You are on page 1of 36

Indarapatra at Sulayman (Epikong Mindanao)

Noong unang panahon ay may isang dakilang hari. Siya ay si Indarapatra, hari ng Mantapuli. Ang
Mantapuli ay matatagpuan sa bahaging kanluran ng Mindanao, doon sa malayong lupain kung saan ang
araw ay lumulubog. Si Indarapatra ay nagmamay-ari ng isang makapangyarihang singsing, isang
mahiwagang kris at isang mahiwagang sibat. “Hinagud, aking sibat, magtungo ka sa bahaging silangan at
lupigin moa ng aking mga kaaway!” ang makapangyarihang utos ng hari. Pagkatapos magdasal, inihagis
niya ang sibat na si Hinagud nang ubod lakas. Nang makarating na ito sa Bundok Matuntun, agad na
bumalik ito sa Mantapuli at nag-ulat sa kanyang hari.

“Aking dakilang hari, maawa kayo sa mga taga Maguindanao. Sila’y pinahihirapan at kinakain ng mga
walang awing halimaw. Sinisira ng mga halimaw ang kanilang mga pananim at ang mga kabahayan.
Binabalot ng mga kalansay ang kalupaan!” ulat ni Hinagud.

Nagalit si Indarapatra sa narinig. “Sino ang mga halimaw na iyon na walang awing pumapatay sa mga
walang kalaban-laban na mga taga-Maguindanao?” galit na tanong ni Indarapatra.

“Ang una po ay si Kuritang maraming paa at ganid na hayop sapagkat sa pagkain, kahit limang tao’y
kayang maubos,” sagot ni Hinagud. “Ang ikalawa’y si Tarabusao. Isa siyang halimaw na mukhang tao na
nakatatakot pagmasdan. Ang sinumang tao na kanyang mahuli’y agad niyang kinakain. Ang ikatlo’y si
Pah, isang ibong malaki. Ang bundok ng Bita ay napadidilim sa laki ng kanyang mga pakpak. Ang lahat ng
tao’y sa kweba na naninirahan upang makaligtas sa salot. Ang ikaapat ay isa pang ibon na may pitong
ulo, si Balbal. Walang makaligtas sa bagsik ng kanyang matalas na mata pagkat maaari niyang matanaw
ang lahat ng tao.” Sunud-sunod na paliwanag ni Hinagud.

Nang marinig ito ni Indarapatra, nagdasal siya at inutusan ang kapatid na si Sulayman, ang
pinakadakilang mandirigma ng kaharian. “Mahal kong kapatid, humayo kayo at tulungan ang mga taga-
Maguindanao. Heto ang aking mahiwagang singsing at si Juru Pakal ang aking mahiwagang kris.
Makakatulong sa iyong pakikidigma ang mga ito.” Kumuha si Indarapatra ng isang batang halaman at
ipinakiskis niya ang singsing na ibinigay kay Sulayman sa halaman at kanyang sinabi,”Ang halamang ito
ay mananatiling buhay habang ikaw ay buhay at mamamatay ito kung ikaw ay mamamatay.”
At umalis si Sulayman sakay ng kanyang vinta. Lumipad ang vinta patungong silangan at lumapag sa
Maguindanao. Biglang dumating si Kurita. Biglang tumalon si Juru Pakal, ang mahiwagang kris, at kusang
sinaksak si Kurita. Taas-baba si Juru Pakal hanggang mamatay si Kurita.

Pagkatapos nito ay kinalaban naman si Tarabusao. “Lisanin mo ang lugar na ito, kundi ay mamamatay
ka!” ang malakas na utos ni Sulayman.

“Lisanin ang lugar na ito! Nagkasala ang mga taong ito at dapat magbayad!” sagot ni Tarabusao.

“Narito ako upang tapusin na ang inyong kasamaan”” ang matapang na sabi ni Sulayman.

“Matalo man ako, mamamatay akong martir!” sagot ni Tarabusao. Naglaban sila at natalo ni Sulayman si
Tarabusao.

Naglakad si sulayman sa kabilang bundok upang sagupain si Pah. Ang bundok Bita ay balot ng mga
kalansay at ng mga naaagnas na bangkay. Biglang dumating si Pah. Inilabas ni Sulayman si Juru Pakal at
pinunit nito ang isang pakpak ni Pah. Namatay si Pah ngunit nahulog ang pakpak nito kay Sulayman.
Namatay si Sulayman.

Sa Mantapuli, namatay ang tanim na halaman ni Indarapatra. Agad siyang nagtungo sa Maguindanao at
hinanap ang kapatid. Nakita niya ito at siya’y nagmakaawa sa Diyos na buhayin muli ang kapatid.
Tumagis siya ng tumangis at nagdasal kay Allah.

Biglang may bumulwak na tubig sa tabi ng bangkay ni Sulayman. Ipinainom ito ni Indarapatra kay
Sulayman at biglang nagising pagkainom. “Huwag kang umiyak, aking kapatid, nakatulog lang ako nang
mahimbing,” sabi ni Sulayman. Nagdasal sila Indarapatra at Sulayman upang magpasalamat sa Diyos.
“Umuwi ka na, aking kapatid, at ako na ang tatapos kay Balbal, ang huling halimaw,” utos ni Indarapatra.
Umuwi si Sulayman at nagtungo si Indarapatra sa Bundok Guryan at doon nakipaglaban kay Balbal.
Isa-isang pinutol ni Indarapatra ang mga ulo ni Balbal hanggang isa na lamang ang natira. Dahil ditto,
lumisan si Balbal na umiiyak. Inakala ni Indarapatra na namatay na si Balbal habang tumatakas. Ngunit
ayon sa matatanda ay buhay pa si Balbal at patuloy na lumilipad at humihiyaw tuwing gabi.

Pagkatapos ng labanan, naglakad si Indarapatra at tinawag ang mga taong nagsipagtago sa kweba ngunit
walang sumasagot. Naglakad siya nang naglakad hanggang siya’y magutom at mapagod. Gusto niyang
kumain kaya’t pumulot siya ng isda sa ilog at nagsaing. Kakaiba ang pagsasaing ni Indarapatra. Inipit niya
ang palayok sa kanyang mga hita at umupo siya sa apoy upang mainitan ang palayok. Nakita ito ng isang
matandang babae. Namangha ang matandang babae sa taglay na kagalingan ni Indarapatra. Sinabihan
ng matanda na maghintay si Indarapatra sa kinalalagyan sapagkat dumaraan doon ang prinsesa, ang
anak ng raha. Umalis ang matandang babae dala ang sinaing ni Indarapatra.

Paglipas ng ilang sandali ay dumaan nga ang prinsesa at nakuha ni Indarapatra ang tiwala nito. Itinuro ng
prinsesa kung saan nagtatago ang ama nito at nalalabi sa kaharian nila. Nang Makita ni Indarapatra ang
raha, inialay ng raha ang kanyang pag-aari kay Indarapatra. Ngunit tinanggihan ito ni Indarapatra bagkus
kanyang hiningi ang kamay ng prinsesa.

Sa maikling panahong pananatili ni Indarapatra sa Maguindanao, tinuruan niya ang mga tao kung paano
gumawa ng sandata. Tinuruan niya kung paano maghabi, magsaka, at mangisda. Pagkalipas ng ilang
panahon pa, nagpaalam si Indarapatra. “Tapos na ang aking pakay rito sa Maguindanao. Ako ay lilisan
na. Aking asawa, manganak ka ng dalawa, isang babae at isang lalaki. Sila ang mamumuno rito sa inyong
kaharian pagdating ng araw. At kayong mga taga-Maguindanao, sundin ninyo ang aking kodigo, batas, at
kapangyarihan. Gawin ang aking mg autos hanggang may isang mas dakilang hari na dumating at
mamuno sa inyo,” paalam ni Indarapatra.
Si Indarapatra ay ang matapang na hari ng Mantapuli. Nabalitaan
niya ang malimit na pananalakay ng mga dambuhalang ibon at
mababangis na hayop sa ibang panig ng Mindanao. Labis niyang
ikinalungkot ang mga nangyayaring ito sa mga naninirahan sa
labas ng kaharian ng Mantapuli.
Ipinatawag ni Indarapatra ang kanyang kapatid na si Sulayman,
isang matapang na kawal. Inutusan ni Indarapatra si Sulayman
upang puksain ang mga ibon at hayop na namiminsala sa mga
tao. Agad na sumunod si Sulayman. Bago umalis si Sulayman,
nagtanim si Indarapatra ng halawan sa may durungawan. Aniya
kay Sulayman, Sa pamamagitan ng halamang ito ay malalaman ko
ang nangyayari sa iyo. Kapag namatay ang halamang ito,
nanganaghulugang ikaw ay namatay.
Sumakay si Sulayman sa hangin. Narating niya ang
Kabilalan. Wala siyang nakitang tao. Walang anu-ano ay nayanig
ang lupa, kaya pala ay dumating ang halimaw na si
Kurita. Matagal at madugo ang paglalaban ni Sulayman at ni
Kurita. Sa wakas, napatay rin ni Sulayman si Kurita, sa tulong ng
kanyang kris.
Nagtungo naman si Sulayman sa Matutum. Kanyang hinanap ang
halimaw na kumakain ng tao, na kilala sa tawag na
Tarabusaw. Hinagupit nang hinagupit ni Tarabusaw si Sulayman
sa pamamagitan ng punongkahoy. Nang nanlalata na si
Tarabusaw ay saka ito sinaksak ni Sulayman ng kanyang espada.
Pumunta si Sulayman sa Bundok ng Bita. Wala rin siyang
makitang tao. Ang iba ay nakain na ng mga halimaw at ang
natirang iba ay nasa taguan. Luminga-linga pa si Sulayman nang
biglang magdilim pagkat dumating ang dambuhalang ibong
Pah. Si Sulayman ang nais dagitin ng ibon. Mabilis at ubos lakas
ng tinaga ito ni Sulayman. Bumagsak at namatay ang Pah. Sa
kasamaang palad nabagsakan ng pakpak ng ibon si Sulayman na
siya niyang ikinamatay.
Samantala, ang halaman ni Sulayman sa Mantapuli ay laging
pinagmamasdan ni Indarapatra. Napansin niyang nanlata ang
halaman at alam niyang namatay si Sulayman.
Hinanap ni Indarapatra ang kanyang kapatid. Nagpunta siya sa
Kabalalan at nakita niya ang kalansay ni Tarabusaw. Alam niyang
napatay ito ng kapatid niya. Ipinagpatuloy ni Indarapatra ang
paghahanap niya kay Sulayman. Narating niya ang bundok ng
Bita. Nakita niya ang patayna ibong Pah. Inangat ni Indarapatra
ang pakpak ng ibon at nakita ang bangkay ni
Sulayman. Nanangis si Indarapatra at nagdasal upang pabaliking
muli ang buhay ni Sulayman. Sa di kalayua'y may nakita siyang
banga ng tubig. Winisikan niya ng tubig ang bangkay at muling
nabuhay si Sulayman. Parang nagising lamang ito mula sa
mahimbing na pagtulog. Nagyakap ang magkapatid dahil sa
malaking katuwaan.
Pinauwi na ni Indarapatra si Sulayman. Nagtuloy pa si
Indarapatra sa Bundok Gurayu. Dito'y wala ring natagpuang
tao. Nakita niya ang kinatatakutang ibong may pitong ulo. Sa
tulong ng kanyang engkantadong sibat na si juris pakal ay madali
niyang napatay ang ibon.
Hinanap niya ang mga tao. May nakita siyang isang
magandang dalaga na kumukuha ng tubig sa sapa. Mabilis
naman itong nakapagtago. Isang matandang babae ang lumabas
sa taguan at nakipag-usap kay Indarapatra. Ipinagsama ng
matandang babae si Indarapatra sa yungib na pinagtataguan ng
lahat ng tao sa pook na iyon. Ibinalita ni Indarapatra ang mga
pakikilaban nilang dalawa ni Sulayman sa mga halimaw at
dambuhalang ibon. Sinabi rin niyang maaari na silang lumabas sa
kanilang pinagtataguan. Sa laki ng pasasalamat ng buong tribu,
ipinakasal kay Indarapatra ang anak ng hari, ang magandang
babaeng nakita ni Indarapatra sa batisan.
Epiko: Kahulugan, Katangian at mga
Halimbawa ng Epiko ng Pilipinas

Ano ang Epiko?


Ang Epiko o Epic sa wikang Ingles ay uri ng panitikan na matatagpuan sa iba’t-
ibang grupong etniko. Ito ay tumatalakay sa mga kabayanihan at
pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi
mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan.
Kwento ito ng kabayanihan noong unang panahon na punung-puno ng mga
kagila-gilalas na pangyayari.

Ang mga pangunahing tauhan dito ay nagtataglay ng katangiang nakahihigit


sa karaniwang tao at kadalasan siya ay buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.

Ang epiko ay galing sa salitang Griyego na ‘epos’ na ang kahulugan ay ‘awit’.


Ang mga ito ay nasa anyo ng berso o talata ngunit ito ay iba-iba at bukod-
tangi sa bawat rehiyon at hindi maikukumpara sa mga Kanluraning epiko.
SEE ALSO: Ano ang Alamat, Mga Elemento, Bahagi, at Halimbawa ng
Alamat
Katangian ng Epiko
Ang ilan sa mga katangian ng epiko ay ang mga sumusunod:

 Paggamit ng mga bansag sa pagkilala sa tiyak na tao


 Mga inuulit na salita o parirala
 Mala-talata na paghahati o dibisyon sa mga serye ng kanta
 Kasaganaan ng mga imahe at metapora na makukuha sa pang araw-araw
na buhay at kalikasan (halaman, hayop, mga bagay sa kalangitan, atbp.)
 Kadalasang umiikot sa bayani, kasama ang kanyang mga sagupaan sa mga
mahihiwagang nilalang, anting-anting, at ang kanyang paghahanap sa
kanyang minamahal o magulang; ito rin ay maaaring tungkol sa panliligaw
o pag-aasawa.
Halimbawa ng Epiko
Narito ang ilan sa mga kilalang halimbawa ng epiko ng Pilipinas.
Epiko ng Luzon

 Biag ni Lam-ang (Ilocos)


 Hudhud: Kwento ni Aliguyon (Ifugao)
 Ibalon (Bicol)
 Kudaman (Palawan)
 Manimimbin (Palawan)
 Ullalim (Kalinga)
Epiko ng Visayas

 Hinilawod (Panay)
 Humadapnon (Panay)
 Labaw Donggon (Bisayas)
 Maragtas (Bisayas)
Epiko ng Mindanao

 Bantugan
 Darangan (Maranao)
 Indarapatra at Sulayman (Maguindanao)
 Agyu
 Bidasari
 Olaging (Bukidnon)
 Sandayo (Zamboanga)
 Tudbulul
 Tuwaang
 Ulahingan
 Ulod
Ano ang Epiko?

What is an epic?

Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing


tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan
siya’y buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.

An epic is a long poem, typically one derived from ancient oral tradition, narrating the
deeds and adventures of heroic or legendary figures or the history of a nation.

Ang paksa ng mga epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa


kanyang paglalakbay at pakikidigma.

Ang salitang epiko ay galing sa Griyego na epos na nangangahulugang ‘awit’


ngunit ngayon ito’y tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan.

Mga Epiko ng Pilipinas: Biag ni Lam-ang, Hudhud at Alim, Ibaloy,


Ullalim, Ibalon, Maragtas, Hinilawod, Agyu, Darangan, Tulalang

Mga Epiko sa Ibang Bansa: Iliad at Odyssey (Gresya), Siegried (Alemanya), Kalevala
(Finland), Ramayana (India), Kasaysayan ni Rolando (Pransiya), Beowulf (Inglatera), El
Cid (Espanya), Sundiata (Mali), Epiko ni Haring Gesar (Tibet)

Tinatawag na “macro-epic” yaong mga epiko na napakahaba na kinakailangan ang higit


sa mga isang daang araw para ikuwento. Napakaloob sa macroepic ang mga micro-
epic / microepic na puwedeng ihiwalay at ituring na mga indibidwal na kuwento.
Pakikipanayam
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigationJump to search

Pakikipanayam

Ang pakikipanayam o pangagaglugad ng isang impormasyon ay isang paraaan ng pagkuha ng


impormasyon o kabatiran nang harap-harapan. Kung nais nating makuha ang kinakailangan nating
kabatiran ay pumili ng mga dalubhasa sa kanilang larangan na nagtataglay ng ganap na kaalaman
sa nais nating mabatid.
May mga uri ng pakikipanayam ayon sa bilang ng taong kasangkot sa pakikipanayam gaya ng mga
sumusunod:
1. Isahan o indibidwal na pakikipanayam - ito'y pagharap ng dalawang tao, ang isa'y nagtatanong na
siyang kumakapanayam (interviewer) at ang isa'y kinakapanayam (interviewee). Ang halimbawa nito
ay ang kabaliwan sa isang mag-aaral upang malaman ang personal na datos tungkol sa kanya na
dika niya mahal ohhhhhh!!!! Pero dko kyang bumitaw🎵🎶
2. Pangkatang pakikipanayam - higit sa isa ang kumakapanayam o kinakapanayam sa uring ito. Ang
halimbawa nito ay ang isang mananaliksik na nagnanais makapanayam ang mga tao sa isang
nayon tungkol sa kanilang hanapbuhay. Maari niyang pakiusapan ang kapitan ng baranggay na
tipunin ang mga tao sa pook na iyon upang kanyang makapanayam sapagkat kung isa-isa niyang
pupuntahan ang mga iyon sa bahay-bahay ay malaking panahon ang kanyang aaksiyahin. Isa
lamang ang kumakapanayam at marami ang kanyang kinakapanayam.
Maaari namang isa lamang ang kinakapanayam at marami ang kumakapanayam katulad ng isang
artistang nagbigay ng isang press conference, maraming mamamahayag ang kumakapanayam sa
kanya.
3. tiyakan at ditiyakang pakikipanayam (Directive or Non-directive) - Sa tiyakang pakikipanayam ang
mga tanong ang sasagutin nang tiyakan ng kinakapanayam. Kapag nagbibigay lamang ng ilang
patnubay na katanungan ang kumakapanayam sa kinakapanayam at nagsasalita nang mahaba ang
kinakapanayam, ito'y di-tiyakang pakikipanayam.
4. Masakalaw na pakikipanayam (depth interview) - sa uring ito, ang kumakapanayam ay nagbibigay
ng mga tanong na ang mga kasagutan ay mga opinyon, paniniwala, saloobin at pilosopiya sa buhay.
Mga Pang-ugnay sa Pagbibigay ng Sanhi at Bunga
Paksang-Aralin
Mga Pang-ugnay sa Pagbibigay ng Sanhi at Bunga
Sa pagtuturo ng gramatika, hinihimay-himay ang katuturan ng bawat salita upang lubos
na maunawaan ng mga mag-aaral, at upang ito’y kanilang magamit sa angkop na mga
pagkakataon. Ang mga salitang pangnilalaman (content words) na siyang nagsasaad ng mga
paksa at panaguri ay madaling nakikilala sa tulong ng mga salitang istruktural (functional
words). Kaya masasabing bawat salita na nakapaloob sa isang pangungusap ay nagtataglay ng
iba’t ibang gampanin sa paghahatid ng tiyak na mensahe sa komunikasyon.
Ang yunit na ito ay nakatuon sa iba’t ibang mga pang-ugnay (connectors) na ginagamit
sa pagbibigay ng sanhi (cause) at bunga (effect) na siyang ginagamit natin sa mabisang
paglalahad ng isang pangyayari. Malalaman din dito ang kahalagahan ng pagbibigay ng
malinaw na mensahe lalo na’t nakapaloob ang pagbibigay ng naging sanhi at ang magiging
bunga nito.

Mga Layunin
Sa pagtatapos ng yunit na ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay:
•• Nakikilala ang mga pang-ugnay sa pagbibigay ng sanhi at bunga;
•• Natutukoy ang angkop na paggamit ng mga pang-ugnay sa pagbibigay ng sanhi at bunga; at
•• Nakasusulat ng tekstong may angkop na paggamit sa mga pang-ugnay sa pagbibigay ng sanhi
at bunga.

Balik-Aral
Sa nakaraang aralin, tinalakay ang mga salitang pangnilalaman gaya ng pangngalan,
pandiwa, panghalip, pang-uri, at pang-abay. Nalinaw na sa aralin kung ano ang katuturan at
mga halimbawa ng mga salitang pangnilalaman. Ngayon, nakatuon naman ang yunit na ito sa
pagtalakay sa mga salitang istruktural o pantulong gaya ng mga pang-ugnay.

Basahin
May Natutuhan
ni Charisse P. Talatala

Isang umaga, naglalakad si Dan sa tulay ng Caingin nang bigla siyang tinawag ni Bongbong.
“Dan, baha pa rin ba sa barangay ninyo?”
“Oo, Bongbong mataas pa rin ang baha sa aming barangay” sagot ni Dan.
“May sanhi at bunga kasi ang pagbaha” sagot ni Bongbong.
“Bongbong, ano ba ang sanhi ng pagbaha at ano ang bunga nito sa tao?” tanong ni Dan.
“Maraming kasing basura na nakaimbak sa mga ilog, kanal, at sa iba pang mga daluyan ng tubig.
Isa pa, ang pagputol sa mga punong-kahoy o illegal logging. Ang mga punong-kahoy kasi ang
siyang sumisipsip sa tubig na dulot ng labis na ulan at siyang nagpapatibay sa lupa ng mga
bundok para maiwasan ang pagguho ng lupa o landslide.
Ang sanhi ng baha ay ang pagragasa ng tubig-ulan dahil sa pagtatambak o pagpapataas sa iba’t
ibang mga lugar. At ang bunga naman nito ay pagdami ng mga iba’t ibang uri ng sakit,
pagkawala ng kabuhayan ng mga tao tulad ng mga pananim, at pagkamatay ng ibang mga taong
na nasa lowland area,” mahabang paliwanag ni Bongbong.
“Salamat at marami akong natutunan sa iyo Bongbong, sa saglit na pagkikita natin ngayong
araw, sana humupa na ang baha upang makapaglinis na ako ng mga nalubog na gamit sa bahay at
barangay namin.” natutuwang sagot ni Dan.
Sagutin
1. Tungkol saan ang pinag-usapan ng magkaibigang Bongbong at Dan?
2. Ano-ano ang mga sanhi ng pagbaha sa ilang mga lugar?
3. Ano-ano naman ang nagiging bunga nito sa atin?

Talakayin
Ang mga pahayag na nagbibigay ng sanhi at bunga ay halimbawa ng diskursong
naglalahad. Ipinaliliwanag dito kung ano-ano ang mga dahilan ng isang pangyayari, at kung
ano-ano rin ang nagiging resulta nito. Mas magiging madali ang pag-unawa at pagbuo ng mga
pangungusap na nagbibigay ng sanhi at bunga kung angkop ang mga pang-ugnay na ginagamit
dito.
Ang mga pang-ugnay ay matatagpuan sa gitnang ng isang pangungusap, bilang
tagapag-ugnay ng isang sugnay na makapag-iisa (independent clause) at isa o higit pang
sugnay na di-makapag-iisa (dependent clause). Maaari din namang nasa unahan ito ng
pangungusap, at bantas ang siyang naghihiwalay sa mga sugnay.
Naririto ang mga pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng sanhi:
 Sapagkat/Pagkat
Mga halimbawang pangungusap:
Nag-aaral ako nang mabuti sapagkat kinakailangan kong ipasa ang lagumang pagsusulit sa Biyernes.
‘Pagkat iisa lamang ang buhay ng tao, nararapat lamang na sulitin niya ito.
 Dahil/Dahilan sa
Mga halimbawang pangungusap:
Nagkasakit si Adam dahil naligo siya sa ulan at hindi agad nakapagbanlaw.
Patong-patong na interes sa utang, dahilan sa gahamang mga kapitalista ang sinapit ng negosyo ni
Lofel.
 Palibhasa
Mga halimbawang pangungusap:
Palibhasa’y mayaman kaya wala pakialam si Russel sa nasasayang niyang tuition fee sa tuwing liliban
siya sa klase.
Masarap magluto si Anna, palibhasa’y laki sa pamilya ng mga chef.
 Kasi
Mga halimbawang pangungusap:
“Hindi na ako makapapasok next semester kasi mahina ang kita ni Tatay ngayon”, ani Karla.
Kasi nama’y ayaw umitim, kaya hindi naglalalabas itong si Anna.
 Naging
Mga halimbawang pangungusap:
Pagkabaon sa utang ang naging dahilan ng pagsasara ng tindahan ni Aling Martha.
Naging malulungkutin si Tina nang maghiwalay sila ng nobyo.
Dapat malinaw na nailalahad ang dahilan/sanhi ng isang pangyayari. Madali itong
matutukoy kung pipiliin ang pinakaangkop na pang-ugnay upang gamitin sa pangungusap.
Naririto naman ang mga pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng bunga:
 Kaya/Kaya naman
Mga halimbawang pangungusap:
Naparami ang pagkain niya ng manggang hilaw kaya sumakit ang kaniyang tiyan.
Kaya dumarami ang mahirap dahil maraming korap sa pamahalaan.
 Dahil dito
Mga halimbawang pangungusap:
Gabi na nakauwi si Bea dahil dito nakagalitan siya ng kaniyang ama kinaumagahan.
Patuloy pa rin ang ilegal na pagbebenta ng droga sa kabataan dahil dito pinaigting pang lalo ang
puwersa ng kapulisan.
 Bunga nito
Mga halimbawang pangungusap:
Talamak ang pagputol ng mga puno sa kabundukan ng Sierra Madre, bunga nito ay biglaang pagbaha
sa kanayunan.
Nagsikap sa pag-aaral si Biboy kahit na siya ay working student, bunga nito nakapagtapos siya nang
may karangalan.
Mahalagang malaman na ang mga pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng sanhi at
bunga ay mga pangatnig na pananhi. Ang mga pangatnig (conjunction) ay pang-ugnay na
ginagamit upang pagdugtungin ang dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa o sugnay na
di-makapag-iisa. Samantala, tinatawag namang pang-abay na kusatibo ang sugnay na di-
makapag-iisa at siyang nagsasaad ng naging dahilan ng isang pangyayari, kalimitang
pinangungunahan ito ng dahilan sa.
Dapat tandaan na mga pang-ugnay ay nagsisilbing tagapag-ugnay (connector) ng mga
sugnay at parirala sa loob ng isang pangungusap. Kinakailangang nakikilala ang bawat pang-
ugnay na ginamit sa pagbibigay ng sanhi at bunga ng isang pangyayari upang matiyak kung
ano ba ang sanhi at kung ano ba ang naging bunga nito.

Subukin
1. Bumuo ng sampung pangungusap na nagsasaad ng sanhi at bunga, gumamit ng mga angkop
na pang-ugnay sa bawat pangungusap.

2. Basahin ang seleksiyon sa ibaba, tukuyin ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.
Salungguhitan ng isang beses ang mga pariralang nagsasaad ng sanhi. Salungguhitan naman
ng dalawang beses ang mga pariralang nagsasaad ng bunga. Bilugan ang mga pang-ugnay na
ginamit.

Seleksiyon:
“Napapansin kong lagi na lang akong pinagagalitan ni Inay, lalo na’t kung natatalo siya sa
sugal. Noong isang araw, halos mabuwal ako sa daan nang maitulak niya ako dahil sa
panggigigil, muntik rin akong masagasaan ng paparating na sasakyan. Hindi ko alam kung bakit
ganoon si Inay. Kanina, natalo na naman siya sa sugal kaya galit na naman siyang umuwi sa
amin. Naghahanap siya ng makakain ngunit hindi pa naman ako nakapagsaing, wala naman
kasing iniwang pera si Itay. Tiyak mabubugbog na naman ako ni Inay, kaya parang gusto ko na
lang umalis, gusto kong takasan si Inay. Dali-daling binalot ko ang mga gamit ko, aalis ako dahil
hindi ko na kaya ang ginagawa sa akin ni Inay. Paalam Inay, sana’y hindi ka na matalo sa sugal
dahil wala na ako, wala na ang malas sa buhay ni Inay.”
3. Sumulat ng isang maikling tekstong naglalahad ng mga sanhi at bunga ng isang pangyayari.
Maaaring pumili ng anumang paksa.

Karagdagang Pagsasanay
Panuto: Dugtungan ang sumusunod na pahayag, magbigay ng posibleng maging bunga ng
mga pangyayari. Tiyaking gumagamit ng mga angkop na pang-ugnay.
1. Umulan nang malakas kahapon_______________________________________________.
2. Naglunsad ng programang OPLAN-Sagip Kalikasan ang pamahalaang pambarangay _____.
3. Maraming nagtatapon ng basura sa ilog ________________________________________.
4. Sama-samang naglinis ng pamayanan ang mga mamamayan ng Brgy. 164 _____________.
5. Dumarami na ang mga nangangaso sa gubat _____________________________________.

Paglalagom
Ang mga pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng sanhi at bunga ay: sapagkat/pagkat,
dahil/dahilan sa, palibahasa, kasi, naging, kaya/kaya naman, dahil dito, at bunga nito. Ito ay
mga pangatnig na pananhi na nag-uugnay sa isang sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang
sugnay na makapag-iisa.

Mga Sanggunian
Alfonso, Santiago. Makabagong Balarilang Filipino (Binagong Edisyon). Rex Book Store. Quezon
City. 2003.
https://prezi.com/stsetq9e0mdq/sanhi-at-bunga/
PANG-UGNAY
Mga salitang pangkayarian na nagkakabit o nagdurugtong ng salita sa iba pang salita.
Mga Uri ng Pang-ugnay Ayon sa Gamit:
1. Pagbibigay ng Sanhi at Bunga
a. Sanhi -> sapagkat, dahil sa, palibhasa, kasi
b. Bunga -> kaya, dahil dito, bunga nito, tuloy
2. Ginagamit sa Panghihikayat
a. Pangsang-ayon -> totoo, oo, mabuti, at sigurado
b. Pagtutol -> hindi, ngunit, subalit, datapwat, at bagamat
3. Pagpapahayag ng Saloobin
HALIMBAWA: sa palagay ko, hinuha ko, kapag, kung gayon, sana, basta, sa tingin ko, sa ganang
akin, para sa akin
PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim

PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim

(Sanaysay/Muslim)
Salin mula sa Ingles ni
Elvira B. Estravo
Naniniwala ang mga Muslim na ang isang sanggol ay ipinanganak na walang kasalanan kaya di
kailangang binyagan upang ito ay maalis. Ganoon pa man, mayroon silang ilang seremonya na
kahalintulad ng binyag na tinatawag napagislam. Pinaniniwalaang ito ay ang pagbibiyag ng mga
Muslim.
Sa katunayan, mayroon silang tatlong uri ng seremonyang panrelihiyon na napapaloob sa
pagislam, na ginagawa sa tatlong magkakaibang araw sa buhay ng isang sanggol.
Ang unang seremonya ay ginagawa ilang oras pagkapanganak. Isangpandita ang babasa
ng adzan o kang sa kanang tainga ng sanggol. Ito’y ginagawa ipang dito’y ikintal na siya’y
ipinanganak na Muslim at ang unang salitang maririnig ay ang pangalan ni Allah.
Ang pangalawang seremonya ay higit na kilala bilang penggunting o pegubad. Ginagawa ito
pitong araw pagkapanganak. Naghahandog ang mgamagulang ng kanduli, isang salu-salo bilang
pasasalamat sa pagkakaroon ng anak. Dito’y inaanyayahan ang mga kaibigan, kamag-anakan
at pandita.
Ang paghahanda ay ayon sa antas ng kabuhayan ng mga magulang sa pamayanan.
Karaniwang nagpapatay ng hayop, kambing o baka. Ang hayop na ito’y tinatawag na aqiqa, na ang
ibig sabihi’y paghahandog ng pagmamahal at pasasalamat.
Sa okasyong ito, ang binibinyagan o pinararangalan ay binibigyan ng pangalan ng isang
pandita pagkatapos na makaputol ng ilang hibla ng buhok ng sanggol. Inilalagay sa isang mangkok
na tubig ang pinutol na buhok. Ayon sa paniniwalang Maguindanao, pag lumutang ang buhok
magiging maginhawa at matagumpay ang tatahaking buhay ng bata ngunit kapag ito’y lumubog,
siya’y magdaranas ng paghihikakos at paghihirap. Ang bahaging ito ng seremonya ay di kinikilala ng
Islam ngunit dahil bahagi ito ng tradisyon, patuloy pa ring ginagawa ng ilang Maguindanawon. Isa pa
ring bahagi ng tradisyon na kasama ng seremonya ay ang paghahanda ng buaya. Ito ay kakaning
korteng buaya na gawa sa kanin, dalawang nilagang itlog ang pinakamata at laman ng niyog ang
ginagawang ngipin. Nilalagyan din ang buaya ng manok na niluto sa gatang kinulayan ng dilaw.
Inihahanda ito ng isang matandang babaeng tinatawag nilang walian, isang katutubong hilot na may
kaalaman sa kaugaliang ito. Ginagawa ito para sa kaligtasan ng bata kung naglalakbay sa tubig.
Pinakakain sa mga batang dumalo sa seremonya ang buaya.
Ang ikatlo at huling seremonya ayang pagislam. Ginagawa ito kung ang bata ay nasa
pagitan ng pito hanggang sampung taong gulang. Tampok na gawain sa seremonyang ito ang
pagtutuli. Tinatawag na pagislam para sa mga batang lalaki at sunnah para sa mga batang babae.
Ginagawa ito upang alisin ang dumi sa kanilang pag-aari. Ang pagislam ay ginagawa ng
isang walian, na karaniwang isang matandang babae na may kaalaman sa kaugaliang ito. Ang
seremonya ay karaniwang ginagawa sa araw ng Maulidin Nabi o sa ibang mahalagang banal na
araw ng mga Muslim.
PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim

(Sanaysay Muslim)

Salin mula sa Ingles ni Elvira B. Estravo

Naniniwala ang mga Muslim na ang isang sanggol ay ipinanganak na walang kasalanan, kaya di
kailangang binyagan. Ganoon pa man, mayroon silang isang seremonya na kahalintulad ng binyag na
tinatawag na pagislam. Pinaniniwalaang ito ang pagbibinyag ng mga muslim.

Sa katunayan, mayroon silang tatlong uri ng seremonyang panrelihiyon na napapaloob sa pagislam,


na ginagawa sa tatlong magkakaibang araw sa buhay ng isang sanggol.

Ang unang seremonya ay ginagawa ilang oras


pagkapanganak. Isang pandita ang babasa ng adzan o kang sa kanang tainga ng sanggol. Ito'y ginagawa
upang dito'y ikintal na siya'y ipinanganak na Muslim at ang unang salitang maririnig ay ang pangalan
ni Allah.

Ang pangalawang seremonya ay higit na kilala bilang penggunting o pegubad. Ginagawa ito pitong araw
pagkapanganak. Naghahandog ang mga magulang ng kanduli, isang salu-salo bilang pasasalamat sa
pagkakaroon ng anak. Dito'y inaanyayahan ang mga kaibigan, kamag-anakan at pandita.

Ang paghahanda ay ayon sa antas ng kabuhayan ng mga magulang sa pamayanan. Karaniwang


nagpapatay ng hayop, kambing at baka. Ang mga hayop na ito ay tinatawag ng aqiqa, na ang ibig sabihin
ay paghahandog ng pagmamahal at pasasalamat.
Kanduli

Sa okasyong ito, ang binibinyagan o pinararangalan ay binibigyan ng pangalan ng isang


pandita pagkatapos na makaputol ng isang hibla ng buhok ng sanggol. Inilalagay sa isang mangkok na tu
big ang pinutol na buhok ng sanggol. Ayon sa paniniwalang Maguindanao, paglumutang ang buhok
magiging maginhawa at matagumpay ang tatahaking buhay ng bata. Ngunit kapag ito'y lumubog siya'y
magdaranas ng paghihikahos at paghihirap. Ang bahaging ito ng seremonya ay di kinikilala ng Islam
ngunit dahil bahagi ito ng tradisyon, patuloy pa ring ginagawa ng ilang Maguindanawon. Isa pa ring
bahagi ng tradisyon na kasama ng seremonya ay ang paghahanda ng buaya. Ito ay kakaning korteng
buaya na gawa sa kanin, dalawang nilagang itlog ang pinakamata at laman ng niyog ang ginagawang
ngipin. Nilalagyan din ang buaya ng manok na

Paggunting

niluto sa gatang kinulayan ng dilaw. Inihahanda ito ng isang matandang babaing tinatawag nilang walian,
isang katutubong hilot na may kaalaman sa kaugaliang ito. Ginagawa ito para sa kaligtasan ng bata kung
naglalakbay sa tubig. Pinakakain sa mga batang dumalo sa seremonyas ang buaya.
Ang ikatlo at huling seremonyas ay ang pagislam. Ginagawa ito kung ang bata ay nasa pagitan ng pito
hanggang sampung taong gulang. Tampok na gawain sa seremonyang ito ang pagtutuli. Tinatawag
itong pagislam para sa mga batang lalaki at sunnah para sa mga batang babae. Ginagawa ito upang
alisin ang dumi sa kanilang pag-aari. Ang pag-islam ay ginagawa ng isang walian, na karaniwang isang
matandang babae na may kaalaman sa kaugaliang ito. Ang seremonya ay karaniwang ginagawa sa araw
ng Maulidin Nabi o sa ibang mahalagang banal na araw ng mga Muslim.
PAGISLAM (Maikling Kuwento)
PAGISLAM
(Isang Kuwentong Muslim)
Mga Tauhan:
Ibrah -> ama ni Abdullah at asawa ni Aminah
Aminah -> babaeng Muslim at asawa ni Ibrah
Tarhata -> kapatid na babae ni Ibrah at tumulong sa panganganak ni Aminah
Abdullah -> sanggol na lalaki sa kuwento
Imam -> tawag sa paring Muslim
Pandita -> guro na dalubhasa sa pagbabasa ng Koran

Talasalitaan:
BANG -> ito ang unang seremonya sa pagbibinyag ng mga Muslim. Ginagawa ito ilang oras
pagkapanganak ng sanggol at sa pamamagitan ng pagbabasa ng Imam ng isang dasal mula sa
Koran sa kanang tenga ng sanggol upang maikintal sa isipan nito ang pangalan ni Allah.

PENGGUNTING -> ikalawang seremonya na ginagawa sa ikapitong araw mula nang


maipanganak ang sanggol. Ito ay ginagawa sa paraang gugupitan ang sanggol ng hibla ng
buhok at ilulublob ito sa mangkok na may tubig sa paniniwalang kapag lumitaw ang hibla ng
buhok na ito sa tubig ay mamaging maganda ang kapalaran ng bata at kung lumubog naman ito
ay mamalasin ang bata.

PAGISLAM -> ikatlong seremonya ng pagbibinyag ng mga Muslim na ginagawa naman sa


ikapito hanggang ikasampung taon ng bata. Ito ay hindi naiiba sa pagtutuli sa lalaking
Kristiyano.

Napaangat sa pagkakasandig sa pasimano ng bintana ang ulo ni Ibrah nang


maramdaman niya ang rumaragasang yabag ni Tarhata, ang kanyang kapatid. Kipkip nito ang
ilang baru-baruan patungo sa silid na pinagmulan ng nag-iihit ngunit maliit na tinig ng pag-iyak,
batid ni Ibrah na dumating na... dumating na ang kanyang pinakahhihintay. Parang gusto niyang
lumundag. Lalaki kaya? Babae kaya? Kung lalaki ay... Hindi na niya napigil ang kanyang sarili.
Napasugod siya. Totoong sabik na sabik siyang makita ang bata at si
Aminah. "Lalaki! At malusog na malusog!"
mataginting na wika ng panday habang binibihisan ang bagong silang na
sanggol.
"Oh! Aminah, wala na akong mahihiling pa kay Allah. Dininig din niya ang ating
panalangin," wika niyang sabay haplos sa pawisang noo ng
asawa.
Ipinukol ni Ibrah ang nananabik na paningin sa sanggol na hawak pa rin ng
panday. Gayon na lamang ang kanyang kagalakan nang makita niyang parang nagpupumiglas
ang sanggol sa pag-iiyak. "Makisig at lalaking-lalaki
talaga ang aking anak. Manang-mana sa kanyang ama," bulong sa sarili ni
Ibrah. Nasa gayong pagmamalaki sa sarili si Ibrah nang marinig niyang
may sinasabi ang kanyang ina. "Mas mainam siguro
kung susunduin mo na ang Imam upang maisagawa na ang
bang." Hindi na pinakinggan ni Ibrah angiba pang
sasabihin ng ina. Magaan ang loob na tinungo niya ang tirahan ni Imam. Masayang ibinalita
niya sa Imam ang panganganak ng asawa at magalang nainimbita ito para sa seremonyang
dapat isagawa para sa isang bagong silang na anak ng Muslim. Ikinagagalak itong Imam at
dali-daling hinagilap ang kanyang dasalan para sa gagawing
seremonya.
Tahimik na nakamasid ang mga kasambahay ni Ibrah habang banayad na ibinulong
ng Imam sa kanang tainga ng sanggol ang
bang. "Allahu Akbar, Allabu
Akbar
Allahu Akbar, Allabu Akbar
Ash-hadu, Allah la Ilaaha
Ash-hadu, Allah la Ilaaha
Wa ash-hadu, Anna Mohammadur Rasullallah
Wa ash-hadu, Anna Mohammadur Rasullallah.
... ang magandang aral
niya."
"Ngayon isa ka nang ganap na alagad ni Allah, nawa'y panatilihin mo ang
magagandang aral niya," dugtong pa ng
Imam.
"Kailan naman ang paggugunting?" nakangiting tanong ng
imam. "Tulad po ng nakaugalian,
pitong araw mula ngayon," sagot ni
Ibrah. Masuyong inalalayan ni Ibrah
ang Imam sa pagbaba at inihatid ito sa kanyang
tirahan. Ang sumunod na araw ay lubhang naging abala
para sa mag-asawa. Totoong di nila maatim na ang kauna-unahang bunga ng kanilang palad ay
hindi pa mahandugan ng buo nilang
kaya. Ilang araw bago sumapit ang
paggunting, napag-usapan ng mag-asawa ang ipapangalan sa
anak. "Ano kaya ang mabuting ipangalan sa ating anak?" sabik na
tanong ni Ibrah kay Aminah. "Kaygandang pangalang Abdullah. Bagay
na bagay talaga sa ating anak," pagmamalaki ni Ibrah.

At sumapit ang araw ng paggunting. Sa bahay ay marami nang tao; halos naroon
nang lahat ang mga kapitbahay na tutulong. Maaga pa’y kinatay na ni Ibrah at ilang katulong
ang limang kambing na sadyang inihanda bilang alay at pasalamat sa pagkakaroonnila ng
supling. Samantala, angkababaihan nama’y abala sa pag-aayos ng hapag-kainan at
paghahanda ng masasarap na kakainin para sa mga panauhin.
Ilang sandal pa’y dumating na ang Imam at ibang pandita. Sa saliw ng Balyanji, isang
katutubong awit, sinimulan na ang paggunting. Lumapit ang Imam kay Abdullah na
kasalukuyang kalong ng ina at gumupit ng kapirasong buhok sa bata. Ang ginupit na buhok ay
maingat na inilagay ng Imam sa isang mangkok ng tubig. Tahimik na pinagmasdan ito ng lahat.
“Wala ni isa mang hibla ng buhok ang lumubog sa tubig!” sigaw ng karamihang
nakapaligid.
Sapat na itong narinig nina Ibrah at Aminah upang umapaw ang kagalakan sa
kanilang puso. Nakapipiho silang papatnubayan ni Allah ang paglaki ng kanilang anak.
Maganda ang hinaharap nito sa buhay.
Ipinagbubunyi ng mga tao ang magandang kinalabasan ng seremonya. Bawat isa sa
mga panauhin ay nagbigay ng pera at regalo sa bata. siyang-siya ang mag-asawa sa kanilang
nasaksihan. Abot-abot ang kanilang pasasalamat sa mga dumalo sa paggunting kay Abdullah.
“Ilang panahon pa’y masasaksihan naman natin ang huling yugto ng pagislam ni
Abdullah”, wika ng isang panauhin.
“Pihong mas malaking handaan iyon, ano Ibrah?” biro ng isa pa.
“Hayaan ninyo at pitong taon mula ngayon ay imbitado kayong muli,” nakangiting
sagot ni Aminah.
“Sana Kasabay ng Maulidin Nabi para masaya,” mungkahi ng iba.
“Tiyak iyon”, halos panabay na wika ng mag-asawa habang masuyong
pinagmamasdan ang inaantok na si Abdullah.

- Mula sa aklat na
Panitikang Panrehiyon sa Pilipinas

nina Patrocino Villafuerte, et al.


Maikling Kwento: Mga Elemento, Bahagi,
Uri, at Halimbawa

Share
Tweet
Pin

44SHARES
Sa pahinang ito ay matututunan ninyo ang mga sumusunod na paksa:

 Ano ang Maikling Kwento


 Mga Elemento ng Maikling Kwento
 Mga Bahagi ng Maikling Kwento
 Mga Uri ng Maikling Kwento
 Mga Halimbawa ng Maikling Kwento na may Aral

Ano ang Maikling Kwento?


Ang maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman
ng isang maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na
kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip
ng mga mambabasa.

Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na “Ama ng Maikling Kwentong


Tagalog.
SEE ALSO: Ano ang Alamat, Mga Elemento, Bahagi, at Halimbawa ng
Alamat
Kahit ano ay maaring paksain ng kwentista o manunulat ng maikling kwento.
Maaaring hango ito sa mga pangyayari sa totoong buhay at maari ding ito’y
patungkol sa kababalaghan at mga bagay na hindi maipaliwanag ng
kaalaman.

Ayon kay Edgar Allan Poe, “ang maikling kwento ay isang akdang
pampanitikang likha ng guniguni at salagimsim na salig sa buhay na aktuwal
na naganap o maaaring maganap.”
Noong panahon ng mga Amerikano, tinawag din na “dagli” ang maikling
kwento at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Mga Elemento ng Maikling Kwento


Mayroong labing-isang elemento ang maikling kwento. Ito ay ang mga
sumusunod:

1. Panimula

Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang


pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.

2. Saglit na Kasiglahan
Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa
suliranin.

3. Suliranin

Ito ang problemang haharapin o kinahaharap ng tauhan o mga tauhan sa


kwento.

4. Tunggalian

Ang tunggalian ay may apat na uri:

 Tao laban sa tao


 Tao laban sa sarili
 Tao laban sa lipunan
 Tao laban sa kapaligiran o kalikasan
SEE ALSO: Epiko: Kahulugan, Katangian at mga Halimbawa ng Epiko ng
Pilipinas
5. Kasukdulan

Sa kasukdulan nakakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian


ng kanyang ipinaglalaban.

6. Kakalasan

Ito ang tulay sa wakas ng kwento.

7. Wakas

Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.

8. Tagpuan

Dito nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga insidente.


Kasama din dito ang panahon kung kailan naganap ang kwento.

9. Paksang Diwa
Ito ang pinaka-kaluluwa ng maikling kwento.

10. Kaisipan

Ito naman ang mensahe ng kwento.

11. Banghay

Ito ay ang mga pangyayari sa kwento.

Mga Bahagi ng Maikling Kwento


Ang maikling kwento ay may tatlong bahagi. Ito ay ang Simula, Gitna at
Wakas.

1. Simula

Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan


nalalaman kung sinu-sino ang magsisiganap sa kwento at kung ano ang papel
na gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida o suportang tauhan.

Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga


insidente kasama na dito ang panahon kung kailan naganap ang kwento. At
ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng
pangunahing tauhan.

2. Gitna

Ang gitna ay binubuo ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang


saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga
tauhang masasangkot sa suliranin.

SEE ALSO: Sanaysay: Uri, Bahagi at mga Halimbawa ng Sanaysay


Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o
pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning
kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang ang
kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng
pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

3. Wakas

Ang wakas ay binubuo ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang


bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa
maigting na pangyayari sa kasukdulan, at ang katapusan ang bahaging
kababasahan ng magiging resolusyon ng kwento. Maaring masaya o
malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

Gayunpaman, may mga kwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan


ng dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng
may-akda na mabitin ang wakas ng kwento para hayaan ang mambabasa na
humatol o magpasya kung ano sa palagay nito ang maaring kahinatnan ng
kwento.

Mga Uri ng Maikling Kwento


May sampung uri ng maikling kwento. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Kwento ng Tauhan

Inilalarawan dito ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang


nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang
mambabasa.

2. Kwento ng Katutubong Kulay

Binibigyang diin dito ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang
uri ng kanilang pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing lugar.
SEE ALSO: Talumpati: Ano ang Talumpati, Halimbawa ng Talumpati at
mga Uri
3. Kwentong Bayan

Inilalahad dito ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong


bayan.

4. Kwento ng Kababalaghan

Dito pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.

5. Kwento ng Katatakutan

Naglalaman naman ito ng mga pangyayaring kasindak-sindak.

6. Kwento ng Madulang Pangyayari

Binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na


nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.

7. Kwento ng Sikolohiko

Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang
paglalarawan ng kaisipan. Ipinadarama dito sa mga mambabasa ang
damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan.

8. Kwento ng Pakikipagsapalaran

Nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento ng pakikipagsapalaran.

9. Kwento ng Katatawanan

Ito ay nagbibigay-aliw at nagpapasaya sa mambabasa.

10. Kwento ng Pag-ibig

Ito naman ay tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tao.


Mga Halimbawa ng Maikling Kwento na may Aral
Narito ang ilang mga Halimbawa ng Maikling Kwento na may Aral.

Maikling Kwento tungkol sa Pag-ibig

 Si Wigan at si Ma-I
 Ang Nawawalang Prinsesa
 Si Ederlyn
 Wala na Siya
 Tren
 Halaman ng Pagmamahal
 Ang Lugar sa Habang Panahon
 Nakalbo ang Datu
Maikling Kwento tungkol sa Kaibigan

 Ang Kaibigan Ba o Ang Tiya


 Ang Dakilang Kaibigan
 Ang Bata At Ang Aso
 Ang Matalik kong Kaibigan
 Ang Matalinong Pintor
 Kaibigan Daw
 Modelong Bata
 Ang Matalik na Magkaibigan
 Bagong Kaibigan
Maikling Kwento tungkol sa Pamilya

 Ang Inang Matapobre


 Si Juan, ang Pumatay ng Higante
 Ang Batang Espesyal
 Ang Buhay Nga Naman
 Ang Sapatero at ang mga Duwende
 Ang Alkansya Ni Boyet
 Huling Limang Oras
 Ang Mag-asawang Walang Anak
 Isang Aral Para kay Armando
 Matulunging Bata
Maikling Kwento tungkol sa Kalikasan

 Ang Bulkang Taal


 Ang Araw at ang Hangin
 Ang Aral ng Damo
 Pagatpat
 Araw, Buwan, at Kuliglig
 Ang Dalawang Magtotroso at ang Engkantada
 Ang Kalabasa at ang Duhat
 Ang Punong Kawayan
 Bakit Itim ang Kulay ng Uwak?
 Ang Engkantada ng Makulot
 Bakit mas Maliwanag ang Araw kaysa Buwan?
 Bakit Mataas ang Langit?
 Kung Bakit may Tagsibol at Taglagas
Maikling Kwento tungkol sa Pangarap

 Regalo sa Guro
 Ang Inapi
 Ang Batang Maikli Ang Isang Paa
 Ang Babaing Maggagatas
 Si Mariang Mapangarapin
 Kapuri-puring Bata
 Pambansang Pintor
Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento

 Ang Espesyal Na Panauhin


 Reynang Matapat
 Si Juan at ang mga Alimango
 Ang Babaeng Ubod ng Talino
 Bakit may Pulang Palong ang mga Tandang?
Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na nagtataglay ng maikling
sanaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na bunga ng isang maikling
guni-guni o kathang-isip ng may-akda.

Ito ay maaaring batay sa imahinasyon o sa sariling karanasan ng sumulat na


nag-iiwan ng impresyon sa mga bumabasa o nakikinig sa kwento.

Binance Crypto Exchange


Trade +200 crypto currencies Sign Up Now
Karamihan sa mga maiikling kwento ay maaaring mabasa at matapos sa loob ng
iisang upuan lamang.

Ano ang mga elemento ng maikling kwento?


Tauhan – dito malalaman kung sino-sino ang mga gaganap sa kwento at kung
ano ang mga papel na gagawin ng bawat isa.

Tagpuan o Panahon – dito naman nakasaad ang pinangyarihan ng kwento at


kung saan at kailan ginanap ito.

Saglit na Kasiglahan – inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa mga


susunod na pagsubok na haharapin ng mga tauhan.

Suliranin o Tunggalian – ito ay tumutukoy sa problemang haharapin ng


pangunahing tauhan laban sa sumasalungat sa kanya.

Kasukdulan – ito ang pinakamadulang bahagi ng maikling kwento dahil ito ang
pinakamataas na uri ng kapanabikan. Mababasa dito kung magwawagi o
mabibigo ba ang pangunahing tauhan sa kanyang ipinaglalaban.

Kakalasan – ito ang bahagi kung saan makikita ang kinalabasan ng paglalaban.
Sumusunod ito palagi matapos ang kasukdulan.

Wakas – ito ay ang katapusan ng binasang kwento.

Paksang Diwa – ito ang mensaheng inilalahad ng isang maikling kwento.


Maikling Kwento

Ang maikling kwento ay maiiksing salaysay sa isang mahalagang pangyayari na kinasasangkutan ng ilang
mga tauhan. Nilalahad ng maikling kwento ang isang momento o kaganapan sa buhay ng pangunahing
tauhan nito. Isa itong anyo ng masining na panitikan katulad ng nobela at dula. Si Deogracias A. Rosario
ang siyang itinuring na "Ama ng Maikling Kwento".

Mga Elemento ng Maikling Kwento

Tauhan

Tagpuan at Panahon

Saglit na Kasiglahan

Suliranin o Tunggalian

Kasukdulan

Kakalasan

Wakas

TAUHAN

Likha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan. Nakasentro sa pangunahing tauhan ang kwento at
may kasamang mga pantulong na tauhan.

TAGPUAN/PANAHON

Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba't ibang panahon at lugar para maging totoo sa kanya ang
kwentong binabasa.

SAGLIT NA KASIGLAHAN

Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na darating sa buhay ng
mga tauhan
SULIRANIN O TUNGGALIAN

Ito ay paglalabanan ng pangunahing tauhan at ng mga kalaban niya o mga kontrabida sa kwento. Ang
tunggalian ay maaaring tao laban sa kalikasan, tao laban sa sarili, tao laban sa tao.

KASUKDULAN

Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng bumabasa ang mangyayari sa
pangunahing tauhan, kung siya'y mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng suliranin.

KAKALASAN

Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa kasukdulan.

WAKAS

Ang wakas ng isang kwento ay nakadepende sa tagumpay o kabiguan ng tauhan. Isang trahedya ang
wakas kapag ang tauhan ay nauwi sa pagkabigo at pagkamatay. Isang kasiya-siyang pagtatapos naman
para sa tagumpay ng panngunahing tauhan.

Ang maikling kwento ay tinawag ding daglit noong panahon ng mga Amerikano ngunit may pagkakaiba
ang daglit at maikling kwento.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/431563#readmore


Ang Pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap,
maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.

Pang-ukol Ang Pang-ukol (Preposition sa wikang Ingles) ay kataga o salitang nag-uugnay sa


pangngalan o panghalip sa ibang salita sa pangungusap. sa para sa ayon kina para kay tungkol sa na
may

Halimbawa: Ang kanyang nilutong tinola ay para sa lahat.

Mga Gamit ng Pang-ukol · Nagpapakita ng kinalalagyan o patutunguhan ng isang bagay. Halimbawa:


Ang pera ay nasa loob ng kuwarto ni Lana. ·

Upang ipakita ang dahilan o pagmamay-ari. Halimbawa: Ang bagong damit ay para kay Lita.

Ang layon ng pang-ukol ay maaaring pangngalan o panghalip.

Halimbawa: Ang kanyang talumpati ay para sa kababaihan. Marami siyang kinuwento tungkol sa
pagpapalago ng negosyo.

Pangatnig – Ang Pangatnig (Conjunction sa salitang Ingles) ang tawag sa mga kataga o salitang
naguugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay na pinagsusunud-sunod sa pangungusap:
halimbawa: at pati saka o ni maging subalit ngunit kung bago upang sana dahil sa sapagkat

Gamit ng Pangatnig Dalawang salitang pinag-ugnay

Halimbawa: Ang langis at tubig ay hindi mapagsasama.

Dalawang pariralang pinag-ugnay

Halimbawa: Ang paglalaba ng damit at paglilinis ng bahay ang kanyang hanapbuhay. Dalawang
sugnay na pinag-ugnay

Halimbawa: Ang bunsong si Hannah ay mahusay magpinta at ang panganay na si Kaye ay mahusay
umawit.

Uri ng Pangatnig

Panimbang Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay. at saka pati ngunit maging
datapuwat subalit

Halimbawa: Gusto niyang bumili ng damit, ngunit wala siyang pera. Naglinis muna si Hannah, saka
siya nagluto.

Pantulong Ito ay nag-uugnay ng di-magkapantay na salita, parirala o sugnay. kung kapag upang para
nang sapagkat dahil sa

Halimbawa: Nag-trabaho siya ng mabuti, para makabili siya ng damit. Umasenso ang kanyang
buhay, dahil sa kanyang pagsisikap.

Pang-angkop Ang Pang-angkop (Ligatures sa wikang Ingles) ay ang salitang nag-uugnay sa panuring
at salitang tinuturingan (na, ng, g)

Halimbawa: Maayos na pamumuhay ang hangad nina Jaime. Masayang naglalaro si Ben. Mga
salitang inuugnay ng pang-angkop
Pang-uri at Pangngalan Halimbawa: Masama sa may diabetes ang matatamis na pagkain. Pang-abay
at Pang-abay Halimbawa: Sadyang mabilis lumangoy ang isda.

Pang-abay at Pang-uri Halimbawa: Likas na maputi ako. Pang-abay at Pandiwa Halimbawa: Si Dario
ay biglang nagalit nang asarin siya.

Wastong Paggamit ng Pang-angkop Ang na ay ginagamit kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos
sa katinig. Ang g ay ginagamit kapag ang salitang dinurugtungan ay nagtatapos sa titik n.

You might also like