tulong sa isang pinakadakilang mandirigma, si Sulayman, upang hadlangan
at wakasan ang pananakot ng mga halimaw. Bago umalis si Sulayman ay nagtanim ng
mahiwagang halaman si Indarapatra. Ito ang magbibigay ng babala sa kalagayan ng kapatid
habang siya ay nakikipaglaban. Ang pagkatuyo ng halaman ay mangangahulugang kamatayan ni
Sulayman. Naglakbay si Sulayman gamit ang kaniyang vinta. Lumipad ang vinta patungong
silangan at lumapag sa Maguindanao. Dito ay natagpuan niya si Kurita, ang halimaw na merong
limang paa at kumakain ng tao. Matagal at madugo ang sagupaan ng dalawa, ngunit sa bandang
huli, napaslang ni Sulayman si kurita sa tulong ng mahiwagang kris. Sunod na nakita ni
Sulayman ay ang nag-aanyong tao na halimaw na si Tarabusao. Pinakiusapan niya itong lisanin
ang Magindanao at tigilan ang pananakot sa mga tao. Hindi nakinig si Tarabusao, sa halip, siya
ay nakipaglaban, ngunit siya rin ay tuluyang namatay. Pinunit naman ni Sulayman ang pakpak ni
Pah na sanhi ng pagkamatay nito. Nagwagi si Sulayman, ngunit sa kasawiang palad, ang pakpak
mula sa higanting si Pah ay dumagan sa kanyang katawan na naging dahilan ng kanyang
kamatayan. Nagtungo si Indaraptra sa kinaroroonan ni Sulayman nang agad niyang nakita ang
pagkatuyo ng mahiwagang halaman. Natagpuan niya ang katawan ni Sulayman. Niyakap niya ito
at siya’y tumangis. Nagdasal siya’t nagmakaawa kay Bathala upang ibalik ang buhay ni
Sulayman. Siya ay pinakinggan ng langit. Mula sa hindi kalayuan ay mayroong bumulwak na
tubig. Agad niya itong ipinainom kay Sulayman. Muling nabuhay si Sulayman, at dahil sa takot ni
Indarapatra, sinabihan niya itong bumalik na sa kaharian at siya na lamang ang maghahanap sa
natitirang halimaw. Narating ni Indarapatra ang bundok ng Guryan, dito niya nakaharap si Balbal.
Isa-isa niyang pinutol ang pitong ulo ng halimaw hanggang sa isa nalang ang natira. Nakatakas
si Balbal at hindi niya na ito tuluyang napaslang. Gayunman, nagkaroon pa rin ng katahimikan
ang Maguindanao. Kumalat ang kabayanihang ipinakita’t ginawa ni Indarapatra. Bilang
pasasalamat, ipinakasal ng raha ang kanyang anak na prinsesa kay Indarapatra.

You might also like