You are on page 1of 4

EPIKO NI GILGAMESH

Mula sa Epiko ni Gilgamesh


salin sa Ingles ni N.K. Sandars
saling-buod sa Filipino ni Cristina S. Chioco
Mga Tauhan:
Anu - Diyos ng kalangitan; ang Diyos Ama
Ea - Diyos ng karunungan; kaibigan ng mga tao
Enkido - Kaibigan ni Gilgamesh; matapang na tao na nilikha mula sa luwad
Enlil - Diyos ng hangin at ng mundo
Gilgamesh - Hari ng Uruk at ang bayani ng epiko
Ishtar - Diyosa ng pag-ibig at digmaan; ang reyna ng mundo
Ninurta - Diyos ng digmaan at pag-aalitan
Shamash - Diyos na may kaugnayan sa araw at sa mga batas ng tao
Siduri - Diyosa ng alak at mga inumin
Urshanabi - Mamamangkang naglalakbay araw-araw sa dagat ng kamatayan patungo sa tahanan ng
Utnapishtim
Utnapishtim - Iniligtas ng mga diyos mula sa malaking baha upang sirain
ang mga tao; binigyan ng mga diyos ng buhay na walang hanggan.

Si Gilgamesh
Sa lungsod na tinatawag na Urok ay mayroong isang nilalang na
tinatawag na Gilgamesh. Siya ay inilalarawan bilang dalawang
katlong diyos at tao naman ang sangkatlo pang natitira.

Siya ay itinuturing pinunong may kayabangan at isang abusado.


Kung kaya naman ang kanyang nasasakupan ay nananalangin
na siya ay magkaroon ng katapat upang mawaksi ang
kapalaluhan.

Si Enkidu
Ang panalangin ng mga tao ay sinagot ng mga diyos sa
katauhan ni Enkidu. Ito ay kasinlakas ni Gilgamesh subalit ng
sila ay nagtunggalian, natalo si Enkidu. Subalit kalaunan,
naging sanggang-dikit ang dalawa.

Dahil sa pagkakaibigan, naging magkakampi ang dalawa sa


pagpapatumba sa mga kalaban tulad ni Humbaba. Subalit dahil
sa patuloy na pakikipagdigma ng dalawa, ang mga diyos ay
hindi natuwa kaya naman ang isa sa kanila ay nakatakdang
mawala, at ito ang naging sanhi ng pagkakaratay ni Enkidu sa
mahabang panahon.
Ang kahiya-hiyang pagkamatay
Dahil sa pagkakaratay ay nagkaroon ng iba’t ibang panaginip si
Enkidu na siyang nagbigay ng katuturan sakanya kung bakit
niya sinapit ang kinahantungan.

Binigyan niya ng paalala si Enkidu na siyang nagundyok upang


manalangin ito, subalit sa paglipas ng mga araw, binawian ng
buhay si Enkidu.

At hindi makakalimutan ni Gilgamesh ang huling tinuran nito


“Kaibigan, pinarusahan ako ng mga dakilang diyos at
mamamatay akong kahiya-hiya.

Hindi ako mamamatay tulad ng mga namatay sa labanan;


natatakot akong mamatay, ngunit maligaya ang taong namatay
sa pakikipaglaban, kaysa katulad kong nakahihiya ang
pagkamatay.”

Ang Pag-alala
Nalungkot si Gilgamesh sa pagkawala ni Enkidu kung kaya
naman pitong araw niya utong ipinagluksa. Matapos ng
panahong ito, siya ay nagpagawa ng estatwa upang alalahanin
ang yumaong kaibigan..

Tauhan
1. Anu – ang diyos ama ng langit

2. Ea – ang diyos ng karunungan at nagsilbing kaibigan ng mga


mamamayan

3. Enkido – ang matapang na katunggali ni Gilgamesh na kalaunan


ay naging matalik niyang kaibigan

4. Enlil – ang diyo ng mundo pati ng hangin.


5. Gilgamesh – pinuno ng Uruk at pangunahing tauhan ng epiko

6. Ishtar – ang tinaguriang reyna ng mundo at diyos ng digmaan at


pag-ibig

7. Ninurta – diyos ng alitan

8. Shamash – diyos na kaugnay ng batas ng mga indibidwal at ng


araw

9. Urshanabi – manlalakbay sa dagat na tinatawag na kamatayan

10. Utnapishtim – biniyayaan ng walang hanggang buhay

Aral
Ang aral na matutunan sa epiko ay ang tunay at busilak na
pagmamahal at pagpapahalaga sa isang kaibigan na hanggang
sa pagkawala nito, walang makatitibag sa tiwala at
pagmamahal sa isa’t isa.

Tagpuan
 Uruk – ang lugar na pinaghaharian ni Gilgamesh

 Kagubatan ng Cedar – kagubatang tirahan ni Humbaba na


natalo nina Enkido at Gilgamesh. Pagkatapos ay pinatag ito.

 Kagubatan – nagsilbing tahanan ni Enkido.

Tema
Ang tema ng epiko ay ang kabayanihan at kahalagahan ng
pagkakaibigan

Banghay
Ang epiko ay nagsimula sa pagpapakilala kay Gilgamesh bilang
isang mayabang at abusadong hari ng Uruk. Dahil sa
kayabangan ay nanalangin ang mga tao na ito ay mawakasan
kung kaya ipinadala ng mga diyos si Enkido na nanirahan sa
mga kagubatan.

Nang magtagpo ang landas nina Enkido at Gilgamesh naglaban


ang mga ito at nagwagi si Gilgamesh. Subalit sa huli, naging
magkaibigang matalik ang dalawa na naging magkasangga pa
sa pakikipaglaban.

Isa sa kanilang natalo si humbaba na kung saan ang tirahan


nito ay kanilang pinatag. Dahil sa hindi natuwa ang mga diyos
sa dalawa, itinakda ng mga ito na may isa sa kanila ang
mawawala.

Matapos nito ay naratay sa sakit si Enkido at hindi na


nabigyang lunas pa kahit na nanalangin at naki-usap ni
Gilgamesh sa mga diyos.

Sa huli, namatay si Enkido na siyang ikinalungkot ni Gilgamesh.


Ipinagluksa niya ang kaibigang matalik sa loob ng pitong araw
at pagkatapos ay kanya itong pinatayuan ng estatwa bilang
pag-alala.

You might also like