You are on page 1of 8

MGA TAUHAN:

Anu
 
 –
 
Alberto
 
Irkala
 –
 
Benosa
 
Ishtar 
 
 –
 
Agapay
 
Toro
 
 –
 
Garcia
 
Humbaba
 
 –
 
CalasinEreshkigal
 –
 CayabyabEnkido
 
 –
 
Estira
 
Belit-Sheri
 –
 
LobosSamugan
 –
 CalasinEnlil
 
 –
 
Verzosa
 
Alipin 1
 
 –
 
CatacutanEtana
 –
 BarasiGilgamesh
 
 –
 
Monter 
 
Alipin 2
 
 –
 
BarasiTagapagsalaysay 1 at 2
 –
 Reyes at Alvin
PANIMULA:
 
 Alam niyo ba ang aming itatanghal ngayon ay nagmula sa sinaunang
epiko sa mespotamia, itoang Epiko ni Gilgamesh. Ang Epiko ni Gilgamesh
ay isang panulaang epikomula sa sinaunang Mesopotamyanamadalas ay
itinuturing ang pinakamamatandang umiiral na dakilang likha ng panitikan.
Ang kasaysayangpampanitikan ni Gilgameshay nagsisimula sa limang
tulang Sumeryotungkol kay Gilgamesh, ang hari ng Uruk. Kaya huwag na
nating hintayin pang maubos ang oras ngayon, magsisimula na ang
pagsasadula ng Epiko niGilgamesh sa pakikipagtulungan ng Pangk
at 4 at Pangkat 6. Nawa’y magustuhan niyo an gaming itatanghal dito sa
entabladong ito.
TAGAPAGSALAYSAY 1:
 Nagsimula ang epiko sa pagpapakilala kay Gilgamesh, ang hari
ng lungsod ng Uruk, naang dalawang katlo ng pagkatao ay diyos at
ang sangkatlo ay tao
GILGAMESH :
 Ako ay ang matapang at makapangyarihan niyong pinuno
ALIPIN:
 Magbigay pugay!
ALIPIN 2
: Mabuhay ang makapangyarihan na hari
,
MABUHAY!
TAGAPAGSALAYSAY 1 :
 Ang sabi-sabi, matipuno, matapang, at makapangyarihan si Gilgamesh.
Ngunitmayabang siya at abusado sa kaniyang kapangyarihan.
GILGAMESH :
Nasan na ang aking mga ubas, mga alipin
MGA ALIPIN
: Nandito napo kami mahal na hari, patawarin niyo po kami pero naubusan
po tayo ng ubas.
GILGAMESH :
 ANO! (sasampalin si Alipin 2). Mga walang hiya kayo, MGA ALIPIN!
(lalabas)
ALIPIN 1:
 Ayos kalang ba?
ALIPIN 2:
Oo! Tila lumala na lumala ang pang-aabuso ng hari sa kanyang
kapangyrahian
ALIPIN 1:
 Maaring prinoprektahan niya tayo sa mga kalaban sa labas ngunit hindi
naman tayo ligtas sa peligro ngdala ng hari mismo
ALIPIN 2:
 Kailangan na natin humingi ng tulong sa diyos ng kalangitan, ang diyos
ama na si Anu.
TAGAPAGSALAYSAY 1 :
 P
atuloy na nananalangin ang kaniyang mga nasasakupan na nawa’y
makalaya sila sa
kaniya. Hindi naglaon ay tinugon ng diyos ang kanilang dasal.
ANU
: (voice out) Minamahal kong mga anak, ipapadadala ko ang isa sa aking
mga ginawang alagad upang alisinang kayabangan ni Gilgamesh (SFX:
bulalakaw)
TAGAPAGSALAYSAY 1:
Siya si Enkido, na lumaking kasama ng mga hayop sa kagubatan. Siya ay
nilalang naipinadala ng diyos ng kalangitan na si Anu upang putulin ang
kayabang na haring si Gilgamesh, sinasabingkasinsalakas ni Gilgamesh
ang nilalalang na ipinadala ni Anu na si Enkido.Nagpang-amok ang dalawa
nang sila aymagkita (SFX: Ibong Humuhini)(maglalaban si Gilgamesh at si
Enkidu)
TAGAPAGSALAYSAY 1 :
Si Haring Gilgamesh ang nagwagi sa laban, ngunit sa bandang huli ay
naging matalik namagkaibigan sila. Hindi naglaon ay naging kasa-kasama
na ni Gilgamesh si Enkido sa kaniyang mga pakikipaglaban
GILGAMESH :
 Nais kong patayin ang demonyo nagbabantay sa kagubatan ng Cedar,
ang Humbaba. Nais kongpatayin ang kanyang kagubatan
ENKIDO :
 Sila ay maaaring magdala sa atin ng kapahamakan, Gilgamesh
GILGAMESH :
 Ngunit ito ay tiyak na isang magandang paglalakbay kaibigan.
(maglalakabay patungo sa kagubatan ng Cedar)
GILGAMESH :
Nandito natayo sa kagubatan ng Cedar

 (Biglang sumulpot si Humbaba)


HUMBABA :
 Bakit kayo nandito???
ENKIDO :
 Nais ka naming paslangin, HUMBABA!(nilabanan ni Gilgamesh at Enkidu
si Humbaba)
TAGAPAGSALAYSAY 1 :
Nagtagumpay sila sa pagpaslang kay Humbaba
GILGAMESH :
 Ngayon naman ay nais kong sirain ang diyosang si Ishtar
ENKIDO :
 Ang diyos ng Ishtar? Ang diyosa ng pagnanasa na nagpapahayag ng
pagnanasa sayo?
GILGAMESH :
 Oo! Kaibigan(susulpot si Ishtar)
ISHTAR :
 Nais nila akong siraan? Pwes ipapadala ko ang isa sa mga alagad ng
kalangitan upang wasakin angkalupaang pinatay niyo bilang kaparusahan,
ang toro ng kalangitan (SFX: Kuryente)
TORO :
HAHAHAHAHAHAHAHAH! (tawang nakakatakot)(nilabanan ni Gilgamesh at
Enkidue ang toro ng kalangitan)
TAGAPAGSALAYSAY 1 :
 Nagapi nina Gilgamesh at Enkido ang toro. Hindi pinahintulutan ng mga
diyos angkanilang kawalan ng paggalang kaya itinakda nilang dapat
mamatay ang isa sa kanila, at iyon ay si Enkido nanamatay sa matinding
karamdaman. Dumaan ang mga araw at gabi, ngayon ay nakaratay na
si Enkido dahil samatinding karamdaman. Labis na sumama ang kaniyang
loob dahil sa sinapit.
ENKIDO :
 Ako ang pumutol sa punong Cedar, ako ang nagpatag ng kagubatan, ako
ang nakapatay kay Humbaba,at ngayon, tingnan mo kung ano ang
nangyari sa akin. Makinig ka kaibigan, nanaginip ako noong isang
gabi.Nagngangalit ang kalangitan at sinagot ito ng galit din ng
sangkalupaan. Sa pagitan ng dalawang ito ay nakatayo akoat sa harap ng
isang taong ibon
.
TAGAPAGSALAYSAY 2:
 (voice out) Malungkot ang kaniyang mukha, at sinabi niya sa akin ang
kaniyang layon.Mukha siyang bampira, ang kaniyang mga paa ay parang
sa leon, ang kaniyang mga kamay ay kasintalim ng kukong agila.
Sinunggaban niya ako, sinabunutan, at kinubabawan kaya ako ay nabuwal.
Pagkatapos ay ginawa niyangpakpak ang aking mga kamay. Humarap siya
sa akin at inilayo sa palasyo ni Irkalla, ang Reyna ng Kadiliman,patungo sa
bahay na ang sinumang mapunta roon ay hindi na makababalik. Sa bahay
kung saan ang mga tao aynakaupo sa kadiliman, alikabok ang kanilang
kinakain at luad ang kanilang karne. Ang
damit nila’y parang mga ibon
na ang pakpak ang tumatakip sa kanilang katawan, hindi sila nakakikita ng
liwanag, kundi pawang kadiliman.Pumasok ako sa bahay na maalikabok, at
nakita ko ang dating mga hari ng sandaigdigan na inalisan ng
koronahabang buhay
, mga makapangyarihan, mga prinsipeng naghari sa mga
nagdaang panahon. Sila na minsa’y naging
mga diyos tulad nina Anu at Enlil ay mga alipin ngayon na tagadala na
lamang ng mga karne at tagasalok ng tubigsa bahay na maalikabok.
Naroon din ang mga nakatataas na pari at ang kanilang mga sakristan.
May mga
tagapagsilbi sa templo, at nandun si Etana, ang hari ng Kish, na minsa’y
inilipad ng agila sa kalangitan. Nakita ko rin
si Samugan, ang hari ng mga tupa, naroon din si Ereshkigal, ang Reyna ng
Kalaliman, at si Belit-Sheri na nakayukosa harapan niya, ang tagatala
ng mga diyos at tagapag-ingat ng aklat ng mga patay. Kinuha niya ang
talaan,tumingin sa akin at nagtanong:
BELIT-SHERI :
Sino ang nagdala sa iyo rito?
ENKIDO:
Nagising akong maputlang-maputla, naguguluhan, tila nag-iisang tinatahak
ang kagubatan at takot natakot.
TAGAPAGSALAYSAY 1 :
Pinunit ni Gilgamesh ang kaniyang damit, at pinunasan niya ang kaniyang
luha. Umiyaksiya nang umiyak. Sinabi niya kay Enkido,
GILGAMESH :
 Sino sa mga makapangyarihan sa Uruk ang may ganitong karunungan?
Maraming di-kapani-paniwalang pangyayari ang nahayag. Bakit ganyan
ang nilalaman ng iyong puso? Hindi kapani-paniwala at
nakatatakot na panaginip. Kailangan itong paniwalaan bagaman ito’y
nagdudulot ng katatakutan, sapagkat ito’y
nagpapahayag na ang matinding kalungkutan ay maaaring dumating kahit
sa isang napakalusog mang tao, na angkatapusan ng tao ay paghihinagpis
TAGAPAGSALAYSAY 1
: At nagluksa si Gilgamesh

You're Reading a Preview

Upload your documents to download.


OR

Become a Scribd member for full access. Your first 30 days are free.

Continue for Free

 
GILGAMESH :
 Mananalangin ako sa mga dakilang diyos dahil ginamit niya ang aking
kaibigan upang mahayag angkasasapitan ng sinoman sa pamamagitan ng
panaginip
TAGAPAGSALAYSAY 1:
Natapos ang panaginip ni Enkido at nakaratay pa rin siya sa karamdaman.
Araw-araw aypalala nang palala ang kaniyang karamdaman. Sinabi niya
kay Gilgamesh,
ENKIDO :
 
Minsan ay binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay wala na ako kahit na ano
TAGAPAGSALAYSAY 1 :
Sa ikatlong araw ng kaniyang pagkakaratay ay tinawag ni Enkido si
Gilgamesh upang
siya’y itayo. Mahinang
-mahina na siya, at ang kaniyang mga mata ay halos di na makakita sa
kaiiyak. Inabot pa ngsampung araw ang kaniyang pagdadalamhati
hanggang labindalawang araw. Tinawag niya si Gilgamesh
TAGAPAGSALAYSAY 1
: Kaibigan, pinarusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong
kahiya-hiya.Hindi ako mamamatay tulad ng mga namatay sa labanan;
natatakot akong mamatay, ngunit maligaya ang taongnamatay sa
pakikipaglaban, kaysa katulad kong nakahihiya ang pagkamatay. (SFX:
Malungkot na Kanta)(SI Gilgamesh ay iiyak sa harap ni Enkidu)
TAGAPAGSALAYSAY 1 :
Pinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kaniyang kaibigan sa loob ng
pitong arawat gabi. Sa huli, pinagpatayo niya ito ng estatwa sa tulong ng
kaniyang mga tao bilang alaala.
-------------------------WAKAS-------------------------

You're Reading a Preview

Upload your documents to download.

OR
Become a Scribd member for full access. Your first 30 days are free.

Continue for Free

You might also like