You are on page 1of 1

ALAMAT NG BAYABAS

Sa makasaysayang nitong unang pagtatanghal, pumukaw sa ating mga damdamain ang kwento
ng alamat ng bayabas kung saan tampok ang mga boses ng award-winning actor na si Pen
Medina at child actor na si Jaster Harvey Almoneda

Ito ay hango sa kuwento ng isang gahamang haring si Barabas (Pen Medina) na walang ginawa
kung 'di kamkamin ang lahat ng pagkain ng kanyang nasasakupan.

Dahil sa pagpapahirap ng hari, dumulog si Bunsoy (Jaster Harvey Almoneda) at ilang mamayan
sa bayan ng hari kay Diwatang Migbibaya.

Isang araw, habang nilalantakan ang isang buong manok, bigla na lamang nahimatay sa
kabusugan si Haring Barabas at hindi kalaunang ay binawian ng buhay.

Nilamon si Haring Barabas ng kapangyarihan at kasakiman, marami ang nagdusa at naghirap


noong nabubuhay pa siya. Sa kanyang pagkamatay, natapos ang pagdurusa ng kanyang bayan.

Kaunlaran, katarungan, malasakit, at kabayanihan ang ipinamana ng mga naunang hari ng


kanilang bayan. Pero si Haring Barabas, walang iniwan kung 'di isang aral sa mga susunod na
mamamuno sa kanilang bayan.

Isang araw, namitas ang ilan ng bunga ng puno na tumubo sa puntod ng sakim na hari. Mapait at
matigas ang mga bunga nito na inihalintulad nila sa namayapang diktador.

Dumating ang panahon, unti-unting nahinog ang mga bunga nito at naging matamis at masarap--
isang pabuya sa kanila ni Diwata Migbibaya matapos silang pagkaitan ng masasarap na pagkain
ni Haring Barabas.

You might also like